🏍️ FULL VIDEO: SOLO RIDE ADVENTURE TO BAMBAN, TARLAC | BELLA MONTANA FARM | GOSHEN RESORT AND HOTEL

แชร์
ฝัง
  • เผยแพร่เมื่อ 20 มิ.ย. 2024
  • 🏍️ FULL VIDEO: SOLO RIDE TO BAMBAN, TARLAC | THE BELLA MONTANA FARM | THE GOSHEN RESORT AND HOTEL
    Ang Bamban ang pinakaunang bayan na madadaanan sa Tarlac kung manggagaling tayo ng Maynila at huling bayan naman kung manggagaling tayo sa Norte.
    Isang panibagong solo ride adventure na naman ang aking gagawin at sa wakas, after 6 months, samahan niyo akong muli sa aking paglalakbay sa isang Farm na matatagpuan sa mataas na bahagi ng Bamban at pupuntahan din natin ang isang Rome-inspired resort dito rin sa bayang ito ng Tarlac.
    FIRST STOP:
    Ang "Bella Montana" ay hango sa Italian Word na ibig sabihin sa Tagalog ay “Magandang Bundok”. Ang scenic farm na ito ay matatagpuan sa Brgy. San Vicente, Bamban, Tarlac.
    Sa mataas na talampas na ito na bahagi ng Bamban, ating matatanaw ang nakakarelax na maberdeng kapaligiran. Matatanaw din dito ang mga kabundukan ng Zambales at ang majestic view ng Mount Arayat sa Pampanga.
    Ito ay binuksan noong 2018 at dating kilala sa J & J Farm na pagmamay-ari nina Mary Joy at Jerico. Taong 2020 naman nang ito ay opisyal na tinawag na Bella Montana Farm. Hindi ko sigurado kung ano ang tawag sa dominanteng puno ang nakatanim dito pero sa pagkakaalam ko ay ito ay mga uri ng coconut tree. Mayroon ding mga puno ng Manga at Narra na nagbibigay lilim sa mga bisita.
    Sa di kalayuan ay atin ding makikita ang Paliparan ng Clark o ang Clark International Airport. At kung ating titignan sa Google Map ay halos nasa mahigit kumulang 20 minutes lang ang biyahe mula Clark Airport patungo dito.
    Bukas pala ang Farm na ito mula 6:00 AM to 10:00 PM at da best ang magpicnic dito. Overnight stay ba kamo? Pwedeng-pwede yan dahil maaaring magpitch ng tent dito for overnight camping. May security guard sila dito kaya siguradong safe na safe tayo. Perfect view rin ito para sa engagement, photoshoots at iba pa.
    May common CR na rin sila dito, may mini-store sa may entrance at syempre may mga duyan sila na goods na goods for relaxation.
    Pinakadabest pumunta dito ay ang sunrise o sunset at syempre hindi maulan.
    SECOND STOP:
    Pagkagaling ko nga sa Bella Montana Farm ay agad akong tumuloy sa aking next destination. Ito ang Goshen Resort and Hotel dito pa rin sa bayan ng Bamban, Tarlac.
    Ito ang Goshen Resort and Hotel. Matatagpuan ito sa tahimik na bahagi ng Bamban, Tarlac at lugar na hindi pa gaanong napupuntahan ng maraming tao. Nakatayo ito sa maberde at scenic spot ng bayan at accessible ito sa anumang uri ng sasakyan.
    Nakilala ang pasyalang ito dahil sa mala-Rome-inspired architecture nito gaya ng The Colosseum na matatagpuan sa Rome, Italy. Binuksan ang pasyalang ito noong huling bahagi ng 2017 at agad namang nakahikayat ng maraming turista.
