LOONIEBERSIDAD: Rap Academy | ORIENTATION Day 2: Perseverance

แชร์
ฝัง
  • เผยแพร่เมื่อ 15 มิ.ย. 2020
  • Second day of classes at the "Looniebersidad: Rap Academy" is Orientation Day 2 of 3! Today, Loonie talks about PERSEVERANCE.
  • เพลง

ความคิดเห็น • 927

  • @MayorTV
    @MayorTV 4 ปีที่แล้ว +96

    Hindi ako rapper, pero ang dami kong natutunan dito.
    Excited na ko sa susunod na klase. Saludo sayo, idol Loons!

  • @JMLOPEZTV
    @JMLOPEZTV 4 ปีที่แล้ว +50

    *SALAMAT SA PAGBIBIGAY MOTIBASYON SAAMIN SIR LOONIE HINDI LANG TO PATUNGKOL SA MUNDO NG RAP MUSIC PWEDE DIN TO MAAPPLY SA PANG ARAW ARAW NA PAMUMUHAY*
    🙏🙏🙏Saludo palagi sayo sir

    • @supremorona9856
      @supremorona9856 4 ปีที่แล้ว

      Pa shout out next vid mo idol

    • @ijustrobabank6895
      @ijustrobabank6895 4 ปีที่แล้ว

      Shout out shout out shout out

    • @papashoutout3504
      @papashoutout3504 4 ปีที่แล้ว +1

      Shawt awts JM LOPEZ TV! LOL HOY YUNEKO!

    • @papashoutout3504
      @papashoutout3504 4 ปีที่แล้ว

      Shawt awts JM LOPEZ TV! LOL HOY YUNEKO!

    • @kuyazid
      @kuyazid 4 ปีที่แล้ว

      Yuniko future one of top emcees in fliptop

  • @seanlopez2009
    @seanlopez2009 4 ปีที่แล้ว +28

    "be the friend that you need"
    -Loonie
    halos 12:43 minutes standing ovation balahibo ko.
    hindi na ko magtataka kung bakit ka naging hari ng tugma.
    sobra hangang-hanga ako sayo idol sobrang totoo mong tao.
    tinuring mo kaming mga tagahanga mo na kapamilya mo rin.
    lahat ng natutunan ko sa lahat ng mga kanta,battles,reaction videos at sa orientation na 'to ituturing kong ginto na aral habang buhay at dadalahin ko lahat sa hanggang sa sukdulan.

  • @sajisemarxc.9577
    @sajisemarxc.9577 4 ปีที่แล้ว +15

    Sir loonie Yung perseverance tips mas tumatak saken di na Hindi about SA rap kundi mas naging inspired ako SA buhay Lalo na ngayon na may libak SA buhay ko..
    Tnk u sir loonie.. di lng tips kundi words of wisdom..
    God bless..

  • @yujinofficial1745
    @yujinofficial1745 4 ปีที่แล้ว +16

    1. Aayaw ba ako pag umaayaw na ang iba ?
    A: Syempre hindi, ginagawa ko naman to para sa sarili ko e. Saka ang saya at sarap sa pakiramdam pag nagagawa ko yung gusto ko. Kaya bat ako aayaw sa bagay na nakapagpapasaya saken? Edi mas lalo ko pang pagsusumikapan para sa mas magandang produkto.
    2. Dapat ba akong tumigil pag di ko nakamit yung mga goals ko?
    A: Hindi pa din ako titigil pag di ko pa din nakakamit ung mithiin ko. Syempre hindi naman don natatapos lahat e. Tuloy lang, kasi may tamang proseso para makamit yung mga goals. Yung iba nga 5, 10, o 20 years yung nilaang panahon para makamit yung mga minimithi nila. Kaya walang dahilan para tumigil ako.
    3. Dapat ba akong sumuko pag masyado ng nakakapressure ang mga balakid sa daan ko?
    A: Minsan ko na din naisip na sumuko kahit na sinasabe nila na wala akong makukuha sa pagrarap, basura daw kinakanta ko o yung ginagawang kanta ko. Iniisip ko na lang na balang araw may patutunayan ako sa inyo at pag nangyari yon pagsisisihan nyo lahat ng binitawan nyong salita noon. Ginagawa ko lang naman inspirasyon yung mga kaibigan ko na kahit iilan lang sila naniniwala pa din sila sa kakayahan ko.
    4. Dapat ba akong panghinaan ng loob kung wala ng naniniwala saken ?
    A: Madaming beses na akong pinanghinaan ng loob. Dumating na nga sa punto na hindi na talaga dapat ako gagawa ng mga obra ko. Kaso naisip ko pag gumawa ako ng makabuluhan na obra at narinig nila yung gawa ko, baka unti unting magkaron ng suporta at may maniwala pa saken. Kaya hanggang ngayon tuloy pa din ako. Lalo na sa binibigay mong gasolina kuya Loons nakakabuhay ng dugo. ❤
    5. Bibitaw ba ako pag nawalan na ako ng kumpyansa sa sarili ko ?
    A: Hindi ako bibitaw gagawa at gagawa ako ng paraan para maibalik yung kumpyansa sa sarili ko. Hindi ko dapat isipin yung mga negatibong bagay, magfofocus lang dapat sa goals at laging maniwala sa sarili.
    Salamat Idol Loons sa mga aral na pinamamahagi mo sa amin. Hindi lang bilang rapper kundi bilang totoong tao. I love you kuya Loons ❤ Godbless Keepsafe

