ไม่สามารถเล่นวิดีโอนี้
ขออภัยในความไม่สะดวก

PNA 6. Paano gumawa ng kasulatan sa lupa?

แชร์
ฝัง
  • เผยแพร่เมื่อ 4 เม.ย. 2022
  • Mga katanungan na sinagot ni Attorney sa seryeng ito:
    0:20 - Paano gumawa ng kasulatan sa lupa
    4:08 - Banyaga, pwedeng magkaroon ng lupa sa Pinas
    6:25 - Bumili ng lupa, kinasuhan
    #PayoNgAbogado #PNA #legalopinion #UsapangLupa #alien #citizenship #contract #lupa #kasulatan

ความคิดเห็น • 189

  • @tedomega8327
    @tedomega8327 2 ปีที่แล้ว +4

    Gud po snyo jan atty sampu ng inyong kasamahan jan god.bless.poh

  • @panconcepcion22
    @panconcepcion22 ปีที่แล้ว +2

    salamat po sa mga payo. mlaki pong tulong ito sa akin. dami kong natutunan lalo nat isa din akong nakabili lang ng rights.. more power po.

    • @payongabogado1937
      @payongabogado1937  ปีที่แล้ว

      salamat po sa pagsuporta sa aming channel 😇

  • @matipuno1887
    @matipuno1887 2 ปีที่แล้ว +2

    dami natutunan s channel n to, salamat po

    • @payongabogado1937
      @payongabogado1937  2 ปีที่แล้ว

      salamat po!

    • @payongabogado1937
      @payongabogado1937  ปีที่แล้ว

      th-cam.com/video/wq0rm9ZFW9E/w-d-xo.html special shout out po para sa inyo. Salamat po sa pagtangkilik. God bless po.

  • @RomeoCruz-zt1mw
    @RomeoCruz-zt1mw 2 หลายเดือนก่อน +1

    Atty nakabili po ako ng lupa bali 2nd owner na po ako kaya lang po sa 1st owner pa po nakatitolo cloa po, kaya lang po noong pinapipirma ko po sa
    authorization para sa tax dec. ayaw po nya pumirma notarized po yung deed of sale pirmado sya kaya lang po itinatangi nya anu po ang dapat naming gawain salamat po si Romeo Cruz nga po pala ng Samal Bataan Salamat po

  • @user-tr7mk5yc1l
    @user-tr7mk5yc1l หลายเดือนก่อน

    Gud morning po atty..ano po Ang dapat Gawin Wala po kaming hawak kahit ano nabili nag Lola ko ung lupa noon na Wala man lang hawak na papel.ano pong gawin.salamat po.

  • @jayellababon4908
    @jayellababon4908 14 วันที่ผ่านมา

    Atty Maka pangyarihan ba ang kasulatan. Po. Kasi po Yong pinag patayoan ng pamily house ng Lola at Lolo ko.. Mykasulatan po na palitan. NG dalawang side. Na pumirma po sila. Kong anog zise po Yong lupa ganun din po Yong naipalit..

  • @gRaciebrokenheart
    @gRaciebrokenheart 10 หลายเดือนก่อน +2

    good eve po attorney,npaka laking pasasalamat ko po at napanood ko ang video na ito,,,hihingi lang po ako ng payo yung pamangkin po kasi ng mr ko nkiusap mkitayo sa lupa ng asawa ko sbi pansamantala lang daw po ngayon ilang taon na sila nkitira dito samen nag away kame nun pamangkin ng mr ko kasi po nanggugulo,,pinalalayas ng mr ko ayaw po umlis at sbi ng nanay nya na ate ng mr ko my karapatan daw po sila sa lupa ng asawa ko pero ang nkapangalan po sa kasulatan nun binili ang lupa eh pangalan ng mr ko ,ngayon po pinagtutulungan ng mga kapatid na babae ang mr ko gusto bayaran namen yung bahay ng pmangkin nya tapos yung kadikit n bhy titirhan prin ng nanay nya na ate ng mr ko,,my karapatan po ba paalisin ng mr ko pamangkin nya sa lupa nya n sya po nkapangalan at my hahabulin po ba ang mga kapatid sa lupa,,at obligado po ba bayaran namen yung bahay nila itinayo sa lupa ng mr salamat po

    • @payongabogado1937
      @payongabogado1937  10 หลายเดือนก่อน

      Salamat po sa inyong suporta at panonood sa aming videos.
      Hindi kayo obligado magbayad sa bahay nila. Alam nila hindi sila ang may-ari ng lupa at sila ay builder in bad faith sabi ng batas.
      Idemanda nyo ng unlawful detainer (ejectment case) para mapalayas sila ng korte.

  • @ronaopeniano3427
    @ronaopeniano3427 2 ปีที่แล้ว +3

    Atty. Tanong lng po kung bilihang lampasan ng lupa
    Isang malaki po sya n lupa TAs ginawa po hati hati ginawa ng subv. Pano po maililigal ung kasulatang lampasan.
    Kylangan po b na I NOTARY
    BAYAD na po kac dipa lng napa tilulo kc ang sabi po ng may Ari ng lupa sabay sabay daw po pag nka byad n lahat

    • @payongabogado1937
      @payongabogado1937  ปีที่แล้ว

      narito po ang tugon: th-cam.com/video/ovtQndKnLaE/w-d-xo.html

  • @amadoiran4155
    @amadoiran4155 ปีที่แล้ว +3

    Good am atty Bali my nabili kami ng Asawa ko sa tyahin nya na lupa na minana lang din nya sa nanay nya kaso Ngayon na natayoan na ng bahay gusto nya na ibalik Yung bayad Namin sa lupa pero may kasulatan kami sa barangay

    • @payongabogado1937
      @payongabogado1937  ปีที่แล้ว

      Ano ba usapan nyo sa pagbili?
      Pacto De Retro Sale ba? Ibig sabihin ay muling bibilhin sa inyo ng tiyahin?
      Kung may usapan kayo na bibilhin muli sa takdang panahon ay dapat hindi ka muna nagtayo ng bahay.
      Malaking pera na ang involved dyan kasi kung bibilhin pabalik yun lupa ay paano ang bahay?
      Anong kasulatan nyo sa Barangay?

    • @amadoiran4155
      @amadoiran4155 ปีที่แล้ว

      Wala naman po kaming kasulatan na bilhin nya ulit Yung lupa Ang maging kasulatan Po Namin sa barangay ay benta lang Po talaga

  • @kabyeros3136
    @kabyeros3136 2 ปีที่แล้ว

    Tanong lng po paano po kung Rights lng po ang lupa pano po gagawing proseso s pagbebenta at pagbili, salamat po s mga tips at talakayan ninyo malaking tulong po. More power

  • @AmaraLavarias-ih9tv
    @AmaraLavarias-ih9tv 11 หลายเดือนก่อน +1

    atty tanong ko lang po kapag nasukat na po ang lupa.. ng survior. may sukat na pong ducomento pwede na po ba itong patitulohan.. sa 680square meter magkano po kaya aabutin

    • @payongabogado1937
      @payongabogado1937  10 หลายเดือนก่อน

      Hindi lamang po 'yung sukat ang kailangan sa pagpaparehistro ng lupa. Kung iyang lupa ay binili n'yo ay dapat may deed of sale at bayad na ang capital gains tax. Kung minana ninyo ang lupa dapat ay bayad ninyo ang estate tax at mayroon kayong extra judicial partition o 'yung desisyon ng korte sa judicial partition kung umabot sa korte ang hatian nyo sa lupa. Dapat ay mayroon ka rin ipakita na tax declarations sa Register of Deeds.

  • @luvelymabingnay4625
    @luvelymabingnay4625 ปีที่แล้ว +3

    good day po . tanung ko po sna kung ang pinsan ko ay ibebenta ang parte ng kanyang lupa sa akin . nkapag bigay na po ako ng pera pero ang lupa ay di pa sa knya nakapangalan kaya di po matuloy ang amin pa notaryo dahil sinabi saamin na may babayaran daw po kmi na 6 tax po ata sa un galing BIR . sa brgy din ay hindi kami mkagawa kasulatan dhil di daw po pwede . tanung ko po sana kung maarinba kami gumawa kasulatan sa papel lamang at mag pirmahan lang kami dalawa ng akin pinsan ?

    • @luvelymabingnay4625
      @luvelymabingnay4625 ปีที่แล้ว +1

      6k po iyong 6

    • @payongabogado1937
      @payongabogado1937  ปีที่แล้ว

      pwede kayo gumawa ng deed of sale para may katibayan ka na binili mo na yun parte sa lupa ng pinsan mo.
      Kasi ang unang ginagawa sa ganyan ay maghatian na sa pamamaraan na gumawa ng Extra Judicial Settlement of Estate, para maliwanag yun binibili mong parte ng lupa ay nakalaan talaga sa pinsan mo.

  • @allancastuera9393
    @allancastuera9393 หลายเดือนก่อน

    Mam,pano po ung gagawin nmin,kmi po ng mga ksama ko na mga umuupa sa lupa,ay namatay n ung may ari at ung isang anak,pero binenta ng isang anak sa isang judge ,na client cila.pumunta po ung judge dun sa lupang inuupahan nmin,at pinapaalis n kmi ng desember2024,ang hawak nya ay TCT. n trasfer lang din sa may ari ng inuupahan nmin.ngaun pumunta kami sa city hall,walang lumalabas sa no. Pinicturan nmin ung transfer cert,title.,sinearch sa computer,walang lumalabas at wala rin tax,kc nag babayad nman kmi.hinde po kaya naipagawa nya n ng titulo o walang titulo.pano po gagawin nmin,mahirap po kcng makipag argumento dahil judge po cya.sana po mag reply kau sakin,ung judge po ay c SUWERTE OFRECIO ang pangalan.

