Nice idol. Marami kang natutulungan sa mga video content mo at napakaliwanag mo magturo, madaling sundan, hindi ka madamot sa kaalaman.... Thank you po and God bless.
Keep Up the Good Work! A motivational content you did. Keep on doing great content. More to look forward. Blissful moment and always be safe and healthy
Sasagarin mo siya sa lihang 400 grit den kapag malapit ng masagad sundan mo ng lihang 800 grit. Gamitin mo ng topcoat ay urethane para hindi mamutok. 3 to 5 coats gawin mo, 15 mins interval bago mo irecoat ulit..
L40 Happy new year 🤭💞Keep uploading more videos like this. It will make the world a better place guaranteed. I'm here to support to your journey. Wishing t all the best. Always stay safe and connected 🤭💞
Kung acrylic topcoat parehas ok lang lamang lang ng konti sa kintab ang samurai, Kung 2K topcoat naman ay samurai lang ang meron mas maganda gasoline resistant siya. Samurai 2K01.
Sir good pm , tama poba n haluan ng magenta red o ferrari res yun candy red bago ibuga , kasi pag wala daw pong hinalong pintura magiging parng pink po kalalabasan
Primer Metallic Silver pang undercoat Apple Candy Tone Red Urethane Topcoat Clear Eto kaibigan paki watch mo video ko para magka idea ka... th-cam.com/video/wuVKS3qtxmY/w-d-xo.htmlsi=2L-Zy7cBjKg_2xai
Niliha ko po ng 1000 grit ang primer. Ngayon po para po syang nagka orange peel pero yung surface nya smooth naman pag hinawakan mo, kaso yung itsura nya parang nagka orange peel. Ang tanong ko po ay kelangan ko po ba syang lihain hanggang mawala ang parang orange peel o pwede ko na lagyan ng base coat since smooth naman po ang surface nya?
Mapagpalang Araw kaibigang idol.... Gumamit po Ako ng urathane anti corossion npasobra po yung lagay ko ng catalyst naging 4:2 yung timpla imbis na 4:1 napansin ko nlng Nung matapos ko ng maibuga Hindi po ba Ako magkakaproblema
Ok lang yan kasi primer naman at 3 is to 1 ratio nya. Huwag lang sa Anzahl topcoat maparami ang catalyst hindi maganda tuyo malagkit at malambot. Maigi pang kulang huwag lang sobra.
Mali Pala 3:2 yung nagawa ko idol kinakabahan Ako KC diko talaga npansin idol may kumakausap KC sa akin habang nagtotimpla Ako kaya nawala Ako sa focus... Side car yung pinipinturahan ko idol
Pasadahan mo muna ng lihang 1000 grit at sabunin mo ng dishwashing liquid den banlawan mo ng malinis na tubig at patuyuing mabuti. Bugahan mo ng mainit ang panahon.
Yes kaibigan. Lilihain mo lang ng 1000 grit na liha den sasabunin ng dishwashing liquid. Mas maganda after maliha at masabon haguran mo pa ng urethane thinner or alcohol bago bugahan ng topcoat. 👍😊
Idol ask ko lng kng mag lagay kb ng image o letter pagtapos ng metalic silver taz papatungan mo ng candy red babakat nya un? Bka po my video kyo jan ng gnun.. maraming salamat po
Parehas lang sila halos kaibigan basta parehong acrylic type. Kung Urethane type, sa samurai meron, mas maganda yun. Ang bosny wala pang urethane type. 🤗
Sir ano pong spray paint ang gagamitin pra sa mga metal po like frontshock, swing arm, footrest, center stand, side stand sana masagot nyo po sir at ano po 1step sir hang sa top coat na at ilang coat po dapat ang tama. God Bless sir
Samurai or bosny kaibigan. Primer Surfacer Gray Basecoat (kulay) Topcoat Clear 2 coats ng primer 3 coats ng basecoat 3 to 5 coats topcoat clear Kailangan tuyung tuyo pintura bago magrecoat. Huwag aapurahin ang pagbubuga o kakapalan kaagad. Pagkatuyo lihain ang gaspang ng 1000 grit bago magrecoat.
Pwede po ba Yung bosny sa kotse.. Plan ko kc I repaint Yung kotse ko per panel gamit Yung bosny.. Susundin ko rin itong process mu sir sa pag pa paint.
Diko alam kaibigan. Mahirap matrace sa spray paint lang. Kung bosny lang gagamitin mo at lalahatin mo kulay, gamitin mo ay bosny honda red. Kung spray gun at air compressor ang gagamitin mo ipatitimpla mo yan sa paint center. 🤗
Yes tama yan kaibigan. Primer den silver o metallic silver den candy tone red den topcoat clear. Nasa taste mo na lang pwede nman silver or metallic silver
@@Jude.124 Pagtinamaan ng araw fine lang yung silver ang undercoat. Kung metallic silver ang undercoat mas kita sya dahil magadpang o malalaki metallic nya.
