Speech 30 | Kyr Arji Subia | What if religions never existed? (13 December 2024)
ฝัง
- เผยแพร่เมื่อ 29 ม.ค. 2025
- Si Kyr Arji Subia, labim-pitong taong gulang, ay panganay sa tatlong magkakapatid at ang kauna-unahan sa pamilya nilang nakapasok sa Unibersidad ng Pilipinas. Siya ay pinalaking Romano Katoliko at naging sakristan sa kanilang parokya. Ngunit pagkatapos ng labing-isang taon, siya, kasama ang kanyang pamilya, ay naging Protestante dahil sa mga naganap na isyu sa dati nilang simbahan. Siya ay aktibong tumutugtog sa kanilang simbahan bago lumuwas patungong Maynila para mag-aral. Lingid sa kaalaman ng kanyang magulang, siya ay naging agnostic nang matagal na panahon dahil sa pagiging ipokrito ng mga tao sa kanyang paligid at pagwala sa konteksto ng ibang bahagi ng Bibliya upang bigyang-katwiran ang mga mali. Ngunit sa kinalaunan ay bumalik rin siya sa pananampalataya. Ngayon, ibabahagi niya ang mga kaganapan na nakapagpabago sa kanyang kaisipan patungkol sa relihiyon.