new subscriber po, pinakamaganda po kasi paliwanag nyo, halatang gustong makatulong at magturo, yong ibang napanood ko halatang nambibitin o ayaw ibigay ibang info hehe (pero di mo naman sila masisisi), di na ako magtataka kung mas dadami subscriber mo manong, keep it up !!!
Ganda ng buga idol hindi bugal bugal. May diskarte pala talaga hindi basta makapagbuga lang. Yung ibang napapanood ko bugal bugal at wisik wisik mag spray kaya hindi pantay ang pagkakabuga. Thanks idol. Bagong kaalaman na naman ito. Solid!
Deserve nito ng many subscribe at like at watcher ung pinuturahan ko sobrang ganda ng resulta ganon lng pla gagawn sa namumunting resulta heat lang sobrang ganda ng kinalabasan ng diy ko
Sa lahat ng napanood ko ng spray painting sa mga fairings ng motor ito ung pinaka solid, kumpleto sa detalye at tips. Ung mga tanong s isip ko dahil s panonood ng ibang videos e dito nasagot lahat. Thumbs up sir. Ps: kala ko mapipinturahan din pati yung lamesa pero di pala 😅
ganda nang result po, makintab² mukhang bago. Maraming salamat po. Pwede po tutorial din panu mag buga nang textured paint. Salamat po. More vids pa. 😊
Napaka useful nanaman na video napanood ko Sir Hustler pero may tanong po ulit ako ilang paling po ba ng spray na left and right ang isang coat? Kala ko po kasi pag spray ko ng isang left to right 1 coat na yun eh...
Yes kaibigan pwede naman basta may dating paint na yung pipintahan mo at lilihain mo muna ng 400 to 800 grit at sasabuning mabuti ng dishwashing liquid
Parehas lang naman silang acrylic. Sa topcoat mas maganda para sa akin ang samurai. At mas mahal naman sya sa bosny. Pero sa samurai merong 2k, yun ang mas maganda kaibigan. 😊👍
Boss halimbawa isang taon na aplayan ng clearcoat pwedi ba e clear coat oli para kumintab naman kasi di masyado makintab cotsi po na sasakyan salamat sa sagot
Kung mababaw lang mga gasgas, pwede ng itopcoat yan basta lihain muna ng 1000 grit at sabunin ng dishwashing liquid den pagkatuyo pede ng itopcoat ng minimum of 3 coats
Pwede kaibigan patuyuin mo lang mabuti yung acrylic paint bago mo i urethane topcoat clear. Eto kaibigan paki watch mo video ko... th-cam.com/video/67JsPafdg5Y/w-d-xo.html
sir yung samurai paint po ba acrylic din? kasi nag clear ako ng sidestand ko... umaga ng 6am.. kasi duty ko pa 7am... namumuti po yung clear..naka dalawang ulit ako sa base na black at clear ulit namumuti padin... dapat po ba naka bilad sa araw bago mag clear?
Di naman need nakabilad habang binubugahan... Painitan mo lang saka alisin direct sunlight saka mo bugahan. Pagkatuyo ng histo at bago bugahan ulit same procedure lang kada recoat. Huwag mong pwersahin ng kapal ng buga yung tama lang.
Sir bawat patong mo ba ng base coat nililiha mo pa ? Kunware 1st coat mo ng base coat, liha na, and then 2nd coat na, tapos liha uli, and then 3rd coat na. Tas liha uli? Tama ba? Or pwedeng sunod sunod na 3 base coat, tapos isang liha nalang bago mag top coat? Salamat po
Kapag metallic badecoat sa 2nd coat ako nagliliha den sa 3rd coat ay hindi na. Kung hindi naman metallic sa 2nd and 3rd coat ako nagliliha kung may mga butlig o magaspang. Sa topcoat naman 15 mins flash off or interval ng recoat. Unless na lang kung may dapat lihain patuyuin muna ng 1 hr. bago lihain ng 1k grit.
idol ask ko lang gusto ko kasi tumagal kahit paano ang bosny sa bike ko pwede ba i ceramic coating ang bosny na clearcoat? para kahit paano may additional layer na mag poprotect sa oxidation iwas kupas agad o bubula ang pintura? pwede din kaya yung mga cordless hand held na paint spray dun ako mag spray ng 2k clear? kung di pwede ceramic coating.
Di pa ko nakapagtry kaibigan. Puro urethane type gamit ko. Pang tutorial ko lang mga spray paint kung paano ito ibuga, acrylic type lang kasi ang bosny. Gamit ko kasi lagi air compressor at spray gun
tay new subscriber...po paturo nman pano pinturahan ang stock mags na d na kaylangan tanggalin ang orig paint .tsaka yung e norder ko na paint ai...bosny ang brand.. primer clear tsaka yung final color...need lang toturial bagohan po kasi salamat...
