TIPS PARA MAGING HITIK SA BUNGA ANG BELL PEPPER

แชร์
ฝัง
  • เผยแพร่เมื่อ 29 ก.ย. 2024
  • PAGTATANIM, PAG-AALAGA, PAGPAPABUNGA NG HITIK AT PAG-ANI NG BELL PEPPER
    Ngayong araw na ito ay ise-share ko sa inyo kung paano ang tamang pagtatanim at pag-aalaga ng Bell Pepper, para magkaroon ng hitik sa bunga.
    Maraming taglay na health benefits sa ating katawan ang Bell Pepper, tulad ng mataas na anti-oxidant content, proteksiyon laban sa sakit na cancer at puso. Nagtataglay ng Vitamin C, E, Beta Carotine at marami pang iba.
    Ang aking mga tanim na Bell Pepper ay pawang nasa 10-liters na empty bottle ng mineral water na aking pinalaki hanggang sa mamulaklak at nagbunga ng hitik na hitik sa pamamagitan ng Organikong pamamaraan.
    Ang Bell Pepper ay masarap at madalas ay ginagamit na sahog sa ano mang luto mula sa karne at isda at pampasarap sa pizza.
    Ginagamit din sahog sa pansit, masarap sa atchara dahil katamtaman lamang ang Anghang nito at iba pang lutuin.
    Kung nais ninyong magtanim ng Bell Pepper ay maaari kayong bumili ng seeds nito sa mga plant nursery, SM Supermarket, Ace Hardware, Handyman, Shopwise Supermarket iba pa.
    Simpleng alagaan at patubuin ang Bell Papper sa 10 liters na empty bottle ng mineral water.
    Tiyakin lamang na matabang lupa ang gagamitin sa pagtatanim ng ano mang halaman, tulad ng Bell Pepper.
    Ang matabang lupa ay pundasyon ng malusog ng halaman.
    Ang ratio ng lupa sa pagtatanim ng mga halaman tulad ng Bell.Pepper ay 60 percent garden soil o buhaghag na lupa, 20 percent ipa ng palay o Carbonize Rice Hull at 20 percent ay tuyong dumi ng manok o chicken manure.
    Maaring direktang itanim sa bote ang Bell Pepper o kaya'y ipunla muna.
    Ibaon lang ng 1-inches sa lupa na nasa bote, saka didiligan ng bahagya araw-araw at pagkalipas ng 7-araw ay tutubo na.
    After 15-days ng pagkakatubo ng Bell Pepper ay maaari ng diligan at ispreyan ng natural fertilizer na Fermented Plant Juice (FPJ),.isang beses kada Linggo para manatiling malusog.
    Pagkalipas 30-days at nasa mahigit isang dangkal na ang laki ay i-pruning siya para magkaroon ng maraming sanga.
    Kapag malapit ng mamulaklak ay ispreyan na ng Fermented Fruit Juice.(FFJ) once a week.
    Para hindi lapitin ng mga insekto ang Bell Pepper ay one's a week na mag-ispray ng Oriental Herbal Nutrients (OHN) kahit walang naninira para maagapan agad ang posibleng manira sa ating mga tanim.
    Sa loob lang 60 to 80-days ay maaari ng umani ng bunga na sariling tanim na Bell Pepper.
    Makakatipid kana, masustansiya pa ang pagsasaluan ng buong pamilya at hindi ka maaapektuhan ng mataas na presyo ng Bell Pepper sa Merkado.
    Tandaan lang po na laging i-apply ang TLC-Tender Love and Care sa pagtatanim ng mga halaman para ito ay mapakinabangan.
    Ang Magsaskang Reporter po ay marami ng tanim na gulay, pero patuloy pang nagtatanim dahil sa paniniwalang ang pagkakaroon ng seguridad sa pagkain ay dapat magsimula sa ating tahanan, "FOOD SECURITY STARTS AT HOME.
    Milyun-milyon ngayon ang nagugutom, maraming kabataan ang malnutrition, ang pagtatanim at pagkain ng gulay ang solusyon.
    Nagawa ko po ito, magagawa rin po ninyo.
    Nawa po ay nakapag-share ako ng kaalaman at impormasyon ngayong araw na ito tungkol sa pagtatanim at pag-aalaga ng Bell Pepper sa bote.
    Panoorin po ninyo ang video tutorial ko sa aking TH-cam Channel na ANG MAGSASAKANG REPORTER tungkol sa step by step na pagtatanim at pag-aalaga ng Bell Pepper.
    Para sa iba pang tips at sikreto sa pagtatanim ng iba't-ibang uri ng halaman ay maari po kayong manood at makinig ng aking TV at Radio program na Masaganang Buhay tuwing Linggo, alas-7:00 hanggang alas-8-00 ng umaga sa OnePH Cignal TV, Channel 1 ng TV-5. Mapapakinggan din po sa Radyo Singko 92.3 News FM. Live din ninyong mapapanood sa Facebook at TH-cam.
    Maaari din kayong manood at mag-subscribe sa aking TH-cam Channel na ANG MAGSASAKANG REPORTER para sa iba pang kaalaman at ipormasyon sa pagtatanim ng iba't-ibang uri ng halaman sa pamamagitan ng Organikong pamamaraan.
    Tuwing araw ng Martes ay regular ninyong mababasa ang aking kolum dito sa Pilipino Star Ngayon (PSN) ng Star Group of Publication.

