NINAKAWAN ng Ginebra ang kanilang kalaban! | MABIBIGAT ang BITAW! | GUMAMIT na ng NEVER SAY DIE!

แชร์
ฝัง
  • เผยแพร่เมื่อ 18 ธ.ค. 2021
  • Ibang klase ang hatid na galak kapag nakakikita ka ng fans sa Araneta. Tila nagkakaroon ng dagdag na motibasyon upang makapaglaro nang maganda sa harap nila. Lalo na kung ang laban ay kontra Ginebra - nais siguro ng kabilang koponan na mapatahimik ang mga manonood na sa kabilang koponan nakasuporta. At kung naglalaro ka naman para sa Gin Kings, nanaisin mo marahil na masuklian ang bawat sigaw at dagundong na hatid ng iyong mga ka-Barangay. #PUSOSports #BarangayGinebra #PhoenixFuelmasters
    Sa larong ito, nahanap ni Matthew Wright ang kanyang shooting touch. Dinagdagan pa nga ng anim na steals at walong assists. Isa sa mga dahilan kung bakit naging sagana sa puntos ang Phoenix Fuelmasters sa gabing ito. Naging maganda ang daloy ng kanilang opensa na kung saan si Matthew nga ang isa sa mga pangunahing sandigan.
    Nandoon din ang tulong ng iba pa nilang gwardiyang sina Chris Banchero na nakapagtala ng labingwalong puntos. Habang si Aljun Melecio na naging ka-relyebo nya, nakapagbigay rin ng labinglimang puntos na dumating sa mga panahong dikit at mabibigat ang bawat possession.
    Samantalang ang import ni Coach Topex na si Paul Harris, hindi rin naman nagpahuli. Bagkus, pinatunayan niya kung bakit isa sya sa mga palagiang kinukuhang imports sa liga. Steady ang pulso at kahit na may bantay nga ay buong loob syang tumitira sa harap nito. Kaya naman dalawampu’t anim na puntos ang kanyang na-i-ambag sa gabing ito. Sapat upang kahit papaano ay mapantayan ang import ng kalaban.
    Bagaman hindi nakapaglaro si Stanley Pringle, nakakuha ang Gin Kings ng produksyon mula sa iba nitong manlalaro. Una sa listahan ng mga magadan ang nilaro ay si Arvin Tolentino. Samantalang si Justin Brownlee, solido rin ang mga numero sa kanyang apatnapu’t walong minuto sa loob ng court - 31 points, 9 rebounds, at 8 assists. Almost a triple-double.
    Naasahan namang pumigil at depensahan ang import ng kalaban itong si Christian. Ginawa ito ni Standhardinger kasabay ng kanyang pagbibigay ng halos kaparehong numero ni JB. Tatlumpung puntos at siyam na rebounds sa loob ng apatnapung minuto. Sya ang nagsilbing tinik sa lineup ng Phoenix sa ilalim.
    Samantalang si Scottie Thompson, mahusay rin ang ipinamalas kontra Fuelmasters off the bench. Lagpas sampu ang puntos na sinamahan pa ng pitong rebounds. may isang pagkakataon pa ngang si Paul Harris pa ang kasabayan niya sa isang loose ball. Nahirapan din ang kanyang mga kabantayan dahil sa pagiging malikot nitong si Iskati.
    Ang mga bira ni Tenyente ang talagang nagdala sa Ginebra upang pagharian ang gabing ito. Tulad ni Justin Brownlee, almost triple double din itong si Luis Alfred sa kanyang stats na 15 points na sinamahan pa ng walong rebounds at siyam na assists. Umuulan ng mga magagandang numero. At kasabay nito, ang pag-ulan din ng mga crucial na three points na nagsilbing pangtabla noong ikaapat na quarter at dagger o pang-baon noong overtime.
    Nakasabay ang Phoenix, pero sa dulo may mga crucial plays na hindi talaga umayon sa kanila. Mga turnovers at missed free throws na sana ay nakapag-seal na ng panalo para sa kanilang koponan. Bagaman maganda ang produksyon ni Jason Perkins maaga niyang nilisan ang laro dahil sya ay fouled out na ilang minuto pa ang natitira. Nasa kamay na nila ang W, iyon nga lamang nawala pa.
    Bilog talaga ang bola, at habang may segundo pang nalalabi, kailangan talagang walang bibitaw. Never say die - iyan na naman ang ginamit ng Barangay Ginebra. Nanakawan pa ng panalo ang Phoenix. Nanaig muli ang mga hari at pinatunayan nila kung sino ang higit na may composure sa end game. Pinatunayan ng Gin Kings na kaya nilang mag-execute o makagawa ng mga big time plays kung kinakailangan. Kaya naman may ngiting umuwi ang kanilang mga fans. Ano ang masasabi ninyo sa larong ito? Best game of the conference so far o sakto lang?
    __________________________________________________________________________________
    Patuloy nating suportahan ang #PBAonOneSports: / @onesportsphl
    Manood ng live!
    Patuloy nating suportahan ang Pinoy basketball. Patuloy nating suportahan ang Pinoy sports. PUSO!
    This video is edited under fair use. No copyright infringement is intended. Credits to the owner of the images, video clips, etc.
    www.pba.ph/recap
    www.pba.ph/gallery
    Salamat sa pagtangkilik at salamat sa suporta sa sports!
  • กีฬา