  • @merryfanemejorada243
    @merryfanemejorada243 2 หลายเดือนก่อน

    Hi attorney paano po kung 1982 pa bngay ang lupa kasulatan Lang po pwdi po ba un mapatituluhan kahit wala po notaryo?sana masagot nyo po salamat

  • @DavidSantos-xw6hn
    @DavidSantos-xw6hn 8 หลายเดือนก่อน +1

    Pano po kung rights at pinag aagawan ng mga heirs

    • @payongabogado1937
      @payongabogado1937  6 หลายเดือนก่อน

      Ang mga tigapagmana ay nagkakaroon lamang ng karapatan kung mamatay na yun pagkukuhaan nila ng mana. Halimbawa ay namatay na yun isang magulang, iyan may right na sila makamana or maging may-ari ng mga kayamanan naiwan ng namatay na magulang. Pero kung buhay pa ang dalawang magulang ay wala pang karapatan ang mga anak sa kayamanan. Eh kung ang anak ang unang mamatay?

  • @bosschu5823
    @bosschu5823 2 หลายเดือนก่อน

    atty. may tanong lang po ako
    naka bili ang nanay ko ng lupa noong 1997 at may kasulatan pero hindi ko lang alam sa ngayun kung may notaryo
    ba kasi hindi ko pa nakita kung sakaling walang notaryo ang kasulatan nila tsaka ngaun lang 2024 ipa notaryo pwede ba yon atty. salamat po atty hintayin ko yung sagot para laman ko salamat atty.

  • @loreliepolleros9021
    @loreliepolleros9021 ปีที่แล้ว +1

    pano po gumawa ng kontrata ng pag bebenta ng lupa, ang lupa ay sa banko at binigyan ang hoa ng authorize na i benta ang lupa

    • @payongabogado1937
      @payongabogado1937  ปีที่แล้ว

      'Yung buyer pupunta sa banko, at 'yung may ari ng lupa. Sila dalawa pupunta sa banko para clear sa banko ang usapan.

  • @vitaapolinario2372
    @vitaapolinario2372 ปีที่แล้ว +2

    Good day po atty tnong q lng po kong may expiry date po ba ang pag notary?salamat po sa sagot more power po.

    • @payongabogado1937
      @payongabogado1937  ปีที่แล้ว

      Walang expiry yan.
      Pero kung yun notaryo sa Deed of Sale ay ipakikita nyo sa BIR, at matagal na yun notaryo, kayo ay pagbabayarin ng penalty dahil late submission. Pero yun notaryo ay forever yan.

  • @tonysialongo5657
    @tonysialongo5657 9 หลายเดือนก่อน

    Goodmorning po attorney nag benta po ng lupa ang nanay ko dahil kailangan po namin ng pera.. May buyer naman po.. Pero nag down ng 400k tapos 12months to pay po ang ibang bayad.. Naka bayad na po ng 8 months pwede po ba e cancel nalang namin at ibalik nalang ang pera na nabayad nila.. Pero hindi bulto hulogan nalang po namin?

    • @payongabogado1937
      @payongabogado1937  7 หลายเดือนก่อน

      Kung papayag na ibalik ay okay 'yun.
      Kung hindi papayag ay magkakaproblema ka. Breach of contract 'yang aatras sa usapan. Baka idemanda ka nila kung hindi mo tuparin 'yung napagkasunduan ninyo.

  • @sarappinas5990
    @sarappinas5990 ปีที่แล้ว +4

    Magandang gabi, Attorney. Kami po ay nais na bumili ng bahay at lupa sa PAGIBIG (Acquired Asset). Ifu-full payment po namin ito. Tinanong po namin ang PAGIBIG patungkol sa titulo kung kelan ang posibleng paglabas nito under sa pangalan namin. Ang nasabi po nila ay, aabot raw po ng 2 taon. Napakatagal.
    Ang tanong ko po, kung nabili na po namin ito at nais rin po namin itong ipagbili, maipagbibili po ba namin ang bahay kahit hindi pa naibibigay ni PAGIBIG sa amin ang titulo? Ano po ang magiging proseso para maging legal po ang transaksyon o bentahan kahit wala pa sa amin ang titulo?
    Pangalawang tanong ko po ay, kapag po ang binili namin na bahay ay nagpapabayad ang taong nakatira dito para sa napagawa nila sa bahay na na-foreclosed na ni PAGIBIG, tama po ba ito? O wala na po silang habol sa pag-aaring ito sapagkat napresyuhan na po ito ni PAGIBIG sa halagang para dito at nabili po namin ito sa halagang ito.
    Umaasa po ako na masagot po ninyo ang aming mga katanungan.
    Maraming Salamat po.

    • @payongabogado1937
      @payongabogado1937  ปีที่แล้ว +1

      Hindi mo na bibigyan 'yung taong nakatira sa foreclosed property. Dapat nga ay wala na sila d'yan kasi foreclosed na 'yung property. Pero baka may grace period pa sila kaya hindi pa sila pinapaalis ng PAG-IBIG. So medyo malabo 'yan 'pag binili mo 'yan. Ipu-full payment mo tapos hindi pa sa'yo ibibigay ang titulo. Medyo pag-isipan mo 'yan ng maigi. Kung binabalak mo ibenta matapos mo bilhin ay hindi mo maibebenta sa magandang presyo kasi wala pa ang titulo. Ang nagpapamahal sa lupa/bahay ay mayroong titulo. Mahirap kasi maglakad at magastos maglakad ng titulo.

  • @crisanampil8101
    @crisanampil8101 ปีที่แล้ว +1

    Magandang umaga po Atty.. Tanong ko lang po, ano po ang sakop ng tax amnesty sa lupa?cno2 po ang pwedeng makatanggap ng tax amnesty at hanggang kailan lang po pwede iavail ang tax amnesty sa lupa?sana po ay mabasa nyo ang tnong ko Atty,, salamat po

    • @payongabogado1937
      @payongabogado1937  ปีที่แล้ว +1

      Ang estate tax amnesty ay hanggang June 14, 2025.
      Pwede makinabang dito ay yun kamag-anak na namatayan noon December 31, 2021 o namatay bago sumapit ang December 31, 2021.
      Salamat po sa pagtitiwala.

    • @crisanampil8101
      @crisanampil8101 ปีที่แล้ว

      Ah akala kopo hanggang June 2023 nalang?

  • @reginedelamente7236
    @reginedelamente7236 7 หลายเดือนก่อน +1

    Hello Atty., I have a question po. Meron po kasi kaming lupa na binibenta ngayon pero walang titulo, tax declaration at sketch map lang meron kami which is sa parents ko talaga naka name pareho. Tapos ngayon my buyer na sana kaso sabi ng buyer palagyan daw ng land area coverage yung declaration, wala po kasing nakalagay na area doon tpos pinuntahan namin sa assessor pra palagyan ng land area kaso sabi ng assessor di padw po pwde kasi improvements palang daw po yung tax declaration namin at tsaka di padaw po nari release ng government yung lupa kaya di padaw po pwede lagyan ng area ung declaration at kahit kunan ng titulo di padin daw po pwede, after 2 to 3 years pa po daw once ma release yung land. So ano po best way na gawin para mabenta napo ang lupa asap? Pwede po ba yun may ibang attachment letter or docs na pwede mapakita sa buyer na sakto talaga yung sukat ng area namin na nakalagay sa sketch map? Super tagal pa po kasi kung maghihintay kami ng 2 to 3 years bago mabenta ang lupa, kelangan kasi namin ngayon ng financial. Sana po masagot nyo po concern ko. Maraming salamat po. God bless po sa YT Channel nyo. Dami ko pong natutunan :)

    • @payongabogado1937
      @payongabogado1937  6 หลายเดือนก่อน

      Kasi bahay lang yun binabayaran ng real property tax. 'Yung lupa kasi ay hindi pa totally naibibigay sa inyo.
      Kung binili nyo 'yung lupa ay ipakita n'yo sa buyer n'yo 'yang deed of sale. Kung walang deed of sale at basta lang kayo nagtayo ng bahay ay gumawa kayo ng dokumento na ipinagbibili ninyo ang right/karapatan n'yo sa bahay.

  • @eiram3957
    @eiram3957 3 หลายเดือนก่อน

    Ma’am tanong ko lang po,nasa amin po ang tituLo ng lupa,gusto po nmin gumwa ng kasulatan na kapg namatay po ang mga taong pinatira Nmin eh bawal na po kaht anak o apo bila ang titira doon okay lng po ba yun?

  • @user-kt8rt1yo5p
    @user-kt8rt1yo5p 8 หลายเดือนก่อน +1

    Magandang umaga po atty! Pwede po bang ipanullify ang tax declaration na ipinagawa ng iba at hindi yong original owner o tagapagmana?

    • @payongabogado1937
      @payongabogado1937  6 หลายเดือนก่อน

      Pwede. 'Yung may-ari lang ang may karapatan magkaroon ng tax declarations. Hindi pwede 'yan ipagawa ng ibang tao na walang karapatan sa lupa.

  • @joanasido
    @joanasido 9 หลายเดือนก่อน +1

    Magandang gabi atty.pwede pa bang mabago ang usapan sa lupa kahit ito ay nka notaryo na?

