PINILI KONG ITAGO | SPOKEN WORD POETRY | MERCY BLESS

แชร์
ฝัง
  • เผยแพร่เมื่อ 2 ก.ค. 2021
  • Pinili kong itago
    Ayaw kong masaktan
    Ito yung isang rason kung bakit takot akong
    aminin ang nararamdaman ko para sayo
    Ilang beses ko ng sinubukan,
    Pero kapag kaharap kita nauubusan ako ng mga salitang
    Maitutugma,
    Ang mga letrang matagal ko ng gustong sambitin sa harapan mo
    Lahat ay nalilimutan dahil sa kaba at takot na mabigo
    Di ako sigurado sa lahat ng mga pinapakita mo
    Kung sakto ba talaga tong nararamdan ko ?
    O isang ilusyon lamang ang lahat ng ito?
    Ayaw ko ng muling maniwala
    Dahil ilang beses na akong naging biktima ng maling akala
    Ayaw ko na muling umasa
    Na pareho tayong may gusto sa isat-isa
    Kasi baka sa huli ang totoo ay ako lang pala
    Ang hirap kasi dahil minahal na kita na wala kang ka alam alam
    Na sa bawat galaw mo, ang pakiramdam ko ay gusto mo rin ako
    Takot akong sabihin ang nasa puso ko
    Lalo na’t di ako sigurado kung mahal mo narin ba ako
    Di ko alam kung kakayanin ko bang marinig sayo
    Ang sagot sa tanong na Gusto mo rin ba ko?
    Nahihiya ako
    Na malaman ang totoo
    Kasi baka itoy ikakadurog ng puso ko
    At maging dahilan ng muli kong pagkabigo
    Ang hina ko kasi pagdating sa nararamdman ko
    Na mas pinili kong magpaalipin sa takot
    Kesa sa malaman ang totoo
    Alam kong wala namang mangyayari
    Kapag ililihim ko ang nararamdaman ko sayo
    Na kahit mahalin pa kita ng todo
    Kung takot parin ang mananaig sa puso ko
    Wala rin namang papupuntahan to
    Patawad kung wala akong lakas ng loob na sabihin sayonggusto kita
    Na hahayan ko nalang ito na mawala hanggang sa mahanap mo ang taong sayo magpapasaya
    Alam ko naman kasing talo na ako sa sarili ko
    Dahil ako itong pilit na tinatagao ang nararamdan para sa iyo
    Na binabaliwala nalang ang lahat kasi takot malaman ang totoo
    Sinisisi ang sarili, dahilan ng di maka tulog sa gabi
    Iniisip kung ano ba ang mali sa nararamdan ko
    Kung ano ba ang mali kapag nalaman ko ang tootoo
    Naiinis ako
    Kasi pinagdadamot ko sa sarili ko ang sagot
    Ang pagsambit na gusto kita sa iyong harapan
    Ay di ko magawa kasi takot akong masaktan
    Bakit ba kasi kailangan ko pang masaktan
    Kung ang nais ko lang ay magmahal lang naman.
    Kaya pipillin ko nalang na ika’y maging kaibigan
    Kasi sa totoo lang
    takot akong mawalan
    Takot akong muling mawalan
    Tulad nung minsan kong sinubukang
    Ipagtapat ang aking nararamdaman
    Facebook Page: / mercy-bless-1024176646...
    Tiktok : tiktok.com/@mercy.bless
    Business Email : mercyblesscollaboration@gmail.com
    Spotify: in God's perfect time, my songs, podcast and hugots will be on spotify.
    FAQs:
    Q. How old are you?
    21
    Q. Where do you live?
    In the Philippines
    Q. What camera do you use?
    I use a Canon M50
    Q. What mic do you use?
    Maono AU-PM422
    Q. What do you use to edit your videos?
    I use Filmora 9 pro + Kinemaster pro + Adobe Premiere Pro
    it depends on the video that i need to edit..
    Q. Every When do you upload?
    When I want to hugot without any reasons cause I'm NBSB haha
    music: • Porque - Maldita | Pia...

ความคิดเห็น • 40

  • @gabereanzares609
    @gabereanzares609 3 ปีที่แล้ว +1

    Relate

  • @rexsumague5367
    @rexsumague5367 หลายเดือนก่อน

    I felt this, late ko lang napagtanto na gusto ko na siya, narealize ko lang nung nakaramdam ako ng sakit nung nalaman ko na may nanliligaw na sa kanya at nagkakamabutihan na sila. 😢😢.