ความคิดเห็น • 119

  • @jeffreyjuanta1807
    @jeffreyjuanta1807 2 ปีที่แล้ว +17

    best game this conference so far,, imagine less than 1 min.sa phoenix pa ang bola,,N.S.D talaga ang ginebra,, solid ginebra

  • @rjgraphicsandvideoadvertis9797
    @rjgraphicsandvideoadvertis9797 2 ปีที่แล้ว +22

    Best ever game this conference so far. Sulit na sulit ang ibinayad ng mga nanonood ng live.

  • @allanvillapando805
    @allanvillapando805 2 ปีที่แล้ว +21

    The best talaga pag GINEBRA naglalaro sa court since 80s yumayanig na stadium sa sigawan Ng Tao . The best! Ang sarap maging GINEBRA FAN.. lalo na nung time ni jawo...

    • @zhinleemanalang8014
      @zhinleemanalang8014 2 ปีที่แล้ว

      🤔🤔🤔

    • @ipemontoya3609
      @ipemontoya3609 2 ปีที่แล้ว +2

      Ginebra Jaworski era is the best of all times!!☝️😁✌️😉

  • @edwinconquilla843
    @edwinconquilla843 2 ปีที่แล้ว +5

    Nice game brgy..gonebra talo na nanalo pa...tenorio lng sakalam

  • @ROGERDONDON
    @ROGERDONDON 2 ปีที่แล้ว +4

    pa shout nmn po.grabe laruan nila s end game sarap panoorin ang game nila palage more good game ginebra san Miguel more good game

  • @KABAHOGTVexperience
    @KABAHOGTVexperience 2 ปีที่แล้ว +5

    Never say die, congrats

  • @nolavelmateo2278
    @nolavelmateo2278 2 ปีที่แล้ว +20

    I love Ginebra and their Never Say Die spirit ❤👈

  • @armandomiguel7334
    @armandomiguel7334 2 ปีที่แล้ว +4

    Ginebra ginebra sana lahat na pwede ng pumasok sa loob

  • @dionmercado8504
    @dionmercado8504 2 ปีที่แล้ว +3

    Malaki ang nagagawa ng mga fans sa 1 koponan na sinosupurtahan tulad nito. di kami natigil na sumupurta at magdasal para sa ginebra. thank you and more power.

  • @junvirramos2631
    @junvirramos2631 2 ปีที่แล้ว +4

    Jaworski era pa lng ginebra na tlga ako batang 90s #NSD

  • @bernieingua4841
    @bernieingua4841 2 ปีที่แล้ว +2

    Best game 😊😊😊 solid ginebra

  • @freddiealejo888
    @freddiealejo888 2 ปีที่แล้ว +3

    shout out idol Freddie alejo malolos Bulacan thanks God bless and more power

  • @dantepaule4311
    @dantepaule4311 2 ปีที่แล้ว +11

    Top contender na yan sa best game of the conference.....and one of the memorable since games 4 and 7 ng 2016 gov Cup

  • @sirjohnangeles9564
    @sirjohnangeles9564 2 ปีที่แล้ว +8

    The BEST GAME!!! LAHAT MAGAGALING!!! GINEBRA!!!!!!!!!!!NSD!!!

  • @arlingenoves2157
    @arlingenoves2157 2 ปีที่แล้ว +5

    Galing NSD God bless team ginebra go go go

  • @admondeguzman3813
    @admondeguzman3813 2 ปีที่แล้ว +8

    Congrats Brgy Ginebra i'm so proud of you

  • @gelaynitsuga2240
    @gelaynitsuga2240 2 ปีที่แล้ว +3

    buhay na buhay ang brgy!..NSD talaga basta Ginebra! Ginebra 4ever!