  • @icydough4201
    @icydough4201 4 ปีที่แล้ว +8

    This should be one of the programs in school. Thank you for everything man. I wont stop listening to you. No matter what happen im with you. How ironic that i paid more money in school and haven’t learn a lot than the free learnings you gave to people! Salute! All the way from cebu!!!

  • @Kar1teezy
    @Kar1teezy 4 ปีที่แล้ว

    Marerealize mo sa mga youtube contents/kanta ni Idol loons na hindi lang sa Rap Academy kundi narin sa mga past na kanta niya na hindi mo kailangan maging teacher para masabing magaling ka mag turo.Kailangan mo lang ng kaalaman/magandang pananaw at magandang way ng pag eexplain ng mga bagay na komplikado sa madaling paraan (less is more) para malinawan yung mga taong nakikinig sayo.Kaya lagi ako nag papatugtog ng mga kanta mo idol para iparinig sa mga tao sa paligid ko kase kesa ikwento ko sakanila yung mga aral bakit hindi ko nalang sila dalhin sa classroom mo.Naniniwala akong may classroom ka na dati pa Idol loons.Swerte yung mga pumasok na walang sawang nakinig at sumuporta.Hindi ako basta pumasok dahil Uyy classroom ni Idol loons.Di ko ma gets nung una e sinipag ko nalang pumasok araw araw hanggang sa nagets ko na yung mga kanta/aral ng kanta/content kaya kada pinakikinggan ko yung mga kanta may mga second meaning pala or tagong aral kaya worth yung pagpasok ko noon.Kaya sa sobrang dami ng mga bagay na natutunan ko nais ko din mag inspira ng mga tao hindi man sa buong mundo kahit sa paligid ko lang gamit yung RAP dahil pwede ko gawing tool yung pag gawa ng mga kanta/pag kanta para masabi yung mga bagay na hindi madali sabihin.
    Maraming salamat idol loons nasayo supporta at respeto ko dahil sa mga aral na ipinamahagi sa mga taong nakikinig at sa mundo ng HIPHOP SA PINAS!

  • @JUANTED
    @JUANTED 4 ปีที่แล้ว +2

    Sa totoo lang idol loons at mga classmate's itong loonieversidad natin... Hindi lng tayo ineeducate sa RAP kundi sa totoong buhay...
    Grabe sobrang sapul ako sa 5 na yun... Napaisip ako... Kasi bkt pati sa tunay na buhay or sa trabaho ganun ako... Gaya dito sa y.t channel ko gustong gusto ko ipush na mamonetized ..bukas ayaw ko na dahil sabi ko wala naman nanunuod.. uulit ulitin ko tong payo mo idol loons aantayin ko ung 3/3 orientation para lalo ako mamotivate...
    Gaya ng sabi mo magkaiba ang dreams at goal.. dream ko na makita kita in person at makapagpapic at mabanggit mo itong channel ko ..pero ngayon gagawin kong goals yun.. kaya mangyayari at mangyayari yun idol...salamat ng marami...salamat mga classmate's see you again sa next class...✌😊

  • @bosswaldo7285
    @bosswaldo7285 4 ปีที่แล้ว +9

    "Failure doesn't define you" Wow accurate talaga sakin to idol

  • @michaeljordan8248
    @michaeljordan8248 4 ปีที่แล้ว +17

    "Be the friend that you need" grabe idol. 🖤

  • @jovenalpaz6915
    @jovenalpaz6915 4 ปีที่แล้ว

    SOBRANG FAN AKO NG RAP ! Hanggang sa dumating sa punto na nagsusulat na ako pero hindi para ipalat sa musika dahil alam kong mahina ako sa aspetong ganyan kaya mas naging tutok ako sa pagsulat ng mga tula ! Sa 2 video mo sir Loons daig mo pa maestro kong tamad magturo!
    Pinatutunayan mo lang sa mundo na di ka lang basta rapper o idolo!
    Isa karing ispirasyon at halimbawa ng taong dapat sundan sa mga yapak mo !
    Isang patunay na di ka TAO LANG, Para samin isa kang KARANGALAN !
    Bilang LOONIE IDOL ! Pero bilang MARLON SALAMAT PO !
    Sobrang ganda ng mga POINTERS MO, MGA SALITANG NAPIPILI MO PARA MAS MAGING EPEKTIBO SA PAGTUTURO MO, At bilang FAN mo salamat at binuksan mo ang buhay mo na LIBRO para sa amin. Hindi lang to para sa mga nagnanais maging Rapper pero para sa mga taong gustong magtagumpay sa buhay !!!
    SIR LOONIE PRESENT !
    #EstudyanteAkoNgTugma
    #BuhayMoBukasNaLibro
    #LoonieBersidad2020