ความคิดเห็น • 366

  • @alexandercooks3527
    @alexandercooks3527 ปีที่แล้ว

    Nice brother ang dami ko pong natutunan sa channel mo.. Salamat po sa pag bbahagi.. 👍🥰

  • @HitoriBocchi-chan-cn5tx
    @HitoriBocchi-chan-cn5tx ปีที่แล้ว

    Good. Job

  • @luckydr2623
    @luckydr2623 11 วันที่ผ่านมา

    Salamat po!

  • @kylepb5408
    @kylepb5408 ปีที่แล้ว

    Thank you po!!!! Nag-uumpisa palang po ako magtanim. :) God Bless po

  • @carlosdionaldo7072
    @carlosdionaldo7072 ปีที่แล้ว

    Shout out po d2 po sa puerto princesa city

  • @violetatirad3959
    @violetatirad3959 2 ปีที่แล้ว

    Paano po gumawa ng ffj ang others you used on plants in your garden pls tnx gbu

  • @emmamelendrez971
    @emmamelendrez971 ปีที่แล้ว +11

    Watching from Tagaytay City po. Nagtatanim din po ako ng vegetables po which is just beside and at the back of our Café business. Yung pangunahing needs and ginagamit namin sa mga ingredients for burgers, fruit juices, silog meals at iba't-ibang niluluto ang mga itinatanim ko, tulad ng different varieties of peppers, tomatoes, pipino, ampalaya, pechay, talong, potatoes, spring onions, basil, thyme, mint, rosemary, parsley, green tea, atbp. I'm so proud to say na fresh po from the garden to our kitchen mga vegies ginagamit namin at organic po pamaraan ko kaya chemical free po.
    Now and then, nagre-refresh po ako ng mga natutunan ko na kaya I'm revisiting your videos & vlogs po. You're a big help po and I thank you so much sa mga tinuro nyo po.
    God bless you and your channel!

    • @TitoBry12
      @TitoBry12 ปีที่แล้ว

      Eto yung plan ko pag nagkaron ako ng food resto tbh. Kase mas okay tlaga pag fresh from garden ang ingredients.

    • @NaningGabo-mq7wi
      @NaningGabo-mq7wi ปีที่แล้ว

      San po pwedeakabili ngFFJ?

    • @redo4510
      @redo4510 9 หลายเดือนก่อน

      Tanim kung ganyan Ang taas mahigit five feet no pruning at madaming bulaklak kumpulan at bunga maraming na.

