Ang HULING LARO ni JUSTIN BROWNLEE sa Barangay Ginebra! | DUMAUSDOS sa BENCH! | BAGO MAANTALA LAHAT

แชร์
ฝัง
  • เผยแพร่เมื่อ 10 ธ.ค. 2021
  • Ika-labingpito ng Enero dalawang taon na ang nakararaan. Huling nasilayan ng batikang import ng Barangay Ginebra ang ligang siya ay higit na nakilala. Huling pagkakataong makapaglaro ng mayroong mga fans na handang sumigaw at humiyaw para sa kanilang mga koponan na nasa iisang lugar. Nostalgia iyan ang tawag diyan. #PUSOSports #JustinBrownlee #BarangayGinebra
    Ito ang laro kung saan huling nagpamalas ng galing at talento si Justin Brownlee. Wala pang katiyakan noon kung kailan muling magsisimula ang PBA dahil na rin sa pandemya. Tumigil ang mundo pati ang pag-ikot ng basketball. Wala tayong narinig na mga dribble. Pero ngayon, matapos ang isang matagumpay na all-filipino conference, nagbabalik na muli ang kumperensyang maaaring maglaro ang mga imports. Kaya naman nagbabalik na rin si JB. Excited na ba ang ilan sa inyo?
    Kung noon ay nasa Meralco Bolts pa si Baser Amer, ngayon wala na siya. Iba na rin ang kanilang import dahil sa Japan kasalukuyang naglalaro si Allen Durham. Hindi pa rin maugong noon ang mga usaping maglalaro si Japeth Aguilar sa B.League. At nasa Ginebra pa si Gregzilla. Samantalang ngayon, mayroon nang mga bagong players ang BGSM na nanggaling sa Northport.
    Sa larong ito ni Justin Brownlee kontra sa kanilang mga karibal sa PBA Governor’s Cup, he had a slow start. Hindi masyadong nakapag-ambag sa opensa sa umpisa. Maaga rin siyang nagkaproblema sa fouls kaya naman bahagya siyang nalimitahan ng kabilang koponan. Pero ang isang Justin Brownlee pala ay kaya lamang mapatahimik nang panandalian lamang.
    Inevitable o nasusulat talagang siya ay makapagbibigay ng produksyon para sa kanyang team. Gumawa siya ng paraan upang matulungan sina Stanley, Japeth, LA, Scottie at ang buong koponan ng Ginebra upang biguin muli ang Meralco Bolts na makamit ang minimithi nitong kampeonato. Bukod sa kanyang apat na fouls at tatlong turnovers, nakaayon pa rin para Gin Kings ang gabing ito.
    Ang naging impact ni Justin Brownlee ay all-around. Kung ano ang kailangan ni Tim Cone, kanyang ibinigay. Apatnapu’t tatlong minuto sa loob ng court na kung saan nagbigay siya ng liksi at hustle upang sa kanila mapunta ang bola - na kung saan sa bench ng kalaban napadausdos pa siya. Tapos samahan pa ng pitong rebounds at tig-isang steal at block.
    Ang kanyang dalawampu’t apat na puntos naganap sa mga panahong kailangang-kailangan ng Gin Kings. Maganda ang mga naging pwestuhan at ang kanyang mga pull-up jumpers ay hirap talagang mabantayan ng kalaban. Tapos sa tulong ng mga magagandang cut ng kanyang kakampi, nakapagtala rin siya ng 10 assists. Halos mag-triple double na naman siya sa pagtatapos ng kanilang serye. Sa final score na 105-93 sa Barangay Ginebra ang panalo - at ang kampeonato.
    Balik tanaw sa panahong wala pang covid-19. Fast forward sa kasalukuyang panahon na ilang sandali na lang ay maglalaro ng kanilang unang game si Justin. Noong huling nandito si Brownlee Barangay Ginebra ang nag-champion, ngayon kaya, kaya pa rin kaya nilang tanghalin bilang mga kampeon? Kasama ang bagong balasang lineup ng Gin Kings, maghari kaya muli sila sa PBA Governor’s Cup?
    __________________________________________________________________________________
    Patuloy nating suportahan ang #PBAonOneSports: / @onesportsphl
    Manood ng live!
    Patuloy nating suportahan ang Pinoy basketball. Patuloy nating suportahan ang Pinoy sports. PUSO!
    This video is edited under fair use. No copyright infringement is intended. Credits to the owner of the images, video clips, etc.
    www.pba.ph/recap
    www.pba.ph/gallery
    Salamat sa pagtangkilik at salamat sa suporta sa sports!
  • กีฬา