  • @genefierce6192
    @genefierce6192 4 ปีที่แล้ว +1

    Kaya Pala pag sinusubukan ko gumawa ng kanta.
    Mga ilang lines palang nagagawa ko. Parang di ko nakaya.(wag ko na lang ituloy papanget ng papanget) Baka di nila magustuhan nakakadown pala pag sarili lang nakakarinig ng gusto mo.
    Kailangan pala ng lakas na nanggagaling sa ibang tao. Iparinig sa mga sumusoporta sakin mga nagagawa kong lines.
    Tsaka kailangan ko rin buong puso sa pag susulat sa pag gawa ng pangarap. Maraming salamat ser loons.
    NAPAKALAKING TULONG NITO SAKING RAP ACADEMY. DAMI KONG NAKUKUHA SA KLASENG TO.
    MORE POWER SER LOONS

  • @bandianonjeremy989
    @bandianonjeremy989 4 ปีที่แล้ว +2

    Instead of saying "nag iisang talo ko sa fliptop" Ang sinabi Niya "Yung unang talo ko sa fliptop"
    Our idol is very humble

  • @jomarlenteja9946
    @jomarlenteja9946 4 ปีที่แล้ว +2

    One thing na na realize ko dito is dapat mahalin mo rin ang ginagawa mo. Walang saysay o kabuluhan ang ginagawa mo kung hindi ito galing sa puso. Para napipilitan ka lang eh. Ito rin ang isa sa dahilan kung bakit mo ipagpapatuloy ang ginagawa mo. Wala rin namang madali sa umpisa dapat may tiyaga rin hanggang makuha mo ang gusto mo. Sa video na ito ay mas pinaliyab niyo po idol ang apoy ko. Mas pinatibay niyo po ang pundasyon ko. Salamat po Kuya Loonie 🔥

  • @adrianalejos2667
    @adrianalejos2667 4 ปีที่แล้ว

    "Rise above discouragements" eto talaga pinaka na highlight ko para na din sa sarili ko. As a visual artist, andami kong kritisismo na natatanggap eh, sapat na reason para mag-overthink ako at panghinaan ng loob sa mga ginagawa ko. Pero kagaya ng sinabi mo kuya loons, gawin naming motivation yon. So ayun, tinake ko sya as constructive criticism. Talagang napansin ko din yung improvements sa mga gawa ko maging sa sarili ko at yung kritisismong natanggap ko ginamit kong lubid para hilain yung sarili ko paangat sa bangin ng panghuhusga. Talagang tumatatak saken yung intro mo sa balewala na
    "Sa mundong mapanghusga, mapangmata at mapanuri
    Dapat di ka basta basta nagpapaapekto sa mga paninirang puri
    Lalong lalo na kung galing lamang sa mga mahihinang uri"
    Hanggang ngayon yang kantang yan yung ginagawa kong theme song sa sarili ko.

  • @odsmtks3480
    @odsmtks3480 4 ปีที่แล้ว +1

    Sa academy na'to hndi lang tungkol sa rap career ang mapupulot mong aral, kundi pwede mo rin gamitin sa kung anong career ang meron ka ngayon. Napakagaling mo kuya Marlon dahil naisip mo yung ganitong uri ng paraan para mas lalong mag pursigi ang bawat taong na nunuod sayo. Feeling ko tuloy sayo nabuhay yung kalukuwa ni Jose Rizal hehe. Saludo! 🤜🤛

    • @jpartifex8255
      @jpartifex8255 4 ปีที่แล้ว

      Makabagong Jose rizal 👍😂

  • @karishmaecarbonell1385
    @karishmaecarbonell1385 4 ปีที่แล้ว

    Masasabi ko na hindi lang applicable sa mga aspiring rappers itong mga sinabi ni sir Loonie kundi para sa pangkalahatan. Sa kahit na anong propesyon o pangarap na iyong nais marating, makakaya mo itong makamit sa pamamagitan ng limang paraan na ibinahagi ni Sir Loonie. Hindi tayo magiging successful kung kahit minsan hindi natin naranasan ang failure. Sa bawat pagkadapa, matuto tayong tumayo sa sarili nating mga paa at lumaban ulit upang maabot ang ating mga pangarap. Kung mayroon kang nais marating, simulan mo nang humakbang at gumawa ng paraan upang makamit ito. Saludo ako sayo Sir Loonie, isa kang likas na motivational speaker at sana mapanood ito ng mga kabataang kagaya ko. Sana marami pa po kayong mainspire, more power po !