Hindi sya kasing tibay ng urethane type. Advice ko lang kung stick pa bubugahan mo gamitin mo urethane tyoe. Gagamit ka nga lang air compressor at spray gun. Sa spray paint naman, samurai may 2K mas matibay sa bosny. 🤗
Kapag acrylic type kaibigan mas maganda kung patutuyuin mo munang mabuti bago mo irecoat. Kapag urethane type naman, ok lang mag 15 mins flash off ka lang o mag interval bago magrecoat. 🤗
Kuya sana Mapansin Mo po to Comment ko ? Tanung Lang po Pwede Po ba Ung Bosny Candy Tone Red Tapos Ang top coat Po Ay Samurai K1K clear? Hindi po kaya Mag bibitak or Chemical reaction? new Subs Here🥰🥰merry Christmas at happy New year sa lahat
@Joker-hh9dh Kalimitan sa spray paint ay namumutok lalo na binibigla kapal ng buga. Kaya inilabas ang urethane dahil sakit na ng acrylic ang pamumutok. Ang spray paint ay acrylic type lang.
Hindi kaibigan kahit magkaiba sila ng brand basta magkapareho ng type ng pintura. Parehas naman silang acrylic. Ang hindi pwede yung urethane type papatungan mo ng acrylic. 👍😊
Depende kaibigan sa kapal ng iyong pagkakabuga. Basta bago mo i 2nd coat kailangan tuyo na ang papatungan. Ang spray paint kasi ay acrylic type lang mas maganda sa acrylic type ay tuyung tuyo bago magrecoat. Sa urethane type naman, kahit every 15 mins pede ng magrecoat. Eto kaibigan paki watch mo video ko para magka idea ka.. th-cam.com/video/pT7mP2sES5c/w-d-xo.htmlsi=c8lj-dBgKGE6z1U1
kapag wlang clear boss tlaga bang prng dumidikit siya?kc nagpaint ako niyan sa tank 3coating after matuyo ng ilang araw nilagyan ko ng tank cover pagtanggal ko ng cover nagdikitan ang paint sa cover direct lang po ang pag paint ko wlang primer at walang clear
Ang spray kaibigan kapag naagad ang buga malambot talaga ang pagkatuyo at hindi magandang gamitin sa tanke hindi sya gasoline resistant. Pede kang gumamit ng Samurai 2Ko1 Clear gasoline resistant siya kaibigan. Ang spray paint bago mo i 2nd coat or patungan ulit dapat tuyung tuyo.
sir magandang gabi . nag repaint po ako ng fairings ko outer fairings ng wave 100 . ang gamit ko lang din ay Bosny . ito po ang mga nabili kong Materiales . Bosny Primer Grey 4 Cans Bosny Metallic Silver 4 Cans Bosny Honda Red 4 Cans Bosny Top Coat Clear 4 Cans So ito na po . makalipas ng Ilang Buwan pag nsa parking ang motor ko at minsan nasasandalan ko ng Short , Bag or kung ano ang Dumikit ng matagal . Bumabakat po sa fairings , ano po ang problema at Issue ng Bosny ? tska for now Pag naiiwan ko minsan Motor ko sa labas ng garahe at naulanan . Yung pinaka Watermark stain nita pra lumubog sa top coat clear ? kumbaga hindi na Stain ang nangyare . bumakat narin mismo yung Water mark stain sa Fairings . sana mabigyan niyo po ako ng tips o idea sa nangyare sa Unit ko . Maraming salamat po .
Maaaring naagad ang pagbubuga niyan. Hindi pa nakakatuyo ay binubugahan at pinapatungan na ulit. May fumes kasi yan na dapat makasingaw muna bago irecoat. Mauubliga ka tanggalin ang pintura niyan at ulitin na lang.
@@DAHUSTLERSTV0310 sguro po simula primer hanggang sa red color , pinatuyo ko siya ng 20mins to 30mins at pinaka matagal kong pinatuyo ang top clear 2hrs . pero hindi bilad sa araw saktong init lang nsa garahe . So kung ganun ang nangyare na nabitin sguro sa pagpapatuyo po . Ano po ang pwedeng Mabisang pangtanggal sa Pintura na ito ? Maraming Salamat po ulit 🙌🏻
Kung kayang kahigin ng paleta, kahigin mo muna para mabawasan ang kapal. Ingatan mo lang masugatan den punasan mo ng basahan na binasa ng hi gloss acrylic thinner or pede mo rin hugasan gamit ang paint brush at hi gloss acrylic thinner .