    • @MariaLBoggles
      @MariaLBoggles หลายเดือนก่อน

      Therapy din po! Ang pag tatanim sa terasa lang mg apartment ko at sa mga paso lang mga tanim ko. Kahit mahal presyo ng lupa dito:🇨🇭 at hindi pwedi magawa composed . Super happy pag namumulaklak na at nabunga na 💝. napaka laki ng advantages maraming ingredients & herbal spicies itanim at organic pa tamis ng kamates ko, at dahon ng gabi lalapad. At yong kamote bagin kahit naka tayo lagi ko ini ttrim dahil dahon "talbos" lang kailangan ko, at iba pa mga tangled, luya, sibuyas, bawang ect, ect namadali tumubo.
      God blesses po!& ☘️💪🙏🎉😘

  • @ricardoramos3972
    @ricardoramos3972 ปีที่แล้ว +1

    Ok n sir!nka subscribe nko Kay KY...be bless po

  • @cgalejandria1684
    @cgalejandria1684 2 ปีที่แล้ว +1

    Ang bell pepper po ba pwedeng sa lilim lang

  • @meleniepiocos5138
    @meleniepiocos5138 2 ปีที่แล้ว

    Sir bakit po pag nagbubulaklak na sya lagi nagkukulot ang talbos at nilalanggam na,nasisira po lagi tanim bell pepper kahit ibang uri ng sili.

  • @teresitatabios-h5f
    @teresitatabios-h5f 8 หลายเดือนก่อน +1

    Ang foliar fertilizer po ba ay maaari ding spray sa guayabano, matami pong bulaklak pero hindi nabubuo ang bunga

  • @tengpb
    @tengpb 2 ปีที่แล้ว +2

    Dapat po ba na nasa araw sila o pwede po sa may lilim ng puno ilagay ung tanim at ok lang po ba ma maulanan siya sa mga panahon ng tag ulan o kailangan po na ilipat siya sa d nauulanan?

  • @dexterdelmundo2478
    @dexterdelmundo2478 2 ปีที่แล้ว +2

    U ng akin po sir Hindi gnyan kalaki ung bell pepper ko

  • @rositalaygo4041
    @rositalaygo4041 ปีที่แล้ว +4

    Hi Sir, saan Tayo maka bili ng fertilizer?

    • @rosalinapastrana8263
      @rosalinapastrana8263 ปีที่แล้ว

      Rosaliña po panopo paggawa ng foliar fertiliserl taga alagao po buĺacan

  • @andyrabinotvtech7586
    @andyrabinotvtech7586 2 ปีที่แล้ว +1

    Sir baka pwede ako makahingi ng tulong mula sa inyo new vlogger po,sana akoy iyong matjlongan na mapalago ko yong aking channel.salamat po sir

  • @xy-zamadridanorn9076
    @xy-zamadridanorn9076 ปีที่แล้ว +1

    Hi Sir. Good day. Tanong lng pano po gawin yun fermented fruit juice n ginagamit nyo pandilig s halaman? Thanks so much s response

    • @thelmaaguas6730
      @thelmaaguas6730 ปีที่แล้ว

      Search mo ang mga ibang videos nya….

  • @boeingviola1842
    @boeingviola1842 2 ปีที่แล้ว +1

    Good morning po. Guyana n po ako ng FFJ at gigabit s aking halaman. Pero nilanggam po yung halaman. Pano po kaya yon?

  • @bernardcormanes902
    @bernardcormanes902 2 ปีที่แล้ว +1

    yung akin po tig iisa lng ang bunga tapos , ang ibang bulaklak nahuhulog po, ano kaya kulng na fertilzer , patilong po sir

  • @valiantgonzales7866
    @valiantgonzales7866 6 หลายเดือนก่อน +1

    Sir idol laht NG cnb MO Tama po at sang ayon, isang dakilang propesyon ang paging mgsasaka, dhil layunin nito n pakainin ang sangkatauhan

  • @minicraftylady
    @minicraftylady 2 ปีที่แล้ว +9

    Ilang years pa po at talagang try ko din po yang pagtatanim, napakasarap po talaga na may sariling garden na pagkakaabalahan sa araw-araw...madami po matutunan sa channel nyo...salamat po sa sipag nyo mag share...