  • @jhayarperalta5424
    @jhayarperalta5424 4 ปีที่แล้ว

    Pinakatumatak sa 'kin ngayong orientation # 2 ay goal'-setting at ang linyang "be the friend that u need" kasi sobrang totoo. Hindi mo nanainisin na magkaroon ng kaibigang alam mo sa sarili mong ganoon ka rin. Salamat sir Loons. ✊

  • @charleswest1217
    @charleswest1217 4 ปีที่แล้ว +1

    Hindi kalang basta idolo ikaw na din ang nag sisilbing guro.napakagaling mo at naisipann mo gumawa ng ganyan tema lalo na sa panahon ngayon na ang dami napanghihinaan ng loob ikaww ang sagot sa mgaa tanong na hirap namin sagutin💗☝
    Tuloy lang idol ito ang tulong na hindi peraa o malaking bagay kundi ito ang tulong na magagamit mo sa panghabang buhayy salamat idol loonie, marloon🙏👆

  • @TylerCharles
    @TylerCharles 4 ปีที่แล้ว

    grabe sobrang solido talaga ng rap class na ito, sa day 1 tumatak sakin yung "disrespect begets disrespect" ngayong day 2 naman ang tumatak sakin ay yung about sa discouragement from others "mas maganda na pakinggan mo yung punto nila dahil baka may matutunan ka, pero wag mong gawing dahilan yon para tumigil" dahil isa po akong simpleng 18 year old na nangangarap matuto ng lubos mag rap upang makapagsimula ng maipadinig sa karamihan ang mga sulat ko, ngunit minsan pakiramdam ko walang naniniwala sa mga sulat ko lalo na kapag nakakarinig ako ng hindi magandang comments at dahil don humihina yung loob ko. pero nung nadinig ko kanina yung mga sinasabi mo kuya loons sobra akong kinilabutan at tila ba may bumulong sakin na hindi hadlang ang lahat ng iyon para mawalan ng pag asa, "imbis na tumigil ka gawin mo iyong motivation para mas gumaling ka" ngayon may panibago nanaman akong natutunan na hindi ko lang sa pag rarap mai aaply kundi sa lahat ng aspeto ng buhay. maraming salamat idol kuya loons! stay safe and blessed!!

  • @danicapalmones1047
    @danicapalmones1047 4 ปีที่แล้ว +1

    Sobrang nakakatulong yung mga salita mo sa mga panahong ganito, pwede din kasi itong iapply sa ibang career na tinatahahak ng iba

  • @eugenerous
    @eugenerous 4 ปีที่แล้ว

    Ang swerte natin dahil dito meron tayong ganitong klase. Ito sana yung magbukas ng ilaw para sa mga gusto na sumuko at ayaw na umabante. Salamat Prof. Loons

  • @eyeoftruth6341
    @eyeoftruth6341 4 ปีที่แล้ว

    Bilang isang baguhan alam ko sabik at gutom ako sa aral ng isang masasabing veterano sa gusto kong pasukin na industriya. Hindi pwedeng hindi tatatak to sa puso at utak ng makakanood at talagang hindi lang para sa pangarap mo na pag rarap eh maa-apply mo sia pati sa reyalidad magagamit mo siya sa totoong buhay napaka lakas ng bawat mensahe na to hindi ka lang basta matututo marami ka pang malalaman tungkol sa kung sino ka ba talaga at kung ano ba talaga ang gusto mo. Paulit ulit ko siyang pinapasok sa isip ko at inaaddapt ng puso ko gagamitin ko to sa pang araw araw na pag harap ko sa buhay maraming slamat idol loonie sa pagiging concern sa lahat ng nangangarap na nasa ibaba! Pag pupursige talaga ang sagot kapag meron kang gustong marating wala ka dapat ilapag na option sa sarili para maka focus ka sa gusto mo maging ikaw sa hinaharap.. God bless

  • @almanzajohnanthonyp.2443
    @almanzajohnanthonyp.2443 4 ปีที่แล้ว

    Tumatak sa akin yung perseverance at let go of your worries. Madalas kasi akong walang tiyaga. Na kagaya sa sinabe ni Prof. Loonie na gusto mo ngayon rapper ka, bukas hindi na. Thankyou Prof. dahil sayo mas nalaman ko kung ano ang gusto kong landas na tahakin. Ika mo nga ay libre ang mangarap. Iba din ang goals sa dreams. Yung "let go of your worries" madalas kasi mas iniisip ko ay negative thoughts, mas madalas kasi ako makakinig ng negative na komento kesa sa good comments. Pero ngayon, I take those bad or negative comments as motivation! Muli thankyou Prof. Loonie! This is what I call online class! 👌👌👌

  • @jivssarenio
    @jivssarenio 4 ปีที่แล้ว

    JivsYT
    mga natutunan ko
    1. tipong magseset ka ng plano dito para sayong pangarap para alam mo kung anong hakbang uunahin at para maging malinaw yung mga plano mo sa pangarap mo.
    2. halip na mag alala ka kilosan nalang natin ng positibong galaw,para sayong hakbang patungo sa gusto mong puntahan na rota. ang pag aalala ay nakakasayang ng oras at dagdag negativety narin.
    3. normal lang mag kamali importante humakbang ka parin at sa bawat pagkakamali may aral na mapupulot at gawin mong baon sa hinaharap mo yung pagkakamali ng maitama sa hinaharap.
    3. accept & adjust tapos tuloy lang. mas magandang pakinggan mo yung sinasabi ng iba at pinupunto ng iba baka may makuha kang dpat palakasin mo sa kahinaang nakikita nila sayo.alam mo naman sa sarili mo kung anong totoo.
    4. piliin mo yung mga taong sumuporta tlaga sayo, at humatak sayo pataas at naniniwala. ibalik mo kung ano yung pinapakita nila sayo.