  • @ramilagnas4725
    @ramilagnas4725 2 ปีที่แล้ว +5

    The best ever&ever game ...NSD BGSM..wow na wow...

  • @oliverjabon9309
    @oliverjabon9309 2 ปีที่แล้ว +2

    The best tlga ang ginebra

  • @jpdayao892
    @jpdayao892 2 ปีที่แล้ว +10

    Si arvin tolentino nagkakaron na ng kumpiyansa idol

    • @princessezrabrettenybuy3925
      @princessezrabrettenybuy3925 2 ปีที่แล้ว +2

      Mismo galing ni tolentino

    • @melchorlacson8551
      @melchorlacson8551 2 ปีที่แล้ว +2

      oo tuloy tuloy na sana yan

    • @flipit27
      @flipit27 2 ปีที่แล้ว +2

      Matagal na yang may kumpyansa. Natatandaan mo pa yung winning layup nya noong rookie year nya? Finals yun.

    • @annaa379
      @annaa379 2 ปีที่แล้ว +2

      Inspiration nia dw po kasi ung new born baby niya kaya talagang maganda nilalaro nia ngaun.

  • @vilmatasarra65
    @vilmatasarra65 2 ปีที่แล้ว +6

    Arvin tolentino parang c Chris ellise
    Kumilos at Gumalaw. Mgaling tlga
    Gwapo both yn idol k yncongrats gins🧕💔💔💔🧕

  • @teodorerivera9870
    @teodorerivera9870 2 ปีที่แล้ว +9

    Tama lahat ang sinabi mo sir! Galing mong magvlog👍

  • @jenniferingua5473
    @jenniferingua5473 2 ปีที่แล้ว +3

    I love ginebra the Best Team Solid ginebra Fan never say die😊😊😊😊

  • @marniegeredem5535
    @marniegeredem5535 2 ปีที่แล้ว +7

    best game of the conference so far idol. galing ni L.A Tenorio

  • @edralynpasion9211
    @edralynpasion9211 2 ปีที่แล้ว +2

    Best game so far

  • @nicolesamantha3290
    @nicolesamantha3290 2 ปีที่แล้ว +3

    Best game ever tama ka sir habang may segundo pang natitira walang susuko laban lang yan ang NSD spirit ng ginebra buhay na buhay

  • @racquelcatamayturiaga960
    @racquelcatamayturiaga960 2 ปีที่แล้ว +5

    Best game ginebra nsd🙏

  • @julietfarrow7063
    @julietfarrow7063 2 ปีที่แล้ว +2

    Talagang palaban at magaling den ang team Phenix grabe effort nila.

  • @1DERLAND
    @1DERLAND 2 ปีที่แล้ว +8

    History repeat itself try to check Ginebra vs. Shop Pinas. RJ Jazul is there he knows what's the feeling of lost win.

  • @marzkegontam5405
    @marzkegontam5405 2 ปีที่แล้ว +2

    Solid kabarangyan 💪

  • @charlotpcayanan1110
    @charlotpcayanan1110 2 ปีที่แล้ว +2

    ❤️ one of the best game in pba history.love, love,love ❤️

  • @oninneyaca8615
    @oninneyaca8615 2 ปีที่แล้ว +3

    Well said my friend........

  • @rinnobaral19
    @rinnobaral19 2 ปีที่แล้ว +2

    Best game. Salamat sa upload. Good point din ang mga sinabi mo. Composure ng Ginebra ang nagpanalo👍

  • @junvirramos2631
    @junvirramos2631 2 ปีที่แล้ว +6

    Never Say Die Spirit tlga Ginebra

  • @badonggarong3362
    @badonggarong3362 2 ปีที่แล้ว +3

    Is the Best...

  • @user-ht9lb3no2g
    @user-ht9lb3no2g 9 หลายเดือนก่อน +1

    good job ❤❤ginking

  • @skyisthelimit4751
    @skyisthelimit4751 2 ปีที่แล้ว +7

    The BEST! ❤️
    #NSD4EVER

  • @johnmclane5167
    @johnmclane5167 2 ปีที่แล้ว +1

    Bumalik na Ang mga hari💪💪💪💪💪💪

  • @itz_jhosgaming
    @itz_jhosgaming 2 ปีที่แล้ว +3

    no.1 ginebra...solid idol..

  • @lothborja800
    @lothborja800 2 ปีที่แล้ว +3

    Best game so far this conference . The NSD mantra. Congrats Brgy. Ginebra solid game.