  • @andyrabinotvtech7586
    @andyrabinotvtech7586 2 ปีที่แล้ว +2

    Good day Sir in new subs,like ko yong iyong video tungkol sa bell pepper 🫑🫑🫑🫑

  • @RODRIGOSANTOS-nn1cb
    @RODRIGOSANTOS-nn1cb 2 ปีที่แล้ว +1

    Sir mer paano ang pagawa Ng ffj

  • @evelynortega6982
    @evelynortega6982 2 ปีที่แล้ว +5

    Pinapanuod ko po yung mga vedio mo ,dami ako natutunan ,sa totoo lang po ,ginagaya ko 😅 .
    Maraming salamat po for sharing ng iyong mga kaalaman, marami kapo na tutulungan,God bless po ang more blessings to you

  • @NoelAutor
    @NoelAutor 2 ปีที่แล้ว +1

    Hindi bell pepper yan. ang tawag sa amin yan atsal. ang bell pepper ay malaki at bilog ang hugis at masarap at medyo matamis ang lasa.

  • @evelynsi3578
    @evelynsi3578 2 ปีที่แล้ว +1

    Ang dahon ba ng bell pepper, puedeng igulay sa tinolang manok?

  • @corazoncaramelo494
    @corazoncaramelo494 2 ปีที่แล้ว +1

    good day po. us lang po bakit. ng tanim ako ng sili . ngayon medyo malalaki na sita ang daming langgam.

  • @merceditapenera7962
    @merceditapenera7962 2 ปีที่แล้ว +1

    Ung tanim ko may bunga maliit pero nalalata cya..

  • @arneladraque901
    @arneladraque901 ปีที่แล้ว +1

    Ano Po ba ang fermented fruit juice at paano Po ba Gawin ito?

    • @AngMagsasakangReporter
      @AngMagsasakangReporter  ปีที่แล้ว

      Tatlong bunga po ng iba't-ibang uri ng prutas, i-ferment po ninyo one week at lagyan ng molasses

  • @restitutocatipay3972
    @restitutocatipay3972 2 ปีที่แล้ว +1

    Ganyan din Po ba sa kamatis? Puede din ba putulin para dumami Ang sanga?

  • @virginiaquito3277
    @virginiaquito3277 2 ปีที่แล้ว +1

    go9d pm sir araw araw po ba ang pagdidilig ng ffj?

  • @wlbhobbies
    @wlbhobbies 2 ปีที่แล้ว +4

    Salamat sa pag share mo po ng iyong mga nalalaman na pahiram po sayo ng Dios keep safe and God Bless po Sir.Mer

  • @marifekuhn7139
    @marifekuhn7139 2 ปีที่แล้ว +2

    Hello po, new subscriber here , Salamat po Sa pagtuturo .

  • @kelogs7873
    @kelogs7873 2 ปีที่แล้ว +1

    Hello po . Pa shout din po sa nxt vlog kelogs from Montalban Rizal at Jho from Ontario Canada.

  • @iammay_5097
    @iammay_5097 2 ปีที่แล้ว +3

    done subscribing to Ky channel

  • @glorialim374
    @glorialim374 ปีที่แล้ว

    Wow favorite ko Po bell pepper. Try Kong mg tanim base sa itinuro mo.po. ask ko lng Po bkit Po need dalawa Yung plastic container na HINATI mo Po.? Salamat Po.

  • @cgalejandria1684
    @cgalejandria1684 2 ปีที่แล้ว +1

    Good pm po. Pwede po bang pamalit sa ffj ang faa para matuloy ang bunga.