@@DAHUSTLERSTV0310 Maraming Salamat po , Malaking tulong po mga Video niyo about sa pintura kahit Budjet Meal 🙌🏻 huling tanong ko nlang po hehehe . tanong ko lang po pwede po ba i-top clear ang urethane sa Acrylic Paint sa fairings para mas matibay sana ? at matibay po ba siya bilang maging Gas Resistant ?
Ano pong kulay nung last yung Samurai clear red din po ba yun or transparent siya walang kulay?? ano po purpose nung samurai clear pwede po ba kahit wala na yun..?
Madali siyang matuyo kaibigan lalo nat mainit ang panahon basta papatuyuin mo muna bago mo bugahan ulit. Huwag mong aagarin ang buga para maganda ang tuyo niya.. 👍😊
Paano po pag ang stock color ng motor ko ay red,tas wala namang gasgas masyado,pede po ba diretsuhin ko na sa metallic silver,tas sunod candy red at clear?
Galing po mag spray minimal ang orange peel. Lodi
Salamat kaibigan. God bless. 🤗❤️
Nice idol. Marami kang natutulungan sa mga video content mo at napakaliwanag mo magturo, madaling sundan, hindi ka madamot sa kaalaman.... Thank you po and God bless.
Welcome kaibigan. Salamat din sa'yo. God bless. 👍❤️
Napakaganda po kabayan ng resulta...nice tutorial thanks for sharing my friend kabayan👍😍
Welcome kabayan. Salamat din sa'yo kaibigan. 👍❤️
Maraming salamat kaibigan sa pagbahagi mo nang IYONG kaalaman👍👍👍
Welcome kaibigan. Maraming salamat din sayo. God bless. 👍❤️
I learned something today. Thanks for sharing your knowledge about spray paint 👍🏼
Welcome! Thank you too. 👍☺️
watching po very interesting galing namn tutorial content kaya maraming interasado keep posting and sharing.
Salamat kaibigan.. 👍❤️
Sobrang informative ng video mo Sir, thank you so much!
Welcome. Salamat din sa'yo kaibigan. God bless. ❤️😊
Keep Up the Good Work! A motivational content you did. Keep on doing great content. More to look forward. Blissful moment and always be safe and healthy
Thank you so much my friend. 👍❤️😍
gandang demo koyang..may idean ko sa DIY paint job
Salamat kaibigan.😀❤️
Ang ganda ng finish product!
Salamat kaibigan.. 👍☺️❤️
Your work is super ♥ great
Candy tone is best for paint 💕 seems beautiful
Thank you so much my friend. 👍❤️
Thanks for this informative video. Big like.
Welcome! Thank you too. 👍☺️
Iba ka talaga idol marami matutunan sa video mo shutout idol
Yes kaibigan. Salamat., 👍❤️
Stay safe always. God bless. 👍😍
Thank you so much my friend. God bless you too. 👍❤️😍
Great sharing. Big like 👍
Thank you so much my friend. 👍❤️
Ang galing mo Kuya,,watching here po
Salamat kaibigan.. 👍❤️
amazing,thnks for sharing
Welcome my friend. Thank you too., 👍❤️
Thank you for sharing
You're welcome. Thank you too ❤️❤️❤️💪
solid po sir👍👍🙏🙏🙏
Salamat kaibigan.. 👍❤️
watching na bro...godbless
Thanks bro! 👍❤️
First watching here lods
Thank you so much my friend. 👍❤️
Hustler tlga
Hehehe.. Salamat kaibigan... 👍☺️
Sir good evening. Ask ko lang paano Ang maging remedyo pag Yung clear coat is nag bitak bitak. Salamat po sir
Sasagarin mo siya sa lihang 400 grit den kapag malapit ng masagad sundan mo ng lihang 800 grit. Gamitin mo ng topcoat ay urethane para hindi mamutok. 3 to 5 coats gawin mo, 15 mins interval bago mo irecoat ulit..
Sir gud pm po..pwede po parequest ng daredevil color ung chameleon black po using bosny spray paint..hehe tnx po godbless
Gud am. Ok kaibigan try kong gawan. 👍☺️
Ang galing mo talaga master
Salamat kaibigan.. 👍☺️❤️
L40 Happy new year 🤭💞Keep uploading more videos like this. It will make the world a better place guaranteed. I'm here to support to your journey. Wishing t all the best. Always stay safe and connected 🤭💞
Thank you so much my friend. Happy new year. ❤️
@@DAHUSTLERSTV0310 your welcome my friend always stay safe and connected 🤭💞
Sr anong pintura po pwedeng gamitin sa makinang motor ko?
