Speech 30 | Romina Dalisay | Paano kung nagkatuluyan si Narda at Regina? (13 December 2024)
ฝัง
- เผยแพร่เมื่อ 29 ม.ค. 2025
- Si Mina ay kasalukuyang nag-aaral sa UP Diliman ng kursong BA Sociology at nakapagtapos ng hayskul sa Manila Science. Kahit na nangako siya sa sarili niyang hindi na niya babalikan ang paaralang iyon, hindi niya maitatangging dito talaga nahubog ang kaniyang pagkatao at mga paniniwala.
Madalas na nagiging punong-abala sa komite ng pag-aanyo at pagdidisenyo, sa sining hinuhugot ni Mina ang kaniyang boses upang maipahayag ang kaniyang mga ipinaglalaban, lalo na kapag hirap na siyang hanapin ang mga tamang salita. Sa pamamagitan ng paghahalungkat ng iba’t ibang uri ng likhang sining ay nakilala niya ang kaniyang tunay na pagkakakilanlan. Dahil dito, naniniwala siyang malaki ang papel na ginagampanan ng midya sa lipunan.
Sa kaniyang talumpating pinamagatang “Paano kung nagkatuluyan si Narda at Regina?”, umaasa si Mina na balang araw ay magkakaroon ng lugar para sa mga lesbiyanang tulad niya - kung saan hindi na nila kailangang isingit ang kanilang mga sarili sa kakarampot na espasyong matagal na nilang pinagtitiisan.
References:
Bernard, R. (2024). All 240 dead lesbian and bisexual characters on TV, and how they died. Autostraddle. www.autostradd...
Lee, S. (2016). Girl on TV: How gender representation shapes identity. CNN Philippines. cnnphilippines....
You’ve Probably Fantasized About Gay Girls. And That’s What’s Wrong with “Titibo-Tibo.” (2018). Esquire. www.esquiremag...
Annati, A., & Ramsey, L. R. (2021). Lesbian perceptions of stereotypical and sexualized media portrayals. Sexuality & Culture, 26(1), 312-338. doi.org/10.100...
Rich, A. (1980). Compulsory Heterosexuality and Lesbian Existence. Signs, 5(4), 631-660. www.jstor.org/s...