Hangad Kong Pasko: Sumilang Sa Buhay Namin

แชร์
ฝัง
  • เผยแพร่เมื่อ 29 ก.ย. 2024
  • Sa bawat oras na lumilipas, tila nagiging abala ang nakararami upang punan ang mga pangangailangan sa buhay. Ngunit sa tuwing lumalamig na ang simoy ng gabi kasabay ng pagkutitap ng mga makukulay na ilaw, nagsisilbi itong tanda ng papalapit na Pasko ng Kapanganakan ni Hesukristo. Sa panahong ito, tumitindi ang bawat pintig ng mga puso, upang ilapit ang mga panalangin sa Diyos - mga hangaring pansarili, pampamilya, at pang-sanlibutan.
    Bilang tanda ng walang hanggang pag-ibig ng Diyos sa mundo, isinilang si Hesukristo - ang ating manunubos at tagapagligtas. Ngayong nahaharap tayo sa mga pagsubok at kawalang katiyakan, manahan nawa sa buhay at puso ng bawat isa si Hesus, nang puspos ng pag-ibig upang tumulong sa mga higit na nangangailangan, at puno ng pang-unawa para sa lubos na kaayusan. Marahil, masidhi rin ang paghahangad natin na muling magkasama-sama sa pananambahan. Sumilang nawa sa atin ang pag-asa at liwanag na sa bawat unos, mayroon tayong sandigan at karamay.
    #HangadKongPasko #hangad2020
    --
    “Sumilang Sa Buhay Namin”
    Iniawit ng Himig Agustino
    Titik ni Dennis Van B. Grospe
    Himig ni Elliot Eustacio
    Pagsasaayos ni Kenneth Dacanay

ความคิดเห็น • 6

  • @darlz967
    @darlz967 ปีที่แล้ว +2

    This is a very beautiful piece. Ilang beses kong inulit-ulit. 'Yung feeling na andyan yung holy spirit nagha-hug sayo... I would really love to buy a music score of this piece.

    • @HangadMusic
      @HangadMusic  ปีที่แล้ว

      Hello! For score sheets, please contact sales@jescom.ph
      Thank you!

    • @darlz967
      @darlz967 ปีที่แล้ว

      @@HangadMusic thnx... already did..

    • @johnremmelroga6985
      @johnremmelroga6985 9 หลายเดือนก่อน

      anong part po sya pwdng kantahin sa mass

  • @juanmarco9023
    @juanmarco9023 ปีที่แล้ว +2

    Merry Christmas po🙏😍😇

    • @HangadMusic
      @HangadMusic  ปีที่แล้ว

      Merry Christmas din po!