  • @IamOLG
    @IamOLG 4 ปีที่แล้ว

    “LET GO OF YOUR WORRIES” nagising ako sa payo mo nato idol hindi ko dapat sinseryoso masyado ang pag-aalala dahil don laging nauubos”MENTAL ENERGY” ko, dahil nauubos mental energy ko mabilis mag bago ang mood ko at nawawala ang pagiging talkative ko ang ending tumatahimik nalang ako at kung ano-ano ang naiisip kong negative. nasagot mo yung hinde ko masagot sa sarili ko, Tinatak ko na sa isip ko na mag set lagi ng plan, A to Z. Maraming salamat idol loons, more knowledge to come sa aming mga students mo❤️🙏

  • @pabloadriano5438
    @pabloadriano5438 4 ปีที่แล้ว

    Present! Prof Loonie malaking tulong to sa mga nagsisimula palang tas yung mga payo at aral mo na hindi lang sa buong pagrarap magagamit pati sa pangaraw araw na buhay pwede iapply padayon ta sir loons simula nung nagenroll ako dito diko na maisipan magcutting sa klase mo 💯❤

  • @elainekiethbarcena3844
    @elainekiethbarcena3844 4 ปีที่แล้ว

    Salamat idol Loons. Sa panahon ngayon madami ang dedepress at napanghihinaan ng loob. Napakalaking tulong ng mga ginagawa mo.

  • @baptv6195
    @baptv6195 4 ปีที่แล้ว

    habang nakikinig ako sayo sir loons. isinasabuhay ko bawat sinasabi mo dahil alam kong di lang sya patungkol sa buhay kung pano maging rapper kundi patungkol din ito sa buhay kung pano maging tunay. salanat sir loons. appreciate all😇. more more like this😇👍

  • @godfreycastro5144
    @godfreycastro5144 4 ปีที่แล้ว

    isa to sa makapangmulat na natahak kong mga salita. hindi lang sa pagpursigi para kamitin ang pangarap mo bilang artist ang matututunan dito. malaki ang mababago sa'yo kung isasabuhay mo lahat ng matututunan mo dito. saludo sayo sir loons! hintayin namin yang day 3!

  • @06frero
    @06frero 4 ปีที่แล้ว

    lahat ng sinabi mo sir loons tumatak sa isip ko at lahat yun mas nakagaan ng pakiramdam ko . mula ngayon mas alam kona kung ano ang mga dapat kong gawin maraming salamat sir loons iba ka talaga 🙏

  • @StevenCasilesSonio
    @StevenCasilesSonio 4 ปีที่แล้ว

    "Mga mali ko ang pinakamagaling ko na naging guro". Isa sa ginagamit kong motto para hindi panghinaan ng loob sa mga failures ko sa pagguhit kasi maraming beses rin akong natalo sa mga contests. Ginamit ko lahat ng mga kritisismo at experience para mag-improve at ngayon is unti-unti na nilang naaappreciate yung gawa ko. At naexplore ko na rin ang poetry at iba pang forms of art. Proud to be a beginner. Salamat sa inspirasyon sir! 👌

  • @philosi1175
    @philosi1175 4 ปีที่แล้ว +2

    Eto yung online class na kailangan ng lahat! Eto yung klase ng klase na ibang klase. Salamat loonie sa pagpapalinaw ng isipan. Day 2 palang neto pero ang dami ko na agad na realized. LOONIE MARAMING SALAMAT NA NAGING GURO KA NAMIN SA ISANG LIBRENG PAARALAN 🙏 STAY SAFE! GODSPEED 🙏

  • @callmejijo
    @callmejijo 4 ปีที่แล้ว

    Siguro kung napanood ko to noon o may segment ka na na ganito dati, hindi siguro ako aalis sa trabaho ko, salamat Prof. Loonie sa pamamahagi ng kaalaman saamin.

  • @kinggoldchains5173
    @kinggoldchains5173 4 ปีที่แล้ว

    "Learn from your failures" eto talaga tumatak sa isip ko. I hope na marami pakong matutunan dito. Staysafe idol loons, Godbless. Abang abang sa day 3 ❤

  • @miggysamonte8130
    @miggysamonte8130 4 ปีที่แล้ว

    Sir Loonie, opinion ko lang. Makakatulong po yung 5 pointers about failures pero meron po ako gusto idagdag. Pang anim, "in the end, all you have is yourself". Kasi Sir nasa utak mo na talaga kung ititigil mo nalang ba yung nasimulan mo o magpapatuloy ka pa. It's all in the mind talaga Sir Loons. Salamat po. Mabuhay ka sir! 🇵🇭

  • @jercnavarro4759
    @jercnavarro4759 4 ปีที่แล้ว

    Salamat loonie! Ikaw ang isa sa mga local artist na pinapakinggan ko since 2009. Tuwing naririnig ko mga kanta mo nagkakaron ako ng pag-asa. Abante lang sa buhay!