Mula primer hanggang top coat po
SALAMAT po sa pagbibigay kaalaman, salamat po sa DIOS
Primer : Guilder Epoxy Primer Gray
Basecoat: Anzahl Basecolor
Topcoat: Hipic 400S Titanium 2K Clear or Anzahl Carshow Clear
Idol sana next time yung candy tone na yamaha green ng bosny tagal kuna nag hahanap dito sa TH-cam pero wala pa akong nakita 🙌
Sige para sayo kaibigan gagawan kita.. Salamat sa support. 😊❤️
@@DAHUSTLERSTV0310 salamat idol 🤩🙌
Good ev po..pwede po ba samurai primer at base coat at top coat anzhal para makatipid hindi kaya aalsa yung paint tnx po
Yes pwede kaibigan.. 🤗
Tanong lang po idol,pwede po ba e toap coat hanzal,ang finish automotive aceylic.
Yes kaibigan pwede.
Eto kaibigan paki watch mo video ko para magka idea ka..
th-cam.com/video/Sp2TN1JBckc/w-d-xo.htmlsi=TAr3yVFOjJT2EF5g
anong brand ng pylox paint magandang gamitin para sa flearing ng motor
Hindi maganda kaibigan ang spray paint sa fairings lalo na ang papatungan mo ay stock paint.
Iba pa rin pag urethane type ang gagamitin mo
gud day,,sir matanubg q lng anu mganda top coat bosny or samurai at bakit?? salamat s aagot
Kung acrylic topcoat parehas ok lang lamang lang ng konti sa kintab ang samurai,
Kung 2K topcoat naman ay samurai lang ang meron mas maganda gasoline resistant siya.
Samurai 2K01.
Sir good pm , tama poba n haluan ng magenta red o ferrari res yun candy red bago ibuga , kasi pag wala daw pong hinalong pintura magiging parng pink po kalalabasan
Primer
Metallic Silver pang undercoat
Apple Candy Tone Red
Urethane Topcoat Clear
Eto kaibigan paki watch mo video ko para magka idea ka...
th-cam.com/video/wuVKS3qtxmY/w-d-xo.htmlsi=2L-Zy7cBjKg_2xai
Niliha ko po ng 1000 grit ang primer. Ngayon po para po syang nagka orange peel pero yung surface nya smooth naman pag hinawakan mo, kaso yung itsura nya parang nagka orange peel.
Ang tanong ko po ay kelangan ko po ba syang lihain hanggang mawala ang parang orange peel o pwede ko na lagyan ng base coat since smooth naman po ang surface nya?
Mas maganda kaibigan bago mo ibasecoat ay mapantay muna ang primer. 👍😊
Mapagpalang Araw kaibigang idol.... Gumamit po Ako ng urathane anti corossion npasobra po yung lagay ko ng catalyst naging 4:2 yung timpla imbis na 4:1 napansin ko nlng Nung matapos ko ng maibuga Hindi po ba Ako magkakaproblema
Ok lang yan kasi primer naman at 3 is to 1 ratio nya. Huwag lang sa Anzahl topcoat maparami ang catalyst hindi maganda tuyo malagkit at malambot. Maigi pang kulang huwag lang sobra.
Mali Pala 3:2 yung nagawa ko idol kinakabahan Ako KC diko talaga npansin idol may kumakausap KC sa akin habang nagtotimpla Ako kaya nawala Ako sa focus... Side car yung pinipinturahan ko idol
@@artemiopascual4894 ok lang yan sa primer. Kapag natuyo walang kaso yan.
@@DAHUSTLERSTV0310 Salamat po idol
@@artemiopascual4894 Welcome kaibigan. Salamat din sa'yo. God bless. 👍❤️
Pwede pala iba ibang brand ng spray paint?
Yes kaibigan... Basta magka type or pareparehong acrylic type. 👍😊
nippon pylox primer ang ginamit ko at pwede po bang gumamit ng ibang brand hal. bosny brand
Samurai mas ok kaibigan
Sa pagpapaint ng kahoy sir example sa guitar body, silver gagamitin pang primer? Or kelangan pa gamitin ng primer? Nalilito ako sir
Primer laging una kaibigan..
Ang silver ay pang undercoat ng candy tone para lumabas ang ganda ng kulay. 👍😊
Sir good day kahit poba yamaha purple need pa ng under coat na silver?
Pwedeng hindi na kaibigan basta makatawan. Ang may undercoat lang kalimitan ay mga PEARL at CANDY TONE. 👍😉
Pwede lng po ba gumamit ng bosny or kahit anong spray paint na d branded at ang gagamiting top coat ay samurai po?
Yes pwede kaibigan
boss salamat tips. tanong lang po nagtry ako sa fairing ng motor bakit po kaya nagbabubble
Baka may sumasamang tubig galing compressor..
Sir pwede ba bosny ang pang top coat basta matindi ang sikat ng araw?
Oo hindi sya mamunuti kaibigan..
boss pwede po ba primer gray ung gamitin tapos white then ung honda red na ? thank you po
Yes kaibigan pwede
Sir tanung lang nagpatong na ko ng 2nd coat ng clear pwede bang bukas ko na sya bugahan ulit ng clear? O need muna lihain ulit?
