Daily Devotion Day 15 EveningDevo Salmo

แชร์
ฝัง
  • เผยแพร่เมื่อ 17 ธ.ค. 2024
  • Salmo 37:23-24 ASND
    Ginagabayan ng Panginoon ang bawat hakbang ng taong matuwid na ang buhay ay nakakalugod sa kanya. Matisod man siyaʼy hindi siya mabubuwal, dahil hinahawakan siya ng Panginoon
    Evening Devotion:Hawak ng Diyos ang Ating Buhay
    Sa Salmo 37:23-24, malinaw na ipinapakita na ang Diyos ang humahawak at tumutuwid sa ating mga hakbang. Kahit tayo’y madapa o makaranas ng kahinaan, hindi Niya tayo pinapabayaan. Sa halip, Kanyang itinatayo tayo muli upang ipagpatuloy ang ating paglalakbay kasama Siya. Ang gabay ng Diyos ay hindi lamang sa direksyon, kundi sa Kanyang pagmamalasakit na hindi tayo tuluyang mabubuwal o Madapa sa ating paglalakbay patungo sa landas na inihanda Niya para satin.
    Tanong sa Pagninilay:
    Paano mo naranasan ang hawak ng Panginoon sa araw na ito?
    Ano ang natutunan mo mula sa Kanyang paggabay?

ความคิดเห็น •