Hangad Kong Pasko: Sa Iyong Pagsilang

แชร์
ฝัง
  • เผยแพร่เมื่อ 29 ก.ย. 2024
  • Ano kaya ang naging hangad ni Maria noong mga panahong nasa sinapupunan niya si Kristo? Marahil sabik siyang masilayan at mahagkan ang Anak na pinakahihintay at pinakatatangi. Marahil nabalot din siya ng pangamba sa kabila ng naghihintay na saya. Ngunit kung may isang bagay na tiyak, hindi makakaila na bago pa man isilang si Hesus, nakaabang si Maria nang buong puso at pagtugon sa tawag ng Panginoon.
    Ngayong panahon ng Adbiyento, samahan kaming magnilay sa kagandahan ng loob at ng "Oo" ni Maria. Gunitain natin ang kanyang naging sakripisyo, paghihintay, at pagdarasal. Pakinggan ang "Sa Iyong Pagsilang" at muling saksihan na tunay ngang laging narito ang ating Mahal na Ina.
    #HangadKongPasko #hangad2020
    --
    “Sa Iyong Pagsilang”
    Musika ni Elliot Eustacio
    Titik ni Ryza Martinez
    Pagsasaayos ni Willan Caimol

ความคิดเห็น • 1

  • @janmarkbernales4374
    @janmarkbernales4374 2 ปีที่แล้ว +2

    Magalak and Behold the Child are perfect as combo for telling the First Christmas morn ;)