  • @belenflores4244
    @belenflores4244 2 ปีที่แล้ว +1

    Ilang beses po sya dapat diligan ng ffj

  • @cristinacerdena5526
    @cristinacerdena5526 2 ปีที่แล้ว +2

    Hello sir,
    Pwde ho mag request ipakita nyo po ang pansit pansitan gusto ko malaman ang hitsura ng pansit pansitan at sabi nyo ho pwde panggamot. Sana sa Sunday e pakita nyo ho ang pansit pansitan.
    God bless po
    Tina ng Calaca Batangas

    • @vickygabas9427
      @vickygabas9427 2 ปีที่แล้ว

      Pwede mo makita ang pansit pansitan,try mo e google

  • @susanangot6543
    @susanangot6543 2 ปีที่แล้ว +13

    Hello po sir magandang umaga po nasisitahan ako na nunu od sa inyo Sir i hope na kung ako mag tanim ng Bill paoer gusto ko ganyan gaya sa inyo ang pag tanim ko maraming salamat po gusto ako matuto sa inyo palagi at lagi ako nanunuod sa inyo salamat po Gidblss po Sir,

  • @loidahernandez6418
    @loidahernandez6418 2 ปีที่แล้ว +2

    Ang ganda nman ng bell pepper dito sa paco 15.00 ang isa nyan.

  • @Maikeru110572
    @Maikeru110572 ปีที่แล้ว

    @Ang Magsasakang Reporter - Tanong ho, bakit despite gamitan ko ng FFJ naglalagas ng kusa mga bulaklak ng Bell Pepper ko? Sapat naman sa araw at wala naman peste. Wala nga lang mga bubuyog na bumibista para i-pollinate yung mga bulaklak. May dapat pa ba ako gawin na di nabanggit sa video?

  • @amiemalanachannel1119
    @amiemalanachannel1119 2 ปีที่แล้ว +2

    Sending my support from teammad family Maraming Salamat po sa pag tulong nyo sa Amin PROYEKTO sa teammad family PO

  • @mariagematv
    @mariagematv 2 ปีที่แล้ว +3

    wow maraming salamat po sa pag share ..frteammad family

  • @AweShe
    @AweShe 2 ปีที่แล้ว

    ahhh sir,, bat di po nilalanggam yung dahon ng bell pepper nyo po..
    dami kc ng langgam ng amin dito sa bahay,, ang pangit tuloy ng tubo at bunga super konti 😬

  • @gaudelialabiano9004
    @gaudelialabiano9004 2 ปีที่แล้ว +3

    Hello akoy 82 yrs old n mhilig ako magtanim ng mga gulay silil lhat ng klase hndi p gaanong sucess aking pagta2nim.nadagdagan ang aking kaalaman dhil lage ako nanonood s mga tips m sana mkamit kna ang katulad m n nagkaroon ng hetik n mga bunga ang mga tanim thank you

  • @sirugevlogs2869
    @sirugevlogs2869 ปีที่แล้ว

    Bell.......
    .............
    .............
    .............
    .............
    .............
    .............
    .............
    Pepper.

  • @colleenfirz2857
    @colleenfirz2857 8 หลายเดือนก่อน +1

    Maraming salamat po Sir, informative video Po. Matagal na Po kaming subscriber nyo ng family and friends. Watching from Chicago Illinois.

  • @normamartinez6528
    @normamartinez6528 2 ปีที่แล้ว

    Sir good day po ano po un ffj n fertilizer ano po mga halo.kze may tanim po ako bell pepper.may flower n po xa.nun pong isang taonnagkaroon din ako ng bell pepper kay lng maliit lng ang bunga.nya kaya po ask ko un ffj thnx po.

  • @KaEnjoyTV
    @KaEnjoyTV 2 ปีที่แล้ว +1

    Good pm sir, ilang Araw Po pwede harvesin after na ma spray Ng foliar fertizer at ilang Araw Po pwede makain after na ma spray Ng foliar fertilizer. Thank you Po.