  • @robertjr.vilburn3669
    @robertjr.vilburn3669 2 ปีที่แล้ว +1

    Best game so far ng GINS...

  • @josebonifacio8366
    @josebonifacio8366 2 ปีที่แล้ว +3

    MAGANDA ANG INYONG MGA KOMENTO PUSO SPORTS!!! SALAMAT!!!

  • @angeloalasdeguzman16
    @angeloalasdeguzman16 2 ปีที่แล้ว +5

    Never Say Die! 👏👏👏

  • @chrisryanrobles8731
    @chrisryanrobles8731 2 ปีที่แล้ว +1

    Galing tlga mga idol shout out naman jan

  • @aldrinbobadilla3928
    @aldrinbobadilla3928 2 ปีที่แล้ว +5

    Arvin tolentino talaga ang bayani

  • @lovijanebulatao7969
    @lovijanebulatao7969 2 ปีที่แล้ว +1

    GRABE AS IN SOBRANG SOLID NG LABAN NA TO LALO NA SAMEN NA NAKAPANOOD NG LIVE 🥰 KAHIT MAG ISA LANG AKO NANOOD NITO SOBRANG SAYA AS IN SOBRANG SULIT NA BAYAD. NEVER SAY DIE TONG GAME NA TO. ♥️ KUNG PWEDE KO LANG MASHARE ANG VIDEO AT PICTURE DITO SA COMMENT SECTION EH. UUWI KAMI MASAYA DITO 🥰♥️

  • @josephbarredo3
    @josephbarredo3 2 ปีที่แล้ว +2

    Great game #nsd

  • @dennisgabriel6208
    @dennisgabriel6208 2 ปีที่แล้ว +1

    Nataehh😶ako sa brief sa tres ni tenorio grabeee.ang bahooo🤭✌✌✌ginebra pa rin....🥳🥳🥳

  • @mercymendoza1902
    @mercymendoza1902 2 ปีที่แล้ว +1

    Nice game my team ginebra🥰

  • @marcelodantes4754
    @marcelodantes4754 2 ปีที่แล้ว +6

    Isa sa pinakaagandang laban ngayon season

  • @jeffreyabila6809
    @jeffreyabila6809 2 ปีที่แล้ว +2

    Best game sympre😊

  • @ricoantonioraagas3413
    @ricoantonioraagas3413 2 ปีที่แล้ว +2

    Best game

  • @thekumanderbawangvlogspot07111
    @thekumanderbawangvlogspot07111 2 ปีที่แล้ว +1

    Tuwing mananalo Ang ginebra galak Ang hatid sa mga fans puso para sa never say die.. salamat mga idol at sa lahat ng mga players ng bawat koponan dahil sa magandang laro at intense na binibigay NYO mas Lalo kakapanabik abangan Ang mga susunod pang mga laro ng ginebra... God bless po sa lahat

  • @skyisthelimit4751
    @skyisthelimit4751 2 ปีที่แล้ว +3

    Pa-shout po... Gin Kings The BEST... ❤️👑

  • @michaeldy8316
    @michaeldy8316 2 ปีที่แล้ว +2

    PRESENT

  • @peterfun6672
    @peterfun6672 2 ปีที่แล้ว +1

    ginebra #NSD spirit in the house. Nice game. I know mejo ngtitipid PBA at teams, pero Sana ibalek nila ung dating setup n 2imports pg governors Cup tapos 1import s commisioners Cup, brownlee p rin s comm tapos brownlee-harris or brownlee -balkman pag governors Cup, pra din bumalek sigla ng fans at kita ng PBA at sana matapos n c covid, merry Xmas everyone 😊

  • @hearthbrokensong4219
    @hearthbrokensong4219 2 ปีที่แล้ว +2

    Kla q talo n nd q na pinanuod nat ot pla.. Nanalo Pa..napanuod q lng dn d2 sa TH-cam highlights panalo Pa pla😋😋

  • @water_lady3184
    @water_lady3184 2 ปีที่แล้ว +2

    No Pringle no problem at
    History repeats itself..Flash. Bal David pinaiyak si Taulava, JB si Durham naman, Scottie Hugnatan at Castro at LA Harris🤭🤭🤭
    Sana napanood ni the big J Ang laro kagabi .kaya lang may maramdaman ata Ang alamat ng Never Say Die spirit.. petmalu talaga si Scottie hari ng rebound at hari ng assists. gratz mga Kings and G/L sa mga susunod pang mga laban.👍👍👍👍

  • @victorpiodenagalve2325
    @victorpiodenagalve2325 2 ปีที่แล้ว +5

    Best game of this series ...sa ngayun,...

