PANATANG SAYAW: DICHO SA MAHAL NA VIRGEN DE LA ROSA AT KINA SAN PEDRO'T SAN PABLO (JUNE 30, 2024)

แชร์
ฝัง
  • เผยแพร่เมื่อ 3 ก.ค. 2024
  • Ang una at ikalawang bahagi ng Panatang Sayaw ay ang Dicho. Ito ay ang pananalangi't pagpupuri na binibigkas ng paawit ng mga Mananayaw sa harapan ng mga patrong San Pedro, San Pablo at Virgen de la Rosa.
    Ang unang ay ang Dicho sa Mahal na Birhen. Dito ay inilalarawan ang kagandahan at mga kabanalang asal ni Maria na siyang dahilan kung bakit pinaging-dapat na mapiling tagapagluwal kay Hesus na ikalawang Persona ng Diyos. Pinasasalamatan ang Birhen sa pagiging tagapamagitan ng mga biyaya at humihiling na matulad ang Makati sa bundok ng Luca kung saan nagpamalas si Maria ng mga milagro.
    Ang ikalawang ay ang Dicho kina San Pedro at San Pablo. Dito, pinapupurihan ang dalawang haligi ng Santa Iglesia. Pinatitibayan ang mga katangian ni San Pedro kung bakit dapat mahirang bilang pinuno ng Santa Iglesia. Kinilala ang kanyang pagiging mahusay na tagapamagitan sa pagtamo ng grasya mula sa Diyos. Inilahad ang buhay ni San Pablo na mula sa pagiging tagausig ay nakasama ni San Pedro sa pagiging tagapagtaguyod ng Santa Iglesia.

ความคิดเห็น •