Pasadahan mo muna ng lihang 1000 grit at sabunin mo ng dishwashing liquid den banlawan mo ng malinis na tubig at patuyuing mabuti. Bugahan mo ng mainit ang panahon.
Pede po ba na sprayan ng clear top coat ang matagal na pintura ng fairings para kuminta ulit?
Yes kaibigan. Lilihain mo lang ng 1000 grit na liha den sasabunin ng dishwashing liquid. Mas maganda after maliha at masabon haguran mo pa ng urethane thinner or alcohol bago bugahan ng topcoat. 👍😊
Idol ask ko lng kng mag lagay kb ng image o letter pagtapos ng metalic silver taz papatungan mo ng candy red babakat nya un? Bka po my video kyo jan ng gnun.. maraming salamat po
Kita yung image kaibigan kaya lang mamumula sya. 🤗
Wala akong video kaibigan.. 🤗
Sir Hustler paano Po pag metallic blue bosny Ang main color the same parin ba process?
Glossy finish din Po ba Ang top coat Samurai paint?
After primer pede mo ng bugahan ng metallic blue.
Ok rin ang samurai topcoat basta tama lang ang pagbuga. Makintab at madulas din. 👍😊
Ano po ba mas magandang paint sir samurai paint ba or bosny
Parehas lang sila halos kaibigan basta parehong acrylic type.
Kung Urethane type, sa samurai meron, mas maganda yun. Ang bosny wala pang urethane type. 🤗
Sir ano pong spray paint ang gagamitin pra sa mga metal po like frontshock, swing arm, footrest, center stand, side stand sana masagot nyo po sir at ano po 1step sir hang sa top coat na at ilang coat po dapat ang tama. God Bless sir
Samurai or bosny kaibigan.
Primer Surfacer Gray
Basecoat (kulay)
Topcoat Clear
2 coats ng primer
3 coats ng basecoat
3 to 5 coats topcoat clear
Kailangan tuyung tuyo pintura bago magrecoat. Huwag aapurahin ang pagbubuga o kakapalan kaagad. Pagkatuyo lihain ang gaspang ng 1000 grit bago magrecoat.
Sir. Matanong kolang pwedi po bang lihain sa second coat pag my gaspang
Yes kaibigan..
Kaibigan kong sumobra sa 3coat ang candy tone red mga 4to 5 coat ok lang ba yon kaibigan
ano po gagamitin na primer sa color black na paint using sherlux?
Guilder epoxy primer gray kaibigan.. 👍❤️
Sir pwedi po ba ang samurai paint patungan ng bosny tapos surai clear uli?
Yes kaibigan pwede naman.. 🤗
@@DAHUSTLERSTV0310 salamat sir
@criseldablight790 Welcome kaibigan. Salamat din sa'yo. God bless. ❤️🤗
Tay ok lng ba kung primer bosny tapos red bosny tapos samurai clear
Yes kaibigan ok lang
Boss tama po ba primer Muna then mettalic silver tapos candy tone then clear coat tag 3 time
Yes tama kaibigan.. 👍☺️
Pwede po ba Yung bosny sa kotse.. Plan ko kc I repaint Yung kotse ko per panel gamit Yung bosny.. Susundin ko rin itong process mu sir sa pag pa paint.
Hindi maganda kaibigan. Urethane type dapat.
Pro if samurai paint OK lng po bah?
@christianlloydagcang652 basta spray paint acrylic hindi maganda sa kotse
Sir, pag makina na at tambutso sa motor Anong pintura ang dapat.? Salamat
Sa makina kaibigan ANZAHL URETHANE at sa tambucho VHT HIGH TEMP.
boss same lang ba kulay ng metallic at silver
Ang silver ay pino ang mettalic niya at ang mettalic silver ay medyo malalaki parang sparkle irid. 🤗
Sir ano po ba magandang brand ng spray can para magrepaint ng mags?
Sana mapansin 🙏🏿 God bless po
Para sa akin pare pareho lang yan Acrylic Type kaibigan. Iba pa rin ang 2k or urethane type.
Sa samurai may 2k medyo mahal nga lang. 👍😊
@@DAHUSTLERSTV0310 wala po bang urethane na spray paint sir? Wala po kasi akong compressor
Idol kahit anong candy tone ba like candy blue, candy green is silver talaga yung pondo? Salamat idol!
Yes kaibigan. Kung gusto mong medyo malaki metallic gamitan mo ng sparkle irid.
@@DAHUSTLERSTV0310 idol yung sa mga bike frame naman pwede naba yung guilder epoxy primer?
@@Ian-Antonio kahit saan yan kaibigan ay pwede mong iprimer..
Ano po ang kulay sa bosny ng click red v3 idol?
Diko alam kaibigan. Mahirap matrace sa spray paint lang. Kung bosny lang gagamitin mo at lalahatin mo kulay, gamitin mo ay bosny honda red.