    • @payongabogado1937
      @payongabogado1937  9 หลายเดือนก่อน

      Pwede naman mabago sýempre, basta lahat ng mga taong nabanggit sa unang notarized document ay maisasama sa bagong document na gusto n'yong gawin. Kapag hindi lahat ay kasali ay hindi ninyo mababago ng maayos 'yung unang document.

  • @Kusinero428
    @Kusinero428 10 หลายเดือนก่อน +1

    Pwedi ba Gumawa Ng kasulatan at pa notaryo khit wlang abogado na involve

    • @payongabogado1937
      @payongabogado1937  9 หลายเดือนก่อน

      Pwede gawa kayo ng kasulatan, kayo mismo. Kapag ayos na ay ipanotaryo n'yo na lang.

  • @jamespalaganas1246
    @jamespalaganas1246 2 ปีที่แล้ว +1

    Atty,may. Expiration po ba ang memorandum of agrrement

    • @payongabogado1937
      @payongabogado1937  ปีที่แล้ว

      narito po ang sagot - th-cam.com/video/ovtQndKnLaE/w-d-xo.html

  • @bacerrajohnftm6298
    @bacerrajohnftm6298 6 หลายเดือนก่อน +1

    Good day po. .Tanong ko lang po, what if kung ung contract namin ay sa barangay lang at kulang pa ung nabayad ko at di na kami nagkasundo, kasi sa verbal agreement nmin is hindi sila sumunod. So gusto ko pa ipabalik nlang ung bayad ko, sabi nila e pa forfiet daw po nila at di nila ibabalik ung bayad ko. Pwd po ba nila ipa forfiet un. Ano po dapat kong gawin para mabalik sakin ung bayad ko. Salamat po sa sagot.

    • @payongabogado1937
      @payongabogado1937  5 หลายเดือนก่อน

      Kung ang seller ay may kasalanan ay dapat n'ya ibalik ang binayad mo. Hindi n'ya pwede forfeit 'yun kasi siya ang may kasalanan. Hindi pinapayagan ng batas ang taong nagkamali ay magkakaroon ng benepisyo sa ginawa n'yang pagkakamali. Maibabalik sa'yo ang perang ibinayad mo kung ang seller ang may kasalanan.

  • @dinagascon6327
    @dinagascon6327 10 หลายเดือนก่อน +1

    Good morning po attorney
    My nabili po kaming lupa sa tiyahin ng asawa ko.di nakapangalan sa kanya dun sa kasulatan name pa nung mayari.then yung price ng pinambili namin ay di na yun yung nakasaad sa kasulatan.salamat po

    • @payongabogado1937
      @payongabogado1937  9 หลายเดือนก่อน

      Kapag bibili kayo ng lupa ay sa may-ari mismo... kung kanino nakarehistro ang lupa ay dapat sa kanya ninyo bibilhin. Ang tao na hindi naman nagmamay-ari ng lupa ay walang karapatang magbenta ng lupa. Tignan ninyo ang titulo ng lupa kung kanino nakapangalan, tignan n'yo ang tax declaration kung kanino nakapangalan. Huwag ninyo bibilhin ang lupa sa tao na hindi naman nakasukat 'yung pangalan sa titulo o hindi nakasulat sa tax declaration. Thankyou sa tiwala at suporta.

  • @luzvimindadb1898
    @luzvimindadb1898 ปีที่แล้ว +1

    Gud day po attorney.tanong q lng po pwede po ba mabawi Ang lupang naka cloa title na ibeninta ng tatay q sa aming kakilala at my permahan sla at ksunduan pero kmi po Ang nag babayad ng buwis at NASA Amin pa ang cloa title.

    • @payongabogado1937
      @payongabogado1937  ปีที่แล้ว

      'Yang lupa ay under ng CLOA ay hindi pwede ibenta ng benipisaryo sa loob ng sampung taon.
      Kung ibinenta 'yan, dapat may DAR consent, ibig sabihin ay pumayag ang DAR ibenta ang CLOA.

  • @Nilpogi1131
    @Nilpogi1131 3 หลายเดือนก่อน

    Hello po atty paano po kung may nakabili po ng lupa sa lolo ko pero namatay napo sya at blangko po ang nakalagay na sukat sqm . Pero sinsabi nung bumili 200sqm daw po paano po kaya

  • @ismaelricafrente3638
    @ismaelricafrente3638 9 หลายเดือนก่อน

    Paano Po kung sinanla nila at dpo nakangalan sa kanila pero titulo lang Po at tiwala lang Ang pinagbatayan salamat Po pag sinagot nio

    • @payongabogado1937
      @payongabogado1937  9 หลายเดือนก่อน

      1. Ang magsasangla ng lupa dapat 'yung may-ari ng lupa,
      2. Kapag hindi isinangla ng may-ari ay walang bisa 'yang sanglaan,
      3. Ang sanglaan ay dapat nakasulat sa papel, at maganda kapag notaryado ang dokumento ng sanglaan,
      4. Kung walang dokumento ng sanglaan at tiwala lang ay malamamg hindi igalang ng nagsangla 'yung usapang sanglaan,
      5. 'Yung pinagsanglaan ay pwedeng masayang ang pera n'ya kapag hindi tinupad ang usapan ninyo tungkol sa sanglaan

  • @marcydomingo1048
    @marcydomingo1048 2 ปีที่แล้ว +1

    Gd pm po,, attorney tanong ko po sino po ang mas mhalaga bilang witness sa bilihan ng lupa anak or kptid, slmat po

    • @payongabogado1937
      @payongabogado1937  ปีที่แล้ว

      Panoorin po ninyo ang sagot ni attorney sa videong ito - th-cam.com/video/wq0rm9ZFW9E/w-d-xo.html

    • @payongabogado1937
      @payongabogado1937  ปีที่แล้ว +1

      Please subscribe kung may natutunan po kayo. Salamat at God bless po!

  • @VictorMartinez-oo9lt
    @VictorMartinez-oo9lt 7 หลายเดือนก่อน +1

    Hingi po ng advice ,squater area po kami at walang titulo pero may sela po napinagkaloob ,kapatid po ngtatay ko lumapit sa nanay ko binenta ang portion ng lupa noong 2017 sinangayunan po ito ng iba niyang kapatid at pumirma sa kasulatan gustu po naming dalhin sa barangay para mat saksi pero ayaw nila dahil magkakapatid daw po at may minding binding na nangyari sinunod sila ng nanay ko pero may kasulatan na may portion na binenta ng60 k at nanay ko nakabili.ngayon po hinahabol uli ito at dinedeny na nagpirma sila at sinasabing wala daw kwenta papel na pinirmahan nila ,lagi po nila kami pinapabarangay at pilit binabawi samantalang sya pa unang nakapirma at angisa naman aydi daw nya binass pinirmahan nya pwede po ba nila mabawi gayong wala naman titilo sela lang hawak nila at sila mismo lumapit sa nanay ko para bilhin.

    • @payongabogado1937
      @payongabogado1937  6 หลายเดือนก่อน

      Pinepeste kayo kaya lagi kayo nirereklamo. Kapag nabwisit na kayo ay aalis na kayo at kanila na 'yung lupa. Sa usaping lupa minsan ay nanalo 'yung matapang kahit na sila ang mali. Kung alam ninyo na binili n'yo 'yan at may dokumento kayo ay huwag kayong umalis. Ipaglaban n'yo 'yang karapatan n'yo sa lupa kasi binili n'yo 'yan.

    • @markjovensomoza-yw9mr
      @markjovensomoza-yw9mr 3 หลายเดือนก่อน

      Nelda canales

  • @user-vv1bg4kj3m
    @user-vv1bg4kj3m 10 หลายเดือนก่อน +1

    Magandang Araw Po atty.ang lupang aming tinitirikan ay nakasangla pero Ang Sabi sa Amin ay may cancellation na Sila Ng aming puntahan sa RD ay Hindi pa raw Po cancell at sa halip ay nagrerequest Sila Ng affidavit of loss title bakit Po ganun

    • @payongabogado1937
      @payongabogado1937  10 หลายเดือนก่อน +1

      Sino may hawak ng titulo ? 'Yung tiulo n'yo ba ay ibinigay ninyo sa pinagsanglaan? Kung ibinigay ninyo ay siguro nawala nila ang titulo kaya humihingi ang RD ng affidavit of loss title.

    • @user-vv1bg4kj3m
      @user-vv1bg4kj3m 10 หลายเดือนก่อน

      @@payongabogado1937 pinahulugan Po sa Amin Ng 500/sq.m. pero di Po nmin alam na nkasangla Po pla lately lng Po nmin nalaman Ng nagrequest Po kmi Ng photocopy sa RD at doon nmin nalaman...mahigit kmi 100 families dto at yong iba ay relocation po...may fully paid na Po na iilan pero kahit deed of sale Wala Po Silang ibinigay

  • @kaydenbenito
    @kaydenbenito ปีที่แล้ว +1

    Attorney may kasulatan po kami NG madrasta sa lupa NG asawa ko ngunit hindi ko PA Napa notary. Pwede po ba mapanotary kahit walang valid ID silang binigay. Noonng year 2010 PA po kami dito nakatira hang gang sa kasalukuyan.

    • @payongabogado1937
      @payongabogado1937  ปีที่แล้ว

      Naku hindi 'yan inonotaryo at napakatagal na.
      Kung magpupunta kayong lahat sa notaryo publiko, lahat kayo na nakasulat ang pangalan sa dokumento ay pwede 'yan notaryuhin.

