Driving TIPS para iwas huli ng mga traffic enforcer sa lungsod ng Maynila

แชร์
ฝัง
  • เผยแพร่เมื่อ 6 ธ.ค. 2020
  • Itong video na ito ay makakaatulong sa karamihan na nagmamaneho sa maynila lalo na sa mga bago palang nagmamaneho. Ito ay makakatulong para kayo ay hindi kayo magkaroon ng violation sa lungsod ng maynila.Lalo na ngayon may bagong batas na pinasa si yorme na no contact apprehension. Ang pinakamensahe ng video ay palagi po tayong sumunod sa batas trapiko may enforcer man o wala ng sa ganun tayo ay hindi na maabala.

ความคิดเห็น • 95

  • @zyreltaaca2922
    @zyreltaaca2922 ปีที่แล้ว +2

    6:47 ang galing ng pagkakagawa ng patibong..nakapasok ka na bago mo malamang bawal.. dun pa talaga nakalagay sa madilim yung signage.

  • @fernadopauljunior8548
    @fernadopauljunior8548 2 ปีที่แล้ว +7

    6:44 wala ngang signages sa unahan, kaya siguradong mpapasok mo kapag bago ka sa lugar. siguradong huli kahit sila naman ang may pagkukulang o sinadya talaga puro mga kurap.

    • @jayramos5730
      @jayramos5730 2 ปีที่แล้ว

      Kawawa mga buhira lng pumunta jan,, kasi wala sa tamang lugar mga signage,, tapos nka abang mga enfoncer,, yung alam nilang magkakamali athindi mababasa ng driver ang signage,,, mga kalsada wala naman sa ayus laging under construction wala nnan Gumagawa,,, bako bako ang lalaki ng lubak paano ka hindi mag chechange lane,,, ayusin muna ninyo kalsada saka ninyo lagyan ng camera

  • @Ironheart73
    @Ironheart73 2 ปีที่แล้ว +25

    Eto mga tips na natutunan ko sa mga sarili kong pagkakamali nung nagaaral ako magdrive sa Manila.
    1. WHEN MOVING, DRIVING STRAIGHT IS THE SAFEST- Ibig sabihin sa pagmamaneho, basta ang pinakaligtas mong pwesto ay pag nasa linya ka at diretso ka lang. Kapag lumiliko tayo, kapag nagpapalit linya, o kahit pag papara tayo sa tabi, dun tayo mas nagiging vulnerable sa aksidente, sagi/bangaan, at kung anong pagkakamali na pwede mong ikahuli. Kaya extra careful dapat kung liliko, hihinto, o lilipat ng linya.
    2. ANG HULIHAN AY KADALASANG NANGYAYARI SA ISANG INTERSECTION- Kung baga sa pedestrian, ang gusto mo mangyari kapag nasa harap ka ng isang intersection ay agad na makatawid ng wala sabit. Nasa intersection kadalasan din mga nanghuhuli. Kaya tulad ng isang pedestrian na tumatawid ng kalsada, ang isang nagmamaneho na tumatawid intersection ay dapat triple ang pagkalisto lalo kung malapit na
    -Tignan mo kung nasan ang traffic light
    -Tignan mo kung anong mga sign nandun. Baka mamaya hindi mo pala pwede likuan kasi one way
    -Inspect mo paligid kung may traffic enforcer, minsan kasi nakatago mga yan
    -Malayo layo ka pa sa intersection, pumuwesto na agad sa tamang lane. Kung papaliko ka kunwari sa kaliwa, pinaka-kaliwang lane na kunin mo. Yan ay para di ka din makaabala ng nasa likod mo na hindi naman kakaliwa.
    -Kung diretso ka lang at 4 yun lane, lane number 3 ka lagi. Sa 4-lane na kalsada kasi, ang 2 left most lanes ay pwedeng papaliko
    -Kung ilang metro na lang layo mo sa intersection huwag ka na magpapalit ng linya. Lalo kung Solid White line ito. Dyan ka na lang
    -Kung naligaw ka sa lane na papaliko, sumunod ka na lang sa agos ng trapiko
    -Tignan yun road markings pag malapit na intersection. Para alam mo kung pwede ka ba lumiko o hindi
    - Kapag malawak yun intersection na nililikuan, tumingin sa dalwang side and rear view mirror, kasi minsan may gagong aagawan ka linya habang lumiliko.
    - Huwag ka gagawa sarili mong linya pag nasa gitna ng intersection. Kung kun nasa lane 1 ka bago tumawid, lane 1 ka din dapat pag nakatawid na
    - Eto madalas makadale. Ang traffic light na wala countdown pag papaliko kaliwa. Ang technique ko dyan, steady lang ang speed mo. Pero pay attention ka sa traffic light. Kahit technically legal sya, huwag ka papaabot ng yellow sa gitna ng intersection hangang maari. Kung sakali di mo na kaya pumara, ang gawin mo imbes lumiko diretso ka na lang. Hanapin mo pinakamalapit U-turn sa kaliwa.
    3. LEARNING IS HALF THE BATTLE- Sa totoo lang, hindi naman sapat time na iniuukol ng kahit na anong driving school para matutunan mo lahat. Some talaga matutunan mo by doing it. Pero syempre ayaw mo ng abala tuwing mahuhuli ka. Isa pang nagpapahirap talaga ay hindi unified ang ating traffic rules sa Mega Manila. Iba iba din ang pagkastrikto. So aralin mong mabuti mga kalsada na dadaanan mo. Kung pwede igooogle map mo muna. O kaya noon ka mga Video tulad nito para matuto ka ng husto.
    4. When all else fails, magmenor lagi. Lalo pag malapit na sa intersection at lilikuan. Magbibigay ito pagkakataon para makita mo kung may traffic enforcer, at mga karatula na kung me bawal gawin
    Happy motoring and drive safe mga brader.