Di kasi ako nagamit ng bosny sa mags kaibigan.. Eto kaibigan paki watch mo video ko para magka idea ka.. th-cam.com/video/w5XdIowXj8U/w-d-xo.htmlsi=HL2g-cUe5n-qy6ip
Tay, ano pong mabisang pantanggal ng pintura sa mga plastic fairings na dati ng napinturahan para di mabitak o malusaw yung plastic fairings? kumbaga yung safe sa mga plastic materials. Salamat po sa sagot. Godbless
Lihain mo kaibigan ng 120 grit wet sanding sapinan mo ng rubber or flat na kahoy yung liha or ipalaman mo sa liha den pagmalapit ng masagad lihain mo naman ng 400 grit den primer mo na kung nasagad na. 😊
Sir tanung ko lng po, mag paint din ako ng bosny sa cover ng mio ko, color candy tone violet. Ang aggamitin kong spray paint isang primer gray at dalawang silver dalawang candy tone violet at 1 clear. Ok na po yan? Tapus pag mag liliha po ba ako. 2 beses halimbawa natapus na ako mag lagay ng primer gray liliyahin ko sya ng 1000. Tapos patung na ako ng silver pag tapus ko na maubus ang silver liha na ulit ako ng 1000 ulit para ipatung na ang candy tone violet goods po ba yun? Salamat sa sagot
Linisin mo munang mabuti, lihain ng 400 grit den sabunin ng dishwashing liquid den banlawan mo ng malinis na tubig den pagkatuyo at sigurado ka na naliha ng husto at nalinis mabuti pede mo ng bugahan ng primer, two coats den pasadahan mo ng lihang 800 grit den bugahan mo ng silver 2 coats wag mong lilihain den pagkatuyo bugahan mo ng 1st coat ng candy tone violet pagkatuyo pasadahan mo ng lihang 1000grit den pagkalinis bugahan mo ng 2nd coat, den 3rd coat den pasadahamo ng lihang 1000 grit pagkatuyo, den pagkalinis itopcoat mo na 3 to 5 coats. Everytime na may butlig pasadahan ng lihang 1000 grit bago magrecoat. Huwag mong aapurahin ang buga at bibiglain ang kapal. Mag flash off ka ng 1 hour bago magrecoat.
Master ask ko lang po. Pag na clear coat na po ba pwede ko po ulit lihahin at bugahan ulit ng base color ? May mga lubog lubog po kasi . Salamat po godbless
Maraming salamat master ❤️ plano ko po wet sanding ng may sanding block para pumantay na sya pag buga ulit ng base color.. salamat po ulit lalo na sa mga videos nyo. Godbless po @DHUSTLERSTV0310
Kung wala pang puntura 120 grit psro kung meron na 400 grit. Kung walang pang pintura kaibigan mas maganda epoxy primer pero kung may datihang pintura na pede na yang bosny primer. 🤗
Boss pag plastic primer ba gagamitin ko sa walang top coat na plastic case ng motor ok lang po ba na kahit hindi ko na lihahin or kaylngan pa pa po? Kung kaylngan po mga ilang grit po kaya? Thanks in advance po
Mag Guilder Epoxy Primer Gray ka na lang. Lihain mo muna ng 120 to 400 grit at sabuning mabuti. Eto paki watch mo video ko kaibigan.. th-cam.com/video/urTom2ZyqeQ/w-d-xo.html
Tanong lang kaibigan ilang coat po ba nang base coat black ang kailang pag magpipinta nang puti para di dumilaw yung kulay tsaka sa top coat na kulay ilang coat din po bah. Salamat po at Godbless
Boss sino sa dalawa ang daling matoyo sherlux or bosny.. or sino ang maganda sa dalawa boss ? Ask lang po pala anong magandang gamitin na brand pang primer coat.. Sana masagut nyo po lagi po ako nka subay2x sa mga video nyo boss.
Di pa ko nakagamit ng sherlux. Pag acrylic halos parehas na lang yan. Sa primer naman kapag spray paint lang gagamitin mo, SAMURAI PAINT UCH 210 PRIMER GRAY ang gamitin mo. 2 coats gawin mo.
Ang sanding sealer kaibigan ay ginagamit lamang sa kahoy upang matakluban yung hininga o hilatsa ng kahoy. Den lilihain ito at pagkaliha saka papatungan ng automotive lacquer clear.
