LG Front Load Washing Machine 19KG 12KG | How to Setup and Install | Filipino

แชร์
ฝัง
  • เผยแพร่เมื่อ 10 ม.ค. 2025

ความคิดเห็น • 39

  • @anaawayan-lat3932
    @anaawayan-lat3932 11 หลายเดือนก่อน

    Ang ganda ng explanation
    Thank you

    • @gawinmoito
      @gawinmoito  11 หลายเดือนก่อน

      Thank you po!

  • @vernavinzon8866
    @vernavinzon8866 ปีที่แล้ว

    Ang linaw Ng pagka explain.. salamat kabayan..

    • @gawinmoito
      @gawinmoito  ปีที่แล้ว +1

      Hello po! Maraming salamat po!

  • @tinab.6943
    @tinab.6943 ปีที่แล้ว

    Salamat po sa napakalinaw na pagpapaliwanag as we are plannning to buy the same unit kaya nagreresearch ako. Meron lng po sna akong ilang katanungan:
    1. Paano po kung naparami ang sabon may way po ba mag add ng tubig or nag aasjust automatic ng tubig ang machine based sa dami ng sabon?
    2. Paabo po kung madami masyado ang damit at nag error ngunit may tubig na sa manchine hindi na mabubuksan para bawasan, ganun din po kung may gusto idagdag na damit na nakalimutan isama?
    3. Kailangan po ba baguhin ang power supply para sa ganitong mchine yung standard ba na saksakan at kuryente ay di sasapat?
    Sana ay masagot nyo po maraming salamat po

    • @gawinmoito
      @gawinmoito  ปีที่แล้ว

      Hello! Heto po ang mga sagot sa inyong mga katanungan.
      1. Kung naparami ang sabon, at simula pa lang ay alam mo na na naparami ang sabon, Dagdagan mo na agad ang “Rinse”. Maski gawin mong 3 rinse. Hindi nag aadjust automatically ang tubig based sa Dami ng sabon. Nag aadjust ang tubig based sa Dami o Bigat ng inilagay mong damit. Ang Sabi samin sa bilihan, isa sa mga nagiging cause ng pag baba ng buhay o madaling pagkasira ng washer dryer na ganito ay kapag Sobrang Daming sabon ang nailalagay. Kaya dapat sundin na lang ang nakalagay na measurement sa packaging ng sabon. Halimbawa, sa load namin, kalahating tub ng machine ang niload, nag lalagay kami ng half cup (takip ng liquid laundry detergent) sa Pre-wash portion ng lagayan ng sabon. At 1 cup/takip naman sa “Wash Portion” ng lagayan ng sabon. Setting namin ay Normal, ginagawa ko lang 2-3 rinse kasi May liquid bleach pa kaming nilalagay at fabric softener.
      2. Though parang imposibleng mag overload sa ganitong washer dryer kung tuyo ang maruming damit ng ilagay mo sa machine, kapag na set mo na kung Anong setting ang gusto mo at na press mo na ang start button, mag lolock na ang door, iikot ang mga damit sa loob na parang kina-calculate ng machine ang bigat ng nilagay mong damit. Kung okay naman at Hindi overload ay mag poproceed lang ito. Pero kung overload, May error code na lalabas sa panel/screen at hahanapin mo yung error code sa manual na kasama ng unit. Pag naka indicate doon na overload, all you have to do is to press the pause/start button, wait for the clicking sound that indicates your machine’s door has unlocked. Pag nag unlock na, pwede mo na bawasan ang damit. Same process lang pag May Nakalimutan ka na ilagay na damit tapos gusto mo idagdag, press the pause button, wait for the clicking sound, then open the door, idagdag ang damit at isara ang pinto. Usually pagkasara mo ng pinto nag reresume automatically ang washing. Pero kung ilang segundo na di pa nag resume, press the start button. Now, what happens kapag May tubig na yung machine at May sabon na pero bubuksan mo ang door para bawasan or mag dagdag ng damit, since ang machine na ito ay ginawa with feature to save water, meaning kaunti lang ang ginagamit na tubig para maglaba, mag sasubside lang ang tubig sa machine. Wala kang poproblemahin na overflow.
      3. Bago mo bilhin ang unit, make sure May naka ready ka nang saksakan na May breaker katulad nung aircon. Mas maigi kung May sariling linya siya sa breaker ng kuryente niyo. Basta malaking machine, kailangan talaga ng sariling saksakan at sariling breaker. Kami ang ginawa muna namin bago namin nagamit yung breaker na pangoutlet (yung nasa video), may binili na muna kaming Panther extension na may built-in breaker or surge protection. 2-gang. Sa ACE hardware namin nabili. Okay naman wala naman problema.
      TIP: sa una gumamit na muna ng digital weighing scale para malaman mo kung Ano ang Bigat ng isang laundry basket na gamit niyo kapag puno ng damit. Kami kasi ang isang puno namin na laundry basket ay mga 8-9kg lang so Sobrang baba pa din kumpara sa capacity ng nabili naming washer dryer.
      Sana po nasagot po ang inyong mga katanungan.

    • @tinab.6943
      @tinab.6943 ปีที่แล้ว

      @@gawinmoito maraming salamat po sa detalye nyong kasagutan and more power to your channel 👍

    • @gawinmoito
      @gawinmoito  ปีที่แล้ว

      @@tinab.6943 You're welcome po!

  • @jasminperez450
    @jasminperez450 17 วันที่ผ่านมา

    Sir pano po yung sa drain? Ibababa ba yunh hose?

