ANXIETY Spoken | Spoken Word Poetry | Tagalog Spoken Word Poetry
ฝัง
- เผยแพร่เมื่อ 4 ต.ค. 2024
- 📜 Click the 🔔button to stay updated on the latest uploads.
👍Thumbs up if you like this video.
🖊 Comment your feeling about this video or if you have something to say or to request.
👼THANK YOU!🧡
______________________
Anxiety | Pagkabalisa
By: Yours Truly
Heto na naman ako
Nag-iisip Ng kung ano-ano
Tila pinarurusahan ko naman ang sarili ko
Sa 'di malamang dahilan kung paano.
Nandito na naman ako sa sitwasyong
Unan at kumot na naman ang tagapakinig ko
Sa puntong, Sarili ko nanaman ang kausap ko.
Tipong tanong ko, sagot ko.
gusto ko ng magpahinga
Pero ayaw pa ng isip ko.
Pilitin ko mang-ipikit ang aking mga mata
Pero Pilit namang tumatakbo sa isip ko ang mga tanong na nagpapapigil sa akin na matulog na.
Tanong na bakit, paano, at kailan?
Bakit, ako nalang lagi?
Bakit ako nalang ang madalas na mali? ang sinisisi, ang kinukutya, ang nasasaktan? Ang sinasaktan
Paano? Ano bang dapat kong gawin?
Anong pwede kong gawin para magustuhan din ako ng iba, ano ang wala ako na meron sa kanila, bakit madalas akong kinukumpara.
Hanggang kailan? Hanggang kailan ako magiging alipin ng sarili ko, na siya'ng laging nagpapapigil sa akin na lumaban pa ako.
Kailan kaya matatapos ang mga 'to?
Iilan lang ito sa mga katanungan na nagpapagulo sa isipan ko.
Sa totoo lang,
Nakakapagod na,
Pagod na akong isuot ang aking maskara na dala-dala ko pa mula pagkabata hangang ngayon sa aking pagtanda.
Pagod na akong magpanggap na masaya.
Pagod na akong magsinungaling
Sa kung ano ang tunay kong nadarama.
Pakiramdam ko pati sarili ko ay niluluko ko na
Sabihin ko man na, ako'y okay lang
Ipakita ko man na ako'y ayos lang.
Pero ang isip ko lumilipad na sa kung saan.
Ang balikat ko, halos hindi ko na mabuhat na tila may kung anong mabigat na bagay akong dala.
Ang masakit pa, walang sinumang nakakaintindi sayo.
Walang may alam sa kalagayan mo.
Dahil ang madalas lang nilang makita
Ay sa kung ano lang ang nakikita ng mga mata nila.
Pagkabalisa,
Pilit ko mang labanan ito
Pero hindi ko magawa
Dahil na siguro sa mga sitwasyon
Napabago-bago.
Sitwasyon na hindi ko maintindihan
Kung katanggaptanggap ba o hindi
Sitwasyon na nakakapanghina.
Sitwasyon na hindi ko maunawaan kung dapat ko bang ikasaya.
Minsan pa nga, nawawalan na ako ng tiwala sa kanya👆
Pagdadalawang-isip ang laging nangunguna
Kung makakaya ko ba 'to
Kung malalampasan ko ba 'to
kung mapagtatagumpayan ko pa ba ang mga ito.
At sa tuwing may mga sitwasyon na kailangan maging matapang ako, madalas Pagkabalisa ang lagi kong nararamdaman.
Pilit ko mang pakalmahin ang aking sarili
Pero pilit din niya akong tinatalo
Tila ako'y nakakulong sa saril kong kaisipan
Na nagsasabing "wala akong kakayahan" "wala akong kwenta"
"Hindi ko 'to kaya, hindi ko 'yan kaya"
Pagluha ang madalas kong panlaban
Paghingi ng tawad sa sarili ko ang madalas kong nasasaabi.
Hiling ko, sana dumating yung araw na matutunan ko ng maging matapang
Maging matapang sa hamon ng buhay
Yung walang pag-aalinlangan sa sarili
Walang dadalalawang isip
Sana dumating ang panahon na lahat sigurado na ako.
Sa lahat ng desisyon na tatahakin ko.
___________________
VISIT OUR OTHER SPOKEN POETRY CONTENTS:
➡POSITIVE AFFIRMATION (SPOKEN POETRY)
• POSITIVE AFFIRMATION |...
➡PAYO PARA SA PANGARAP (TAGALOG SPOKEN POETRY)
• PAYO PARA SA PANGARAP ...
➡MINSAHE PARA SAYO MAHAL KO
• MENSAHE PARA SAYO, MAH...
➡KUNG PWEDE LANG
• KUNG PWEDE LANG | Spok...
➡KAYA PA
• KAYA PA ? | Spoken Wor...
FOR MORE VIDEOS KINDLY VISIT OUR PLAYLISTS:
👼TAGALOG SPOKEN POETRY (SPOKEN POETRY)
• Tagalog Spoken Poetry ...
👼SHORT VIDEOS ADVICE
• Short Videos | Advices
👼LEISURE TIME VIDEOS
• Playlist
👼TUTORIAL
• Tutorial
_______________________
FOR COLLABORATION
📧tspniangel@yahoo.com
_______________________
ALSO, VISIT OUR:
📝FACEBOOK PAGE:
📝TIKTOK:
📝TH-cam
_______________________
SPECIAL THANKS TO:
🖼BACKGROUND IMAGES: PEXEL
🎶BACKGROUND MUSIC: EXPECTATION By: PYANO
________________________
#anxiety
#ANXIETYSPOKEN
#anxietyspokenpoetry
spoken poetry, spoken word poetry, poem, hugot, love story, poetry tagalog, poetry, spoken poetry tagalog, spoken word poetry tagalog, poetry slam spoken word, poetry background music instrumental, sad story, sad, sadako, sad song lyrics
I am an avid mental health awareness advocate and spoken word performer, and I love this so much. I travel the country trying to bring that awareness on stages, in classrooms, hospitals, and on my TH-cam channel, so I get excited when I see other advocates.
Sa tuwing napapakinggan ko ito napapaiyak Ako😭😭😭
Ang galing po may nakuha na ako na idea
😭😭😭
True Ngayon umiiyak Ako ng dahil sa mga sinasabi nila sa akin...
Grabe ramdam ko lahat🥺🥺
Miss na kita:(((
hytss
Mental health pobayab?
😭😭😭😭
Can I use this poetry to mh poetry i give credit by your name
Nakakalungkot Kasi ganyan din Ako 😭😭😭
Pa hug ako be🤗😔