ไม่สามารถเล่นวิดีโอนี้
ขออภัยในความไม่สะดวก

6 kahulugan ng "NAMATAY" sa panaginip

แชร์
ฝัง
  • เผยแพร่เมื่อ 13 มี.ค. 2024
  • 6 kahulugan ng NAMATAY sa panaginip
    1. Kung ikaw ay namatay sa panaginip
    Ito ay nangangahulugan na ikaw ang parating nagsasakripisyo sa isang relasyon ng hindi man lang nabibigyan ng pahalaga at nais naman na unahin ang sarili. Isa rin itong paalala na tigilan na ang isang gawain na nakasanayan na pwedeng makasama at magdala ng kapahamakan.
    2. Namatay ang kapatid sa panaginip
    Ito naman ay nagsisilbing paalala na marahil sa sobrang kaabalahan sa buhay ay nakakalimutan ng magbigay ng panahon sa kapatid at alalahanin ang kanilang kabataan.
    3. Namatay ang kaibigan sa panaginip
    Ito ay nangangahulugan ng pagwawakas ng isang kontrata sa trabaho o di naman kaya ay pagtatapos ng isang relasyon.
    4. Namatay ang kapitbahay sa panaginip
    Ito ay nangangahulugan na may mga pagbabago sa buhay mo na hindi mo binibigyan ng pansin.
    5. Namatay ang isang sanggol sa panaginip
    Ito ay nangangahulugan ng pagkilala at malalim na pagkaramdam ng bagong ina sa kanyang pananagutan sa bagong responsibilidad na protektahan at pangalagaan ang kanyang sanggol.
    6. Namatay ang magulang sa panaginip
    Ito ay nangangahulugang nag-aalala ka sa iyong magulang, maaaring dahil sa pakiramdam mo ay hindi sila magaling, marahil dahil sila ay dumaranas ng masamang panahon o para sa kanilang kalusugan.
    #kahuluganngnamataysapanaginip
    #namataysapanaginip

ความคิดเห็น • 5

  • @HALLOHILOM
    @HALLOHILOM 7 วันที่ผ่านมา

    ano.po ibig sabihin kiniss amo sa labi ng taong namatay na..

    • @gallytvph
      @gallytvph  7 วันที่ผ่านมา

      @@HALLOHILOM Hinalikan ka sa labi ng taong namatay na ay nagpapahiwatig ng pagpapahalaga at pagkilala sa mga alaala, karanasan, o mga aral na natutunan mo mula sa pagkakakilala mo sa taong iyon. Ito ay nagpapahiwatig ng iyong pasasalamat at paggalang sa kanya.Ang paghalik sa labi ay nangangahulugan ring pagtanggap at pagbitaw.

    • @gallytvph
      @gallytvph  7 วันที่ผ่านมา

      @@HALLOHILOM Hinalikan ka sa labi ng taong namatay na ay nagpapahiwatig ng pagpapahalaga at pagkilala sa mga alaala, karanasan, o mga aral na natutunan mo mula sa pagkakakilala mo sa taong iyon. Ito ay nagpapahiwatig ng iyong pasasalamat at paggalang sa kanya.Ang paghalik sa labi ay nangangahulugan ring pagtanggap at pagbitaw.

  • @tendernhess9864
    @tendernhess9864 2 วันที่ผ่านมา

    Kahulugan ng malapit ka ng mamatay sa panaginip..nanghihina na sa panaginip at malapit ng mamatay..alam ng 3 mahalaga sa buhay mo mama papa at asawa mo..ano po ibig sabihin nun?at huling sabi ko sa aswa ko na mahal na mahal ko sya at aantayin ko sya sa kabilang buhay..

    • @gallytvph
      @gallytvph  วันที่ผ่านมา

      @@tendernhess9864 Sa panaginip na ito, ang pakiramdam ng malapit na mamatay o nanghihina ay nagpapahiwatig ng matinding emosyonal o mental na stress. Maaaring nagkakaroon ka ng takot o pag-aalala tungkol sa mga mahal mo sa buhay, o kaya'y nagkakaroon ng pangamba sa mga pagbabago o sa hinaharap.
      Ang panaginip kung saan nagpapahayag ka ng malalim na damdamin sa mahal mo sa buhay, tulad ng pagsabi sa asawa mo na mahal mo siya at aantayin mo siya sa kabilang buhay, ay nagpapahiwatig ng iyong tunay na emosyon at pagnanais na ipakita ang iyong pagmamahal at suporta sa kaniya.