ความคิดเห็น • 31

  • @susandatoy119
    @susandatoy119 2 ปีที่แล้ว +1

    Champion ulit yan

  • @maricellaquindanum7018
    @maricellaquindanum7018 2 ปีที่แล้ว +3

    Now qlng npnood Un laro ni Brownlee npa wow aq tlga sobrang galing nya tlga. All around xa gling

  • @cologarcia4680
    @cologarcia4680 2 ปีที่แล้ว +1

    For me always mnlo......my ibang team na ang inuuna ang ybang

  • @karencustodio6233
    @karencustodio6233 2 ปีที่แล้ว +3

    Magaling tlaga c jbl

  • @arlingenoves2157
    @arlingenoves2157 2 ปีที่แล้ว +2

    God bless JB32

  • @renatolaurista8548
    @renatolaurista8548 2 ปีที่แล้ว +3

    kaya un NSD spirit ang fan ng ginkings

  • @lourdespedico4135
    @lourdespedico4135 2 ปีที่แล้ว +1

    He is my crush, brownlee

  • @beniellaoreno5016
    @beniellaoreno5016 2 ปีที่แล้ว +4

    Early lods '
    Panalo ginebra nice update 💯

  • @aronpanoy1067
    @aronpanoy1067 2 ปีที่แล้ว +3

    Magaling talaga si jb.all around player yan eh..champion ulit yan.

  • @RosemarieJuan-pk6yk
    @RosemarieJuan-pk6yk 6 หลายเดือนก่อน +1

    Pashout p0 idol sta maria bulacan❤❤❤

  • @ramilbalingbing2621
    @ramilbalingbing2621 2 ปีที่แล้ว +2

    Sela Ang mag champion ngayon

  • @l.a2797
    @l.a2797 2 ปีที่แล้ว +2

    Galing talaga yan maasahan

  • @raulmanansala2030
    @raulmanansala2030 2 ปีที่แล้ว +6

    Champion ulit yan bro..

  • @cologarcia4680
    @cologarcia4680 2 ปีที่แล้ว +1

    N.s.d.pa rin ako

  • @annuardakula3720
    @annuardakula3720 2 ปีที่แล้ว +1

    Posible ulit brod

  • @michaeldy8316
    @michaeldy8316 2 ปีที่แล้ว +2

    PRESENT

  • @alvinarandid7614
    @alvinarandid7614 2 ปีที่แล้ว +1

    Magaling si jb, hindi natin alam kung sino ang mag chachampion

  • @jenselbonayon9263
    @jenselbonayon9263 2 ปีที่แล้ว +3

    Dominante talaga si JB. At di naman irerekomenda ni HARRIS yan kung hindi talaga sya magaling.. Magaling din naman yung DURHAM hindi lang nya talaga ma finish yung isang conference at maka kuha ng championship

  • @yvonnieroseagtoto7129
    @yvonnieroseagtoto7129 2 ปีที่แล้ว +2

    Tga buhat ng ginebra iba na ang MVp

  • @pakyuol1786
    @pakyuol1786 2 ปีที่แล้ว +2

    Bakit Ang huling laro?? Aalis naba sya?

  • @lemuellao775
    @lemuellao775 2 ปีที่แล้ว +1

    Ang galing Akala ko last game nya na sa baranggay ginebra HAHAHA

  • @arthurfuragganan9122
    @arthurfuragganan9122 2 ปีที่แล้ว +1

    mhnn

  • @jerimedelacruz9867
    @jerimedelacruz9867 2 ปีที่แล้ว +1

    huling laro daw..kasi natambakan nang magnolia

  • @mobaplayground7596
    @mobaplayground7596 2 ปีที่แล้ว +1

    UMAY JAPETH BOY DUNK 😂 DUNK LANG GNGAWA KAUMAY NALANG

  • @jpdayao892
    @jpdayao892 2 ปีที่แล้ว +2

    Ilang taon na si JB lods?

    • @PUSOSports
      @PUSOSports  2 ปีที่แล้ว +2

      33 years old na si JB idol

  • @litonoveda9589
    @litonoveda9589 2 ปีที่แล้ว +1

    Budol k din mag kuminto pare ko..

  • @yvonnieroseagtoto7129
    @yvonnieroseagtoto7129 2 ปีที่แล้ว +2

    Tga buhat ng ginebra iba na ang MVp

  • @lemuellao775
    @lemuellao775 2 ปีที่แล้ว +1

    Ang galing Akala ko last game nya na sa baranggay ginebra HAHAHA