Kung spray gun at air compressor ang gagamitin mo ipatitimpla mo yan sa paint center. 🤗
okay lang poba unang coat is primer muna tapos silver sunod candy tone na?And ano po mas maganda metallic silver or silver lang yung undercoat
Yes tama yan kaibigan.
Primer den silver o metallic silver den candy tone red den topcoat clear.
Nasa taste mo na lang pwede nman silver or metallic silver
@@DAHUSTLERSTV0310 ano sa tingin nyo mas maganda metallic silver or silver ano ba pinagkaiba nun idol
@@Jude.124 Pagtinamaan ng araw fine lang yung silver ang undercoat. Kung metallic silver ang undercoat mas kita sya dahil magadpang o malalaki metallic nya.
@@DAHUSTLERSTV0310 need kaya lihain yung metallic silver pagkatuyo, kasi hindi pantay may bukol bukol sya galing sa metallic
@kap_ogre Bugahan mo na lang ulit kaibigan after maliha ng 1000grit den pagkatuyo itopcoat mo na
Pede po ba glossy silver Ang base paint bago candy red
Yes kaibigan.. 👍😊
Tumatagal po ba ang bosny ?
Kasi na try ko sherlux bilis ma pag²
Hindi sya kasing tibay ng urethane type. Advice ko lang kung stick pa bubugahan mo gamitin mo urethane tyoe. Gagamit ka nga lang air compressor at spray gun. Sa spray paint naman, samurai may 2K mas matibay sa bosny. 🤗
Pala sir nag naikabit na ule sa motor pwede na agad spray pampa kintab?
Ano pampakintab kaibigan?
@@DAHUSTLERSTV0310 salamat sa respond sir Yung mga vs1,carnauba, ceramic spray coating sir
Ok lang yan basta makatuyo ng isang linggo, ok na.
Idol pwedi bang di n Ako gamit Ng primer sa kotse.same color lng sya?
Ok lang kaibigan lihain mo lang ng 1000 grit at sabuning mabuti ng dishwashing liquid. Nipisan mo lang first coat. 👍😊
@@DAHUSTLERSTV0310 salamat idol..sana di magsasawa sa mga baguhan katulad ko..God bless
Welcome kaibigan. Salamat din sa'yo. God bless. ❤️😊
Kuya, pwede ba yan sa sitpost ng Bike ? iispreyan ko kasi pati ung batalya ng Mountain Bike ko, kasi dami ng gasgas...
Oo kaibigan kahit saan pede siya..
Boss anu pong mas better undercoat ng candy red 🔴 . Silver po ba? Or metallic silver?
Metallic silver kaibigan. 👍😊
@@DAHUSTLERSTV0310 anu pong reason boss at mas ok po ang metallic silver kesa silver?
Walang reason depende sa taste mo yan kaibigan . Kung ano kalalabasan ng pagka candy tone red.
@@DAHUSTLERSTV0310 anu po bang magiging difference ng outcome ng candy red boss between metallic silver at silver??
Mahirap ipaliwanag iba yung actual mong makikita.
Sir ilang minuto or oras po pagitan bawat spray? slmat
Pag acrylic type or spray paint 39mins to 1nour depende pa sa kapal ng buga.
Urethane type.
15 mins flash off or interval bago magrecoat.
Sir pag ferrare red po anu po gamitin nanpaint pa help po..thank you
Anzahl urethane paint kaibigan or any brand basta urethane type 🤗
Sa paint center ka magpunta at mag inquire kaibigan. 🤗
Yan po ba ang original kulay ng red yamaha sz 150?
Walang original kaibigan na nabibili para sa mga stock paint. Swertehan lang pag naging kakulay. Kalimitan need mo pang ipatimpla sa paint center.
Hanap Ako ng hanap ng video Sayo lang Pala Meron kuya pa notice Po candy violet namn Po kuya new subscriber
Silver din ang undercoat nya kaibigan. Basta mga candy tone. Salamat sa support. God bless ❤️🤗
derederetcho po ba ang pag cocoat?
Kapag acrylic type kaibigan mas maganda kung patutuyuin mo munang mabuti bago mo irecoat.
Kapag urethane type naman, ok lang mag 15 mins flash off ka lang o mag interval bago magrecoat. 🤗
Sir yan po ba ang kulay ng honda click v3 na red balak ko po i repaint kaso baka ibang kulay yan
Di ako sure kaibigan.. 👍😊
Ay cge po sir salamat sa pag reply hahaha, atleast honest po kayo 🙂
Hehehe... Welcome. Salamat din sa'yo kaibigan. God bless. ❤️😊
Kuya sana Mapansin Mo po to Comment ko ? Tanung Lang po Pwede Po ba Ung Bosny Candy Tone Red Tapos Ang top coat Po Ay Samurai K1K clear? Hindi po kaya Mag bibitak or Chemical reaction? new Subs Here🥰🥰merry Christmas at happy New year sa lahat
Ok lang kaibigan pareho lang silang acrylic type.. 🤗
Salamat Po sa sagot Idol 🥳
Last na tanung kua Bakit Po Kaya nag bbitak ang pintura?
