GUSTO KITA PERO ANG GUSTO MO AY SIYA | SPOKEN WORD POETRY TAGALOG ( HUGOT )
ฝัง
- เผยแพร่เมื่อ 13 ก.ค. 2023
- GUSTO KITA
BY: Jamaica Mae Culanag
PRODUCED BY: MERCY BLESS
Siyam na letrang gustong sabihin sayo
Siyam na letrang nais kong malaman mo
Mga katagang gusto kong ipagsigawan sa mundo
Ngunit natatakot masaktan ng husto
Gusto kita sanay iyong malam
Gusto kita sanay kaya kong sabihin sayo ng harapan
Gusto kita sana kaya kong ipagsigawan
Gusto kita sana kaya mong suklian
Lagi akong humihiling sa bituin
Lagi akong bumubulong sa hangin
At lagi kong ipinapanalangin
Na sana akoy matutunan mong ibigin
Gusto kita,
Ngunit ang gusto mo ay siya
Hindi ko pwedeng ipilit ang pagibig na nais kong sa iyong madama
Sapagkat alam kong masaya sa piling ng iba
Andito naman ako
Nagmamalasakit sayo
Ngunit sino ba naman ako
Para maramdaman ang pagamamahal mo
Sabi nila kailangang kong lumaban
Sagot ko naman mahirap lumaban sa labang
ikaw lang ang sumusugal
Sabi nila may pagasa pa
Pero pinapalaya na kita
Kayat titingin nalang sa langit
At titigilann na lang ang pagkapit
Salamat sa pansamantalang saya
Salamat sa pangmatagalang sakit
na iyong naukit sa pusong minsan kang minahal ngunit di nagtagal
Kahit akoy walang karapatan para masaktan
Ikaw ay laging pinasasalamatan
Dahil nakilala kita ng lubusan
Kahit hindi magpakailanman
Salamat sayo munting paraluman
Salamat sa maikling oras at maikling panahon
Ikaw at ako pinagtagpo ng pagkakataon
Kahit na hindi lumaon
Salamat sayo aking tahanan
Ang siyam na letra na ito
Ay simbolo kung paano ako nagkagusto
Sa isang tulad mo
Siyam na letra Gusto Kita,
Kaso ang Gusto mo ay iba….
Gusto kita ngunit di pala tayo tugma,
Hanggang sa muli munti kong tala
#spokenword #spokenpoetrytagalog #love - เพลง