  • @raulmanansala2030
    @raulmanansala2030 2 ปีที่แล้ว +2

    The best mga ka bgy..never say die tlga

  • @cologarcia4680
    @cologarcia4680 2 ปีที่แล้ว +1

    Okey gins

  • @robertcapili2278
    @robertcapili2278 2 ปีที่แล้ว +4

    Sang ayon na sang ayon ako sayo bro,

  • @reyreyes2787
    @reyreyes2787 2 ปีที่แล้ว +2

    Pa shout out lods

  • @sambenedicttibon4093
    @sambenedicttibon4093 2 ปีที่แล้ว +7

    keep doing this kind of video❤

  • @egayperez5670
    @egayperez5670 2 ปีที่แล้ว +4

    gin tlga hari s gov cap...nsd...grats gin...

  • @sherwincruz590
    @sherwincruz590 2 ปีที่แล้ว +2

    Sa 25 maganda sigawan magnolia vs ginebra

  • @___richard___8881
    @___richard___8881 2 ปีที่แล้ว +3

    another victim of #NSD! 💪😤🔥

  • @arlenequiambao7697
    @arlenequiambao7697 2 ปีที่แล้ว +2

    Best ever...i subscribe ur channel...u know how to deliver ur piece

  • @cologarcia4680
    @cologarcia4680 2 ปีที่แล้ว +1

    Okey

  • @cleofebalaba170
    @cleofebalaba170 2 ปีที่แล้ว +1

    Mgling tlga

  • @dreddkhingmontejo1730
    @dreddkhingmontejo1730 2 ปีที่แล้ว +3

    Ginebra won and can win the Gov's cup because of Brownlee. The best team that Tim Cone has coached was the Grandslam team, the 2014 San Mig Coffee Mixers.

  • @subzero5892
    @subzero5892 2 ปีที่แล้ว +2

    Buwenas pa si wright at import na si harris sa tres..pero neversaydie spirit pa dn sakalam😁

  • @freddietinay8297
    @freddietinay8297 2 ปีที่แล้ว +2

    .hinde ginebra ang magaling mga player nito na puro magagaling solid

  • @ipemontoya3609
    @ipemontoya3609 2 ปีที่แล้ว +2

    Mukhang nka move on na mga nsd dw na haters ni scottie? 🤔🙄 Mabuti nmn!!✌️😉 At pati mga bashers dati ni c.stand nakita na ngayon kung ano kaya nya icontribute sa team!! Opensa at depensa, mas active pa cya kay japeth na mukhang nag iingat dahil bka nga may balak mag japayuki kaya ndi nag all out sa mga past games nila?!🤔

  • @nelginajes965
    @nelginajes965 2 ปีที่แล้ว +1

    Bkit wala si Stanley pringles🤔

  • @mharprieto9460
    @mharprieto9460 2 ปีที่แล้ว +2

    muntik png talonin ng mhina,hehe

  • @bobdarie7378
    @bobdarie7378 2 ปีที่แล้ว +2

    Genebra pa never say die yan eversince

  • @romeopueyo4609
    @romeopueyo4609 2 ปีที่แล้ว +4

    PAG DIKITAN LABAN O MAY SEGUNDO PANG NATITIRA MANGINIG NA KAYO SA GINEBRA!! NSD!!KAILANGAN TAMBAKAN NYO KAMI NG 30POINT SA 3RD QUARTER PARA MANALO KAYO!!!!!WHAAAAA NGANGA!

  • @aprilskitchen4891
    @aprilskitchen4891 2 ปีที่แล้ว +2

    Cooking time

  • @sambenedicttibon4093
    @sambenedicttibon4093 2 ปีที่แล้ว +2

    1st, shout out idol!

  • @junstarjummer2066
    @junstarjummer2066 9 หลายเดือนก่อน +1

    "Bilog ang bola" ano kaya kung triangle ang bola?????

  • @sonnyvillocillo9974
    @sonnyvillocillo9974 2 ปีที่แล้ว +1

    Melencio to ginebra

  • @jerometolorio3592
    @jerometolorio3592 2 ปีที่แล้ว +2

    Nasana po si Stanley Pringle Lodi?