  • @enclearefoundation
    @enclearefoundation 11 หลายเดือนก่อน

    Atty Good Day! Pwede bang alisan ng karapatan PARA MAGMANA ang mga anak na sumira sa family values,nagbigay ng kahihyan sa family , involved sila sa mga illegal activities at ang nagbigay ng sama ng loob sa magulang at lumalaban? at Paano kung ang tatay ay consintedor? Valid ba kung mother or father ang mag alis ng inheritance.. call me RASTY...MORE POWER PO SA INYO..

    • @payongabogado1937
      @payongabogado1937  11 หลายเดือนก่อน

      Pwede siya alisan ng mana. Dapat gumawa ng last will and testament at isulat doon na hindi pinamamanahan kasi nagbigay ng kahihiyan sa pamilya. Dapat ay recorded at may ebidensiya talaga na sinira ang malinis na pangalan ng pamilya.

  • @cherrymanalo7249
    @cherrymanalo7249 2 ปีที่แล้ว

    Magandang hapon po new subscriber po ako paano po ba paggawa ng kasulatan Kung may kahati sa pagbili ng lupa salamat po Sana massgot nyo po ang aking katanungan.

  • @jennyroseabamo5222
    @jennyroseabamo5222 11 หลายเดือนก่อน +1

    Atty. paano po kung marami ang co owners ng lupa at isa sa mga co owners ay nagbenta at nagbigay ng rights lang.
    Mapapawalang bisa ba ito kahit ipanotaryo?

    • @payongabogado1937
      @payongabogado1937  11 หลายเดือนก่อน

      Pwede ipawalang bisa kung kayong mga co-owners ang maghahabol dahil gusto ninyo bilhin ang lupa. Ang co-owners kasi ang may unang karapatan na bumili sa lupa. Kung hindi bibilhin ng co-owners ay saka na lamang pwede ibenta sa ibang tao.
      Hindi 'yan mapapawalang bisa ng notaryo. Korte ang magdedesisyon kung pwedeng ipawalang bisa ang ginawang pagbebenta.

  • @lovelyocmer7402
    @lovelyocmer7402 2 ปีที่แล้ว +2

    Hello po pwede po ba mgtnong?

  • @AmaraLavarias-ih9tv
    @AmaraLavarias-ih9tv 11 หลายเดือนก่อน +1

    atty saka yong .. may kasulatan po na bili ng mga magulang ko.. may lasulatan po kung ilang sukat or saan banda may ducomento.. na naka notaryo po .. ngayon pinasukat .. po namin yong kasulatan na yon.. binabakoran na po namin sa kabila. yong may ari ng mother of tittle mga anak na rin po sila di po sila napayag.. at di raw po saamin yon.. ?ngayon may pinapakita kami na deed of sale na nakanotaryo.. saka may sukat na po ng survior.. sabi daw po ihh peke.. pwede na po ba itong patitulohan?

    • @payongabogado1937
      @payongabogado1937  10 หลายเดือนก่อน

      Hindi lamang po 'yung sukat ang kailangan sa pagpaparehistro ng lupa. Kung iyang lupa ay binili n'yo ay dapat may deed of sale at bayad na ang capital gains tax. Kung minana ninyo ang lupa dapat ay bayad ninyo ang estate tax at mayroon kayong extra judicial partition o 'yung desisyon ng korte sa judicial partition kung umabot sa korte ang hatian nyo sa lupa. Dapat ay mayroon ka rin ipakita na tax declarations sa Register of Deeds.

    • @AmaraLavarias-ih9tv
      @AmaraLavarias-ih9tv 10 หลายเดือนก่อน

      atty.. sa sinaaabi po nila na fake ang aming kasulatan. na nabili ang lupa.. at may proeba po na nabili ang lupa.. ng magulang namin sa mga magulang nila..yong papers na po iyon ay may deed sale po sya at nakapirama po mga magulang din nila.. at nakanotaryo po... may laban po ba sa korte yan kapag kinaso nila.. sinaaabi kasi nila na fake raw.. ang mga papeles namin... sa mga papers na pong iyan ano po dapat kung unang gawin para.. maprocess amg pagpapatitulo ng lupang iyon mam??? saka pala mam na pasukat narin namin sa suveyior.. at ginawahan na po ng vicinity map .. na stop lang di po napatitulohan agad.. kasi naubosan ng pera.. now.. mam ano po ba dapat kung unang gawin ?? salamt atty.

  • @Eatingfood7
    @Eatingfood7 ปีที่แล้ว +1

    Poide Po ba namin ma bawi ang titulo ng lupa kc gusto ng abogado na kukunin na ang lupa na ginawa pang bayad para maka laya kapated ko

    • @payongabogado1937
      @payongabogado1937  ปีที่แล้ว

      kung marami kayong may ari sa lupa, dapat lahat kayo pumirma para ipambayad yung lupa sa attorney. Kung hindi lahat pumirma ay pwede yan mabawi sa loob ng tamang panahon ay dapat bawiin. Kapag lumagpas kasi sa loob ng tamang panahon ay hindi nayan mababawi. Lalong hindi
      mababawi kung mabibili yan ng tao na sinasabing in good faith

  • @angelicavillacorta8383
    @angelicavillacorta8383 10 หลายเดือนก่อน +1

    Atty gd am po. Yung. Pong mamanahin na lupa ng aking ina sa aking lola. Paano pagawan ng kasondoan o kasulatan na. Epangalan napo saking diretsyo gayung nag iisang anak lang po ako ng mama ko. ...piro hindi papo na hati2x nilang mag kakapatid ng mama ko yung lupa. Buhay pa po yung lola ko. Pwdi po kayang. Gumawa ng kasulatan o. Titulo ng lupa sa pangalan ko?

    • @payongabogado1937
      @payongabogado1937  10 หลายเดือนก่อน

      Buhay pa lolo mo. Siya may-ari ng lupa. Hindi pwede mapunta sa pangalan ninyo ang lupa. Kung i-donate ng lola nyo sa inyo ay pwede mapunta sa inyo. Pero dapat hatiin ninyo ng maayos ang lupa. Ipasukat n'yo sa geodetic engineer para gawaan ng sketch plan kung saan banda ang lupa ninyo. Dapat ay may sketch plan para huwag kayo mag-away.

  • @myvlogfortoday8262
    @myvlogfortoday8262 หลายเดือนก่อน

    Kumusta po attorney, patay na po ang tatay ng may ari ng lupa,ngunit yong isa anak bininta nya yong kanyang parti pwedi po ba kahit hindi na pumerma yong iba nya kapatid,? Pero yong nanay po hindi kasal pero pumirma pa din

  • @user-vv1bg4kj3m
    @user-vv1bg4kj3m 10 หลายเดือนก่อน

    Good day po atty.possible Po bang Wala na sa system Ng bureau of land Ang Isang property pero active pa Po sa RD? Maraming salamat po

    • @payongabogado1937
      @payongabogado1937  9 หลายเดือนก่อน

      Oo posible 'yan wala na sa system kasi 'yung system ay pwede 'yan masira o makorap. Ang titulo ng lupa ay para rin 'yan marriage contract. Mayroong kopya ang mga concerned agancies ng gobyerno. Kung walang eksaktong kopya ay mayroon namang details tungkol sa history ng lupa.
      Salamat sa suporta at pagtitiwala n'yo sa Payo ng Abogado.

  • @regaladonatanawan7783
    @regaladonatanawan7783 ปีที่แล้ว +1

    Good morning po atty, magtatanong po ,may nabili po ang parents ko na lopa , 10 hectars may deed of sale na notaryado ng abogado, ang titolo ay hindi po nakoha ng parens ko dahil isinanla ng aming nabilhan noong bago pa namin nabili sa banko at ng matubus nia ito , ay ibinenta sa iba , ano po ba ang dapat naming gawin ,,,salamat po,,

    • @payongabogado1937
      @payongabogado1937  ปีที่แล้ว

      Ang dapat n'yo gawin ay pumunta kayo sa Register of Deeds. Ipakita ninyo ang Deed of Sale sa Register of Deeds at ipa-annotate ninyo, iparecord ninyo yun deed of sale sa titulo para makita ang karapatan ninyo sa lupa. Dapat din ay pumuwesto na kayo sa lupa ni binili ninyo. Mabuti 'yung naka posisyon na kayo sa lupa na binili ninyo.
      Kausapin din ninyo 'yung binilhan ninyo na pwede sila makasuhan ng estafa-criminal case dahil ibinenta ulit nila 'yung lupa. Panloloko 'yang ginawa at estafa ang kaso n'yan. Makukulong iyan mga nagbenta ulit ng lupa.
      Salamat sa inyo.
      Ingat kayo.

  • @michaeldodspanoncillo4189
    @michaeldodspanoncillo4189 6 หลายเดือนก่อน +1

    Atty my bibilhin ako lupa sino ba dapat ang gagawa ng deed of sale abogado ba or ung seller lg. Tnx po atty

    • @payongabogado1937
      @payongabogado1937  5 หลายเดือนก่อน

      Dapat abogado gumawa para maging tama at naaayon sa batas. Magkakaproblema kayo sa future kung seller ang gagawa. Mayroon mga dapat isulat sa deed of sale na ang abogado lang ang nakakaalam. Sayang pera ng buyer kapag mali ang deed of sale. Basta may usaping legal ay magkonsulta sa abogado. Huwag kayo magtipid sa lawyer's fee para maproteksyunan ang inyong mga karapatan at ari-arian.

