Dalit kay Santo Tomas de Aquino (SEE DESC for timestamp)

แชร์
ฝัง
  • เผยแพร่เมื่อ 25 ม.ค. 2023
  • Dalit kay Santo Tomas de Aquino sa siyudad ng Santo Tomas, Batangas
    Audio - Parroquia de la ciudad de Santo Tomas
    TRANSCRIPT:
    (AWIT)
    Inicio:
    Ang karunungan mong mahal
    ay martilyo ng kamalian.
    Tugon:
    Ikaw nga ang karangalan
    ng sa kay Domingo Angkan.
    I
    Tatlong araw ang sumikat
    nang ikaw ay ipanganak,
    dangal na iyong tinanggap
    sa Diyos na Poong mataas;
    Tanto kang pinatnubayan
    Ng kaliwanagang mahal.
    Tugon
    (PATULANG SASABIHIN)
    Bata ka pa’y nakita na
    ang dunong mong kataka-taka,
    ang sulat na Ave Maria
    isinubo mo pagdaka;
    Tanda ng sinta mong tunay
    Sa Reyna ng Kalangitan.
    Tugon 2:08
    Ang mga Santos Angheles
    ang sa iyo’y nangagbigkis
    ng singgulo’t nang magahis,
    Yaong babaeng malupit;
    Na ang ibig ay dungisan
    Ang bubog mong kalinisan.
    Tugon 2:08
    Ang matuwid mong aral
    na sa mundo’y pinagtakhan
    ay hulog ng kalangitan,
    sa iyong bait na dalisay;
    Kaya pinahintulutan
    ng Pontipiseng mahal.
    Tugon 2:08
    Yaong apostol na hirang
    si Pablo’t si Pedro naman
    sa iyo’y silang nagsaysay,
    Niyong santong kasulatan;
    at ikaw ay nalagay
    ikalimang doctor bilang.
    Tugon 2:08
    Batis ang kahalintulad
    ng aral mong lubhang wagas
    na kinakamtan ng lahat,
    at isang daang panatag;
    Nang kami’y huwag masinsay
    sa maluwalhating bayan.
    Tugon 2:08
    Kerubin sa karunungan,
    ilaw ng katotohanan,
    o sakiwang kapalaran
    ang sa aral mo’y suminsay;
    At si Agustinong paham
    Lubha mong nakakabagay
    Tugon 2:08
    Ang pluma mo’y parang lintik
    sa tanang mga erehes,
    sa summa mo ay natulig
    si Calvinong bulisik;
    At sina Luterong hunghang
    Para-parang nalupigan.
    Tugon 2:08
    Bakang pipi ka kung turan
    dahil sa iyong kahinhinan,
    nguni at nalaganapan
    ang iyong aral na mahal;
    Ang buong sandaigdigan
    Sampung mga di binyagan.
    Tugon 2:08
    (AWIT) 2:34
    Ang iyong mga himala
    ay kataka-takang pawa,
    at iyong kinalinga
    ang tanang napaaawa;
    Kaya nga aming sakdalan
    Kami’y huwag pabayaan
    Tugon
    Anghel at Doktor na sadya
    na Ama ng teyolohiya;
    Ipatnugot kami’t iadya
    Tomas sa dilang pangamba.
    FOR private novena purposes

ความคิดเห็น • 1