    • @jemwilsuarez2205
      @jemwilsuarez2205 2 ปีที่แล้ว +1

      well said sir, kakahuli lang sakin sa Binondo area kanina. Bago pa lang ako nag ddrive sa Maynila, nakalinya ako sa kanan, nung nakita ko yung barikada nilang orange napakaliwa ako, dun na ko dinale. Maraming salamat sa tips sir.

    • @Ironheart73
      @Ironheart73 2 ปีที่แล้ว +1

      @@jemwilsuarez2205 No problem brader. Im glad nakatulong. OO strikto ang Manila Area at masyado malupit parusa nila. Ang mamahal na nga ng multa, kumpiskado pa minsan lisensya mo kahit napakaminor lang naman violation mo. Kung may barikada na orange, usually kasi ilang metro bago nyan solid white line na. Kaya ka malamang nasita. Kaya ingat at listo lang palagi

    • @dcg929
      @dcg929 5 หลายเดือนก่อน

      Thanks for your good contribution

  • @thotobartolome5080
    @thotobartolome5080 2 ปีที่แล้ว +4

    sana din sumunod din sila sa tamang panghuhuli kc basta na lng nila hinihingi lisenya na walang dahilan minsan d nila alam kng anong ilalagay nilang violation nanghuhula na lng d mo rin alam kung dumaan din cila sa seminar .

  • @UnoGamez-rl8wd
    @UnoGamez-rl8wd ปีที่แล้ว +1

    Bro. maraming salamat sa mga napaka linaw mong pag tuturo. salahat ng video, na ginagawamo. hindi ako nagkamali ng i subscribe kita, at laging i like. God Bless. gabayan kasana ni Lord, sa araw araw mong ginagawa, at sanay, tuloy tuloy ang yong pag tuturo. salamat uli, ingat lagi Bro
    😊👏

  • @marikelrenacruz1921
    @marikelrenacruz1921 2 ปีที่แล้ว +8

    Amg mahirap po kasi sa ating driver hinahanap natin ang pupuntahan natin..kasi kulang sila signboards..kong saang lugar ka na ba at saan ka papatungo..may signboard minsan sa malayo mahirap basahin mabasa mo na lang pag medyo malapit ka na at dun din talaga nilagay kong saan ka na malapit sa pupuntahan mo halimbawa pakanan pala yong pupuntahan mo eh nasa gitna ka pa..ending hndi ka na pwede mag swerve..kasi malapit na..ang dapat ila gawin malayo pa lang maglagay na sila g signboards para alam na ng driver kong anong linya sya dapat na luminya..parang sinadya na nila yan para madami sila huli

    • @JhaymarkMontemayor-wp8yl
      @JhaymarkMontemayor-wp8yl 2 หลายเดือนก่อน

      Isa sa problema sir .. nilabag nila ung ordinansa nang lto .. tinupad nila ung ordiNansa nila .. ang orange lane bigayan yan sir. ...

  • @jhayrotablano247
    @jhayrotablano247 2 ปีที่แล้ว +6

    yan ang problema jan sa manila.. gusto mong safe na nasa gilid ka lng magugulat ka nlng may arrow sa ibaba na bawal dumiretso.di kna mkakaliko ksi bka maaksidente. halagang libo sa simpleng pinturang arrow.. unfair..