    • @gawinmoito
      @gawinmoito  17 วันที่ผ่านมา

      Yes po mababa po ang hose hanggang kalahati ng taas ng machine lang ang maximum height limit, lagpas po doon hindi na po magde-drain ng maayos. Merry Christmas po!

  • @beaalab4627
    @beaalab4627 4 หลายเดือนก่อน

    Sir ask lang po, hindi naman po old yung pag sasaksakan ng washing machine pero need po ba talaga nang breaker?yung same sa binili mo?

    • @gawinmoito
      @gawinmoito  4 หลายเดือนก่อน

      Kahit hindi po katulad, basta po may sariling breaker ang linya ng washing machine na ito `yung parang katulad sa mga aircon may sariling circuit breakers.

  • @missxiu
    @missxiu ปีที่แล้ว

    Hello po pano nyo sya na tub clean? Ganito yung samin kaso di ko alam pano ni tub clean

    • @gawinmoito
      @gawinmoito  ปีที่แล้ว +1

      Hello! I-on niyo po ang power, tapos po pindutin niyo po ng sabay ang spin at temp ng 3 seconds para mag-start ang tub clean.

  • @gjimvanvernierverueco3975
    @gjimvanvernierverueco3975 ปีที่แล้ว

    San po kayo nakabili

  • @RegienaldCorrea
    @RegienaldCorrea ปีที่แล้ว

    Pwede ba siyang pang business?

    • @gawinmoito
      @gawinmoito  ปีที่แล้ว

      Ginagamit din po, kaso yung mga gumagamit po nito sa business ay kino-convert po sa gas ang dryer, hindi na po sa electric. Kapag po kasi kinonvert po ito, baka mawala po yung warranty ng LG.

  • @Ryliewarzone
    @Ryliewarzone 2 หลายเดือนก่อน

    san nyo po sinasak yung breaker na binili nyo?

    • @gawinmoito
      @gawinmoito  2 หลายเดือนก่อน

      Sa wall socket po yan kinakabit, kaso hindi na napasama sa video.

    • @Ryliewarzone
      @Ryliewarzone 2 หลายเดือนก่อน

      @gawinmoito sige sir, pwede ba palitan yung regular wall socket ng ganyan kesa maglagay circuit breaker?

    • @Ryliewarzone
      @Ryliewarzone 2 หลายเดือนก่อน

      @gawinmoito meron din po ba neto na 8kg lang?

    • @gawinmoito
      @gawinmoito  2 หลายเดือนก่อน

      @@Ryliewarzone Yes, pang wall socket po talaga iyan.

    • @gawinmoito
      @gawinmoito  2 หลายเดือนก่อน

      @@Ryliewarzone Mayroon po, kaso advise ko sa iyo ay mag-malaki kana na washing machine (19kg pataas), kasi matagal ito maglaba tapos kaunti lang ang malalabhan, pero kung solo kalang sa bahay puwede na 8kg.

  • @rjdolalas7480
    @rjdolalas7480 5 หลายเดือนก่อน

    Magkano po bili niyo niyan sir?

  • @ejhaboc6862
    @ejhaboc6862 ปีที่แล้ว

    how much po ang bili nyo nito?

  • @yrrechadineol9633
    @yrrechadineol9633 ปีที่แล้ว

    Normal lng po ba na umiinit ungmachine kpg ginamit ung dryer program? Tpos amoy sunog na guma o plastik.. kakabili ko lng po ung machine

    • @gawinmoito
      @gawinmoito  ปีที่แล้ว

      Hello! I-report niyo nalang po sa LG iyan issue po na amoy sunog. Hindi po nangyari sa amin iyan.

  • @LasdilElizaga
    @LasdilElizaga ปีที่แล้ว

    May ilaw po ba sa loob ung washing?

    • @gawinmoito
      @gawinmoito  ปีที่แล้ว

      Yes. Mayroon pong ilaw.

  • @leonardaguirre2104
    @leonardaguirre2104 ปีที่แล้ว

    Hm po yan sir pakabili nyo

  • @johnmariusperalta7402
    @johnmariusperalta7402 ปีที่แล้ว

    Ganyan din po ang w. Machine ko. Mahina po ang buga ng tubig nya sa loob ng washing. Bakit po kaya? Sana matulungan nyo po ako salamat po

    • @gawinmoito
      @gawinmoito  ปีที่แล้ว

      Hello! Mahina lang po talaga ang buga ng tubig ng washing machine na ito, kasi po ay water conserver ang design ng LG dito sa machine na ito. Kaya po mahalaga (payo din po ito ng LG) na huwag damihan ang sabon, kasi masisira ang machine dahil kaunti lang magtubig ito. Sana po makatulong.

  • @NormiyaMama
    @NormiyaMama ปีที่แล้ว

    Sir paanu po mag laba sa sapatos machine nmin LG thinQ

    • @gawinmoito
      @gawinmoito  ปีที่แล้ว

      Hi! Ang alam ko po sa sapatos ay kinakamay lang po or ginagamitan ng lumang toothbrush para linisin. Hindi ko pa po nasubukan maglaba ng sapatos sa kahit anong washing machine po kahit doon sa regular washing machine po.

  • @lionelperez659
    @lionelperez659 ปีที่แล้ว

    kamusta po sa kuryente ang alm ko po kasi sa tubig lang sya matipid

    • @gawinmoito
      @gawinmoito  ปีที่แล้ว

      Hello po! Matipid po talaga sa tubig po, kasi po ang minimum po ay di naman po nadagdagan. Sa kuryente naman po P400 - P600 po ang dagdag sa kuryente po per month po. Sanna po makatulong.

  • @rhonaperez3843
    @rhonaperez3843 ปีที่แล้ว

    Hm po