Hits of bagyong Vicky sa Mindanao Nagdulot ng baha (flood)

แชร์
ฝัง
  • เผยแพร่เมื่อ 10 ก.พ. 2025
  • UPDATE SA BAGYONG #VICKYPH (AS OF 8PM)
    Maulang weekend ang dala ng bagyong #VickyPH na kasalukuyang tumatawid ng Mindanao.
    Nakataas na rin ang storm signal sa maraming lugar sa bansa.
    Dahil sa bagyong Vicky, Signal No. 1 na sa northern at central portions ng Palawan kasama ang Calamian, Cuyo at Cagayancillo Islands sa Luzon.
    Signal No. 1 rin sa southern portion ng Leyte, Southern Leyte, Central at southern portions ng Cebu kasama ang Camotes Islands, Bohol, Siquijor, Negros Oriental, Negros Occidental, Guimaras, Central at southern portions ng Iloilo, at southern portion ng Antique sa Visayas.
    Pati na sa Dinagat Islands, Surigao del Norte, Surigao del Sur, Agusan del Norte, Agusan del Sur, Davao Oriental, Davao del Norte, Davao de Oro, Davao City, northern portion ng Davao del Sur, Camiguin, Bukidnon, Misamis Oriental, Misamis Occidental, Lanao del Norte, Lanao del Sur, Maguindanao, Cotabato City, Cotabato, Zamboanga del Sur, Zamboanga Sibugay, at northern portion ng Zamboanga del Norte.
    Huli namataan ang sentro ng Tropical Depression Vicky sa Esperanza, Agusan del Sur.
    May lakas ito ng hanging nasa 45 kph, bugsong nasa 75 kph at kumikilos pa-West Northwest ng 15 kph.
    #bagyongvicky #vickyngdulotngbaha #floodinmindanao #davao #prayformindanao
    Sa track ng Dost_pagasa, magdamag na tatawirin ng bagyo ang Mindanao, at posible itong mag-landfall sa Negros Oriental bukas ng madaling araw, dadaan ito ng Sulu Sea at tatawid ng Palawan sa Sabado ng gabi.

ความคิดเห็น •