  • @abstractdockie8680
    @abstractdockie8680 2 ปีที่แล้ว +4

    good morning po sir😊😊😊

  • @josiesalanga9162
    @josiesalanga9162 2 ปีที่แล้ว +2

    Mag igadu ka na sir mahal ang bell pepper sa atin especially holidays.

  • @JaysonSaddi
    @JaysonSaddi 2 ปีที่แล้ว

    Mga bell pepper ko po hindi sya self watering nkatanim lng sya sa mineral water bottle, mga payat po ang bunga nya maliliit, anu po kya gagawin ko.? Lage nmn dinidilig at nilalagyan ng eggshell at hugas bigas?

  • @TocaSamantha66
    @TocaSamantha66 ปีที่แล้ว

    sakin po ayaw po mamunga... madaming bulaklak pero hndi po natutuloy s pamumunga... panu po gagawin??

  • @emeritaemerita5176
    @emeritaemerita5176 2 ปีที่แล้ว +3

    Good day po salamat po god bless and keep safe

  • @mariavilmatulalian8221
    @mariavilmatulalian8221 2 ปีที่แล้ว

    Kailangan po Mr Mear Larson ibibilad ang buto ng bill _Peper. naku po hindi ko na ibilad sa araw ulan po ng ulan sa aming lugar dito sa San Pedro Làguna.

  • @jpabuaya5638
    @jpabuaya5638 2 ปีที่แล้ว

    hello po sir ask q lng po bkt twing ngspray aq s halman q unti unti po nasusunog mga dahon qnu po dahilan ,tpos tqlbos 1 tanim gnun din po parang ntutuyo mga dahon s gilid paikot

  • @danilocapacio7150
    @danilocapacio7150 2 ปีที่แล้ว

    sir. mer. bakit. ung. kamatis. na. tanim. ku. lukot. yung. dahon. ung. iba. hindi. nman?

  • @tarugobalbon3214
    @tarugobalbon3214 2 ปีที่แล้ว +1

    sir pwede ba magtanim ng kalabasa sa plastic bottles at kya ba nila mamunga

    • @AngMagsasakangReporter
      @AngMagsasakangReporter  2 ปีที่แล้ว +1

      Puwede po sa mas malaki

    • @tarugobalbon3214
      @tarugobalbon3214 2 ปีที่แล้ว

      @@AngMagsasakangReporter dami ko natutunan dhl sa kapapanood ko ng mga videos mo sir....

  • @rosemelindaquintana3747
    @rosemelindaquintana3747 2 ปีที่แล้ว +2

    Thank you po magsasakang reporter.

  • @SamsungSamsung-sg7uv
    @SamsungSamsung-sg7uv 2 ปีที่แล้ว +1

    Ilang araw pwedeng palitan ang tubig, kasi kulay berde na ang tubig.

  • @mar-ben-reybactol2856
    @mar-ben-reybactol2856 2 ปีที่แล้ว +1

    Sir, pwede bang 2-3 tanim sa isang container? 7 litters yung gamit ko sa bellpeper ko po...

  • @kdawntvchannel9798
    @kdawntvchannel9798 2 ปีที่แล้ว +2

    Aga mag upload ah 🤣

  • @pedroramos5226
    @pedroramos5226 2 ปีที่แล้ว

    Good day po sir, tanong ko lang po kung magtulos po ba, dun sa may puno ng halaman, di po ba matamaan yung ugat, di po ba sya mamatay kung sakali?.. Salamat po..

  • @ofeliaparone6884
    @ofeliaparone6884 ปีที่แล้ว

    Nalalaglag ang dahon ng tanim kong bell pepper natutuyo at kumukulubot ang dahon ang laki na pero ayaw mamulaklak ano ang dapat kong gawin.Please help

  • @bebethizon1509
    @bebethizon1509 2 ปีที่แล้ว

    Pwede pa po b I pruning ung matagal ng puno? Mga 3 months na, d KC cya malago..

