PAGTATANIM NG SWEET BASIL SA BOTE: ANTI-CANCER, VATAMIN A & K

แชร์
ฝัง
  • เผยแพร่เมื่อ 11 ก.ย. 2024
  • GABAY SA PAGTATANIM NG SWEET BASIL SA BOTE
    Ngayong araw na ito ay ise-share ko sa inyo ang pagpupunla, paglilipat tanim at pag-aalaga ng Sweet Basil sa mga empty bottle ng mineral water sa pamamagitan ng Natural at Organikong pamamaraan.
    Ang Sweet Basil ay masarap at masustansiya, nagtataglay ng mataas na Vitamin A, Vatanim K, Iron, Magnesium, Anti-Cancer Properties at iba pa. Kinakain ng sariwa ang dahon nito at inahalo sa vegie salad at ginagawang tea.
    Una ang mga seeds ng Sweet Basil ay maaari kayong bumili sa mga plant nursery, SM Supermarket, Ace Hardware, Handyman, Shopwise at iba pa.
    Simpleng alagaan at patubuin ang Sweet Basil sa mga empty bottle ng sofdrinks ng mineral water.
    Tiyakin lamang na buhaghag at matabang lupa ang gagamitin sa pagtatanim ng ano mang halaman, tulad ng Sweet Basil.
    Ang matabang lupa ay pundasyon ng malusog ng halaman.
    Ang ratio ng lupa sa pagtatanim ng mga halaman tulad ng Sweet Basil ay 60 percent buhaghag na lupa, 20 percent ipa ng palay at 20 percent ay tuyong dumi ng manok o chicken manure.
    Ibaon lang ng 1-inches sa lupa na nasa bote ang mga buto ng Sweet Basil at pagkalipas ng apat hanggang limang araw ay tutubo na.
    Kapag nasa 2-inches na ang laki at apat na ang dahon ng Sweet Basil ay maaari ng ilipat tanim sa permanenteng pagtatanam na bote.
    After 15-days ng pagkakalipat tanim ay maaari ng diligan at ispreyan ng natural fertilizer na Fermented Plant Juice (FPJ) para manatiling malusog.
    Para hindi lapitin ng mga insekto ang Sweet Basil ay mag-ispray ng Oriental Herbal Nutrients (OHN) kapag nasa ika-20 araw na kahit walang naninira para maagapan agad ang posibleng manira sa ating mga tanim.
    Sa loob lang 30 days ay maaari ng umani ng Sweet Basil na sariling tanim sa ating bakuran.
    Makakatipid kana, masustansiya pa ang pagsasaluan ng buong pamilya at hindi ka maaapektuhan ng mataas na presyo ng gulay tulad ng Sweet Basil sa Merkado.
    Tandaan lang po na laging i-apply ang TLC-Tender Love and Care sa pagtatanim ng mga halaman para ito ay mapakinabangan.
    Ang Magsaskang Reporter po ay marami ng tanim na gulay, pero patuloy pang nagtatanim dahil sa paniniwalang ang pagkakaroon ng seguridad sa pagkain ay dapat magsimula sa ating tahanan, "FOOD SECURITY STARTS AT HOME.
    Milyun-milyon ngayon ang nagugutom, maraming kabataan ang malnutrition, ang pagtatanim at pagkain ng gulay ang solusyon.
    Nagawa ko po ito, magagawa rin po ninyo.
    Nawa po ay nakapag-share ako ng kaalaman at impormasyon ngayong araw na ito tungkol sa pagpupunla, pagtatanim at pag-aalaga ng Sweet Basil sa bote.
    Panoorin po ninyo ang video tutorial ko sa aking TH-cam Channel na ANG MAGSASAKANG REPORTER tungkol sa step by step na pagpupunla,.pagtatanim at pag-aalaga ng Sweet Basil.
    Para sa iba pang tips at sikreto sa pagtatanim ng iba't-ibang uri ng halaman ay maari po kayong manood at makinig ng aking TV at Radio program na Masaganang Buhay tuwing Linggo, alas-7:00 hanggang alas-8-00 ng umaga sa OnePH Cignal TV, Channel 1 ng TV-5. Mapapakinggan din po sa Radyo Singko 92.3 News FM.
    Maaari din kayong manood at mag-subscribe sa aking TH-cam Channel na ANG MAGSASAKANG REPORTER para sa iba pang kaalaman at ipormasyon sa pagtatanim ng iba't-ibang uri ng halaman sa pamamagitan ng Organikong pamamaraan.
    Tuwing araw ng Martes ay regular ninyong mababasa ang aking kolum dito sa Pilipino Star Ngayon (PSN) ng Star Group of Publication.
    Sa mga tanong at komento ay maaari ninyo akong i-txt, huwag pong tawag ah, sa 09178675197. STAY SAFE, HAPPY FARMING, GOD BLESS US ALL.

ความคิดเห็น • 86