TAAL VOLCANO(latest update today)

แชร์
ฝัง
  • เผยแพร่เมื่อ 18 ก.ย. 2024
  • #TAALVOLCANOUPDATETODAY
    #TAALVOLCANO
    #BULKANGTAAL
    #angbulkangtaal
    TAAL VOLCANO BULLETIN: Ika-8 ng Hunyo 2021 Alas-8 ng umaga
    fShare
    Share
     Sa nakalipas na 24 oras, ang Taal Volcano Network ay hindi nakapagtala ng volcanic earthquake samantalang ang low-level background tremor na nagsimula noong ika-08 ng Abril 2021 ay patuloy na naitatala. May naganap na upwelling ng mainit na volcanic gas sa lawa ng Main Crater na lumikha ng plume na tumaas ng isang libo at limang daang (1,500) metro bago mapadpad sa kanluran. Ang pagbuga ng sulfur dioxide o SO2 ay humigit-kumulang 3937 tonelada kada araw noong ika-07 ng Hunyo 2021. Huling nasukat sa lawa ng Main Crater ang mataas na temperatura na 71.8ºC noong ika-04 ng Marso 2021 at acidity na may pH 1.59 noong ika-12 ng Pebrero 2021. Ang sukat ng ground deformation ng bulkan gamit ang electronic tilt, continuous GPS at InSAR monitoring ay nakakapagtala ng marahan na pag-impis ng Taal Volcano Island simula noong Abril 2021, samantalang ang kalakhang Taal ay nakakaranas ng marahang paglawak simula noong 2020. Sa kabuuan, ang mga nabanggit na batayan ay maaaring nagsasaad ng paghina ng pagligalig ng magma sa di kalalimang bahagi ng bulkan.
    Ang Alert Level 2 ay kasalukuyan pa ring nakataas sa Taal Volcano. Pinaaalalahanan ng DOST-PHIVOLCS ang madla na sa Alert Level 2, ang steam-driven o phreatic na pagputok, volcanic earthquake, bahagyang abo at mapanganib na ipon o pagbuga ng volcanic gas ay maaaring biglaang maganap at manalasa sa mga paligid ng Taal Volcano Island o TVI. Mariing iminumungkahi ng DOST-PHIVOLCS na maigting na ipagbawal ang pagpasok ng sinuman sa TVI, na siyang Permanent Danger Zone o PDZ ng Bulkang Taal, lalung-lalo na sa may gawi ng Main Crater at ng Daang Kastila fissure, at ang paninirahan at pamamangka sa lawa ng Taal. Ang mga opisyales ng lokal na pamahalaan ay hinihikayat na patuloy na suriin at pagtibayin ang kahandaan ng mga dati nang nilikas na barangay sa paligid ng Lawa ng Taal kung sakali mang magkaroon ng panibagong pag-aalburoto ang bulkan. Ang mga may-katungkulan sa civil aviation ay nararapat na humikayat sa mga piloto na iwasang magpalipad malapit sa bulkan dahil sa naglilipanang abo at umiitsang bato na maaaring idulot ng isang biglaang pagputok ng bulkan. Ang DOST-PHIVOLCS ay masusing nagbabantay sa kalagayan ng Bulkang Taal 24/7 at handang agarang ipabatid ang anumang pagbabago nito sa lahat ng kinauukulan.
    DOST-PHIVOLCS

ความคิดเห็น • 21

  • @alexberuelavlog20
    @alexberuelavlog20 3 ปีที่แล้ว +1

    Magandang araw po kabayan salamat po sa panibagong update kay taal volcano

    • @berinayanchannel
      @berinayanchannel  3 ปีที่แล้ว +2

      maraming salamat sa pagbisita kabayan..magandang araw po..keep safe and god bless po...

  • @justineplayer8220
    @justineplayer8220 3 ปีที่แล้ว +1

    Thnks sa imfo

  • @infonanaytv7648
    @infonanaytv7648 3 ปีที่แล้ว +1

    Salamat Sa Bagong Video

  • @newstoday1978
    @newstoday1978 3 ปีที่แล้ว +1

    Grabe ang steam ngaun bro

    • @berinayanchannel
      @berinayanchannel  3 ปีที่แล้ว +1

      salamat po..oo nga lakas ng steam nya.

  • @Marlonabuyovbigevents
    @Marlonabuyovbigevents 3 ปีที่แล้ว +2

    Grabe ang taas ng steam nya kuya ah

    • @berinayanchannel
      @berinayanchannel  3 ปีที่แล้ว +1

      oo kuya..taas nga..sna nga deggassing n lang sya..🙏👍👍

  • @bienvenidaeugenio3005
    @bienvenidaeugenio3005 3 ปีที่แล้ว +1

    Scary

    • @berinayanchannel
      @berinayanchannel  3 ปีที่แล้ว +2

      thanks for watching po..scary po sya lalo p at nanatili pa sa alert level 2..

  • @camilledimailig449
    @camilledimailig449 3 ปีที่แล้ว +1

    sabi ko na nga ba at mula sa bulkan ng taal yang nkikita ko knina n usok hnd ulap..kita ko yn dito sa bhouse nmin sa makiling,calamba,laguna

    • @berinayanchannel
      @berinayanchannel  3 ปีที่แล้ว +1

      opo malakas ang steaming nya ngaung araw..kaya mapapansin kahit sa medyo malayo..lalo pa at kalmado ang hangin kayat mas mataas ang nalikhang steam..salamat po sa pagbisita keep safe po..👍👍

  • @belugabrother5975
    @belugabrother5975 3 ปีที่แล้ว +1

    thanks po keep safe❤

  • @michaelripley4528
    @michaelripley4528 3 ปีที่แล้ว +1

    There are two steaming vents now🤔??
    Or is that “just” The steaming pool and The one open vent??🤷🏼‍♂️

  • @joellandbesonia4856
    @joellandbesonia4856 3 ปีที่แล้ว +1

    Ano yan ngayung araw yan ? June 8?

    • @berinayanchannel
      @berinayanchannel  3 ปีที่แล้ว +2

      opo ngaun lang pong umaga yan...dito lng po sa tabing lawa ang bahay nmin kaya nakakakuha agad ako ng video nya. salamat po sa pagbisita..

    • @joellandbesonia4856
      @joellandbesonia4856 3 ปีที่แล้ว +1

      Salamat po sa update grabe usok

  • @rrjtv1913
    @rrjtv1913 3 ปีที่แล้ว +1

    Lakas na naman ng steam nya pre.. Mejo tining pa, kaya talagang diretso pataas.

    • @berinayanchannel
      @berinayanchannel  3 ปีที่แล้ว +1

      oo nga pre lakas n naman nya..taas pa..salamat ulit pre...keep safe po...