  • @dekampanilyaable
    @dekampanilyaable ปีที่แล้ว +1

    atty. paano po kung sinanla lang po sa akin ang titulo ng lupa at maron cheque kasama pero walang kasulatan.. matibay na po ba un

    • @payongabogado1937
      @payongabogado1937  ปีที่แล้ว

      Hindi 'yan matibay. Ang tseke ay hindi yan magpapatunay ng sangla ng lupa. Dapat ang dokumento ay yun Real Estate Mortgage(REM).
      1. Sangla ng Lupa.
      2. Sanglaan ng Kapirasong Lupa
      Dapat lagi mayroong dokumento kapag lupa ang usapin.
      Ang dokumento ay banko ng memorya ng tao.
      Sa katagalan kasi ay nakakalimutan ng tao ang totoong usapan. Kaya inuutos ng batas na dapat may kasulatan. Thanks.

  • @marcialaquino2010
    @marcialaquino2010 2 ปีที่แล้ว +1

    Atty almost 50 yrs n po nabili ng lolo ku ung lupang tinitirhan nmin ngayon patay n c lolo wala n rin ung deed of sale.hindi man po nai naisubsided ung lupang nabili sa mother title.ano po ang gagawin nmin.pra makakuha ng titulo.

    • @payongabogado1937
      @payongabogado1937  ปีที่แล้ว

      Kausapin n'yo 'yung may hawak ng mother title.
      Pakiusapan ninyo na gumawa kayo ng Deed of Sale sa lupa nabili ng lolo nyo. Pero hindi na lolo ninyo ang buyer. Kayong mga tagapagmana ang ilalagay sa deed of sale. Nawala n'yo kasi 'yung Deed of Sale kaya dapat gumawa kayo ulit ng bago.
      Sayang ang lupa kung mawawala sa inyo kasi lolo nyo ang may-ari at yun magulang nyo ang dapat magmana. Kung wala na magulang n'yo ay kayong mga anak ang magmamana.

  • @franciscovillareal9903
    @franciscovillareal9903 2 ปีที่แล้ว +1

    Nakabili po ako ng lupa sa priobinsiya.
    Pipirma po yung tita ko may ari ng lupa at mga pinsan ko mga anak niya.
    Anu pp pwede namen gawin para sa kasukatan na ako napo nakabili ng lupa salamat po

    • @payongabogado1937
      @payongabogado1937  ปีที่แล้ว

      Lubusang Bilihan ng Lupa ang dokumento na gagawin nyo.
      (Deed of Absolute Sale).
      Ilagay mo sa dokumento yun mga boundaries ng lupa at yun kabuuan ng lupa na binili mo para hindi manakaw sayo ang lupang binili mo

  • @user-se5nj1fl2x
    @user-se5nj1fl2x ปีที่แล้ว +1

    good day po maam/sir! Ask lang po ako kasi yung mama ko may nabiling lupa nung dalaga pa siya na pamana sa mga anak ng great gradpa ko. Then yung lupa nung nabili niya, ipinangalan sa lola ko (nanay ng mama ko). May karapatan parin ba si mama na ibinta ang lupa? Magulo po kasi sila ngayong magkakapatid dahil ayaw pumayag ng magkakapatid ksi nakapangalan sa nanay nila. Sana po masagot. Salamat po 🫶

    • @payongabogado1937
      @payongabogado1937  ปีที่แล้ว

      Sa batas ay kung kanino nakapangalan ang lupa ay siya ang kikilalaning may-ari. Pero kung ang lupa ay naipangalan sa tao sa pamamagitan ng pandaraya ay pwedeng habulin ang lupa at mapunta sa mga tunay na may-ari. Kung walang pandaraya/panloloko ay mahihirapan na mabawi ang lupa. At kung hahabulin ang lupa dapat ito ay gawin sa loob ng sampung (10) taon. Kapag lumagpas ay mahihirapan na rin mabawi ang lupa. Sa batas kasi ay dokumento ang mabigat na ebidensiya. 'Yung mga salita, mga kasunduan na hindi nakasulat ay mahinang ebidensiya. Pwede kasi mag-imbento ng mga kwento. Maraming salamat sa inyong tanong. Sa tanong ninyo ay marami ang maka-relate at sila ay matuto rin po.

    • @user-se5nj1fl2x
      @user-se5nj1fl2x ปีที่แล้ว +1

      ​@@payongabogado1937maraming salamat po ❤ sana nga po nga maayos na silang magkakapatid 😊😢

  • @rubysaculo1306
    @rubysaculo1306 2 ปีที่แล้ว +1

    Tanong ko lng po ,ang kapitbahay ko po ay wslang pader n sarili,pwede ko po ba ibenta ang bhay at lupa ko po

    • @payongabogado1937
      @payongabogado1937  ปีที่แล้ว

      Kung iyan bahay at lupa ay pagmamay-ari mo, syempre pwede mo ibenta yan. Ang isa sa karapatan ng may-ari ay ibenta nya ang sa kanya. Hindi mo problema kung walang sariling pader ang kapitbahay mo.
      Nakikipader lang siya sayo at wala cya karapatan na pigilan ka kung gusto mo ibenta.
      Pero tanungin mo muna yan kapitbahay mo at baka gusto nya bilhin para wala ng isyu pa.
      Salamat po.

  • @itsmekristel6
    @itsmekristel6 2 ปีที่แล้ว +1

    I want to ask this question Atty. HALIMBAWA nagkaroon ng Kasunduan o usapin na magtatayu Ang pamangkin ng Lolo ko ng Bahay na maliit or Kubo sa lupa o lote namin at Ang itinayu ay Malaking Bahay na Wala sa pinag usapan at namatay na Ang LOLO namin at Ang natira nalang ay Ang kanyang nag iisang anak na nagmana ng titolo ng lupa . At Nag away sila ng Pamangkin ng Lolo ko at gusto na ni papa palayasin ito sa lupa at sinasabi ng Pamangkin ng Lolo ko na may hawak syang kasulatan pero walang maipalad pero kami ay hawak Ang titolo. MAY LABAN PO BA KAMI KUNG SAKALING IHAHARAP NAMIN ITO SA KORTE??
    Maraming salamat po

    • @itsmekristel6
      @itsmekristel6 2 ปีที่แล้ว

      Sinasabi Po ng Tito namin na Nung panahon na sinanla ng Lolo ko ung lupa ay Ang kanyang pamangkin Ang tumubos sa halagang 15k. Sapat na Po ba Ang halaga na iyun para Sa pagtayu ng Bahay nila ng libre sa lupa ng nag iisang anak sa loob ng 22 years . ?? At Ngayon ay namomorwisyo na sila sa totoong my Ari ng lupa ,ano Po Ang dapat naming gawin

    • @payongabogado1937
      @payongabogado1937  ปีที่แล้ว

      yes meron kayong
      laban kasi may pinanghahawakan kayong titulo. Yun pamangkin ay wala naman dokumento.
      Yun usapan pinayagan ay madali lang yun sabihin, kaya dapat mayroon kasulatan.

  • @lovelyocmer7402
    @lovelyocmer7402 2 ปีที่แล้ว +2

    Ei pAano po kUng 2004 pa nmin nbli ang lupa tpos my ksulatan kmi ng my ari ng lupa ang ngbenta po ay kamganak ng father ko pro po rights lng dn po ang nbli nmin na lupa hndi rn po notryado ang kasulatn nmin dhl tiyuhin ng father ko ang my ari tpos nmty ang my ari nghhbol nmn po ang mga ank ngyn 2021 nbli nmin ang lupa yr2004 pa po.

    • @payongabogado1937
      @payongabogado1937  ปีที่แล้ว

      Kung kayo ay nakatira na sa lupang binili ng tatay mo ay huwag kayong umalis. Binili na ng tatay mo yan at sa inyo nayan lupa. Mayroon naman kayong kasulatan at matibay narin yan ebidensiya kahit hindi notaryado.

    • @JonalizaAnonat
      @JonalizaAnonat ปีที่แล้ว

      Same question din po, pero yung problema naka mother title pa po yung lupa hindi pa po na hati sa magkakapatid at patay na po ang nabilihan(isa sa magka kapatid). Ang pinanghahawakan lang po is waiver of rights, kaya lang po tinatanggi po ng ibang kapatid ng namatay Hindi daw po yon perma ng kapatid nila which is may katibayan naman po na yon talaga yung perma ng kapatid nila na namatay.

    • @payongabogado1937
      @payongabogado1937  ปีที่แล้ว

      @@JonalizaAnonat pakilahad po ang kumpletong detalye ng tanong na isusumite sa opisina ni attorney upang kanyang masagot. salamat po.

    • @user-bn7eg6hr9u
      @user-bn7eg6hr9u ปีที่แล้ว

      Atorney nkbili po kc aku ng lote na rights ok lng poba na ung pina notaryo lng ng ngbenta e mismo sulat kmay nla n katunayan ibenta ung lupa tpos may tatak lng ng attorney

  • @user-mv5mu1vo2j
    @user-mv5mu1vo2j 8 หลายเดือนก่อน

    Tanong lng po kung may bibilhan kang lupa installment lng po magkano po kaya gastusin kung magpagawa ng kasulatan at magpapa notaryo sa abugado salamat po attorney😊

    • @payongabogado1937
      @payongabogado1937  6 หลายเดือนก่อน

      Naku usaping pera or bayad. Hindi po ako sumasagot sa ganyan. Private po pag-uusapan 'yan. Magkakaiba po ang rate ng lawyers kasi. Depende sa opisina nila 'yan kung saan matatagpuan.

  • @letsgo-kn3wx
    @letsgo-kn3wx ปีที่แล้ว +1

    Sir,mag kano po kaya ang bayad ng notaryo? Kasi may nabili po akong lupa pero kasulatan lang meron wala pa png notaryo

    • @payongabogado1937
      @payongabogado1937  ปีที่แล้ว

      Ang bayad sa notaryo sa deed of sale ay ibinabatay iyan sa presyo ng bilihan.
      Pwedeng 1% ng presyo or 1% ng 10% ng presyo.

