Sakit Sa Saddle! Unplanned Antenna Hill, Binangonan Bike Ride
ฝัง
- เผยแพร่เมื่อ 10 ก.พ. 2025
- After all these years nakapunta tayo ng Antenna Hill sa Bingangonan Rizal. Hindi rin talaga ito yung plano namin, pero dahil sa saddle sore, naisip muna naming i-postpone yung initial plan.
Unang bumugad samin ang mala-pader na ahon, medyo nakakaintimidate din. 13.4% gradient yung first 140 meters ayon sa strava. Yung buong ahon, naman 1.5 kilometers na may 9.7%, category 4 climb.
Sa taas ng Antenna Hill, kitang kita ang tanawin Laguna Lake sa Binangonan side. Sa kalakayuan, matatanaw mo rin ang mga gusali ng Metro Manila. Sa likuran nito ay may mtb downhill trail dati, hindi ko lang kung meron pa rin ba hanggang ngayon, hindi na rin naming nasilip.
Maigsi lang yung ride natin ngayon, peo mas mahalaga ay may natutunan tayo ngayon lesson tungkol sa saddle comfort.
Facebook page
/ theopennotes
Map animation is done using GPX Overlay, in combination with DaVinci Resolve 18
gpx.pelmers.com/
#binangonanrizal #philippines #cycling #roadcycling #roadbike #pov #gopro #padyak #training #theopennotes #ridenodirection #cyclingpov #adventure #rizal #audax #audaxphilippines #documentary #cyclingdocumentary #cyclingvlog #cyclingvlogs #gravelbike
❤❤❤
Ganda jan! This weekend jan ride namin hehe RS po always!
Agree, ganda nga dito, hirap nga lang ng ahon. :) RS din!
Now palang makaka watch paps. :) RIDE SAFE SAYO IDOL
Pa SHOUT OUT AKO SA NEXT VLOG MO IDOL SALAMAT
Salamat sa maliwanag na videos parang nakapunta narin.
Salamat sa pagbahagi, Bagong kaibigan kabayan,
sana madalaw mo din ang bahay ko..Salamat ga
Ride safe po. new subscriber from abu dhabi
Maraming salamat po, Ride Safe din sir! :)
legit yang vertu yan gamit comportable kc ska nagfeflex cya.. di masyadong sumakit nung nag manila to matnog at vigan
Ganun nga din sir ang naririnig ko sa iba. Ok yung concept nya ng pag-flex para mag-absorb ng bumps. Siguro dahil nasa heavier side ako kaya medyo sobra naman yung flex para sakin, o baka hindi rin talaga ako sanay pa.
@@theopennotes1225 cguro idol di pa kau frend ng saddle mo kya mapanakit hehe... ride safe idol.. share ko lang ung padding na gamit ko ung newbowler makapal kc padding nun
@@jaysoncyclist Baka ganun nga hehe. Subukan ko pa siguro ng ilan pang rides, baka nanibago lang ako. Salamat sa pag-share sir!
Madami nagsasabi na komportable ang Brooks saddle kaso may kamahalan siya (7-8k pesos)
Curious nga din ako sa Brooks saddle, specifically sa C17 nila. Meron din daw itong flex, pero tama lang daw. Ayun nga lang, medyo mahal siya :)
@@theopennotes1225 nakapagtry ka na po ba ng selle italia?
@@kronoscat6472 hindi pa sir. Isang saddle na natry ko na masasabi kong OK ay yung Selle San Marco Shortfit, ginamit ko for Audax 600 last April. May konting saddle sore pa rin ako na naramdaman start after 500kms siguro, pero so far isa sa best saddle natry ko. :)