    • @fostermariano6401
      @fostermariano6401 2 ปีที่แล้ว +1

      True road paint sign are only seen when you are near intersection kulang din sign boards

  • @jobskalel2589
    @jobskalel2589 2 ปีที่แล้ว +4

    Problema sa pinas napakatagal na hangan ngyon walang unified standard ang road signs at traffic light. Ito sa lugar na ito ganito, tpos sa lugar na ito iba. Mga batas sa traffic hindi pare parehas kaya naperwisyo mga tao at wlang nagawa lto at gobyerno dito

  • @soblessed520
    @soblessed520 9 หลายเดือนก่อน +2

    Sir dito sa kahabaan ng R10 North harbor sobrang dami ng trap. Yong area na sobrang traffic walang enforcer para ayusin yong traffic. Pero sa bawat stop light nandon sila sa unahan at naghihintay na magkakamali. So iba yong magkamali at mag violate intentionally. Sorry to say, the intention is clearly to compromise at hindi issuehan ng ticket. Maraming nabibiktima lalo na dyan sa Pier 4 kung papunta ka Manila. Hindi traffic management ang nangyayari kundi maghanap ng butas para makakotong. Lord kunin mo na sila pls perwisyo sila sa lansangan.

    • @haliezap5451
      @haliezap5451 27 วันที่ผ่านมา

      Pinagdasal ko din na kunin sila at may mangyaring masama sa kanila kasi grabi sila. Pinagdadasal ko din kay satanas na kunin lahat nang enforcer at duon na sila lahat sa imperno.

  • @brylestanford8064
    @brylestanford8064 6 หลายเดือนก่อน

    Dapat malaki signage malayo palang natatanaw na, hindi yung kung kelan malapit sa nakalagay tapos tago pa,tapos napaka liit pa.

  • @JMDIY
    @JMDIY 3 ปีที่แล้ว +2

    nice video pre. marami kasi di naman nag aral pano mag umasta sa kalsada.

  • @VenetiaHall
    @VenetiaHall ปีที่แล้ว

    Thank you Sir!

  • @alvinyang6826
    @alvinyang6826 3 ปีที่แล้ว

    Dami ko natutunan idol salamat

  • @UmbraKarma
    @UmbraKarma 3 ปีที่แล้ว

    Salamat Sir Marami po akong natutunan..

  • @jenisaguimaras4033
    @jenisaguimaras4033 2 ปีที่แล้ว

    galing maraming salamat po sir.

  • @andymendoza8394
    @andymendoza8394 ปีที่แล้ว

    Salamat boss SA info

  • @emmanuelbunagancok840
    @emmanuelbunagancok840 ปีที่แล้ว +1

    Entrapment ang tawag dyan hindi public service.

  • @ronaovejas640
    @ronaovejas640 2 ปีที่แล้ว +1

    very helpful thanks..

  • @jeffreybalanquit263
    @jeffreybalanquit263 3 ปีที่แล้ว

    Maraming Salamat po Lodz .. Ingat po Lagi 🙏🙂🙂

  • @Christian-zg1eg
    @Christian-zg1eg 9 หลายเดือนก่อน

    Dapat nilalagyan nila yan ng arrow markings sign. Pede yan reklamo brad dahil wala arrow signage

  • @tobbycat5160
    @tobbycat5160 ปีที่แล้ว

    Keepsafe lagi

  • @angaustin6290
    @angaustin6290 2 ปีที่แล้ว +8

    Share lang ho Sir! Going down jones bridge towards binondo, there's a traffic light, BUT, partially covered by a smaller arch ( "arco" , " fil-chi friendship arch"), and...... Traffic enforcers are always on d corner ready to pounce on motorists who r not familiar with this trafficlight or streets in binondo. Thank u btw for your useful videos!

    • @wilfredoflores5350
      @wilfredoflores5350 9 หลายเดือนก่อน

      nabiktima na ako dyan sa tapat ng binondo church

  • @tropafam1691
    @tropafam1691 2 ปีที่แล้ว +3

    Wag natin iboto si Isko .
    Maynila mismo di niya masolusyunan ang traffic light na walang countdown , Bansa pa kaya .