  • @nixsantos2814
    @nixsantos2814 10 หลายเดือนก่อน +1

    Hi atty, paano ko po ipapangalan sa akin yung rights or papatitulo sa tinitirhan po namin? or pano magkakarights kung wala kami kahit na anong documents

    • @payongabogado1937
      @payongabogado1937  10 หลายเดือนก่อน

      Kung nakatira kayo sa pribado/tituladong lupa ay hindi kayo mabibigyan ng rights.
      Kung nakatira kayo sa lupa ng gobyerno ay pwede kayo mag apply ng patents para magkaroon kayo ng document na may karapatan kayo sa lupa.
      Pumunta kayo sa Bureau of Land and Management at makipagusap sa inyong layunin.
      Pwede rin pumunta muna kayo sa Assessors Office para mabigyan kayo ng tax declarations. S'yempre babayaran ninyo ang amilyar kada taon kapag mayroon kayong tax declarations.

    • @notshinenotmaine
      @notshinenotmaine 10 หลายเดือนก่อน

      Kung po binenta ang lupa ng may ari ng ksulatan lng po ang hawak noong 2013 maari po ba baguhin pra mapanotaryo po or hindi n po nun nitong taon?

  • @Eatingfood7
    @Eatingfood7 ปีที่แล้ว +1

    Maam poide po matanong poide pa ba bawiin ang titulo ng lupa namin na ginawa ng pang bayad sa abogado para maka laya kapatid namin eh gusto po namin makuha ang titulo kc dami naman kami ang may ari ayaw namin mawalan ng lupa kaya gusto po mamin na ma bawe ang titulo

    • @payongabogado1937
      @payongabogado1937  ปีที่แล้ว

      kung marami kayong may ari sa lupa, dapat lahat kayo pumirma para ipambayad yung lupa sa attorney. Kung hindi lahat pumirma ay pwede yan mabawi sa loob ng tamang panahon ay dapat bawiin. Kapag lumagpas kasi sa loob ng tamang panahon ay hindi nayan mababawi. Lalong hindi mababawi kung mabibili yan ng tao na sinasabing in good faith

  • @rearea3282
    @rearea3282 6 หลายเดือนก่อน

    Goodmorning Atty. Yong tiyahin po ng mama ko benenta nya yong mana nya sa parents ko at nakalagay sa kasulatan na ang lahat ng mana nya ay benebenta na nya.Yong lupa ay buo pa minana nila ito sa kanilang magulang yong mama ko dahil namatay na lolo ko ay may mana din sa parte ng lolo ko. Buo pa yong lupa at wala official na hatian kumbaga ito sakin ito ,ito samin 'to ,11 hectares at 6 yong maghahati-hati.Ngayon ibenebenta na nila ng buo yong buong lupain nila at lahat ay payag naman kaso itong tiyahin ng mama ko ay hinahabol yong lupa na binenta na nya ,ito ay may kasulatan at notarized. Ang question ko po ay mababawi pa po ba nya ito sa parents ko?

    • @payongabogado1937
      @payongabogado1937  5 หลายเดือนก่อน

      'Yung lupa na minana at pagkatapos ay ibinenta ay hindi na pwede pwede bawiin pa. Mayroong kasulatan at notaryado ang kasulatan ng pagbebenta kung kaya't hindi na pwede 'yung bawiin.

  • @notshinenotmaine
    @notshinenotmaine 10 หลายเดือนก่อน

    Possible po ba attry kung ang binebentang lupa ay hindi pa nahahati sa mga taga pag mana pero alm n kung saan banda lng ang kani knila maari po b yun na ipanotaryo ang kasulatan nun po tha k you

    • @payongabogado1937
      @payongabogado1937  10 หลายเดือนก่อน

      Ang pinakamagandang gawin ay ipasukat sa geodetic engineer ang lupang bibilhin. Kapag walang sukat ay magkakagulo kayo sa katagalan, sigurado 'yan magkakagulo kayo.
      Kapag may eksaktong sukat na ginawa ang geodetic engineer ay iyon ang isulat sa Deed of Sale. Tapos ipanotaryo ang deed of sale. Walang gulo kapag ganyan. Kung may manggugulo ay malamang na matatalo lang sila. 'Yun mga sali-salita lang ay nakakalimutan 'yan sa katagalan.

  • @juncaliboso3983
    @juncaliboso3983 2 ปีที่แล้ว +1

    Gdam po atty, my mana po aq nabenta q po sa kapatid q my deed of sale napo ala pa po pera involve pede ebenta sa iba salamat po atty.

    • @payongabogado1937
      @payongabogado1937  ปีที่แล้ว

      Kung hindi ka binayaran ng kapatid mo ay ibenta mo sa iba. Matagal kana hindi binabayaran. Walang konsiderasyon 'yung bentahan kaya balewala ang deed of sale.

  • @user-nn5ov7wi2z
    @user-nn5ov7wi2z ปีที่แล้ว +1

    paano po gumawa ng kasunduan sa lupa ng magulang kung ang pangalan ng lupa ay nasa kapatid at buhay pa ang magulang po
    Sana po mapansin nyo ang katanungan ko po ma'am🙏🙏🙏

    • @payongabogado1937
      @payongabogado1937  ปีที่แล้ว

      Sa paggawa ng Kasunduan ay isulat po ninyo sa papel ang lahat ng inyong napagkasunduan. Pwede rin po ninyo i-computer. Alam ko na wala naman kayong pagkakasunduan na ilegal, kaya huwag kayong matakot na isulat ninyo ang lahat ng inyong napagkasunduan. Pagkatapos ay papirmahin ninyo ang lahat ng inyong mga magulang at mga kapatid para alam nila ang Kasunduan. Ang Kasunduan ay ipanotaryo ninyo para matibay ang Kasunduan. Maglagay kayo ng dalawang testigo sa Kasunduan. Iyan po gawin ninyo. Salamat po.

  • @rhenmiranda1168
    @rhenmiranda1168 ปีที่แล้ว +1

    Hello po attorney ☺️
    May bibilhin po ako lupa kaso installment lang po , at napagkasunduan po sa barangay muna dadaanan dun gagawa ng kasunduan at kapag na bayaran na ng buu dun po i rerelease ang deed of sale , ang tanong attorney dipu ba ako magkakaproblema non ? Magagamit kupu ba ang kasunduan namin incase man di sya tumupad ?
    Maraming salamat attorney
    Godbless po 🙏

    • @payongabogado1937
      @payongabogado1937  ปีที่แล้ว

      Sa lawyer kayo magpagawa ng kasunduan at hindi sa barangay. Ang lawyer nakakaalam ng form na gagawin.
      Ang lawyer ang nakakaalam ng mga dapat ilagay sa kasunduan ninyo. Huwag po kayo magtipid sa bayad sa abogado. Para ring mga doktor 'yan. Nagsunog din po 'yan sila ng kilay. Kapag sa barangay ang kasunduan ninyo ay baka hindi maisulat yun mga dapat isulat na ipinag-uutos ng batas kapag gagawa ng kasunduan.

  • @gurongvloggera6799
    @gurongvloggera6799 ปีที่แล้ว +1

    Paano Po yong may bumili daw sa mga magulang namin ng lupa namin then Wala Po Sila kahit anong kasulatan naipapakita. Ngayon Po magpapa pirma sa aming mga anak Wala Naman po Kaming alam sa kasunduan nila at magkano ang naging bayaran. Wala Po silang maipakita kahit written documents na nabili nga po nila ang lupa namin? Anong gagawin Po namin? May habol Po ba kami sa usaping ito na magiging bagong bentahan ang mangyayari ?

    • @payongabogado1937
      @payongabogado1937  ปีที่แล้ว +1

      Sa bentahan ng lupa ay dapat laging may document-kasulatan.
      Mahirap ipanalo 'yung kaso kapag walang dokumento. Ang dokumento kasi ang lagakan ng mga pinagkasunduan.
      Kapag wala dokumento ay walang mapapatunayan.

    • @gurongvloggera6799
      @gurongvloggera6799 ปีที่แล้ว +1

      Maraming salamat po sa inyong reply. 💕

    • @payongabogado1937
      @payongabogado1937  ปีที่แล้ว

      @@gurongvloggera6799 salamat po sa inyong pagtangkilik at suporta :)

  • @dindomarmol8154
    @dindomarmol8154 ปีที่แล้ว +1

    Good day ....po sainyo ...atty. tanong ko lang po ...kung valid po ang kasulatan nmin ..sa pag bili ng lupa ...ng permahan po sa brgy.hall ...pero hindi po notaryado ang kasulatan ...at patay nrin po ang mga witness...at ang nagbenta 40 yrs na po kami nkatira sa lupa na nbili nmn ...gusto na po nmin ihiwalay...valid pa po ba ang hawak nmin na kasulatan...

    • @payongabogado1937
      @payongabogado1937  ปีที่แล้ว

      Valid sa inyong dalawa lang 'yan kasi hindi notaryado.
      Kung notaryado 'yan ay valid sa buong mundo 'yang kasulatan n'yo.
      Maihiwalay n'yo 'yan kung 'yung mga tigapagmana ay pumirma na ibinenta sa inyo ang lupa para maging updated ang Deed of Sale at para manotaryuhan.
      Hindi kasi notaryado 'yung Deed of Sale n'yo kaya hindi yan tatanggapin sa BIR at sa Register of Deeds.
      Kasunduan lang kasi 'yan ng seller at ng buyer.
      Masaklap d'yan baka angkinin pa ng heirs 'yang lupa na nabili n'yo.

