Dalit sa Birhen ng Kapayapaan at Mabuting Paglalakbay

แชร์
ฝัง
  • เผยแพร่เมื่อ 31 ธ.ค. 2022
  • Dalit sa Birhen ng Kapayapaan at Mabuting Paglalakbay
    -Inawit ng mga cantores ng Barangay Ulango ng siyudad ng Tanauan.
    Lingid sa kaalaman ng marami, ang probinsya ng Batangas 'liban sa debosyon
    nito sa Birhen ng Caysasay ay namamanata rin sa Birhen ng Antipolo, ito ay pinasimul'an
    ng mga ninuno na noon pa man ay taun-taon umaahon sa bundok ng Antipolo at sa kanilang
    pagbalik ay naiuuwi rin nila ang debosyon sa Birhen ng Antipolo, kaya naman marami
    ang mga bara-barangay sa buong probinsya ng Batangas ang nakapasailalim sa titulo na ito,
    sa siyudad palang ng Tanauan ay may sampung Barangay na ang nakapasailim dito.
    Sa kasulukuyan, ang debosyon ng mga Batangueño sa Birhen ng Antipolo ay tuloy-tuloy padin, isa sa halimbawa nito
    ay makikita sa maraming mga behikulong pribado at publiko na mayroong mga maliliit na imahen ng birhen ng Antipolo o estampita, ito'y isang tanda na ang behikulong ito ay nakaahon at nabendisyunan na sa Katedral ng Antipolo.
    TRANSCRIPT:
    Sa kumpas ng kalangitan
    bukal sa pusong timtiman,
    Ika'y aming igagalang,
    Birhen ng Kapayapaan!
    I
    Ang simbahang mong ito
    bungang debosyon sa iyo
    ay aliw ng madlang tao
    na sa iyo'y dumadalo;
    ikaw ang aming saklolo
    na sa demonyo'y lalaban.
    Ika'y aming igagalang,
    Birhen ng Kapayapaan!
    II
    Ang mga kampon ni Kristo
    sa lahat ng biyaya mo
    nakikilalang totoo
    tanang kapangyarihan mo;
    balang tao'y nasok dito
    kaawaan mo at 'kamtan.
    Ika'y aming igagalang,
    Birhen ng kapayapaan!
    III
    Alin kundi ang tulong mo
    lalo kay Jacinto Bernardo
    sa kamatayang totoo
    ng sangga't nang sumaklolo;
    sa lahat ay tinangyag mo
    buo mong kapangyarihan.
    Ika'y aming igagalang,
    Birhen ng Kapayapaan!
    IV
    Ganap na dalawang daan
    dipang kanyang dinaanan
    sa silangang karagatan
    nang gabing siya'y sugatan;
    gayon ang kaniyang tipan
    na wala ngang pagkukulang.
    Ika'y aming igagalang,
    Birhen ng Kapayapaan!
    V
    Isang bata sa Angono
    na sa ilog ay nahulog
    dinaano't di nalunod
    sa laking iyong saklolo;
    lumalang ditong too
    sa demonyong karamdaman.
    Ika'y aming igagalang,
    Birhen ng Kapayapaan!
    VI
    Isang dominiko naman
    na may taglay na karamdaman
    sa labi mong kaawaan
    nag misa kinabukasan;
    dito'y pinangigilasan
    bunyi mong kapangyarihan.
    Ika'y aming igagalang,
    Birhen ng Kapayapaan!
    VII
    Isa namang malapit na
    sa hukay pag tawag niya
    sa awa mo ay sumigla
    at nagbabangon 'pagdaka;
    marami ang nakakita
    nitong gawang kababalaghan.
    Ika'y aming igagalang,
    Birhen ng Kapayapaan!
    VIII
    Mga bulag sampung pilay
    at mga lumpong lupaypay
    pagkatanaw, pagkasilay
    ang mukha mo'y nagtagumpay;
    tayo'y magsamang magsaysay
    ng kaniyang pagsinta.
    Ika'y aming igagalang,
    Birhen ng Kapayapaan!
    IX
    Kahit malayong totoo
    ang bundok ng Antipolo
    nadalo rin ang tao
    pagdalaw lamang sa iyo;
    kaya nga kaawaan mo
    kaming lahat nananahan.
    Ika'y aming igagalang,
    Birhen ng Kapayapaan!
    Sa kumpas ng kalangitan,
    bukal sa pusong timtiman.
    Ika'y aming igagalang, Birhen ng Kapayapaan!
    Mga barangay na nakatanghal sa video:
    Sambat - January 24, Second Saturday of June
    Boot Silangan - First Sunday of June
    Maugat - January 24
    Bilog-Bilog - March 13-14
    Balele Kanluran - January 24?, Last Sunday of May
    Bagumbayan - January 24
    Baloc-Baloc - January 24
    Trapiche 2 - January 24
    Malaking Pulo IFI - January 24 (affectionately called as "Nanay Angge")
    Malaking Pulo Romano - January 24
    Ang mga larawan ng bawat Birhen ay galing sa mga mananampalataya ng kani-kanilang mga barangay.

ความคิดเห็น • 3

  • @oscarselda871
    @oscarselda871 ปีที่แล้ว

    Mama Mary pray for us thank you po lord Jesus christ. Amen po 💖💖💖🙏🙏🙏

  • @arvilurminita8392
    @arvilurminita8392 ปีที่แล้ว +1

    Ika'y Aming Iginagalang
    "Birhen ng Kapayapaan"

  • @johncarlomontecer9502
    @johncarlomontecer9502 ปีที่แล้ว +1

    Viva la virgen