    • @jayramos5730
      @jayramos5730 2 ปีที่แล้ว +1

      Tama,, papansin lng yan ,,,
      Kung maayus ang kalsada at mga signage ok lng na mahuli ka kc kasalan mo yun,, pero mga kasing lake ng timba na lubak paano ka hindi mag chechange lane

  • @besthouseandlot
    @besthouseandlot 2 ปีที่แล้ว

    Thanks for sharing this update video idol. Done coloring your home. Shoutout! #MOVEONTV

  • @admiralbulldog3892
    @admiralbulldog3892 2 ปีที่แล้ว

    I play your video at 2x Play Back Speed

  • @princesBallais02
    @princesBallais02 3 ปีที่แล้ว

    after ng under pass dyan po ako n'atatakot kasi .Pag naka green...naka ilang tumuloy kasi biglang mag red ..Isang Beses na huli ako dyan....
    buti nalang mabait yung enforcer ..nagpa meryenda nalang ako. sunday kaya walang tao masyado..hindi na ako natikitan...

  • @donperryaguila9437
    @donperryaguila9437 2 ปีที่แล้ว

    Dami jn s my lacson espana ingat tayo.

  • @Ironheart73
    @Ironheart73 2 ปีที่แล้ว +4

    Very helpful. I agree mahigpit sila sobra sa lane changing. Lalo kung malapit ka na sa intersection. At mahal ang multa sa kanila. Hirap pa nyan, kumpiskado pa lisensya mo at 1 week minimum bago mo ito pwede matubos. Yan ay kung di ka bibigyan ng 2 hour na seminar.

    • @wilfredoflores5350
      @wilfredoflores5350 9 หลายเดือนก่อน +1

      dalawang beses ako nagpunta sa adjudication, 2 beses tulog yun tao dun......9 am ng umaga. may unan pa!

  • @reneilmendoza9917
    @reneilmendoza9917 ปีที่แล้ว +1

    Parang sa pasay po yang lugar mo?

  • @princesBallais02
    @princesBallais02 3 ปีที่แล้ว +2

    Ako everyday laging dumaadann sa manila from pajo calocacn to Robinsons manila .hatid sundo k young asawa ko .
    5 years na ako driver ng motor...
    ang payo ko lang din...sa simple ng rules sumunod lang tayo para iwas abala.
    Sofar no record pa ako from 2016-2021...
    waiting sa 10 years validity. ..
    #maging responsibleng driver

    • @jayramos5730
      @jayramos5730 2 ปีที่แล้ว +1

      Handa nman sumunod sa batas,, Ayusin sana mga signage kawawa mga bihira pumasok jan,, mga enforcer doon nka abang sa alam nila malilito ang driver para maka huli,, ang lalaki ng lubak sesemplang ka kpag hindi ka nag change lane

  • @chufengxilin9869
    @chufengxilin9869 2 ปีที่แล้ว +3

    Kulang kasi sa mga signboards, sayang lang lahat ng inaral ko kung yung nga signboard hindi nakapaskil or makikita lang kapag malapit na sa hulihan

    • @fernandbraudel89
      @fernandbraudel89 ปีที่แล้ว

      Tumpak tinatago yung mga signage. Yung road markings di makita pag heavy traffic makikita mo na lang mali ka na pala ays

  • @manuelnovio4996
    @manuelnovio4996 ปีที่แล้ว

    Alangan mga signbord nila at minsan duon na sa dulo.minsan walapa...mukhang mga patibong nga eto...

  • @jay-rstorylinechannel3005
    @jay-rstorylinechannel3005 ปีที่แล้ว +1

    Nahuli ako dyan paparating palang ako sa solid line nag ticket na mga basura inforcer dyan

  • @kablagmo-to9559
    @kablagmo-to9559 2 ปีที่แล้ว +3

    dpat ang babantayan mo jan eh yung MTB nde yung traffic sign o traffic light hahahaha

  • @pastranajonathan8406
    @pastranajonathan8406 2 ปีที่แล้ว +1

    Bkt ndi nila hinuhuli un mga tricycle sa binondo

  • @domingodelarosa485
    @domingodelarosa485 2 ปีที่แล้ว

    thank you sa mga sign regulation

  • @ferdinanddizon5818
    @ferdinanddizon5818 2 ปีที่แล้ว

    Sobrang higpit nila sa maynila pero matrapik pa rin

  • @magnusollitsac9404
    @magnusollitsac9404 2 ปีที่แล้ว +1

    Jan ako naka tatkong huli boss huhu

  • @wilfredoflores5350
    @wilfredoflores5350 9 หลายเดือนก่อน

    maraming traffic enforcers dyan sa lugar na yan......malkakas kita nila dyan.