  • @visitacionrallis4408
    @visitacionrallis4408 2 ปีที่แล้ว

    Please replace that ghastly music background!

  • @shirleynaldoza106
    @shirleynaldoza106 2 ปีที่แล้ว

    Paano po kung nilalapitan po ng langgam yung inisprayan ng fpj fertilizer...

  • @knighthunter18
    @knighthunter18 2 ปีที่แล้ว +2

    Ang gandang kaalaman po sir para sa magsasaka at isa na ako dun god bless po

  • @enGineerOFMagicz
    @enGineerOFMagicz ปีที่แล้ว

    same way po kaya ito ng pagtatanim ng JALAPEÑO PEPPER?

  • @cgalejandria1684
    @cgalejandria1684 2 ปีที่แล้ว +1

    Good day po sir. Paano po pag sobrang init. Ok lang po ba sa mga tanim na bell pepper

  • @loidarequiroso7267
    @loidarequiroso7267 2 ปีที่แล้ว +1

    God bless Po at maraming salamat sa Pag share...☺️☺️☺️tamang tama Po may tanim akong bell pepper......

  • @mercyxanti3094
    @mercyxanti3094 ปีที่แล้ว

    Thanks for sharing ur knowledge, meron n ako mga punla.gagawa n lng ako Ng pgtataniman

  • @jinkym.890
    @jinkym.890 2 ปีที่แล้ว +2

    Nakakatuwa naman po ang mga tanim niyong bell pepper kasi ang daming bunga. Lagi po akong nakasubaybay sa inyo sir at napapanood ko rin kayo sa tv. Thank you for always sharing tips sir Watching from Binan Laguna.

  • @Joseph-y1i9w
    @Joseph-y1i9w 11 หลายเดือนก่อน

    Sir, puede itanim bell pepper sa sandy soil at maiinit na lugar tulad ng pozzorubio, pangasinan.

  • @conniecandazo4146
    @conniecandazo4146 2 ปีที่แล้ว +1

    Thank for ur advice. Sa
    Halam.good job...

  • @alejandroortillano5196
    @alejandroortillano5196 2 ปีที่แล้ว +10

    Hindi po kayo nag spry ng calphos? Hindi rin po kayo nag fungicide? Hindi rin po kayo nag pesticide? Hindi rin kayo nag dagdag ng compost soil o chicken manure o vermicast? FPJ lang ska FFJ?

    • @cethalexanderarchua6264
      @cethalexanderarchua6264 ปีที่แล้ว

      Ano po ibig sabihin ng fpg at ffg boss?

    • @luthormendez1375
      @luthormendez1375 ปีที่แล้ว

      ​@@cethalexanderarchua6264Fermented Plant Juice (FPJ) at Fermented Fruit Juice (FFJ)

  • @rubinitayanson6346
    @rubinitayanson6346 2 ปีที่แล้ว

    Ggudam ,tanong qpo pano pag gawa ng ffj ,marami slmt po ,from obando bulacan

  • @syllionesison1715
    @syllionesison1715 2 ปีที่แล้ว

    Hello po sir new subscriber Po ako
    Pudi Po ba kung paano gumawa ng FPJ b un

  • @susanatarnate6271
    @susanatarnate6271 ปีที่แล้ว

    Paano po gumawa sir ng foliar fertilizer
    Thank you

  • @nickrcph3284
    @nickrcph3284 9 หลายเดือนก่อน

    pwede po bang isabay ang FFJ sa ating synthetic potash 0-0-60?

  • @kuyaglenntv.2572
    @kuyaglenntv.2572 2 ปีที่แล้ว +1

    mabuhay ang mag sasaka..salamat sa tips idol,napakalaking tulong po..watching from davao city

  • @neciorapista1646
    @neciorapista1646 2 ปีที่แล้ว +3

    Maraming salamat sa pagbigay mo ng kaalaman sa pagtatanim ng mga gulay!