  • @jenstv8768
    @jenstv8768 3 ปีที่แล้ว +1

    First😍🥰

  • @evelyndichosa6296
    @evelyndichosa6296 3 ปีที่แล้ว +1

    I feel this ate feeling ko tuloy akong ako to. Kht na nasaharap konasya minsan dikopa masabi kasi nga takot ako mawalan

  • @swengparreno6152
    @swengparreno6152 2 ปีที่แล้ว

    Tamang tama to sa akin.😭 sobrang sakit naman nito.🥺😭

  • @carmelam.coronel7651
    @carmelam.coronel7651 3 ปีที่แล้ว +1

    Awtss💔

  • @geonalopez5506
    @geonalopez5506 3 ปีที่แล้ว +2

    isa na namang pyesa na nagtutugma sa mga salitang nais kong sambitin sa kanya 💜

  • @jellianjean4162
    @jellianjean4162 3 ปีที่แล้ว +1

    ang sakit Pero mas mabuti nang itago dahil masasaktan Lang Tayo nang Todo kapag nalaman Ng taong Mahal natin dahil Hindi Niya Rin naman masusuklian ang pagmamahal na ibinigay natin.......Kung Hindi Tayo ang NASA puso Niya.....

  • @angeltuano3613
    @angeltuano3613 3 ปีที่แล้ว

    Lahat naman tayo may takot e!! Pero kailangan talaga!! Na harapin! kasama sa buhay ang mabigo!! pero naten kakalimutan na may DIYOS na sya ang magbibigay ng the best partner naten sa buhay!!From Alpa😇

  • @jelaimetran2965
    @jelaimetran2965 3 ปีที่แล้ว +1

    Ang sakit nmn po..😞relate so much tagos sa puso ko .Ang sakin sobra dagdag pang hindi tlaga kami pwede kaya itatago nlang 😢😞

  • @rudilyndamullog2113
    @rudilyndamullog2113 3 ปีที่แล้ว

    Relate😃

  • @christiandavebanzuela8289
    @christiandavebanzuela8289 3 ปีที่แล้ว

    FIRST❤️

  • @analynolipas7613
    @analynolipas7613 3 ปีที่แล้ว +2

    I feel you ate cheer up❤️ when I am sad I always go to your channel and listen to your hugots and makes me stronger. Thankyou ate❤️

  • @binibiningjhi6963
    @binibiningjhi6963 3 ปีที่แล้ว +1

    Pero darating talaga yung araw na kahit ayaw mong aminin, masasabi mo rin sa kanya ang tunay na nararamdaman. Sobrang relate . Pero mas pinili kong harapin ang takot. Parehas lng din naman ang sakit, itago man o aminin. Atleast noong naamin na, mas naging malinaw na ang lahat sayo. Atleast on that point may enough reason ka na para i let go yung feelings mo para sa kanya.

  • @notmeu4130
    @notmeu4130 3 ปีที่แล้ว +1

    Mabuti na ung nakatago para safe

  • @CJ-mn3ru
    @CJ-mn3ru 3 ปีที่แล้ว +1

    Waahhh seryuso tagos na tagos sa akin lahat ng mga salita .,ang sakit sobra yung tipong inipon mo lahat ng confidence mo tapus pag kaharap mo na sya wala ni isang salita ang lalabas sa bibig mo . Dahil takot ka sa rejection

  • @MacalinaoTv
    @MacalinaoTv 3 ปีที่แล้ว +1

    Kahit maaring masaktan, kailangan mong ipaalam ang totoong nararamdaman, kaysa patuloy na umasa sa pag-ibig na hindi naman pala para sa’yo...💔😢, idol galing mo talaga, sana maka collab kita, more power and God Bless.❤️🙏👍

  • @queenjilagustin2659
    @queenjilagustin2659 3 ปีที่แล้ว

    Sobrang naka relate ako😭,Kasi gusto Kong mag tapat NG naramdaman ko pero Wala e Alam ko Naman na una palang di nya ako gusto,Kasi Yung kaibigan ko Ang gusto nya..

  • @chummygeralla9570
    @chummygeralla9570 2 ปีที่แล้ว

    I feel your pain😭😢

  • @rizamanalo6260
    @rizamanalo6260 2 ปีที่แล้ว

    🙏❤️🙏😭😭😭😭😭

  • @DKSomar26
    @DKSomar26 3 ปีที่แล้ว +1

    Taguan ba ng feelings? Sakit nun.

  • @ramonmangune4940
    @ramonmangune4940 3 ปีที่แล้ว +1

    Secret love yan, sabi nga nila..