  • @kulangot4558
    @kulangot4558 2 ปีที่แล้ว +3

    Ginagatasan ng mga MTPB mga motoristang dumadaan dyan!

    • @federicodomingojr9000
      @federicodomingojr9000 ปีที่แล้ว +2

      Very disappointing MTPB. Walang patawad. Kung non Manila residents wag naman ganyanin. First time offenders pwede unawain at pagsabihan. Kasi instead na ma encourage ang foreign at local tourists na spend money sa Maynila at marami bumili at gumastos duon para income for the city lalong maiinis mga tao bumisita. Sa totoo Lang, mas ok pa sa ibang lugar bumisita.

  • @bongbhart6316
    @bongbhart6316 3 หลายเดือนก่อน

    Sana sinasabi mo rin sir kung anu anu lugar ung mga sinasabi mo

  • @DiegoHernandez-yo2rf
    @DiegoHernandez-yo2rf ปีที่แล้ว

    Paano po sa mga single na motor ganyan din po ang diskarte

  • @bosspautv8291
    @bosspautv8291 ปีที่แล้ว +1

    Ako hindi ako hinuhuli pag ambulance dala ko.

  • @queenieunotan602
    @queenieunotan602 3 ปีที่แล้ว

    Kailan po kayo upload ng manual driving sir

  • @hulikabalbon9273
    @hulikabalbon9273 2 ปีที่แล้ว

    Totoo yan pinaka maraming bayawak sa maynila wala patawad..

  • @ruelitomontales7654
    @ruelitomontales7654 3 ปีที่แล้ว +9

    Masyadong complicated ang rules ng manila regarding sa traffic. To really confused motorist para may huli lagi.

    • @Ironheart73
      @Ironheart73 2 ปีที่แล้ว

      And not to mention malupit talaga sila kahit sa mga minor traffic violations. Mahina dyan ang 2000 na multa, 1 week confiscation ng lisensya, na may kasama pang 2 hour na seminar.

  • @jhayrotablano247
    @jhayrotablano247 2 ปีที่แล้ว +1

    totoo..madaming bitag jan sa manila.. easy money

  • @bhims214
    @bhims214 2 ปีที่แล้ว +1

    LTO iba ang traffic rules, MMDA iba din ang traffic rules, HPG iba din ang traffic ruleS, EVERY CITY IN METRO MANILA may kanya kanyang traffic rules din. Langya🤔🤔

    • @Revism7
      @Revism7 2 ปีที่แล้ว

      lalo nila pinapahirapan yung buhay ng pilipino tanginang sistema talaga to

  • @masterbets3101
    @masterbets3101 2 ปีที่แล้ว

    Paki sabi na lang kung san part na ng manila yun video ty

  • @rudolfvincent4902
    @rudolfvincent4902 ปีที่แล้ว

    KAWAWA ANG MAHIHIRAP

  • @victorlatican1388
    @victorlatican1388 3 ปีที่แล้ว +2

    Pain un kuya dapat sa unahan ang sign age...

    • @kablagmo-to9559
      @kablagmo-to9559 2 ปีที่แล้ว

      oo nga mali ang pagkakalagay ng signage, dapat at least nasa unahan, eh makakapasok ka na sa lane bago mo makita yung signage na PUJ only"

    • @marikelrenacruz1921
      @marikelrenacruz1921 2 ปีที่แล้ว

      Yon din po ang kumento ko

  • @Maker659
    @Maker659 2 ปีที่แล้ว +1

    7:13 ano yan bitag

  • @dads85
    @dads85 3 ปีที่แล้ว

    Sa ganyan po ako nqhuli sir solid lane kaliwa dumretso ako sa abad santos ayun wreckless agad violation 2k

    • @jayramos5730
      @jayramos5730 2 ปีที่แล้ว

      Ayus sana mga signage at kalsada para khit mahuli ok lng

  • @ritchelapagalang1925
    @ritchelapagalang1925 ปีที่แล้ว

    paano kung di mo kabisado yang lugar di namn natin.alam kung saan banda nklagay ang mga marka na yan okey lang sa u kac taga jan ka e kaming mga probisyano dapat mga sign nila makikita agad hindi e nasa gitna na halos yung sign

  • @ferdinanddizon5818
    @ferdinanddizon5818 2 ปีที่แล้ว +2

    Ang tanong pano pag green pa tapos tumawid ka at biglang nagyellow nung nasa gitna kana hihinto ka ba sa gitna pakisagot

