Sen Lito Lapid: Pagtulong sa 640 Pamilya ng OFWs

แชร์
ฝัง
  • เผยแพร่เมื่อ 6 ก.ย. 2024
  • Sen Lito Lapid: Pagtulong sa 640 Pamilya ng OFWs #litolapid #OFWpartylist
    Sa hindi matatawarang pagtulong at suporta ni Supremo Senador Lito Lapid, namahagi siya ng ayuda sa 640 pamilya ng Overseas Filipino Workers (OFWs) mula sa Metro Manila. Sa isang napapanahong payout na isinagawa ng DSWD at OFW partylist sa Ayala malls, Parañaque City, ipinahayag ni Sen. Lapid ang kanyang pagpapahalaga sa mga OFW bilang mga buhay na bayani na nagbibigay-sakripisyo para sa kanilang mga mahal sa buhay sa bansa.
    Maliban sa pagbibigay ng tulong pinansyal, ipinahayag din ni Sen. Lapid na patuloy ang kanyang opisina sa pakikinig at pagresolba sa mga problema ng mga OFW at kanilang pamilya. Kamakailan lamang, isinulong niya ang isang resolusyon sa Senado upang imbestigahan ang mga kwestyonableng pagkawala at pag-abandona ng mga balikbayan boxes ng ilang kumpanya sa cargo forwarding, lokal man o banyaga.
    Sa tulong ni OFW Partylist Rep. Marissa Del Mar, nagpapasalamat ang mga benepisyaryo kay Supremo sa natanggap na tulong na itinuturing nilang malaking bahagi sa kanilang pangangailangan. Nawa'y patuloy pa ang pagtanggap ng suporta at tulong mula sa pamahalaan para sa mga OFW at kanilang mga pamilya.

ความคิดเห็น • 2