Good day idol. Pwede bang gamitin na topcoat imbis na bosny clear ay urethane topcoat clear? Hindi po ba kukulubot yung bosny base coat? Namumuti po kasi bosny clear. Sana po masagot nyo po tanong ko. Salamat po idol.
Boss tanong po ako ulit jejeje ilang uras ba e-bibilad sa araw ang tapos ng napenturahan? At anong taman gamitin pag metal ang titirahin anong primer coat dapat yong spray po...
Depende kasi yan sa kapal ng pagkakapinta at klase ng pintura. Kung spray paint na Acrylic kahit hindi mo na ibilad sa araw basta mainit ang panahon at finish paint na siya kinabukasan pwede mo ng ikasa para maganda ang tuyo. Pero kapag ginagawa mo pa lang 15 to 20 mins pede mo ng bugahan ulit. Sa metal ang maganda Guilder Epoxy Primer at Anzahl Anti Corrosion Primer or Spray Filler Primer Surfacer. Gagamit ka nga lang ng air compressor at spray gun. Kung spray paint lang gagamitin mo acrylic primer surfacer lang pwede mong magamit. Samurai or bosny or kahit anong brand.
Di pa ko nakapagtry ng primer na spray paint. Eto kaibigan paki watch mo video ko para magka idea ka.. th-cam.com/video/nWOALedNol0/w-d-xo.htmlsi=wju7Z-SKiLpdig9R
Oo pede rin kaibigan kung epoxy primer at urethane spray filler gagamitin mo pero kung spray paint na acrylic lang hindi pwede kung wala pang pintura yung fairings, kung may dating paint na pede siya .. 👍❤️
Kung wala pang pintura kaibigan, pagkaliha at pagkasabon, pagmalinis na at tuyo na pahiran mo muna ng acrylic thinner bago mo bugahan ng primer. Kung meron ng dating pintura kahit di mo na punasan ng thinner.
Boss same process ba sa side car nagbabalak akong ako na magpaint sa sidecar namin bumili nko ng primer spray paint at colored spray paint lilihain ba ung primer bago bugahan slamat sa tugon
Kung makinis naman kaibigan kahit huwag ng lihain or pede mong pasadahan ng lihang 800 grit para mas maganda kapit ng basecoat o kulay. Ang pagliliha ay depende sa pintura na iyong irerecoat. Kapag magaspang at may mga butlig, pasadahan mo ng lihang 800 grit gang mapantay at kuminis
thank you for sharing my friend sending my full support.
new subscriber po, pinakamaganda po kasi paliwanag nyo, halatang gustong makatulong at magturo, yong ibang napanood ko halatang nambibitin o ayaw ibigay ibang info hehe (pero di mo naman sila masisisi), di na ako magtataka kung mas dadami subscriber mo manong, keep it up !!!
Maraming salamat kaibigan sa pagtitiwala mo.. God bless. ❤️😊
Thank you po sa tip n ito. Malaking tulong po sa gusto mag diy sa sariling motor.
Welcome kaibigan. Salamat din sa'yo. God bless. 🤗❤️
nice detalyado, nasagot lahat ng gusto kong itanong😁
Salamat kaibigan.. 😊❤️
Maganda talagang may alam ka sa mga ganitong gawain para mas maganda ang pagkapinta.
True ka kaibigan. Salamat. 👍😊
Galing nyo sir,, kahit pure black palang parang naka clear coat na,, ang kintab
Salamat kaibigan.. 😊❤️
Ayos galing talaga.try ko sa motor ko.salamat po.godbless
Welcome kaibigan. Salamat din sa'yo. God bless. ❤️😊
ang galing my natutunan na nman ako👍
Salamat kaibigan. ❤️☺️
Ganda ng buga idol hindi bugal bugal. May diskarte pala talaga hindi basta makapagbuga lang. Yung ibang napapanood ko bugal bugal at wisik wisik mag spray kaya hindi pantay ang pagkakabuga. Thanks idol. Bagong kaalaman na naman ito. Solid!
Salamat kaibigan. 👍😊
ganda thanks sa tips master
Welcome kaibigan. Salamat din sa'yo. God bless. ❤️🤗
Deserve nito ng many subscribe at like at watcher ung pinuturahan ko sobrang ganda ng resulta ganon lng pla gagawn sa namumunting resulta heat lang sobrang ganda ng kinalabasan ng diy ko
Wow ok ah! Galing naman.
Salamat sa tiwala kaibigan. God bless. ❤️😊
Salamat mo sa info may idea nko sa pag pintura..
Welcome! Salamat din sayo kaibigan. ❤️😊👍
Share tutorial po kau SAMURAI SPRAY PAINT kasi magaling po action nio at lecture..