    • @dividinaizachmathewe.125
      @dividinaizachmathewe.125 ปีที่แล้ว

      wala po violations yon since nasa loob ka na ng intersection bago mag yellow

  • @benzbordz6183
    @benzbordz6183 ปีที่แล้ว +1

    Sana masagot nyo mga tanong ko:
    Nahuli ako ng isang Manila traffic enforcer. Bumabagtas ako sa Quirino Ave. Papuntang Roxas Boulevard pero pagdating ko sa entersection ng Adriatico nasilip ako ng enforcer at nahuli nga ako. Ang pangyayari kasi ay nasa left lane ako approximately less than 10 meters mula sa entersection at ang left lane na iyan ay going to to turn left at nasa loob na ako ng solid white lane. Di ko na isip at napansin malapit na pala ako ng entersection ng Adriatico kasi nasa unahan ko ay close van at sa kagustuhang tuloy ang abante ko nag change lane ako kahit na sokid white lane. Sabi ng enforcer nasa wrong lane daw ako at nasabi pa nya na bawal lumiko sa solid white lane. Gusto nya akong tiketan pero sa marami naming diskusyunan naawa sa akin at pinatawad ako doon sa nangyari. Noong naguusap pa kami hiningi ko sa kanya ang mission order nya ipinakita nya sa akin pero ang tiket nya ay OVR di ba dapat TOP kung sila nga ba ay diputized ng LTO? 2000 sana yong violation ko at doon sana sa manila city hall ko kukunin kung nagkataong natiketan nya ako. Yon nga lang di ko alam kung anong violation ang igahawad nya sa akin. Salamat sa mga sasagot

  • @yawbeatz2062
    @yawbeatz2062 ปีที่แล้ว

    Nag driving lesson po ba kau

  • @dividinaizachmathewe.125
    @dividinaizachmathewe.125 ปีที่แล้ว

    sinadyang malayo ang mga road signs para may huli haha lupit talaga ng mga buwaya

  • @rockymanas6930
    @rockymanas6930 2 ปีที่แล้ว

    Pano po Sir Kung orange pa naubutan Ako sa gitna diniretso Ko pwede Naman Po Yun Diba

    • @pinoydefensivedriver5306
      @pinoydefensivedriver5306  2 ปีที่แล้ว

      pede un kapag dika hinuli. may iba na ok lng may iba na nanghuhuli. kaya doble ingat talaga

  • @georgejose1484
    @georgejose1484 ปีที่แล้ว

    di pala puwede magbaba sa puj pag private vhicle ka...hahanap tlga ng babaan pg private car

  • @bhebokzvillanueva820
    @bhebokzvillanueva820 2 ปีที่แล้ว +1

    maynila takaw huli dyn

  • @duocruzRN26
    @duocruzRN26 3 ปีที่แล้ว

    Nice tips po lodi...
    panu po lodi pag mka tyempo ng kutongero na mmda kahit wala nmng violations? At ngpumilit na meron daw violations?

    • @princesBallais02
      @princesBallais02 3 ปีที่แล้ว

      kung may video Kunan po .Pag wala....para di ka maabala...mag pa meryenda ka haha

    • @soratatorreliza7633
      @soratatorreliza7633 2 ปีที่แล้ว

      @@princesBallais02 hahaha

  • @henrylee5549
    @henrylee5549 ปีที่แล้ว

    sana mapalitan ni bbm mangasiwa ng kalsada sa maynila...

  • @Garnet32
    @Garnet32 2 ปีที่แล้ว

    Hirap lang kasi iba iba ang rules...meron naman ako na panuod na kung kelan naka red signal saka dapat umabante sa U turn slot...actual video po iyon, kung sa iba huli naman yon. Hirap talaga! Tsk tsk..

  • @stevenleyson728
    @stevenleyson728 2 ปีที่แล้ว +1

    at the first place hindi naman kelangan netong tips videos how to drive kung talagang matino at nasa tamang disiplina kayo its just so happens na ang mga batas ika nga eh mali mali na sa manila eh ginagawa pa nilang tama
    BULLSHIT LAW!

  • @lilygen913
    @lilygen913 ปีที่แล้ว

    ser saan lugar po ito sa maynila? 6:47 thanks

    • @felixgb3757
      @felixgb3757 ปีที่แล้ว

      sa Lawton yan tapat ng Metropolitan theater

  • @fernandbraudel89
    @fernandbraudel89 ปีที่แล้ว

    Ano susundin mo kung nakatago yung mismong signage??? Hayup talaga