  • @moneyrabbit8531
    @moneyrabbit8531 4 ปีที่แล้ว

    Dun sa day1 may mga natutonan nako tapos dito sa day2 nagkataon na tungkol sa perseverance yung nabuo kong kanta.
    Salamat Sir Loonie sa mga turo. Sana madami pa ako matutonan pati nadin yung ibang nanunuod na nangangarap. One love!❤️

  • @joshuadeleon1909
    @joshuadeleon1909 4 ปีที่แล้ว

    "Accept and adjust" salamat sa positibo at negatibong pag papa-alala kuys loons 💚

  • @bnhr8687
    @bnhr8687 4 ปีที่แล้ว

    First 2 minutes palang may napulot na agad akong lesson
    " Ngayon feel mo maging rapper , bukas hindi na! ano to pag na desisyunan mo na yun papanindigan mo na "
    nakakatulong siya upang makapag decide ka ng maayos sa kung ano ba talaga ang gusto mo at gusto mo maging.
    SOBRANG SALAMAT KUYA LOONIE SA PAG MO-MOTIVATE AT SA PAG BIBIGAY NG ADVICE NA MAARI NAMING I APPLY SA PAG RA-RAP AT PATI NADIN SA KUNG ANO ANG BUHAY NAMIN ARAW-ARAW 🔥

  • @ekzar5623
    @ekzar5623 4 ปีที่แล้ว

    Day 2 palang ang dami ng laman ng looniebersidad . Salamat idol . Sa bawat himay mo ❤

  • @alvinbonaobra2567
    @alvinbonaobra2567 4 ปีที่แล้ว

    Sobrang ganda ng channel nato madami kang kapupulutan na aral na pwede monh i apply hindi lang sa pag rarap kung kung paano din maging totoong tao... kung paano makipaglaban sa hamon ng buhay.. props sir loons sana mag tuloy tuloy pa.

  • @kahlilpanda4149
    @kahlilpanda4149 4 ปีที่แล้ว

    goosebumps na goosebumps kasi mismo ako may doubt ako sa sarili ko.. pero yung mga tao sa paligid ko ang nagiging dahilan bakit naiisip ko na kailangan ko pa mag pursige, mag pagaling at nagpalakas ng loob ko.. aminado ako sobrang consious ako kasi naiisip ko dati ano kaya naiisip ng mga ibang tao sa mga nagagawa ko hindi lang sa pag frefreestyle, pag rarap at career ko especially sa pagaaral ko. Im very conscious kasi unti lang nakikinig sa music ko pero unti unti ko na aaddapt na di mo kailangan ng madaming viewers para lang masabi mo na magaling ka. tandaan mo yang unting yang sumusuporta sayo ay yan ang totoo. kuya loons! promise.. after 5 years makakasama kita sa isang gig or event. at sasabihin ko sayo dahil sa looniebersidad mo kaya ako nakapunta at nakarating sa pupuntahan ko. ✌🏻

  • @sonzi121
    @sonzi121 4 ปีที่แล้ว

    Dati lang iniinspire mo kami sa mga kanta mo sir loonie tapos ngayon tinuturuan mo na kami, sobrang detalyado nakikita ko yung mga dapat gawin para maging success, step by step. lagi ko tatandaan yung mga pointers mo sir loonie! ikaw lang yung nagiisang gumawa neto. History to para saken! Salamat po ng marami sa paglaan ng oras para ibahagi yung mga natutunan mo saamin. solid prof!!

  • @luislubrico6745
    @luislubrico6745 4 ปีที่แล้ว

    Rise above discouragement
    Esp sa mga mga mahilig mag-bash, yung mga walang magawa sa buhay. Yung lait lang ang alam. Yung mahiling mangmaliit sa kapwa. Hayaan natin sila. Pakita nalang natin sa kanila na kahit anong pang-down nila sa atin, hindi nila kaya tayong hatakin pababa. Bagsuk gamitin natin to para magpursigi. Ipakita nlang natin na kaya natin abutin ang goals natin sa buhay, hindi agaran pero dahan dahan.
    Salamat po sa mga aral idol prof loonie 😍 dami kong natutunan esp ngayon lecture natin ❤️❤️
    #looniebersidad

  • @micsdre4497
    @micsdre4497 4 ปีที่แล้ว

    Salamat sir Loons, mas lalo akong nabuhayan ng loob regarding "Gawing na lang inspirasyon yung mga nag da-down sayo na balang araw Hahanga din sila sayo" na appreciate ko lahat sir Loons salamat po 🙏

  • @clarksajolan5098
    @clarksajolan5098 4 ปีที่แล้ว

    Kuya loons salamat dahil nandyan ka para palakasin yung loob namin sa pag pupursigi sa pangarap namin,hindi pa man ako nakakatapak sa unang hakbang atlis may nakukuhanan ako ng lakas ng loob kung sakaling mapunta ako sa point na kukuttyain ako,ipapatuloy kona toh kuya loons salamat dahil naging inspirasyon ka sa karamihan keepsafe kuya loons! Balang araw makakasalubong din kita.