    Due to the power of social media, and enhanced editing skills of netizens, the place seems a huge one in what you see on your phones, but literally, it’s not.
    Maaaring nagmumukhang engrande at napakalaki ng Goshen Resort sa mga larawan ngunit kapag nakita mo ito ng personal ay hindi ito naman ito ganoon kalaki at kalawak. Hindi naman siya ganoon kasikip. Sakto lang para sa dumarayong mga turista, maliban na lamang siguro tuwing peak seasons. Kaya naman para masiguradong masulit ang paglalakbay papunta dito, siguraduhing sa Weekdays ka pumunta, at nakaready na ang mga camera at poses mo.
    May mga hagdan din dito na siyang kokompleto sa mga instagrammable shots mo at bubusog sa memory ng cellphone mo. Maganda ang ambiance ng lugar dahil kapag inakyat mo ang ilang estruktura dito ay matatanaw ang maberdeng kapaligiran at ang 360 degrees view ng lugar.
    May mga swimming pools sila rito, stores at restaurants. Hindi ko na natanong ang updated rates nila kaya sa mga magtatanong, pakisearch na lang po sa Official Social Media Pages nila.
    Gayunpaman, ang Rome-inspired theme ng lugar talaga namang worth it. Pero disclaimer, huwag umasa sa isang replica ng Colosseum na kasing laki at kasing epiko ng orihinal nito. Sabi nga nila, limit your expectation sa mga ganitong bagay. Ating ipagpasalamat dahil may mga investors na nagsumikap sa pagtatayo ng lugar na ito para atin ding maranasan kung ano ang pakiramdam ng nasa Rome, Italy.
    🔊 MUSIC IN THIS VIDEO: inaudio.org/
    ✅ inaudio.org/track/perspective...
    ✅ inaudio.org/track/last-easter...
    ✅ inaudio.org/track/the-other-s...
    ✅ inaudio.org/track/closer-in-t...
    RIDING & VLOGGING EQUIPMENTS:
    ✅Redmi Note 10 Pro (for video recording)
    ✅Oppo Reno 7z 5G (for voice-over recording)
    ✅DJI Mini SE Drone
    ✅SJ Cam C200 Action Cam
    ✅Telesin Mini Tripod
    ✅Insta 360 One X2
    ✅Xiaokoa Lavelier Microphones
    ✅Yamaha Aerox 155
    ✅Motowolf CP Holder/Bracket
    ✅Evo Helmets
    #SirpogiElyu
    FOR SPONSORSHIP AND INQUIRIES, FOLLOW and/or CONTACT me at:
    ✅EMAIL: sirpogi0026@gmail.com
    ✅TEXT/CALL: +639102820549
    ✅FACEBOOK: Sirpogi ELYU
    ✅TIKTOK: Sirpogi ELYU
    ✅INSTAGRAM: Sirpogi ELYU

ความคิดเห็น • 6

  • @normaramos2139
    @normaramos2139 หลายเดือนก่อน +1

    God namuhay yan Chinese na yan na isang reyna sa Pilipinas

    • @sirpogi_elyu
      @sirpogi_elyu  หลายเดือนก่อน

      Hahaha kaya nga po 🤫😅

  • @KieferAmieryDelosSantos
    @KieferAmieryDelosSantos หลายเดือนก่อน +2

    Sayang di mo napuntahan ang Capas Shrine malapit sa New Clark City. Maganda din dun sir.
    Ingat sa mga biyahe

    • @sirpogi_elyu
      @sirpogi_elyu  หลายเดือนก่อน +1

      Kaya nga eh. Next time na lang siguro. Baka sabi ng ulan, pagod ka na, uwi ka na. 🤟🤣🤣🤣
      Salamat po!

  • @RoselynJhaneHagonoy
    @RoselynJhaneHagonoy หลายเดือนก่อน +1

    Lagot ka kay Misis mo sir. Di mo na siya nasundo hahaha
    Ride safe lagi sir.

    • @sirpogi_elyu
      @sirpogi_elyu  หลายเดือนก่อน

      Hahaha
      thank you