Notes on Andres Bonifacio's Social Philosophy - Emmanuel de Leon

แชร์
ฝัง
  • เผยแพร่เมื่อ 18 ก.ย. 2024

ความคิดเห็น • 7

  • @JASONZACHARYGAYOMA
    @JASONZACHARYGAYOMA 7 วันที่ผ่านมา

    Sa bidyong panayam na ito, ang aking pananaw tungo sa aking mga kapwa at bansa ay nagbago. Ang konsepto ng bayan nila Jacinto at Bonifacio ay nakakamangha dahil tinitignan nila ang taumbayan bilang magkakadugo na galing sa iisang bayan, at kagaya ng sinabi ni Doc Emman na "asa isang katawan lamang sila, ang pangulo ay hindi hiwalay doon. Siya ay naglilingkod bilang lider, pero parte parin sya ng bayan. Noong naisip ko ito pumasok sa aking isipan ang mga magagaling at mababait na mga pulitiko kung saan sila ay may servant - leadership. Maganda ang kanilang serbisyo dahil kilala nila ang kapwa nila at alam nila nakikibahagi sila.
    Gusto ko rin dalhin ang comment ni Ivan Angeles na ang "ideya ng Katipunan na pagkapantay pantay na nakuha ni Bonifacio sa masonry ay identical sa pagkapantay pantay sa komunismo ni Marx." Gusto ko rin ibahagi ang isa pang similarities ng pilosopiya ni Bonifacio sa rebolusyon at sa rebolusyon ni Marx. Kagaya ng sinabi ni Marx na mahalaga at kailangan ng rebolusyon upang mapatanggal ang bulok na sistema at mabago ito, ganoon rin sa rebolusyon ng Katipunan. Upang sila ay maging malaya kailangan nila mag rebolusyon.
    Gusto ko rin idala ang isang kontrobersyal na topic sa pagiging repormista ni Rizal, pag tayo ay nagreporma lamang ang sistema ay hindi ganoon magbabago. Pero kung tayo ay nag rebolusyon magigiba natin ang bulok na sistema, mapapatanggal ang mga oppressor, at mapapaunlad ang ating mahal na Bayan. Kaya ako ay nagagalak dahil si Bonifacio kahit napatigil sa pagaaral at nanguilila ito ng maaga, siya ay naging isang magaling na lider. Kagaya nga ng sinabi rin ni Mark Gamba sa comment section na baka sangkap ng maagang pangungulila niya ang nagtransform sakanya bilang maging isang magaling na lider.
    GAYOMA, JASON ZACHARY
    1PHL2 - IFP

  • @SEANNAIAPAULEENNATIVIDAD
    @SEANNAIAPAULEENNATIVIDAD 10 วันที่ผ่านมา

    Pagkatapos kong panoorin ang bidyo na ito, masasabi kong si Andres Bonifacio ay hindi lamang namulat dahil kanyang possibleng makita noon ngunit dahil naranasan niya rin ito. Dahil sa kailangan niyang buhayin ang kanyang mga nababatang kapatid, siya ay maagang nailantad sa lipunan, dinanas niya ang hirap at hindi pagiging patas ng buhay noon. Ang kanyang pilosopiya ay masasabing isang halimbawa ng penomenolohiya, ang kanyang pag iisip ay nabuo sa kanyang mga naranasan at mga nakasalamuha. Kaya naman ay hanga ako sa kanyang sinulat, ang kanyang sinulat na maaari ring sumalamin sa kasalukuyan, sapagkat ginamit niya ang kanyang impluwensya sa pamamaraan ng pagsusulat at pag iisip.

  • @LEILAYOHANNAABENIDO
    @LEILAYOHANNAABENIDO 10 วันที่ผ่านมา

    Bago mulatin ni Andres Bonifacio ang kanyang mga kababayan, kailangan siya muna ang mamulat. Ginawa niya ito sa masipag na pagbabasa at nakuha niya sa mga karanasan. Siya ay nalinawan sa mga nabasa niya katulad ng mga libro ni Rizal na Noli Me Tangere at El Filibusterismo, ang Bibliya, at ang libro ukol sa French Revolution. Maliban sa mga libro, ang kaniyang mga karanasan sa buhay ay isa sa mga nagpamulat sa kanya. Yung hirap na dinanas niya at ang kanyang mga kapatid noong siya ay naulila. Parang iyong mga iyon ang nagpalakas kay Bonifacio at hinubog siya sa kung anong taong naging sya.
    Yung paraan ni Bonifacio sa pagpapamulat kung ano ang kalagayan ng mga Tagalog noon ay direkta, straight to the point, at nasa wikang Filipino. Nakikita agad ang katotohanan na gustong iparating ni Bonifacio. Sinimulan pa niya kung paano nabubuhay ang mga ninuno bago dumating ang mga Kastila hanggang sa mga pangyayari noong panahon na yun kung saan sila ay binubulag ng mga dayuhan. Mas maaabot ni Bonifacio ang mga kababayan dahil gumamit siya ng wika na maiintindihan ng lahat para talaga may pagkilos na mangyayari at makamit yung Kalayaan na nais ng lahat. Yung mga tao ay nasa iisang lugar, at the same page ika nga, dahil kanilang naintindihan kung ano ang nais iparating ni Bonifacio. Makikita talaga ang kahalagahan ng paggamit ng sariling wika upang makipagusap sa kapuwa upang masigurado na may naintindihan at namulat talaga sila.
    ABENIDO, Leila Yohanna R.
    1PHL1

  • @MARKBRENTGAMBA
    @MARKBRENTGAMBA 11 วันที่ผ่านมา

    Maaring naging sangkap ang maagang pangungulila ni Bonifacio sa kaniyang pagiging magaling na lider. Dahil may paunang kaalaman na siya sa pagpapatakbo ng isang maliit na grupo tulad ng kaniyang pagiging panganay na anak at naging responsable sa kaniyang mga kapatid. Nabanggit din sa lecture na kabataan pa lang si Bonifacio at ang bayan na ang kaniyang iniisip. Ang unang pumasok na tanong sa isip ko noong marinig ko ito ay dapat lamang ba na matuwa tayo na ganoon ang naiisip ng mga kabataan noon at gayahin natin o maawa ba dahil masasabi natin na lubos na mas swerte tayo kaysa sa mga kabataan noon?