Excise Tax, TRAIN Law, and the Reason of Oil Price Hike

แชร์
ฝัง
  • เผยแพร่เมื่อ 6 ก.ย. 2024

ความคิดเห็น • 1

  • @taraaralatvlogbymg
    @taraaralatvlogbymg  2 ปีที่แล้ว +2

    EXCISE TAX / TRAIN Law at ang KINALAMAN nito sa PAGTAAS NG PRESYO NG PETROLYO
    Ano nga ba ang Excise Tax?
    - Ang Excise Tax dito sa Pilipinas ay kinukolekta galing sa mga produktong nakakapinsala sa kalusugan nating mga tao (gaya ng sigarilyo at alak) at pati narin ang mga produktong petrolyo, langis, mineral at mga sasakyan na posibleng makasira sa kapaligiran sa pag proseso ng mga ito.
    Sa madaling salita, mayroong nakapatong na Excise Tax sa mga panindang sigarilyo, alak, petrolyo, langis, mineral at mga sasakyan.
    May dalawang Uri ng Excise Tax at ito ang:
    Specific Tax at Ad Valorem Tax
    Bakit may Excise Tax?
    - Kaya mayroong Excise Tax ay para malimitahan ang pag konsumo ng mga produktong maaaring makasira sa ating kalusugan at kalikasan.
    Ano ang Koneksyon ng Excise Tax sa TRAIN Law?
    - Ang TRAIN Law ang dahilan kung bakit mas tumaas ang Excise Tax sa mga Produktong Petrolyo.
    Gaano nga ba kalaki ang problema sa Tax System ng ating Bansa bago naipatupad ang TRAIN Law?
    Napaka-kumplikado
    - kumplikado at napakaraming problema sa tax system ng ating bansa kaya mahirap ang pag kolekta ng tax at dumarami ang hindi nagbabayad nito.
    At dito na pumapasok ang TRAIN Law
    Ano naman ang TRAIN Law?
    - Ang TRAIN Law o Tax Reform for Acceleration and Inclusion ay naglalayong itama ang pagkukulang sa sistema ng tax sa ating bansa at gawin itong simple, patas at mas mabisa.
    Kailan isinabatas ang TRAIN Law?
    - Pinirmahan ng dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang Republic Act No. 10963 na mas kilala bilang Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) Act noong December 19, 2017 sa Malacañang.
    - Ang batas na ito ay nagkaroon ng epekto noong January 1, 2018.
    Bakit may TRAIN Law?
    - Ang TRAIN Act o TRAIN Law ay naglalayong bumuo ng kita para maisakatuparan ang 2022 hanggang 2040 na layunin ng Duterte Administration sa Bansa.
    At ito ang gusto nilang mangyari:
    1. Puksain ang matinding kahirapan
    2. Gumawa ng mga kabilang na institusyon na magbibigay ng pantay na oportunidad sa lahat
    3. Maabot ang Mataas na Kita na Estado ng Bansa
    Makakabuti ba ang TRAIN Law?
    - Ang TRAIN Law ay inaasahang magbibigay ng mahigit 354 Bilyong Piso na pondo kada taon sa ating Bansa, ito ay makakatulong sa pagpapatayo ng mga infrastracture at mga proyekto ng Gobyerno, sa health at education.
    - Exempted sa Tax ang mga minimum wage earners o mga manggagawang kumikita ng 250,000 pesos kada taon,
    O sumasahod ng:
    21,000
    20,000
    15,000 at
    12,000 pababa kada buwan.
    Kung may Positibo, syempre ay mayroon ding negatibo.
    At ano naman ang mga negatibong epekto ng TRAIN Law?
    Mga negatibong epekto ng TRAIN Law:
    - Mas mataas na presyo sa mga produktong petrolyo gaya ng gasolina at diesel.
    At dahil sa pagtaas ng presyo ng mga produktong Petrolyo, ay tataas din ang mga presyo ng bilihin at pati narin ang kuryente dahil ang gasolina at diesel ay kinakailangan sa transportasyon at produksyon.
    Gaano kalaki ang nakukuha ng Gobyerno sa Excise Tax ng Petroleum Products?
    - Mahigit 117 BILLION PESO ang nalilikom ng Gobyerno galing sa excise tax ng mga petroleum products.
    Kung sakaling masuspende ang Excise Tax sa mga Petroleum Products:
    Makakatipid ang mga Tao ng:
    10 pesos kada litro sa gasolina
    6 pesos kada litro sa diesel
    5 pesos kada litro sa kerosene
    At 3 pesos kada litro sa LPG o Liquified Petroleum Products
    Ang negatibong epekto naman nito ay mawawalan ang Bansa ng 117 Bilyong Piso na kita na gagawing pondo sa pag-unlad ng Bansa. At tataas din ang Inflation Rate ng Bansa sapagkat bababa ang GDP o Gross Domestic Product ng Bansa ng 0.5%.
    Sa pagtaas ng Inflation Rate ay bababa ang halaga ng piso at tataas lalo ang mga bilihin.
    Hindi lang sa Bansang Pilipinas ang may Excise Tax, pati narin ang mga karatig nating mga Bansa at mga Bansang mauunlad.
    Ang Excise Tax ay kinakailangan para sa Economic Growth.
    Kaya kung tatanungin kung dapat bang tanggalin o isuspende ang Excise Tax sa produktong petrolyo? Ano sa tingin nyo?
    At dito na magtatapos ang video na ito.
    I Like, Share at Subscribe kung nagustuhan mo ang video na ito.
    Para updated ka sa mga susunod pang mga videos,
    Na kapupulutan ng aral.
    Hanggang sa muli,
    At sabay-sabay nating sabihin,
    TARA ARAL