Salamat kaibigan. 👍😊
salamat boss ang galing mo mag pentora
Welcome kaibigan. Salamat din sa'yo. ☺️❤️
Hindi lng like idol subcribe pa galing mo boss mag paint
Salamat kaibigan. ❤️😊
Galing po ng toro nio napa linaw po idol ❤️
Salamat kaibigan.. ☺️❤️
Maganda po.. My natutunan
Salamat kaibigan. God bless. ❤️
salamat po sa pag turo ng tamang pag spry here now to support you lodi
You're welcome. Salamat din sa'yo kaibigan. 😊👍
hustler k tlga idol
Salamat kaibigan. 🤗❤️
Kindab Bossing parang bago!
Salamat kaibigan. 😊
Good job bro, thanks sa sharing
Welcome bro. Thank you too. 😊
Busyo" mukang di karin marunong ahh dapat naka pirmes yung pipinturahan mo kasi aalon yan at de maganda kalalabasan
Salamat at God bless po.
Welcome kaibigan. Salamat din sa'yo. God bless. ❤️😊
Salamat sa pag share Kaibigan! More BOSNY spray paint tutorial, pati mga candy colors.. Para mas lalong patok sa masa. More power sa iyo Kaibigan!
Ok hayaan mo kaibigan..
Salamat kaibigan sa support. God bless. 😊
Thanks for sa tutorial
Welcome kaibigan. Salamat din sayo. God bless. ❤️😊
Salamat sa pag tuturo new subscriber po.
God bless you 😊
Salamat. God bless. 😍
Idol n po Kita sir
Salamat kaibigan ❤️👍
Salamat po sa pagturo
Welcome kaibigan. Salamat din sa'yo. God bless ❤️🥰
Veterans talaga si sir ☺️👍💪
Hehehe salamat kaibigan. ❤️😊
Maraming salamat po tips
Welcome. Salamat din sa'yo kaibigan. 😊
Salamat po sa mga praktikal na karunong nyo. Galing!
Welcome kaibigan. Salamat din sa'yo. ❤️😊👍
Sa lahat ng napanood ko ng spray painting sa mga fairings ng motor ito ung pinaka solid, kumpleto sa detalye at tips. Ung mga tanong s isip ko dahil s panonood ng ibang videos e dito nasagot lahat. Thumbs up sir.
Ps: kala ko mapipinturahan din pati yung lamesa pero di pala 😅
Salamat kaibigan.. 👍❤️😊
Sir saan po ang location nyo,plano ko din po ipagawa ang motor ko slmat po
@@chaomarcus2607 san pedro laguna kaibigan
Mg engineer ka para malaman mo lahat
boss idol bakit m kapag ng apply ang ng clear paint bakit po nag didilaw po cya
thank you sir! 😇
Welcome . Salamat din sa'yo. ❤️
gawa po kayo video ng spray paint samurai, affordable lng
Yes kaibigan. ❤️ Salamat. 👍😘
Ganda Ng gawa m idol prang Bago n uli...nd ba sya mluluto pag ntuloan Ng gas Yan idol
Pag ordinary spray paint kaibigan bawal mabasa ng gasolina, nalulusaw.
Yung 2K spray paint ng samurai ang gasoline resistant
Ma try nga bukas
❤️❤️❤️💪
Good tutorial po.
Thank you. 😍
Husay
Salamat kaibigan. Happy new year. ❤️🎉💚
. salamat po..
Youre welcome. Salamat din sa'yo kaibigan. God bless. ❤️😊
ganyan din prosesp sa pag pintura ng batalya ng bike boss
Yes kaibigan...
Primer 2 coats den basecoat 3 coats den topcoat 3 coats pataas..
Good job po👍
Salamat kaibigan. 👍😊
Brad maganda ka magpaliwanag malinaw followers mo ako
Salamat kaibigan. 😊❤️👍
ganda nang result po, makintab² mukhang bago. Maraming salamat po. Pwede po tutorial din panu mag buga nang textured paint. Salamat po. More vids pa. 😊
Ok kaibigan. Salamat sa support. 😊
Very good bro... ilang oras patutuyuin bago sprayan ng top coat yung clear po ba yan
Kung acrylic type ang gagamitin mas maganda patuyuing mabuti kaibigan bago itopcoat clear
ayossssss
Salamat kaibigan. 👍😊
Napaka useful nanaman na video napanood ko Sir Hustler pero may tanong po ulit ako ilang paling po ba ng spray na left and right ang isang coat? Kala ko po kasi pag spray ko ng isang left to right 1 coat na yun eh...
