𝐁𝐀𝐈𝐋𝐄𝐒 𝐃𝐄 𝐋𝐎𝐒 𝐀𝐑𝐂𝐎𝐒 𝟐𝟎𝟐𝟐: 𝐒𝐀𝐘𝐀𝐖-𝐀𝐖𝐈𝐓 𝐏𝐀𝐑𝐀𝐍𝐆𝐀𝐋 𝐒𝐀 𝐌𝐀𝐇𝐀𝐋 𝐍𝐀 𝐁𝐈𝐑𝐇𝐄𝐍 𝐃𝐄 𝐋𝐀 𝐑𝐎𝐒𝐀 𝐆𝐀𝐌𝐈𝐓 𝐀𝐍𝐆 𝐌𝐆𝐀 𝐀𝐑𝐊𝐎

แชร์
ฝัง
  • เผยแพร่เมื่อ 16 ก.ค. 2024
  • Ang pagbabalik ng tradisyunal na sayaw makalipas ang dalawang taong pagkakatigil nito dahil sa pandemya. Sa kabila ng pagnanais ng mga namamanatang kadalagahan na makasayaw noong 2020 hanggang 2021, sila ay hindi pinahintulutan ng encargado nito bilang pag-iingat.
    Ang bahaging ito ng panatang sayaw ay tinatawag na "Awit sa Mahal na Birhen de la Rosa" bagamat ito'y inaawit ng pasayaw. Dito ay pinapupurihan ang Birhen sa kanyang mga katangiang banal. Hinihiling na matulad ang bayang Makati sa kapalarang tinamo ng mga taga Luca sa Italya kung saan sila ay pinakitaan ng mga paghihimala at pagmimilagro.
    Gayundin, ipinagdarasal at ipinagpapasalamat sa Diyos sa pamamagitang ng Mahal na Birhen de la Rosa na ang bayan ay patuloy na ipinag-aadya sa mga kapahamakan.

ความคิดเห็น • 3