  • @happyme1936
    @happyme1936 2 ปีที่แล้ว +1

    Hello po attorney.
    May tanong po ako regarding sa lupa na nabili namin nang brother in law ko na portion lang, pwede po ba kame dlawa sa deed of sale nakapngalan nasukatan na geodetic engr pero sa kanya nasukasulat. Kaialngn ba tlaga yun sukatan ulit para ma divide, plano ko kasi magprocess ang building permit baka masabit.
    Or ako kaya na kasulatan ang gagwin namin.. Sana po ma replyn mo ako.

    • @payongabogado1937
      @payongabogado1937  ปีที่แล้ว

      th-cam.com/video/wq0rm9ZFW9E/w-d-xo.html

    • @payongabogado1937
      @payongabogado1937  ปีที่แล้ว

      Panoorin po ninyo ang video at nariyan po ang sagot ni attorney. Paki-subscribe na lang po sa channel kung may natutunan po kayo. Salamat po sa pagtangkilik! God bless po.

  • @jeanbert
    @jeanbert ปีที่แล้ว +1

    Gud,evening po atty tanong lang po ako kc ang dalawa lola ko ay may mamanahing lupa kaso po ay cancelled nila ang titulo at inilipat nila sa pangalan nila at nagkaroon sila ng bago titulo saka
    Sa taon 1994 nag execute sila ng deed of absolute sale at may notaryo pa ng kanilang abogado pero ang lola ko ay patay na taon may, 16 1990 at ung isa ko pa lola na matay na taon december, 14 1973 hindi nila binigyan ng concent at ngaun lang nmin na laman dahil matagal na nila itinago at hindi ipinaalam sa amin maituturing po ba ito falsification salamat po sa inyo kagyat na isasagot godbless po

    • @payongabogado1937
      @payongabogado1937  ปีที่แล้ว +1

      Yes, iyan ay maliwanag na falsification of public document.
      Kung patay na ang iyong lola at nakapirma pa rin ang Deed of Sale ay pwedeng ipawalang bisa.
      Pwede nyo rin isumbong ang abogado-notaryo publiko dahil pinayagan nya pumirma yun patay sa Deed of Sale.

    • @jeanbert
      @jeanbert ปีที่แล้ว

      Patay na po ung abogado pumirma at nag notaryo sa deed of sale

    • @jeanbert
      @jeanbert ปีที่แล้ว

      Gud,pm po atty
      ,Ask ko lng po saan po nmin dadalhin at para ipawalang bisa ung ginawa nila na pag transfer at ung ginawa din nila na deed of sale salamat po

    • @jeanbert
      @jeanbert ปีที่แล้ว

      Saan po ahensya kami pupunta para isumbong ang ginawa nila na pag falscification ng documento at pag execute ng deed of sale

    • @jeanbert
      @jeanbert ปีที่แล้ว

      @@payongabogado1937 saan po kaya ahensya atty kami lalapit para po isumbong nmin na notaryo ung deed of sale at patay na po ang aking 2 lola salamat po sa isasagot

  • @GevinUreta-zl1vr
    @GevinUreta-zl1vr 10 หลายเดือนก่อน +1

    Atty pwede po ba makakuha ng mana sa Asawa mo kahit hinde kayo kasal pero matagal kayo nagsasama

    • @payongabogado1937
      @payongabogado1937  10 หลายเดือนก่อน

      Hindi pwede makakuha ng mana ang naulilang asawa kung hindi sila kasal. Pwede siya makapagmana kung pamamanahan siya na nakasulat sa Huling Habilin. Kung walang Huling Habilin ay hindi makamana. Kung nagsama kayo ng matagal pero bawal naman dahil ang isa sa inyo ay kasal na, hindi rin pwede makamana kahit nakasulat pa sa Last Will and Testament. Hindi pinapayagan ng batas na makamana ang ang nagsasamang "mag-asawa" kung magkakasala sila ng adultery o concubinage.

  • @pakastani1822
    @pakastani1822 ปีที่แล้ว

    Paano Po ba gomawa Ng kasulatan na pena Hiram ko yong lopa sa pesan ko pero hendi sakin yong lopa

    • @payongabogado1937
      @payongabogado1937  ปีที่แล้ว

      Wala ka karapatan ipahiram ang hindi sayo.
      Huwag mo pakialamanan ang bagay na hindi sayo.
      Ngunit kung mayroon ka special power of attorney na binibigyan ka ng may-ari ng lupa na karapatan ipahiram ang lupa ay pwede mo ipahiram.
      Isulat ninyo ang lahat ng gusto nyo, ang inyong mga kasunduan para mayroon kayong pinanghahawakan na dokumento.
      Ang kasulatan kasi ang magsasabi ng katotohanan kung dumating ang panahon na hindi kayo magkaintindihan.
      Maraming salamat at Magandang araw.

  • @valentinocorreaa8764
    @valentinocorreaa8764 ปีที่แล้ว +1

    Gud am Atty, diko pahabain. Nag away kami ng asawa ko at me 2 kaming bahay. Sya na nagsabi na tig isa kami. Both principal borrower ako. fully paid at natransfer na sa pangalan ko ang title thru Pag ibig nun una, kaya nakapag apply ako ng bago na acquired asset na fully paid na din naman. Im planning to sell yun bahay, do i need SPA from her? Pag ibig told me di na kailangan, all i need isang witness signature ( sino dapat if ever) dahil ako naman principal borrower sa pag ibig.
    Salamat po in advance
    Valentino Correa 2:10 2:12

    • @payongabogado1937
      @payongabogado1937  ปีที่แล้ว +1

      Una kong sagot sa tanong mo ay dapat magkaroon kayo ng marriage counselling para makita ang problema sa inyong dalawa. Tapos ay resolbahin ang problema.
      Tungkol sa pagbebenta ng bahay/lupa na nakapangalan sa iyo, dapat ay may consent ng asawa mo.
      Mali 'yan pinayo sayo ng PAG-IBIG dahil ang lupa/bahay ay nakuha mo during your marriage. Therefore, 'yan lupa bahay ay nasa property regime ng absolute community of property na ang ibig sabihin ay kayong dalawa ang may-ari nyan kahit sa pangalan mo lang nakalagay.
      Kung may pre-nuptial agreement kayo na complete separation of property ay iyan pwede mo ibenta kahit walang consent ang asawa mo.

  • @Cypz0789official
    @Cypz0789official ปีที่แล้ว +1

    Hello po Baka po mabigyan nyo po ako ng attorney lupa po ,

    • @payongabogado1937
      @payongabogado1937  ปีที่แล้ว +2

      Ipadala po ninyo ang inyong personal na detalye sa aming Facebook Page sa @PayoNgAbogado. Salamat po.

  • @amytiao8317
    @amytiao8317 ปีที่แล้ว +1

    Gdmorning atty..sana po mapansin ninyo para maliwanagan ako..my po akong bibilhing lote..50,ooo cash 152 square meter..sabi ng my ari sya na mg pa survey at pgpatitulo ng lupa sya na bahala sa lahat hintayin ko nalang dw..pwedi po bayon.wala naman akong hawak na papilis galing sa kanya maliban sa deed of sale na sekretarya nya lang yong gumawa..kasi sabi ya my abogado naman dw sia..salamat poh..parang nagdududa kasi ako.

    • @payongabogado1937
      @payongabogado1937  11 หลายเดือนก่อน +1

      Dapat nakalagay sa Deed of Sale 'yung mga sinasabing gagawin ng may-ari (pagpapa-survey, pagpapatitulo, period o schedule kung kelan gagawin ang mga ito, etc.) Dapat ay notaryado ang Deed of Sale. Kailangan na mabigyan ang buyer ng kopya ng titulo na tukoy ang 152 sqm. Salamat po.

    • @amytiao8317
      @amytiao8317 11 หลายเดือนก่อน

      @@payongabogado1937 maraming salamat poh malaking tulong poh.

  • @renecantina6419
    @renecantina6419 2 ปีที่แล้ว +1

    Hello po.may tanong lng po ako about sa na bili kung lote.dahil hanggang ngaun kze wala pa kaming hawak na titulo.kahit kmi ay bayad na.sadyang matagal po ba lumabas ang titulo nito?salamat po.

    • @payongabogado1937
      @payongabogado1937  ปีที่แล้ว +1

      Kung bayad na kayo ay dapat lakarin n'yo pa ibang mga papeles na kailangang makita ng Register of Deeds.
      Kung kumpleto na kayo sa documents/requirements ay maghintay po kayo ng anim (6) na buwan hanggang isang (1) taon or mahigit pa. Napakatagal po talaga nila maglabas ng titulo.

    • @renecantina6419
      @renecantina6419 ปีที่แล้ว +1

      Maraming salamat po sa inyong sagot .

  • @reynaldocasitas7272
    @reynaldocasitas7272 11 หลายเดือนก่อน

    paano po kung ang seller at buyer ay nasa ibang bansa at doon na rin magbayaran.

    • @payongabogado1937
      @payongabogado1937  11 หลายเดือนก่อน

      Pwede naman 'yan kahit nasa ibang bansa kayo magkasundo sa bibilhin at magbabayaran.
      Basta dapat mayroon kasulatan kayo. Pagawa kayo ng kasulatan sa abogado d'yan sa bansa na inyong pinamamalagian.
      Kung buyer ka dapat siguraduhin mo na maayos ang deed of sale para hindi masayang ang pera mo.
      Kasi 'yang mga kamag-anakan ng buyer sa Pilipinas ay magtataka sigurado kung paano naibenta ay nasa ibang bansa ang buyer.
      Pero pwede kayo magkasundo at magbayaran d'yan sa ibang bansa pero dapat may document kayong pipirmahan na ginawa ng abogado d'yan.