Depende yan kaibigan sa laki ng fairings na iyong bubugahan. Basta kailangan 2 coats primer, 3 coats basecolor and 3 to 5 coats topcoat clear..
@@DAHUSTLERSTV0310 kunwari po kasing laki ng Notebook ok na po ba mga 2-3 left and right pass ng spray per Coat?
Master gusto ko makamura pero matibay.. Pwede kaya bosny ung primer at base coat tapos top coat samurai?
Yes kaibigan pwede naman basta may dating paint na yung pipintahan mo at lilihain mo muna ng 400 to 800 grit at sasabuning mabuti ng dishwashing liquid
Slamat idol.
Welcome kaibigan. Salamat din sa'yo. God bless. ❤️😊
idol ano ba maganda pang spray paint bosny o samurai?
Parehas lang naman silang acrylic.
Sa topcoat mas maganda para sa akin ang samurai. At mas mahal naman sya sa bosny.
Pero sa samurai merong 2k, yun ang mas maganda kaibigan. 😊👍
Boss halimbawa isang taon na aplayan ng clearcoat pwedi ba e clear coat oli para kumintab naman kasi di masyado makintab cotsi po na sasakyan salamat sa sagot
Kung mababaw lang mga gasgas, pwede ng itopcoat yan basta lihain muna ng 1000 grit at sabunin ng dishwashing liquid den pagkatuyo pede ng itopcoat ng minimum of 3 coats
@@DAHUSTLERSTV0310 salamat boss, God bless subsciber po ako sa chanel mo boss salamat
Welcome kaibigan. Salamat din sa'yo. God bless. ❤️😊
Tay hustler, pwede po bah na patongan ng urethane paint ang fairings na naka acrylic paint? Or kailangan strip to plastic ang pagliliha?
Pwede kaibigan patuyuin mo lang mabuti yung acrylic paint bago mo i urethane topcoat clear.
Eto kaibigan paki watch mo video ko...
th-cam.com/video/67JsPafdg5Y/w-d-xo.html
pwd palang lihain kahit naka clear na salamat boss
Welcome kaibigan. Salamat din sa'yo. God bless. ❤️😊
Ok lng po bah Yung bosny sa kotse.. Plan. Ko kc I repaint Yung kotse ko per panel gamit Yung bosny.. Susundin ko rin itong process mu sir..
Hundi maganda kaibigan.
Sir ok lang po ba bosny primer and base coat then samurai paint yung top coat? Wala po bang chemical reaction? Thanks po
Yes kaibigan pwede naman..
Mga ilan po kaya magagamit na spray pag dalawang gilid po ng fairings ng wave po yung sa tanke po yung dalawa sa gilid na may aticker po na wave ?
sir yung samurai paint po ba acrylic din? kasi nag clear ako ng sidestand ko... umaga ng 6am.. kasi duty ko pa 7am... namumuti po yung clear..naka dalawang ulit ako sa base na black at clear ulit namumuti padin... dapat po ba naka bilad sa araw bago mag clear?
Di naman need nakabilad habang binubugahan... Painitan mo lang saka alisin direct sunlight saka mo bugahan.
Pagkatuyo ng histo at bago bugahan ulit same procedure lang kada recoat. Huwag mong pwersahin ng kapal ng buga yung tama lang.
Sir bawat patong mo ba ng base coat nililiha mo pa ? Kunware 1st coat mo ng base coat, liha na, and then 2nd coat na, tapos liha uli, and then 3rd coat na. Tas liha uli? Tama ba? Or pwedeng sunod sunod na 3 base coat, tapos isang liha nalang bago mag top coat? Salamat po
Kapag metallic badecoat sa 2nd coat ako nagliliha den sa 3rd coat ay hindi na.
Kung hindi naman metallic sa 2nd and 3rd coat ako nagliliha kung may mga butlig o magaspang.
Sa topcoat naman 15 mins flash off or interval ng recoat. Unless na lang kung may dapat lihain patuyuin muna ng 1 hr. bago lihain ng 1k grit.
Thank you po sa pagtuturo, Propesional pintor po kayo?
Hindi naman kaibigan.. Experience lang sa 40 years na pagpipinta.. 👍😊
Lamat po
Welcome kaibigan. Salamat din sa'yo. God bless. 🤗❤️
idol ask ko lang gusto ko kasi tumagal kahit paano ang bosny sa bike ko
pwede ba i ceramic coating ang bosny na clearcoat? para kahit paano may additional layer na mag poprotect sa oxidation iwas kupas agad o bubula ang pintura?
pwede din kaya yung mga cordless hand held na paint spray dun ako mag spray ng 2k clear? kung di pwede ceramic coating.
