Dalit sa Birhen ng Kapayapaan at Mabuting Paglalakbay (Tonong Laurel)

แชร์
ฝัง
  • เผยแพร่เมื่อ 25 ม.ค. 2023
  • Inawit ng mga cantores ng Brgy. Laurel, Tanauan City, Batangas
    HINDI KOMPLETO ang dalit na ito, napuno ang storage ng ginagamit na cp habang nirerecord ito.
    TRANSCRIPT:
    Sa kumpas ng kalangitan,
    bukal sa pusong timtiman.
    Ika'y aming igagalang,
    Birhen ng Kapayapaan!
    I
    Ang simbahang mo pong ito
    bunga ng debosyon sa iyo
    ay aliw ng madlang tao
    na sa iyo'y dumadalo;
    ikaw ay aming saklolo
    na sa demonyo'y lalaban.
    Ika'y aming igagalang,
    Birhen ng Kapayapaan!
    III
    Alin kundi ang tulong mo
    sa kay Jacinto Bernardo
    sa kamatayang totoo
    ng sangga't nang sumaklolo;
    at natanyag na totoo
    ang buo mong kapangyarihan.
    Ika'y aming igagalang,
    Birhen ng Kapayapaan!
    IV
    Gayon man pito ang sugat
    nasa kamataya'y dapat
    siya'y tunay nakailag
    sa madlang dalit at hirap;
    Ikaw nga ang naggawad
    ng kaniyang naging lunas.
    Ika'y aming igagalang,
    Birhen ng Kapayapaan!
    X
    Kahit malayong totoo
    ang bundok ng Antipolo
    sinasalubong din ng tao
    pagdalaw lamang sa iyo;
    kaya sa kaawaan mo
    kaming lahat nanag-ano.
    Sa kumpas ng kalangitan,
    bukal sa pusong timtiman.
    Ika'y aming igagalang,
    Birhen ng Kapayapaan!
    Pre-War Virgen del Antipolo Picture - Leon Gallery
    Rosario Cantada in order:
    • Rosario Cantada LAUREL

ความคิดเห็น •