  • @vincentvicente253
    @vincentvicente253 4 ปีที่แล้ว

    Maraming salamat po Sir Loonie sa pinabagong lesson. Noted po lahat yan, at sobrang marami po akong natututunan sainyo maging sa kanta man o payo. Abante kahit tayo'y magkamali kase tayo'y Tao lang.

  • @ivanzcunanan8385
    @ivanzcunanan8385 4 ปีที่แล้ว

    Marami talagang bagay ang magiging dahilan para makaramdam tayo ng pag-aalinlangan na ituloy yung mga gusto natin. Salamat sa limang payo na 'to Idol Loonie. Dito nabuhayan ako ng loob na ipagpatuloy yung mga minsan ko nang hinintuan.

  • @austinpasion3826
    @austinpasion3826 4 ปีที่แล้ว +1

    Isa to sa maraming dahilan bakit pinili kong pakinggan halos lahat ng kanta mo thank GOD di ako nagkamali ng pinakinggan Balewala lagi kong baon na kanta tuwing papasok sa review Class diko ma tatanggi na isa ka sa dahilan bakit hawak ko tong Lisensya ko ngayon ☝️🙌♥️💎

  • @riczellejohndomingo7064
    @riczellejohndomingo7064 4 ปีที่แล้ว

    Kuya sobrang thankyou dahil nandyan ka para alalayan kami sa mga gusto namin marating!! Di lang sa pag rarap pati sa tunay na buhay nakakatulong yung pag tuturo mo. Lalo na akong mas ginaganahan lumikha ng mga nakakabilid na bagay para kumuha ng respeto sa iba at makatulong narin!! Salamat kuya loons. Teacher na brother pa!!

  • @mick1887
    @mick1887 4 ปีที่แล้ว

    ang videos na tulad nito ay parang isang pahina ng libro ng karunungan na pwede mong balikbalikan upang mkpag paalala sayo sa oras na pinanghihinaan ka.salamat sa mga ibinabahagi mong karanasan sa buhay maraming matututo at maiimpluwensyahan.maraming salamat pra sa mga aral na ibinabahagi mo bilang sukli isasabuhay ko lahat ng ito at syempre hindi ako mag iiskip ang ads haha

  • @renaldbriantafalla7226
    @renaldbriantafalla7226 4 ปีที่แล้ว

    Ika nga ng isang kasabihan SIR LOONIE " Pag walang tiyaga walang nilaga" simple quotable na kasabihan pero napaka meaningful at sobrang laking bagay din yun mga tips niyo para sa akin na katulad na nangangarap maging successful balang araw. Maraming salamat sir wag ka sana mag sawa mag inspire ng mga kabataan ngayon.
    Godbless sir. See you on next class☺️☺️☺️

  • @papadhonsanpedro2304
    @papadhonsanpedro2304 4 ปีที่แล้ว

    Sobrang salamat Prof Loonie! sobrang mas lumalalim ang pag intindi ko sa bagay bagay at kung paano ko mabibigyan ng halaga ung sarili ko in many ways... salamat prof loonie!

  • @barcode7390
    @barcode7390 4 ปีที่แล้ว

    anlaking tulong nito para sa mga kabataang katulad ko , na naguguluhan sa pagpa-plano at naguguluhan sa lahat. Maraming salamat kuya Loonie.🙌

  • @lhansendeguzman6170
    @lhansendeguzman6170 4 ปีที่แล้ว +1

    Grabe nakakakilabot! Salamat sa Words of Wisdom idol Loons. You deserve more subscribers and views. Dami matututunan sayo.

  • @kobkob5519
    @kobkob5519 4 ปีที่แล้ว

    “Failure doesn’t define you” agad agad tumatak sa isip ko na di ka babangon kung di na ka nadapa ‘ salamat idol sir 👊

  • @momosreturn187
    @momosreturn187 4 ปีที่แล้ว

    Grabe ‘to. Lahat ng sinabe mo pwedeng i-apply hindi lang sa rap. Iba talaga pag sinubok na ng panahon. 🥰

  • @-jero-7949
    @-jero-7949 4 ปีที่แล้ว

    Salamat sa bumbilya mo loons aminado ako na yan yung weakness ko mabilis akong panghinaan ng loob lalo na't nakakanas ako ng family problem pero nailalabas ko lahat ng saloobin ko sa pag susulat at gagawin kong hakbang ang mga advice hindi lang para sa pangarap ko kundi para din mapatunayan ko sa sarili ko na kaya ko. ✨

  • @ROKiKS
    @ROKiKS 4 ปีที่แล้ว

    Narealize ko na kahit anong failure mo at the end magiging success kapa din basta meron kang ACCEPTANCE at mag adjust and then tuloy pa din
    Hindi naman lahat ng bagay eh panalo o perpekto minsan nauuna ang talo bago ka maging kampionato☝️😌🙏
    Maraming salamat po sir kuya loonie🙏😌🤜🤛

  • @user-ml8pd5zt3m
    @user-ml8pd5zt3m 4 ปีที่แล้ว

    Di ako rapper pero sobrang dami kong natutunan dito. Salamat Loonie, lalo na't nahihirapan ako ngayon at kinakailangan ko ito para mag pursige pa lalo. Mabuhay at tuloy-tuloy lang sana kayo.