Di pa ko nakapagtry kaibigan. Puro urethane type gamit ko. Pang tutorial ko lang mga spray paint kung paano ito ibuga, acrylic type lang kasi ang bosny. Gamit ko kasi lagi air compressor at spray gun
May mauuso po na industrial spray paint pwede naba pang paintura yun sa mga flairings at helmet
Di pa ko nakapagtry kaibigan...
ano liha po ang maganda gamitin idol?
Boss kailangan bang lihain pa ng 1000-2000 grit before magapply ng clear coat?
Kung may mga butlig at gaspang kaibigan lihain mo ng 1000 grit, wet sanding. 🤗. 🤗
san po loc niyo tatay ng mabisita kayo dami ko din ipapapintura hehe
San pedro city laguna kaibigan 🤗
Idol Anu pong the best png tanggal ng spray paint sa glossy stainless?slmt po idol
Stripsol paint remover kaibigan.. Gamitan mo lang ng paint brush para hindi magasgas.. 👍😊
tay new subscriber...po paturo nman pano pinturahan ang stock mags na d na kaylangan tanggalin ang orig paint .tsaka yung e norder ko na paint ai...bosny ang brand.. primer clear tsaka yung final color...need lang toturial bagohan po kasi salamat...
Di kasi ako nagamit ng bosny sa mags kaibigan..
Eto kaibigan paki watch mo video ko para magka idea ka..
th-cam.com/video/w5XdIowXj8U/w-d-xo.htmlsi=HL2g-cUe5n-qy6ip
@@DAHUSTLERSTV0310 salamat po tay god bless..new subscriber
@juramiealbite1251 Welcome kaibigan. Salamat din sa'yo. God bless. ❤️🤗
sa clear coat po? ilang grit ang gagamitin na liha pag clear coat naang lilihain para mapantay
1000grit kaibigan
pwede po ba iyang bosny black patungan ng hipic clear coat
Yes kaibigan pwede naman wag mo lang bibiglain ng kapal ng buga
pwede ho bang pang primer sa mga kotse at truck yon guilder epoxy po,salamat
Yes kaibigan. Eto video ko paki watch mo..
th-cam.com/video/Xy5039mDOIg/w-d-xo.htmlsi=IwD0EvAiRsFWEUPr
Tay, ano pong mabisang pantanggal ng pintura sa mga plastic fairings na dati ng napinturahan para di mabitak o malusaw yung plastic fairings? kumbaga yung safe sa mga plastic materials. Salamat po sa sagot. Godbless
Lihain mo kaibigan ng 120 grit wet sanding sapinan mo ng rubber or flat na kahoy yung liha or ipalaman mo sa liha den pagmalapit ng masagad lihain mo naman ng 400 grit den primer mo na kung nasagad na. 😊
Sir pwede pubang patungan ng acrylic base and clear ang urethane top coat? Salamat
Hindi kaibigan, posible siyang magkaroon ng reaction...
Matanong lang po, pag mag paint po ng glossy black tulad po nyan ano po bang kulay ng primer dapat gamitin? White po ba or grey?
Kahit ano pede kaibigan. Pero mag hray ka na lang. 👍❤️
Pwede pagkayapos ma spray ang topcoat pwede po bang ibilag sa araw?
Hindi pwede kaibigan, posibleng magka bubbles
Sir tanung ko lng po, mag paint din ako ng bosny sa cover ng mio ko, color candy tone violet. Ang aggamitin kong spray paint isang primer gray at dalawang silver dalawang candy tone violet at 1 clear. Ok na po yan? Tapus pag mag liliha po ba ako. 2 beses halimbawa natapus na ako mag lagay ng primer gray liliyahin ko sya ng 1000. Tapos patung na ako ng silver pag tapus ko na maubus ang silver liha na ulit ako ng 1000 ulit para ipatung na ang candy tone violet goods po ba yun? Salamat sa sagot
Linisin mo munang mabuti, lihain ng 400 grit den sabunin ng dishwashing liquid den banlawan mo ng malinis na tubig den pagkatuyo at sigurado ka na naliha ng husto at nalinis mabuti pede mo ng bugahan ng primer, two coats den pasadahan mo ng lihang 800 grit den bugahan mo ng silver 2 coats wag mong lilihain den pagkatuyo bugahan mo ng 1st coat ng candy tone violet pagkatuyo pasadahan mo ng lihang 1000grit den pagkalinis bugahan mo ng 2nd coat, den 3rd coat den pasadahamo ng lihang 1000 grit pagkatuyo, den pagkalinis itopcoat mo na 3 to 5 coats. Everytime na may butlig pasadahan ng lihang 1000 grit bago magrecoat.
