𝐁𝐀𝐈𝐋𝐄𝐒 𝐃𝐄 𝐋𝐎𝐒 𝐀𝐑𝐂𝐎𝐒 𝟐𝟎𝟐𝟐: 𝐃𝐈𝐂𝐇𝐎 𝐒𝐀 𝐌𝐀𝐇𝐀𝐋 𝐍𝐀 𝐁𝐈𝐑𝐇𝐄𝐍 𝐃𝐄 𝐋𝐀 𝐑𝐎𝐒𝐀 𝐀𝐓 𝐃𝐈𝐂𝐇𝐎 𝐊𝐀𝐘 𝐒𝐀𝐍 𝐏𝐄𝐃𝐑𝐎 𝐀𝐓 𝐒𝐀𝐍 𝐏𝐀𝐁𝐋𝐎

แชร์
ฝัง
  • เผยแพร่เมื่อ 11 ต.ค. 2024
  • Ang pagbabalik ng tradisyunal na sayaw makalipas ang dalawang taong pagkakatigil nito dahil sa pandemya. Sa kabila ng pagnanais ng mga namamanatang kadalagahan na makasayaw noong 2020 hanggang 2021, sila ay hindi pinahintulutan ng encargado nito bilang pag-iingat.
    Ang una at ikalawang bahagi ng Panatang Sayaw ay ang Dicho. Ito ay ang pananalangi't pagpupuri na inuusal ng paawit ng mga Mananayaw sa harapang ng mga patrong San Pedro, San Pablo at Birhen de la Rosa.
    Ang unang ay ang Dicho sa Mahal na Birhen. Dito ay inilalarawan ang kagandahan at mga kabanalang asal ni Maria na siyang pinaging dapat mapiling tagapagluwal kay Hesus na ikalawang Persona ng Diyos. Pinasasalamatan ang Birhen sa mga biyaya at humihiling na matulad ang Makati sa bundok ng Luca kung saan nagpamalas ng mga milagro ang Mahal na Birhen.
    Ang ikalawang ay ang Dicho kay San Pedro at San Pablo. Dito, pinapupurihan ang dalawang haligi ng Santa Iglesia. Pinatitibayan ang mga katangian ni San Pedro na pinaging dapat mahirang bilang pinuno ng Santa Iglesia. Kinilala ang kanyang pagiging mahusay na tagapamagitan sa pagtamo ng grasya mula sa Diyos. Inilahad ang buhay ni San Pablo na mula sa pagiging tagausig ay nakasama ni San Pedro sa pagiging tagapagtaguyod ng Santa Iglesia.

ความคิดเห็น •