@Joker-hh9dh Nasa proseso at klase ng pinturang ginamit.
@Joker-hh9dh Kalimitan sa spray paint ay namumutok lalo na binibigla kapal ng buga. Kaya inilabas ang urethane dahil sakit na ng acrylic ang pamumutok. Ang spray paint ay acrylic type lang.
Pasagot po, hindi naman po nag react yung paint katagalan kung samurai ang clear coat?
Hindi kaibigan kahit magkaiba sila ng brand basta magkapareho ng type ng pintura. Parehas naman silang acrylic. Ang hindi pwede yung urethane type papatungan mo ng acrylic. 👍😊
Pwede rin po ba Yan SA metallic red
Yes kaibigan.. 👍😊
Hello po sir sna masagot ilang oras po kpag mag second coat po
Depende kaibigan sa kapal ng iyong pagkakabuga. Basta bago mo i 2nd coat kailangan tuyo na ang papatungan. Ang spray paint kasi ay acrylic type lang mas maganda sa acrylic type ay tuyung tuyo bago magrecoat.
Sa urethane type naman, kahit every 15 mins pede ng magrecoat.
Eto kaibigan paki watch mo video ko para magka idea ka..
th-cam.com/video/pT7mP2sES5c/w-d-xo.htmlsi=c8lj-dBgKGE6z1U1
@@DAHUSTLERSTV0310 kung bosny spray paint po ilang oras po yung tansya nyo sir
Acrylic type yang bosny, katulad ng nabanggit ko sa unang comment ko sayo kaibigan
@@DAHUSTLERSTV0310 salamat sir
Welcome kaibigan. Salamat din sa'yo. God bless ❤️🤗
silver na po ba kagad? hindi na need ng primer?
Para makasiguro ka sa ganda ng kapit magprimer ka muna kaibigan. 🤗
paps tanong lang po mas parehas lang ba sa tibay ang samurai at anzhal? d ba nagka kalayo sa quality?
Anzahl ang mas matibay, iba quality ng anzahl kaibigan. 👍😊
Sir, saan po location nyo? Mag pa repair paint din po Sana ako for minor scratches.
San pedro city laguna kaibigan ❤️🤗
Sir ano ano po mga ginamit nyo pwede kopoba malaman?
Nabanggit niya paps. Magkakaiba sya ng brand pero puro spray paint ginamit nya
Pagkakaalam ko kaibigan nabanggit ko sa video. Itry mong panoorin mo ulit kaibigan. Salamat. God bless. 🤗♥️
idol The hustlers tv paano po pag candy orange?
Same lang din ng proseso kaibigan
Mas ok po ba kung nakababad sa araw
Paanong nakababad sa araw kaibigan? 😊
kapag wlang clear boss tlaga bang prng dumidikit siya?kc nagpaint ako niyan sa tank 3coating after matuyo ng ilang araw nilagyan ko ng tank cover pagtanggal ko ng cover nagdikitan ang paint sa cover
direct lang po ang pag paint ko wlang primer at walang clear
Ang spray kaibigan kapag naagad ang buga malambot talaga ang pagkatuyo at hindi magandang gamitin sa tanke hindi sya gasoline resistant.
Pede kang gumamit ng Samurai 2Ko1 Clear gasoline resistant siya kaibigan.
Ang spray paint bago mo i 2nd coat or patungan ulit dapat tuyung tuyo.
@@DAHUSTLERSTV0310 ganun po ba slmt sa respond Sir
Yes kaibigan. Welcome at salamat din sayo. God bless ❤️🥰
Hindi po ba mag rereact or malulusaw ang bosny kahit samurai clear gamit
Sa video ko na iyong napanood kaibigan ay wala naman naging reaction.. Ok naman siya. 👍😊
goods po ba metallic silver and metallic red ??
Paanong goods kaibigan?
bakit po kaya yung ibang nag rerepaint ng bosny yamaha purple medyo maitim yung kinalabasan ng pagka candy tone
Depende yan kaibigan sa ginamit na kulay...
Salamat sa kaalaman lods..shout out PALABOY VLOG 101...
Welcome kaibigan. Salamat din sa'yo. 👍❤️😊
san po location nyo po? sau ko nlng po prepaint ung front fender ko po .mgbbyd nlng po ako. gusto ko din mkita ng personal ung pgppintura nyo po
San pedro city laguna kaibigan.. 👍😊
@@DAHUSTLERSTV0310 anu po fb nyo pra mamessege ko po kau tga santa rosa laguna lng po ako
Manuel Monroy
Pede bayan sa granite
Hindi pwede kaibigan.
sir magandang gabi . nag repaint po ako ng fairings ko outer fairings ng wave 100 . ang gamit ko lang din ay Bosny . ito po ang mga nabili kong Materiales .