Huwag mong aapurahin ang buga at bibiglain ang kapal. Mag flash off ka ng 1 hour bago magrecoat.
Sir pwede po ba primer lacquer tapos base paint acrylic sa mags?
Same acrylic dapat or epoxy primer yung primer
Master ask ko lang po. Pag na clear coat na po ba pwede ko po ulit lihahin at bugahan ulit ng base color ? May mga lubog lubog po kasi . Salamat po godbless
Anong clear coat ginamit mo?
At anong basecoat ang gamit mo?
Acrylic clear coat po.
@christianjayllelorenzo76 ah ok lang pwede yan
Maraming salamat master ❤️ plano ko po wet sanding ng may sanding block para pumantay na sya pag buga ulit ng base color.. salamat po ulit lalo na sa mga videos nyo. Godbless po @DHUSTLERSTV0310
Welcome kaibigan. Salamat din sa'yo. God bless ❤️🤗
same lng po b procedure kpag samurai paint ,tapos gagamitan ng guilder primer
Yes kaibigan. Eto video ko paki watch mo para magka idea ka..
th-cam.com/video/pT7mP2sES5c/w-d-xo.htmlsi=Znwf1bFNwfGQtUpw
Ilang grit po ba ang ikikiskis bago mag apply ng primer? At sa primer ba pwede yung Bosny Primer Grey?
Kung wala pang puntura 120 grit psro kung meron na 400 grit.
Kung walang pang pintura kaibigan mas maganda epoxy primer pero kung may datihang pintura na pede na yang bosny primer. 🤗
sir balak kopo kasing irepaint mags ko na black to gold. gagayahin ko dn ba lalagyan ko top coat gaya nung nasa video?
Yes kaibigan kung gusto mo ng glossy finished..
Boss pwede bang itopcoat yung mtgal nang npinturahang fairings?
Yes kaibigan. 🤗
Pewde ba yan idol pang topcoat is yung anzal clear top coat
Pwede kaibigan.. Eto paki watch mo video ko..
th-cam.com/video/67JsPafdg5Y/w-d-xo.html
Solid po master,tanong lg po same processing lg po ba ito pag sa matte master???..
Same lang kaibigan..
@@DAHUSTLERSTV0310 maraming salamat master..
Boss pag plastic primer ba gagamitin ko sa walang top coat na plastic case ng motor ok lang po ba na kahit hindi ko na lihahin or kaylngan pa pa po? Kung kaylngan po mga ilang grit po kaya? Thanks in advance po
Mag Guilder Epoxy Primer Gray ka na lang. Lihain mo muna ng 120 to 400 grit at sabuning mabuti.
Eto paki watch mo video ko kaibigan..
th-cam.com/video/urTom2ZyqeQ/w-d-xo.html
Tanong lang kaibigan ilang coat po ba nang base coat black ang kailang pag magpipinta nang puti para di dumilaw yung kulay tsaka sa top coat na kulay ilang coat din po bah. Salamat po at Godbless
Ideal ay 2 to 3 coats kapag urethane type gamit mong basecoat.
Sa urethane topcoat min. of 3 coats
@@DAHUSTLERSTV0310 salamat nang marami kaibigan sa sagot isa po ako sa mga tagasubaybay nang content mo more contents pa po and Godbless
Sir pwede pubang i topcaot ng urehane topcoat ang base color na bosny or samurai? Salamat po
Oo pwedr may video na ko nyan kaibigan. Eto video link watch mo th-cam.com/video/67JsPafdg5Y/w-d-xo.html
sir pwede ba pag ipagsama si bosny black then clear ko samura k1k?
Yes kaibigan pwede naman
Good day sir pano naman po pag napinturahan ng ng bosny tas irerepaint ulit ano po yung mga bagay na dapat gawin?
Depende kaibigan sa pinturang gagamitin na pang rerepaint... Anong pintura gagamitin mo? 👍☺️
@@DAHUSTLERSTV0310 bosny lang po tas gusto po sana i repaint ulit ng bosny ano po ba yung mga process po na dapat gawin
Boss sino sa dalawa ang daling matoyo sherlux or bosny.. or sino ang maganda sa dalawa boss ?
Ask lang po pala anong magandang gamitin na brand pang primer coat..
Sana masagut nyo po lagi po ako nka subay2x sa mga video nyo boss.
Di pa ko nakagamit ng sherlux. Pag acrylic halos parehas na lang yan. Sa primer naman kapag spray paint lang gagamitin mo, SAMURAI PAINT UCH 210 PRIMER GRAY ang gamitin mo. 2 coats gawin mo.
