Speech 30 | Daine Mariel Chua | Paano kung wala nang dikit ang tape? (13 Dec 2024)
ฝัง
- เผยแพร่เมื่อ 27 ม.ค. 2025
- Si Daine Mariel Chua, labingwalong taong gulang, ay isang manunulat ng balita mula pa noong siya’y labing-isang taong gulang. Ang kanyang interes sa pamamahayag ay nagsimula sa mga kompetisyon, subalit kalaunan ay naunawaan niya ang mas malalim na halaga nito sa lipunan. Siya ay naging news writer sa ExplainED PH, isang non-profit journalism organization. Sa murang edad, namulat siya sa hamon ng pamamahayag sa Pilipinas, na madalas nahaharap sa takot at panganib. Sa klaseng ito, layunin niyang ibahagi ang kanyang karanasan gamit ang simbolismo ng tape at hamunin ang tagapakinig sa tanong na "Paano kung wala nang dikit ang tape?"