🏍️ THE SCENIC VIEW OF BELLA MONTANA FARM, BAMBAN, TARLAC | MT. ARAYAT VIEW FROM BELLA MONTANA FARM
ฝัง
- เผยแพร่เมื่อ 18 พ.ย. 2024
- 🏍️ THE SCENIC VIEW OF BELLA MONTANA FARM, BAMBAN, TARLAC | MT. ARAYAT VIEW FROM BELLA MONTANA FARM
Oh, bakasyon na, aba’y oras na rin para tayo’y mag-recharge!
Kung ang hanap mo ay isang lugar na tahimik at malayo sa ingay ng siyudad, dayo na, dito sa bayan ng Bamban, Tarlac!
Ang Bamban ang pinakaunang bayan na madadaanan sa Tarlac kung manggagaling tayo ng Maynila at huling bayan naman kung manggagaling tayo sa Norte.
Isang panibagong solo ride adventure na naman ang aking gagawin at sa wakas, after 6 months, samahan niyo akong muli sa aking paglalakbay patungo sa…
Samahan niyo akong muli sa aking paglalakbay sa isang Farm na matatagpuan sa mataas na bahagi ng Bamban at pupuntahan din natin ang isang Rome-inspired resort dito rin sa bayang ito ng Tarlac.
At susubukan din nating dalawin ang malawak na sports arena na matatagpuan sa bayan ng Capas. Sa tingin niyo, mararating ko ba ito?
Mula sa La Union, kailangan ko lang magtravel ng mahigit tatlong oras, kasama na ang kaunting stop over at pagmemeryenda, bago ko marating ang aking destinasyon. Hindi na pala ako gumamit ng Google Map dahil deretso naman ang kalsadang dadaanan, maliban na lamang nang ako’y papunta na sa Farm.
Ilang saglit pa ay narating ko na ang Bayan ng Bamban at dahil hindi nga ako gumamit ng google map, ay di ko namalayan na nalampasan ko na pala ang mismong munisipyo at ang kontrobersyal na POGO sa likod nito.
Diniretso ko ang aking paglalakbay hanggang sa marating ko ang Bamban Bridge. Ito ay isang highway bridge sa Bayan ng Bamban, Tarlac sa Central Luzon, na bahagi ng Mac Arthur Highway.
Ang tulay na ito ay itinayo mula 1996 hanggang 1998 bilang bahagi ng mga pagsisikap sa rehabilitasyon sa National Highway kasunod ng pagsabog ng Mount Pinatubo noong 1991. Ito ay isa sa pinakamahabang basket handle ng Nielsen-Lohse bridges sa mundo na may habang 174 meters o katumbas ng 571 feet, at isa sa pinakaunang basket-handled bridge sa Pilipinas.
Pagkatapos ng halos 15 minutes, narating ko na ang aking unang destinasyon. Bago tayo makapasok dito ay may kakaway sa atin para magbayad tayo ng Environmental Fee na 20 pesos. At pagkatapos ay babatiin muli tayo para magbayad ng entrance fee at parking fee. Bale 50 pesos per head sa entrance fee at 50 pesos muli sa parking fee. Kaya kung susumain, nasa 120 pesos lahat ng babayaran natin.
Ang "Bella Montana" ay hango sa Italian Word na ibig sabihin sa Tagalog ay “Magandang Bundok”. Ang scenic farm na ito ay matatagpuan sa Brgy. San Vicente, Bamban, Tarlac.
Sa mataas na talampas na ito na bahagi ng Bamban, ating matatanaw ang nakakarelax na maberdeng kapaligiran. Matatanaw din dito ang mga kabundukan ng Zambales at ang majestic view ng Mount Arayat sa Pampanga.
Ito ay binuksan noong 2018 at dating kilala sa J & J Farm na pagmamay-ari nina Mary Joy at Jerico. Taong 2020 naman nang ito ay opisyal na tinawag na Bella Montana Farm. Hindi ko sigurado kung ano ang tawag sa dominanteng puno ang nakatanim dito pero sa pagkakaalam ko ay ito ay mga uri ng coconut tree. Mayroon ding mga puno ng Manga at Narra na nagbibigay lilim sa mga bisita.
Sa di kalayuan ay atin ding makikita ang Paliparan ng Clark o ang Clark International Airport. At kung ating titignan sa Google Map ay halos nasa mahigit kumulang 20 minutes lang ang biyahe mula Clark Airport patungo dito.
Bukas pala ang Farm na ito mula 6:00 AM to 10:00 PM at da best ang magpicnic dito. Overnight stay ba kamo? Pwedeng-pwede yan dahil maaaring magpitch ng tent dito for overnight camping. May security guard sila dito kaya siguradong safe na safe tayo. Perfect view rin ito para sa engagement, photoshoots at iba pa.
May common CR na rin sila dito, may mini-store sa may entrance at syempre may mga duyan sila na goods na goods for relaxation.
Pinakadabest pumunta dito ay ang sunrise o sunset at syempre hindi maulan.
Sana, sa patuloy na pagpapaganda ng lugar na ito, nawa’y hindi ito ang maging dahilan para masira ang birheng ganda ng kalikasan.
Abangan ang Part 2 ng ating Bamban Tarlac escapade dahil atin ding bibisitahin ang isang kilalang Resort dito na mas kilala sa pagiging Rome-inspired nito, at atin ding susubukan na marating ang natatanging New Clark City sa bayan ng Capas at ang bagong bukas na Bueno Bridge.
🔊 MUSIC IN THIS VIDEO: inaudio.org/
✅ inaudio.org/tr...
✅ inaudio.org/tr...
RIDING & VLOGGING EQUIPMENTS:
✅Redmi Note 10 Pro (for video recording)
✅Oppo Reno 7z 5G (for voice-over)
✅DJI Mini SE Drone
✅SJ Cam C200 Action Cam
✅Telesin Mini Tripod
✅Insta 360 One X2
✅Xiaokoa Lavelier Microphones
✅Yamaha Aerox 155
✅Motowolf CP Holder/Bracket
✅Evo Helmets
#SirpogiElyu
FOR SPONSORSHIP AND INQUIRIES, FOLLOW and/or CONTACT me at:
✅EMAIL: sirpogi0026@gmail.com
✅TEXT/CALL: +639102820549
✅FACEBOOK: Sirpogi ELYU
✅TIKTOK: Sirpogi ELYU
✅INSTAGRAM: Sirpogi ELYU
Ganda ng Farm. Sana may mga upuan din sa mga malalaking puno para mas magandang tambayan. Ingat Sir!
Sana po. Salamat.
more site to views sir ingat po palagi.. Godspeed..
Salamat po
Sa wakas, nakapagrides ka rin ulit Sir idol! Ingat lagi at sana makapunta ka rin dito sa amin sa Bicol.
Salamat idol. See you there soooon. pag may 4 wheels na ako hahaha
Wow sir, nice ride... cob andrie to sir yt ko to.. hehe
Thanks sir. Tara next time 😁
From Bataan po ang Death March nagtapos sa Capas,Tarlac,Survivor ang lolo ko jan the late 2nd Lt F Generao Lomasang Sr, d nkaya ng pamangkin nya the late 2nd Lt E Abaya Soriano, RIP lolo & uncle thank you for your service
Salamat sa correction. 😇
First viewer 😍
Ambilis hahaha
improve mo pa yung edit ng video mo.para exciting more powers gudluck
Noted po. Thank you.
yong ibang puno boss para isang klase ng dates
Siguro boss. Di ko kasi natanong noon 😁