Bosny Primer Grey 4 Cans
Bosny Metallic Silver 4 Cans
Bosny Honda Red 4 Cans
Bosny Top Coat Clear 4 Cans
So ito na po . makalipas ng Ilang Buwan
pag nsa parking ang motor ko at minsan nasasandalan ko ng Short , Bag or kung ano ang Dumikit ng matagal .
Bumabakat po sa fairings , ano po ang problema at Issue ng Bosny ?
tska for now Pag naiiwan ko minsan Motor ko sa labas ng garahe at naulanan . Yung pinaka Watermark stain nita pra lumubog sa top coat clear ? kumbaga hindi na Stain ang nangyare . bumakat narin mismo yung Water mark stain sa Fairings . sana mabigyan niyo po ako ng tips o idea sa nangyare sa Unit ko . Maraming salamat po .
Maaaring naagad ang pagbubuga niyan. Hindi pa nakakatuyo ay binubugahan at pinapatungan na ulit. May fumes kasi yan na dapat makasingaw muna bago irecoat.
Mauubliga ka tanggalin ang pintura niyan at ulitin na lang.
@@DAHUSTLERSTV0310 sguro po simula primer hanggang sa red color , pinatuyo ko siya ng 20mins to 30mins at pinaka matagal kong pinatuyo ang top clear 2hrs . pero hindi bilad sa araw saktong init lang nsa garahe . So kung ganun ang nangyare na nabitin sguro sa pagpapatuyo po . Ano po ang pwedeng Mabisang pangtanggal sa Pintura na ito ? Maraming Salamat po ulit 🙌🏻
Kung kayang kahigin ng paleta, kahigin mo muna para mabawasan ang kapal. Ingatan mo lang masugatan den punasan mo ng basahan na binasa ng hi gloss acrylic thinner or pede mo rin hugasan gamit ang paint brush at hi gloss acrylic thinner .
@@DAHUSTLERSTV0310 Maraming Salamat po , Malaking tulong po mga Video niyo about sa pintura kahit Budjet Meal 🙌🏻 huling tanong ko nlang po hehehe . tanong ko lang po pwede po ba i-top clear ang urethane sa Acrylic Paint sa fairings para mas matibay sana ? at matibay po ba siya bilang maging Gas Resistant ?
Oo pede yan may video na kong nagawa nyan.. Eto link kaibigan paki watch mo..
th-cam.com/video/67JsPafdg5Y/w-d-xo.html
Sir ilang araw process❤❤
2 to 3 days kaibigan kung walang bakbakin at masilyahin.
Ano pong purpose ng clear?
Proteksyon para hindi kaagad mag fade o kumupas ang pintura. Pampakintab at proteksyon sa mga mabababaw na gasgas. 👍😊
Gas resistance Po b yn
Hindi kaibigan basta acrylic type lang...
Yung 2K or urethane type ang gas resistant.
Sir mas ok po ba yung silver na makintab yung gagamitin ? Bosny din ata yung silver na yun pero makintab sya
Yes kaibigan ok lang basta magka type.👍😀
Ano pong kulay nung last yung Samurai clear
red din po ba yun or transparent siya walang kulay??
ano po purpose nung samurai clear pwede po ba kahit wala na yun..?
Clear lang yung samurai kaibigan. . Pampakintab at proteksyon sa basecoat or kulay.. 👍😊
Natry niyo na poba mag paint ng sasakyan gamit ang spray cans? Kung ilang taon po itatagal
Hindi Ako nagamitt kaibigan Ng spray paint sa sasakyan Hindi Kasi siya advisable.👍😀
Ilan oras po bago matuyo ang bosny acrylic spray?
Madali siyang matuyo kaibigan lalo nat mainit ang panahon basta papatuyuin mo muna bago mo bugahan ulit. Huwag mong aagarin ang buga para maganda ang tuyo niya.. 👍😊
Maraming salamat sir! nakaparesponsive at legit lahat ng mga turo nyo😇
Welcome kaibigan. Maraming salamat din sayo. God bless. ❤️😊
pwede puba iyan sa mags? hiindi naman po sya mag fafade?
Oo pede naman kaibigan, lagyan o bugahan mo lang ng topcoat.. 👍😊
Paano po pag ang stock color ng motor ko ay red,tas wala namang gasgas masyado,pede po ba diretsuhin ko na sa metallic silver,tas sunod candy red at clear?
Yes kaibigan pwede.
Medyo maalikabok dto smen sir pno kya un mkikita agad cya kpag inaply ?