PAKIKIISA NG IGLESIA NI CRISTO (INC) SA BAYANIHAN

แชร์
ฝัง
  • เผยแพร่เมื่อ 29 ก.ย. 2024
  • target ni ka. Rex Cayanong
    PAKIKIISA NG IGLESIA NI
    CRISTO (INC) SA BAYANIHAN
    KAHIT saang sulok ka ng mundo pumunta, may quarantine measures na ipinatutupad.
    Mahalaga ito.
    Uso rin ngayon ang mga pagdiriwang o piyesta.
    Kaya nagpaalala ang Department of the Interior and Local Government na sundin ang lockdown protocols.
    Sabi nga ni DILG Secretary Eduardo Año, walang pwedeng pagdiriwang ng fiesta sa mga lugar na nasa ilalim ng general community quarantine.
    Puwedeng magdasal na lang daw.
    Kung magtitirik naman ng kandila para sa santo, less than 10.
    Well, dapat pa ring sundin ang protocol sa GCQ.
    Nililimitahan lamang sa 10 katao ang mass gathering sa ilalim ng GCQ.
    Nasa 50 porsiyento naman ng kapasidad ng isang venue ang papayagan sa Modified GCQ.
    Ito naman para sa kaligtasan ng lahat.
    Mas hahaba ang community quarantine kapag patuloy na nalalabag ang mga protocol.
    Hindi naman ipinagbabawal ang maghanda ang mga bahay-bahay.
    Mag-ingat lang po tayong lahat.
    Kung maghahanda ka at kayo-kayo lang naman, immediate family at hindi kayo magba-violate ng mass gathering, okey lang daw iyan.
    Mahigpit na bantayan ng local government units ang pagpapatupad ng mass gatherings.
    Hindi puwedeng ningas-kugon dito.
    Samantala, habang naka-lockdown ang ilang lugar sa bansa, tumutulong pa rin ang
    Iglesia Ni Cristo (INC).
    Lagi silang tumutugon sa bayanihan.
    Katunayan, noong nakaraang buwan, malugod na tinanggap ng Pamahalaang Lungsod ng Maynila ang donasyong 1,000 Personal Protective Equipment (PPE) mula sa INC.
    Bunga nito, labis ang pasasalamat ng mga Manileños sa INC, sa pangunguna ni Kapatid na Eduardo V. Manalo, ang Tagapamahalang Pangkalahatan.
    Personal itong ipinaabot ni Atty. Glicerio Santos IV sa mga taga-Maynila.
    Siyempre, hindi rin naman maipaparating sa lungsod ang tulong na iyan kundi dahil din kay ka Michael Sandoval.
    Tao-puso at lubos pong nagpapasalamat ang Manila LGU sa malasakit ng INC para sa mga health care workers sa lungsod ng Maynila.
    God Bless at Mabuhay po kayong lahat, mga bossing!

ความคิดเห็น • 151