PANOORIN! BAGYO, NAGBABANTA SA BANSA NGAYON! 😱⚠️ POTENTIAL TYPHOON AGHON

แชร์
ฝัง
  • เผยแพร่เมื่อ 4 พ.ค. 2024
  • Samantala, patuloy nating binabantayan ang development ng isang potensyal na sama ng panahon na posibleng mabuo sa bahagi ng Silangan ng Mindanao. Ngayon nga ay may namomonitor na tayong Cloud Clusters sa dakong Silangan ng Mindanao at posibleng dito magmula ang pamumuo ng sama ng panahon na ito. Kung sakaling mabuo nga ito at pumasok sa ating Philippine Area of Responsibility ay papangalan ito ng PAGASA bilang AGHON, ang unang bagyo ngayong taong 2024.
    Kung ating i-aanalyze, magkaiba naman ang ipinapakita ngayon ng dalawang weather models na ginagamit natin. Ayon sa ECMWF Model, mabubuo ang sama ng panahong ito bilang Low Pressure Area o hanggang mahinang bagyo o Tropical Depression lamang ang peak intensity nito tapos magpapaulan na lamang ang remnants o trough nito sa bahagi ng eastern Visayas o Mindanao.
    Sa GFS Model naman, ipinapakita na mabubuo ang sama ng panahon na ito sa pagitan ng Martes o Miyerkules sa susunod na Linggo at posibleng maging ganap na bagyo sa Huwebes o Biyernes. Pagsapit ng Sabado o Linggo ay posibleng lumakas pa ito at posibleng maging Tropical Storm category na siya.
    Mas lalapit pa ito sa Lunes sa Silangan ng Visayas at Mindanao. Posibleng lumakas pa ito pagsapit ng Lunes at posibleng nasa Severe Topical Storm o Typhoon Categroy na ito. Posibleng bantain nito ang Bicol Region base sa nakikita nating simulation mula sa GFS model. Dahil sa mainit ang temperatura ng Pacific Ocean, posibleng magkaroon ito ng rapid intensification o ang mabilisang paglakas ng dala nitong hangin at ulan habang nasa karagatan.
    Para sa worst case scenario naman, kung sakaling mabuo ito bilang bagyo, possible pa rin ang LANDFALL scenario kaya patuloy nating inaabisuhan ang lahat na laging umantabay sa mga updates na ating ilalabas. Sa kasalukuyan, hindi pa natin masabi kung saan ang final track nito at kung gaano nga ba ito kalakas o aabot ba ito sa isang Super Typhoon Category. May mga weather systems pang posibleng makaapekto dito kaya maraming pagbabago pa ang mangyayari dito.
    Ayon sa ating pananaliksik, talagang mas aggresibo palagi ang ipinapakita ng GFS model kaysa sa ECMWF model kaya hindi pa natin tiyak kung ano talaga ang track at intensity nito. Kung lalakas ba talaga bilang bagyo at lalapit sa bansa o hanggang LPA lang ito o lilihis papunta sa Japan.
    Kahit na wala pang opisyal na inilalabas ang PAGASA ukol dito, pinaaalalahanan pa rin natin ang lahat na huwag basta-basta maniniwala sa ilang balita ukol sa potensyal na sama ng panahong ito.

ความคิดเห็น • 3

  • @JohnJohn-se4im
    @JohnJohn-se4im 6 วันที่ผ่านมา +1

    App name po sir?

  • @user-cn4cv1sk7i
    @user-cn4cv1sk7i 21 วันที่ผ่านมา +1

    Bilis bilisan mo na bagyo, napakainit na

  • @xheenjoroahan7977
    @xheenjoroahan7977 20 วันที่ผ่านมา

    Parang Yolanda Re creation