Thank you sa support. 👍😊❤️
Ahh ok boss salamat sa info.god bless po
@@darwinguillena2031 Welcome! Salamat din sayo kaibigan. God bless. 👍😊❤️
Pwedeng magtanong pagkatapos kung bugahan ng automotive laquer pwede ku bang i sanding sealer maraming salamat sa sagot idol
Ang sanding sealer kaibigan ay ginagamit lamang sa kahoy upang matakluban yung hininga o hilatsa ng kahoy. Den lilihain ito at pagkaliha saka papatungan ng automotive lacquer clear.
Good day idol. Pwede bang gamitin na topcoat imbis na bosny clear ay urethane topcoat clear? Hindi po ba kukulubot yung bosny base coat? Namumuti po kasi bosny clear. Sana po masagot nyo po tanong ko. Salamat po idol.
Pwede kaibigan. 👍
Boss tanong po ako ulit jejeje ilang uras ba e-bibilad sa araw ang tapos ng napenturahan?
At anong taman gamitin pag metal ang titirahin anong primer coat dapat yong spray po...
Depende kasi yan sa kapal ng pagkakapinta at klase ng pintura. Kung spray paint na Acrylic kahit hindi mo na ibilad sa araw basta mainit ang panahon at finish paint na siya kinabukasan pwede mo ng ikasa para maganda ang tuyo.
Pero kapag ginagawa mo pa lang 15 to 20 mins pede mo ng bugahan ulit.
Sa metal ang maganda Guilder Epoxy Primer at Anzahl Anti Corrosion Primer or Spray Filler Primer Surfacer. Gagamit ka nga lang ng air compressor at spray gun.
Kung spray paint lang gagamitin mo acrylic primer surfacer lang pwede mong magamit. Samurai or bosny or kahit anong brand.
@@DAHUSTLERSTV0310 salamat talaga boss sana maging kagaling ako sa inyu.jejeje
Ano po kaya maganda pampatibay na primer sa fairings yung spray paint lang po meron kaya
Di pa ko nakapagtry ng primer na spray paint.
Eto kaibigan paki watch mo video ko para magka idea ka..
th-cam.com/video/nWOALedNol0/w-d-xo.htmlsi=wju7Z-SKiLpdig9R
Yung heat gun sir pwede gamitin pantuyo
Yes kaibigan pwede
Sir, Yong primer na para sa bakal ,pwedi rin ba sa fairings ng motor
Oo pede rin kaibigan kung epoxy primer at urethane spray filler gagamitin mo pero kung spray paint na acrylic lang hindi pwede kung wala pang pintura yung fairings, kung may dating paint na pede siya .. 👍❤️
SIR ASK KO LNG. ANG GINAWA KO ANG PRIMER RED OXIDE TPOS TOP COATK KO BOSNY NA 39...OK LNG PO BA YUN
Anong type yung red oxide primer mo?
Tay pano po mag tanggal ng talsik ng bosny paint spray s stainless???
Punasan mo kaibigan ng basahan na binasa ng acrylic thinner 🤗
sir saan po location nyo, balak ko din sana magpapintura ng flairings ng suzuki burgman ko po, matt balck
San pedro city laguna kaibigan. 👍😊
boss. Papahiran pa ba ng thinner yung fairings bago mag primer? Spray paint cans lang po ang gamit.
Kung wala pang pintura kaibigan, pagkaliha at pagkasabon, pagmalinis na at tuyo na pahiran mo muna ng acrylic thinner bago mo bugahan ng primer.
Kung meron ng dating pintura kahit di mo na punasan ng thinner.
hello po kuya monroy pwede po ba mag pa paint ng front flairings magkano po😊?
Yes kaibigan pwede naman. Eto fb ko kaibigan Monroy Manuel paki pm mo ko
Guilder din kasi ang gamit hindi naman po car paintwr
Napalapot ang timola kaibigan. Eto video ko paki watch mo para magka idea ka..
th-cam.com/video/Xy5039mDOIg/w-d-xo.htmlsi=kMkm9r-8XMzJ2vjD
Boss same process ba sa side car nagbabalak akong ako na magpaint sa sidecar namin bumili nko ng primer spray paint at colored spray paint lilihain ba ung primer bago bugahan slamat sa tugon
Kung makinis naman kaibigan kahit huwag ng lihain or pede mong pasadahan ng lihang 800 grit para mas maganda kapit ng basecoat o kulay.
Ang pagliliha ay depende sa pintura na iyong irerecoat. Kapag magaspang at may mga butlig, pasadahan mo ng lihang 800 grit gang mapantay at kuminis