'WAG KANG MAPAGOD MAGMAHAL. (Spoken Word Poetry)

แชร์
ฝัง
  • เผยแพร่เมื่อ 12 ก.ย. 2024
  • 'Wag kang mapagod magmahal.
    Pwede kang mapagod sa tao
    Pero 'wag mong kapaguran ang pagmamahal
    Maaaring hindi nya napupunan ang mga bagay na gusto mo
    Maaaring hindi na siya ang dating nakilala mong tao
    Maaaring hindi niya nakikita ang mga bagay na naiisip mo
    Ngunit hindi dahilan ito ng pagsuko
    Hindi dahilan ito para tuluyang kumawala sa nabuo niyong mundo
    Maaari kang magpahinga
    Kung kinakailangan mong pumiglas ay pumiglas ka muna
    Kung kinakailangan mong sandaling bumitaw ay bumitaw ka
    Kung kailangan mong magpahinga
    Maglayag, maglakbay
    Ngunit siguraduhin babalik ka sa iyong daungan
    Dahil nagmamasid siya sa iyong pagbabalik
    Maaaring hinahayaan ka nyang lumayo at makipagkaibigan sa pampang
    Makipaglaro sa alon ng dagat
    Habang siya ang nagdarasal ng iyong kaligtasan
    'Wag mo isiping hindi ka niya pinagmamasdan
    'Wag mo isiping na ikaw ay hinahayaan
    Binibigay niya lang sa'yo ang kailangan mong espasyo
    Para sa iyong pagbalik ay maluwag na ulit ang mundo
    Hindi ka na masisikipan
    Hindi ka na masasakal
    At sa pagkakataong ito ay lalo mong makikilala ang pagmamahal
    Na sa saglit na minuto ng iyong pagkawala
    ay hindi mo pa rin kaya na siya ay mawala
    Hindi siya perpekto
    Ngunit alam kong hinahanap mo sa kanya ang mga bagay na magpapanatili sa'yo
    Mga simpleng bagay na parang nakakalimutan na nito
    Ang kamustahin ka, ang oras na dapat ay ibinahagi niya
    Dahil katulad ng Buwan ay kailangan mo ang mga tala
    Sa madilim na parte ng iyong kalawakan ay kailangan mo ang kanyang presensya
    At nang minsan mong hindi ito nakuha
    ay parang unti-unti mong nararamdaman na bawas na iyong ang halaga
    Kaya maaari kang mapagod sa tao
    Naiitindihan kita
    Ngunit gusto kong ipaalala sa'yo
    Na hindi ibig sabihin nito ay wala na ang pag-ibig mo
    Paulit-ulit ka lang nabigo sa mga bagay na gusto mong ibigay niya sa'yo
    At hindi ito sapat na dahilan para isipin mong hindi na siya ang tamang tao
    Uuwi ka pa rin sa kaniya
    Kahit ilang ulit mo sabihin sa sarili mong pagod na pagod ka na
    Sapagkat ang totoo ay siya mismo ang pahinga mo.
    Kaya 'wag kang mapagod magmahal,
    Sinusubok ka lang ng pagsuko.
    'Wag kang magpatalo sa binabato niyang bigat sa'yo,
    Sumigaw ka, humingi ka ng saklolo
    Dahil ang pakiramdam ng pagkakulong ay hindi natin gusto
    Makikinig ang iba kung kailangan mong ibulong ang nararamdaman mo sakanila
    Hindi ka mag-isa, pinipili mo lang talaga ang mapag-isa
    At kapag sapat na sa'yo ang pagpili mo sa "ako"
    Ay bumalik ka na muli sa tinalikuran mong "tayo"
    Sigurado ako, nag-aabang na siya sa'yo,
    At para sa'yo,
    Sana ay naririnig mo ito.
    Sana ay sabay niyong itayo ang tahanan niyong paguho.
    At kumapit kayo sa pangako, na kayo pa rin hanggang dulo.
    Dahil kung wala na siyang dahilan para piliin ang tulad mo
    Ay pipiliin nalang niya ang pagmamahal niya sa'yo.
    --
    Be part of the Bevies:
    FACEBOOK GROUP:
    / 1193579847441628
    USAP TAYO, BISITAHIN MO 'KO DITO:
    FACEBOOK PAGE: / bcumla
    TWITTER: / beverly_cumla
    INSTAGRAM: @beverlycumla
    SUNDAN ANG ATING PAMILYA.
    / @officialbevies
    PARA SA MGA USAPANG TRABAHO:
    beverly.cumla@gmail.com -
    -
    #BeverlyCumla #SpokenWord #Poetry #HugotTalk

ความคิดเห็น • 206