  • @nephdelacruz3930
    @nephdelacruz3930 2 ปีที่แล้ว

    Gustong gusto kita jessey anne mahal kita gusto kitang mapangasawa

  • @arahmhay819
    @arahmhay819 3 ปีที่แล้ว +1

    Pa request po
    Titig ft. Kilig ❤️

  • @badgisy2909
    @badgisy2909 2 ปีที่แล้ว

    Sa totoo Lang ayoko na at ikaw na may gosto mag watak watak na tyo Kaya hayaan mo ako mag bigay para na Lang sa mga anak ko at ok na Ang buhay ko mag Isa ma ayos na nong inalis kita sa buhay ko Kaya ko pala ma Wala kna pero may karapatan ako sa mga anak ko at ikaw at ako tapus na Wala na mag sama sama pa ginosto mo ito ito Rin Ang babalik sayo

  • @jasmineebilane7175
    @jasmineebilane7175 3 ปีที่แล้ว +1

    Sakit ☹️🥺

  • @cutemhayvlogchanell1274
    @cutemhayvlogchanell1274 3 ปีที่แล้ว

    I feel u sis 🥺

  • @jewelaguirre9151
    @jewelaguirre9151 3 ปีที่แล้ว +1

    Mercy 😭😭😭

  • @shainafaith4586
    @shainafaith4586 3 ปีที่แล้ว

    Di naman ako broken pero ramdam ko po yung sakit😞 ewan ko bakit

  • @jovahopia5358
    @jovahopia5358 3 ปีที่แล้ว +1

    I feel what you feel Bless😭
    Kaya natin to💪🏼

  • @fernandoeleuteriosr.242
    @fernandoeleuteriosr.242 2 ปีที่แล้ว

    Ako yung lalakeng walang takot sa away at gulo,
    Pero pagdating sa kanya na uupos ang tapang ko,

  • @arniemaerengalota9789
    @arniemaerengalota9789 3 ปีที่แล้ว

    💙

  • @jovahopia5358
    @jovahopia5358 3 ปีที่แล้ว

    Madami-dami na rin ang nasulat kong spoken word poetry for him but di bali nalang😔 hahayaan ko nalang, hahayaan ko nalang
    Na ako ang masaktan
    Kaysa naman sya'y aking pigilan
    Sa kanyang nararamdaman
    Na dapat para sa akin lamang
    pero sa iba niya inilaan😭

  • @limenmagdadaro6116
    @limenmagdadaro6116 3 ปีที่แล้ว

    subra sakit nyan

  • @kez1311
    @kez1311 2 ปีที่แล้ว +1

    Hi😁 Kung sinearch mo man tong vid nato sana nagbasa ka ng comments at makita mo to haha..so yun pasensya na kung hindi ko maamin sayo na gusto kita natatakot lang naman ako na baka pag nalaman mo layuan moko ang hirap kasi ng sitwasyon nating dalawa napakalabo talagang magustuhan mo rin ako lalo na't alam kong may iba kang gusto isa rin yan sa dahilan kung bat ayaw ko umamin sayo kasi alam kong una palang talo nako kasi may iba kanang gusto haha sino ba naman kasi ako ngayon lang naman tayo nagkakilala tas sya matagal mo ng nakakasama pero hindi ko alam kung bat umaasa parin ako kahit alam kong wala ng pag asa basta lagi mo nalang tandaan na nandito lang ako lagi para sayo bilang kaibigan mo:((

  • @ireneilao1633
    @ireneilao1633 3 ปีที่แล้ว

    Takot akung mawalan at maiwanan anu ngaba ang maggwa ku cgro bbtw n dn aku

  • @taddaridesmotovlog2185
    @taddaridesmotovlog2185 ปีที่แล้ว

    Parang elution nga Lang atah tu

  • @cailene4521
    @cailene4521 3 ปีที่แล้ว

    Nung cnabi ko skanya na may gusto ako sakanya at cnabi ko rin kung may pag asa ba ko sakanya sabi nya sorry but no sobrang sket kse prang lhat nag bago na

  • @jovahopia5358
    @jovahopia5358 3 ปีที่แล้ว

    Madami-dami na rin ang nasulat kong spoken word poetry for him but di bali nalang😔 hahayaan ko nalang, hahayaan ko nalang
    Na ako ang masaktan
    Kaysa naman sya'y aking pigilan
    Sa kanyang nararamdaman
    Na dapat para sa akin lamang
    pero sa iba niya inilaan😭

  • @jovahopia5358
    @jovahopia5358 3 ปีที่แล้ว

    Madami-dami na rin ang nasulat kong spoken word poetry for him but di bali nalang😔 hahayaan ko nalang, hahayaan ko nalang
    Na ako ang masaktan
    Kaysa naman sya'y aking pigilan
    Sa kanyang nararamdaman
    Na dapat para sa akin lamang
    pero sa iba niya inilaan😭