  • @sheny288
    @sheny288 2 ปีที่แล้ว +1

    Sir pwde po mg tanong ano po ginagamit nyo para maiwasan yong hanip sa dahon kc yong mga sili ko laging may puti puti saka kamatis?thankz po

  • @shirleygonzales209
    @shirleygonzales209 ปีที่แล้ว

    Hi sir thank you .nagtatanim po ako sa school ano po vitanin po sa grapes d po namulaklak en

  • @annalizaoderon756
    @annalizaoderon756 2 ปีที่แล้ว +1

    Classmate Teacher Divine, nabati ka ulit. Wow avid fan kana rin.

  • @renzmaglalang6351
    @renzmaglalang6351 2 ปีที่แล้ว +1

    Anong oras napo ung programa nyo sa one ph? Wala na po sa 5:00 nang hapon .

  • @mayethmendoza1433
    @mayethmendoza1433 2 ปีที่แล้ว +1

    Hello po...Thank you po sa pag share ninyo sa pagtanim ng bell peppers gagayahin po ko yan.

  • @emz204
    @emz204 ปีที่แล้ว

    Ay sa dahon pala nilalagay ang FFJ. Kaya siguro natuyot yong halaman ko kasi sa puno ko nilalagay.

  • @leworsmiley
    @leworsmiley 2 ปีที่แล้ว +1

    Hello my new friend😊 Yes to Agriculture!! More power to you sir. GODBLESS🙏😊 @LhynChannelTeammadFamily

  • @jomleotv2341
    @jomleotv2341 2 ปีที่แล้ว +2

    sarap pag my ganyan ka sa bahay

  • @violaatilano4190
    @violaatilano4190 2 ปีที่แล้ว

    Sa bell pepper lng pwede i prune sa hot chilli hinde pwede can i hear from you

  • @hedrickfuentes4829
    @hedrickfuentes4829 2 ปีที่แล้ว +1

    Sir kapag po ba self watering sa lilim lng nkalagay?pa shout po sa next video nio...God bless you po

  • @jubypalma1471
    @jubypalma1471 10 หลายเดือนก่อน

    Kaylan q pwede po idilig ang vetsin sa halaman ilang araw ng gulay thkz po.

  • @lenniepoblete6181
    @lenniepoblete6181 ปีที่แล้ว

    Ok na sana, very informative but too loud ang music mo…

  • @ZentafJelianggao
    @ZentafJelianggao 7 หลายเดือนก่อน

    Good morning po paano po gumamawa ng FFJ sir? God blessed po...

  • @zyhanli_TV
    @zyhanli_TV ปีที่แล้ว

    Paano po papalakihin ang bunga ng bell sir? meron kasi aq tanin ng ganyan. kaso ang kucute po ng bunga nya

  • @chielcastillodeborja9578
    @chielcastillodeborja9578 6 หลายเดือนก่อน

    Maraming bulaklak Ang bell pepper ko,pero di tumutuloy ang bunga lagi lang bulaklak

  • @analisacastillo6212
    @analisacastillo6212 2 ปีที่แล้ว

    May tanim din aq bell pepper kaso d natutuloy mag bunga natatanggal bulaklak nya

  • @abstractdockie8680
    @abstractdockie8680 2 ปีที่แล้ว +4

    wow, ang dami at ang lalaki pa ng bunga!
    sarap niyan sir😊😊😊

    • @marymatias8168
      @marymatias8168 2 ปีที่แล้ว +1

      Ung ines pray mo Hnd ko makuha kung my papa ano.pki.sent Po
      Slmt.po.

    • @marymatias8168
      @marymatias8168 2 ปีที่แล้ว +1

      Pki turo Po ulit.enterested dn Po ako.

  • @eddielim2871
    @eddielim2871 ปีที่แล้ว

    Sir mer watching from patnanungan quezon..