  • @kaydenbenito
    @kaydenbenito ปีที่แล้ว +1

    Attorney gusto ko po ito itanong sa inyo pwede ba gumawa NG kasulatan ang isang anak Para papirmahan sa kanyang ama. Tungkol sa lupa Para Lang di kami paalisin NG madrasta NG making asawa kasi binigyan po kami NG espasyo pero kami po ang nagpatayo NG bahay pero wala po kaming titulo magulo po kasi ang madrasta NG asawa ko pag walang Pera lagi po kaming pinag initan. Sanay mapansin niyo po ito maraming salamat po sa pagtugon NG making suliranin Kung sakali.

    • @payongabogado1937
      @payongabogado1937  ปีที่แล้ว

      Ganito ang inyong isipin: kapag namatay ang inyong magulang ang magmamana kayo sa naiwanang ari-arian ng namatay. Sa madaling salita ay may karapatan kayo dyan sa bahay. Hindi kayo pwede paalisin ng madrasta kasi kayong anak ay may-ari rin ng bahay, kc nga nagmana kayo.
      Maganda rin naman yan naiisip na gumawa ng kasulatan na pipirma ang tatay nyo para maliwanag kay madrasta.
      Sa dokumento na gagawin ninyo ay isulat ninyo ng maliwanag ang karapatan nyo dyan sa bahay. Huwag kayong lalayas kasi kayong mga anak ay may-ari rin ng bahay nayan.
      Thanks sa pagsubaybay sa Payo ng Abogado.
      Paki-share nyo ang channel namin para marami kami mapayuhan.

    • @cherrylanadon5863
      @cherrylanadon5863 ปีที่แล้ว

      Attorney ask lang po,nakatanggap po ako ng sanla na niyogan nabigay na Yung pera pero wala tung kasulatan

  • @jelme135
    @jelme135 2 ปีที่แล้ว

    Kung dual citizenship, Canadian and Filipino pede nb atty makabili ng property s pinas, salamat po

  • @user-bk7ii7oe7w
    @user-bk7ii7oe7w 10 หลายเดือนก่อน

    Good day po attorney
    May tanong lang po ako kc yun papa ko po hiwalay sila ng mama ko pero yun papa ko nag asawa na po ng iba may anak po sila isa babae pero sa mama kopo sya kasal yun mama ko wala pa po asawa yun papa ko nagkaroon ng bahay lupa may habol po ba ang mga original na anak don sa bahay lupa ng papa ko yun madrasa kopo patay na pero buhay pa po papa ko pero yun anak nya po sa madrasta ko hindi po dala ng apiliyedo ng papa ko kami lng po mga original ang dala ng apiliyedo ng papa ko ano po b karapatan po namin sa pag aari ng papa ask lng po maraming salamat po

    • @user-bk7ii7oe7w
      @user-bk7ii7oe7w 10 หลายเดือนก่อน

      Pero po yun bahay lupa po na yun naitayo po yun mag asawa po sila ng madrasta kopo may habol po ba Kami po don salamat po

    • @payongabogado1937
      @payongabogado1937  10 หลายเดือนก่อน

      Kayong mga anak ay laging may karapatan magmana sa lahat ng properties ng inyong mga magulang, except kung ang mga anak ay alisan ng mana dahil sa mga kadahilanang itinatadhana ng batas. Ang lahat ng naipundar ng iyong papa ay mayroon kayong karapatan dahil kayo ang legal na pamilya. Ang lehitimong anak ay malaki ang share kumpara sa ilehitimong anak. Ang ilehitimong anak ay kalahati lang ng minana ng lehitimomg anak ang makukuha. Ibig sabihin kung 1 milyon minana ng lehitimong anak, yun ilehitimong anak ay kalahating milyon lang ang mamanahin.

  • @rogelioloria9606
    @rogelioloria9606 ปีที่แล้ว +1

    Maganda hapon ho attorney meron ho sana ko gusto idulog sa inyo sana po ay matulungan ninyo ako sa akin katanungan. Yun po kasi Gawad karapatan na lupa ng amin mga magulang ay prinenda ng aking kapatid sa kanya pinagka kautangan. Ngayun po gusto ko bilin ang lupa sa amin tatay dahil siya na lang po ang buhay. Ano po ba pwede ko gawin na legal para ho mabili ko ang lupa ng walang problema sa kabila ho ng ang Gawad karapatan ay nasa iba tao.

    • @payongabogado1937
      @payongabogado1937  ปีที่แล้ว

      Para walang problema ay tubusin mo 'yung lupa sa pinagsanlaan. 'Yung pera pinangtubos mo ay ibawas sa presyo kapag binili mo na ang lupa sa tatay mo. Gagawa ng Deed of Sale ang tatay mo na binebenta sa'yo ang lupa at gawin testigo lahat ng kapatid mo para hindi na sila maghabol.

  • @nelsonubanan8399
    @nelsonubanan8399 2 ปีที่แล้ว

    Sir pPpaano gumawa ng kasulatan kung tutubusin na ang lupang sinangla? Salamat

    • @payongabogado1937
      @payongabogado1937  ปีที่แล้ว

      Ito po ang maaaring ilagay:
      Ngayon araw (Petsa) ay tinubos na ni (pangalan ng nagbayad) ang pagkakasangla ng kanyang lupa kay (pangalan ng binayaran).
      Si (pangalan ng binayaran) naman ay tinanggap na ang perang pangtubos sa lupa sa halagang (amount)
      Pirma nila at nga mga testigo nila.

  • @jovelynPabroquis-yp9ih
    @jovelynPabroquis-yp9ih 9 หลายเดือนก่อน

    Pm attorney ang lupa sa akong papa unya wla n akong papa akong mama nlng ana cla pwde daw mobaligya akong mama nga wla ang anak. Og pwde sad daw dili mi bahinan

  • @remospanol-vx1xb
    @remospanol-vx1xb ปีที่แล้ว

    Ok lng po ba na xerox copy lng sa sanlang lupa

    • @payongabogado1937
      @payongabogado1937  ปีที่แล้ว

      Hindi po okay 'yang zerox. Mahinang ebidensiya 'yan. Kung zerox at certified true copy naman ay okay na'yan. Pero kung bibili kayo ng lupa ay dapat n'yo kunin ang titulo para hindi na nila maibenta sa ibang tao.
      Ang banko ay hindi pumapayag na zerox lang ang ibibigay sa kanila kapag isasanla ang lupa. Original dapat ang ibibigay. Baka maloko kayo kapag zerox. Isasangla 'yang lupa paulit-ulit at hanggang kayong mga pinagsanglaan ay nag-away sa isa't isa. Pagtatawanan kayo 'nung nagsangla ng lupa..
      Maraming salamat.

  • @momswaknswak3304
    @momswaknswak3304 2 ปีที่แล้ว +1

    Ask lang po, deed of sale + extra judicial settlement of estate, Magkahiwalay ang documents but both are notarized.
    Buyer po ako, nagbenta ng lupa ang ama (seller), ngunit hindi nakasama ang name ng anak sa deed of sale.
    May Extrajudicial settlement with estate napo. (ama at 1 anak)
    Tanong lang po, pwede po bang ihabol ang pirma ng anak sa deed of sale (pipirma nalang po siya sa 2nd page, kahit hindi na mentioned ang name nya sa first page ng deed of sale.
    Willing po ang anak na pumirma at no objection sa pagbenta mg lupa.
    Deed of sale may tatak napo ng BIR (settled napo ang cgt at doc stamp, released narin any eCAR)
    Ano po ang pwedeng Remedy. Please advise po🙏, maraming salamat po

    • @payongabogado1937
      @payongabogado1937  ปีที่แล้ว

      Narito po ang sagot sa inyong katanungan: th-cam.com/video/wq0rm9ZFW9E/w-d-xo.html

    • @payongabogado1937
      @payongabogado1937  ปีที่แล้ว

      Please subscribe at salamat po sa inyong pagtangkilik. God bless po!

  • @jaymarkvillaviray2551
    @jaymarkvillaviray2551 10 หลายเดือนก่อน

    @jayshavillaviray

  • @luzvimindadb1898
    @luzvimindadb1898 ปีที่แล้ว +1

    Gud day po attorney.tanong q lng po pwede po ba mabawi Ang lupang naka cloa title na ibeninta ng tatay q sa aming kakilala at my permahan sla at ksunduan pero kmi po Ang nag babayad ng buwis at NASA Amin pa ang cloa title.

    • @payongabogado1937
      @payongabogado1937  ปีที่แล้ว

      'Yang lupa under ng CLOA ay hindi pwede ibenta ng benipisaryo sa loob ng sampung taon.
      Kung ibinenta 'yan dapat may DAR consent, ibig sabihin ay pumayag ang DAR ibenta ang CLOA.

    • @nelsondequiroz4309
      @nelsondequiroz4309 9 หลายเดือนก่อน

      Attorney tanong ko lang may nabili po akong lupa
      Ang nag benta po ay apo
      Patay n po yun lola at nanay nya nk pangalang po sa lola nya yun lupa.
      Benenta po sa akin tapos hinde siya sumunod sa kasunduan n ibibgay nya lahat ng requirment para sa subtition para maka pag pagawa ng extra judicial settlement.Tanong ko po sno ang pwede kong gawing