    • @jpdayao892
      @jpdayao892 2 ปีที่แล้ว +1

      Injured lods

  • @delgadoking6888
    @delgadoking6888 2 ปีที่แล้ว +1

    BGSM,the best,solid

  • @cologarcia4680
    @cologarcia4680 2 ปีที่แล้ว +1

    Kaua monyan

  • @cologarcia4680
    @cologarcia4680 2 ปีที่แล้ว +1

    Kaya mo iyan jb aiam nmin dka pptlo ay alam nmin hndi ka pa msyadong handa pro oks ajg gins

  • @ericborbe6859
    @ericborbe6859 2 ปีที่แล้ว +1

    Nice game talaga hndi nga ako knatolog SA towa dahil nalalo sila soryosu Na mag laro si write hndi Na siya nag yayabang Na dala Na siya Yong una game Lina Na akala niya palalo nasila at nakaoha niya PA mag yabang Yong pala uuwe ren pasila talonan pero ganon losse paren pero marami salamat maganda game Na binigay SA Amen Phoenix bawe Na LNG kau SA next game sana hndi u Na makalaban an baragay ginebra ATAKIHEN an ako SA posu SA kaba

  • @antonagoncillo5920
    @antonagoncillo5920 2 ปีที่แล้ว +5

    iniwan ko ang panunuod nung last na lay up ni melencio, akala ko talo na, nagulat aq pag kakita ko sa you tube nanalo pala, tuwa ko talaga, NSD talaga ang gin kings.. sana nxt time isama na sa matagal na exposure c brian enriquez, 3 point artist dn yan at malikot mag laro parang si scottie, buhayin lang ang tiwala nyan sa sarile, isang gold pa yan para sa gins kings.. congrats 🎉🎉🎉🎉

    • @pallasigueliberty9281
      @pallasigueliberty9281 2 ปีที่แล้ว

      Para ung hus ko,nung nglay up c melencio 37 secs lamang ng 6 pts yta phoenix nanood nlang kmi ng the clash,abay ng tingnan sa youtube ung last highlights sbi nya nanalo pa pala ginebra hahaha,nsd tlaga brgy ginebra

  • @nikiyachannel6130
    @nikiyachannel6130 2 ปีที่แล้ว +2

    Porke kulilat ginebra, nong wala import,🤣🤣 NG reguest n e allowed mga import

  • @mad_ace33
    @mad_ace33 2 ปีที่แล้ว +3

    3:48
    Malikot talaga yan c iskati,
    At mabilis! Sa sobrang bilis naiwan pti Girlfriend!
    Sabay pakasal s iba! Haha

    • @tuya2223
      @tuya2223 2 ปีที่แล้ว +3

      hahahaha nice one

  • @darwincajigal2840
    @darwincajigal2840 2 ปีที่แล้ว +2

    Hahaha montik pa natalo kulang pa sa bigman ang ginebra kaya nahirapan. Hahaha ang liliit ng kalaban.

  • @allannagracedarullo6161
    @allannagracedarullo6161 2 ปีที่แล้ว +1

    sa daming ads bkit lugaw pa

  • @user-kw4xy6xo8c
    @user-kw4xy6xo8c 2 ปีที่แล้ว +4

    MUNTIK PANG MASISI SI LA DAHIL SA NA WALA ANG BOLA SA KANYA ..PERO BUMAWI ...JBL WALA NA AKONG MASABI ...JBL,.FOR PRESIDENT HA HA HA

  • @balbasnihudazz
    @balbasnihudazz 2 ปีที่แล้ว +2

    nagkturnover s pasa kay LA tingin ko nun talo na.nkita q bkt hnd pa tpos ung live un pala ot nanalo pa gin

  • @wilsonsalva4440
    @wilsonsalva4440 2 ปีที่แล้ว +1

    Nsd talaga ginebra..

  • @fennydemesa4633
    @fennydemesa4633 2 ปีที่แล้ว +2

    hindi naman maganda ang laruan sa pba

  • @jhomsridesmoto1631
    @jhomsridesmoto1631 2 ปีที่แล้ว +1

    kangkong!

  • @princesprincipe4969
    @princesprincipe4969 2 ปีที่แล้ว +2

    Luto laban kagabi Pangit aKalain mo nanalo sila sa reo

  • @rangerover119
    @rangerover119 2 ปีที่แล้ว +1

    Pag nananalo ang Ginebra worst game pra s mga kalaban dhl s tntawag nlang kangkong, natalo cla.

  • @rodolfomangalino
    @rodolfomangalino 2 ปีที่แล้ว +1

    Nabobo lang coach nila