  • @botoyperey5882
    @botoyperey5882 4 ปีที่แล้ว

    Grabe tong second day as in lahat sumapol sakin bilang isang taong nagkakamali yung lubog na lubog na ako sa pangungutsya ng iba dahil sa mga maling desisyon ko sa buhay pero hindi ako nag karoon ng rason para sumuko dahil alam kong may iilang taong naniniwala sakin may mga taong gusto nilang makita akong natutupad ko mga pangarap ko, mas pinili nilang ipush ako kesa hilahin dahil sa mga nagawa kong mali and itong lesson na to yung pinaka tumatak sakin "Failure doesn't de fine you" sobrang laking tulong ni idol Loonie sa mga katulad kong nagsisimula palang sya yung isa sa mga taong tiningala ko simula sa pag kabata ko mga kanta nya yung nga naging inspirasyon ko sa buhay lalo na yung " Tao lang "!!!! Salamat idol Loonie dahil anjan ka sa mga katulad ko!!!✊🏼🙌🏼🙏🏻

  • @montanga8907
    @montanga8907 4 ปีที่แล้ว

    dami kong natutunan sayo Prof.Lonnie, pde iaapply sa lahat ng bagay ung binigay mong salita,.nakaka encourage,maraming salamat loonie

  • @wynnesubrio6647
    @wynnesubrio6647 4 ปีที่แล้ว

    Hindi lanh to ma aapply sa Rap pati na rin sa tunay na buhay! Nakakamangha mga salita , nakakatindig balahibo . It inspires me a lot to do more and never surrender! Salamat Sir Loons sa mga payu mo

  • @emmanuellazo627
    @emmanuellazo627 4 ปีที่แล้ว

    Grabe solid. Halos buong video pinakinggan ko wala akong pinalagpas kahit isang salita. Tama nga naman, perseverance is a decision. Kahit gano ka pa dinadown ng mga pangyayare sa buhay mo, wag mo hayaan lahat ng yon hatakin ka pababa or gibain ung mga pangarap mo. Take them as stepping stone, kumbaga part sila ng struggle but they act as molders and learnings din. Nobody is perfect, nobody is complete, maging si idol loonie nga ay meron din flauss. But the best thing that I learned in this episode, and sana kayo din, ung flauss na yon sa sarili niyo, hindi yun ung magdedefine sayo bilang tao, kundi ung magagandang bagay na naibahagi mo para sa ibang tao, and syempre, through your perseverance. Salamat idol loonie.

  • @sebustible6945
    @sebustible6945 4 ปีที่แล้ว

    para sakin kahit sino pwede dito, pwede iapply sa kahit anong aspeto ng buhay. para syang intro sa kahit anong career na gusto mong suongin. ang lakas nito sir loons. salamat sa pagbabahagi ng kaalaman.

  • @chizdeguzman1220
    @chizdeguzman1220 4 ปีที่แล้ว

    Yung hindi ka lng natututo mamomotivate kapa kung ganito lng maestro tlga dimo tutulugan naiintindihan niya bawat problema alam niya kung pano palakasin confidence mo yung mga bagay na dapat mong marealize narealize mona dahil sa kanya salamat sir loonie❤️

  • @fckundo.90
    @fckundo.90 4 ปีที่แล้ว +3

    Panibagong aral nanaman mula sayo Idol Loons! Salamat po ulit sa pag mulat ng aking kaisipan. Andami kong natutunan sayo. Ikaw at ang mga turo mo ang dahilan kung bat ako at ang grupo ko na (NINETY NICE) ay patuloy na nagiging matatag hangang ngayon. maraming pagsubok, discriminate, pag dodown ang nararanasan namin kahit kami ay baguhan palamang sa larangan ngunit hindi naging hadlang samin ang mga ito bagkos naging inspirasyon pa namin sila. Maraming salamat po ulit idol loons! at Excited nako ulit matuto sa mga susunod pa na klase. Godbless u always idol Loons! ❤️

  • @GiovaniZ29
    @GiovaniZ29 4 ปีที่แล้ว +1

    Hindi ako rapper sir loons pero present ako palagi sa bawat vids mo,
    subrang dami kong nututulan dito na pwedeng iapply sa pagiging rakista ko.
    Salamat sir loons!

  • @kurenai547
    @kurenai547 4 ปีที่แล้ว

    Salamat idol loons sa life lessons nato. Narealize ko din sa sinabi mo na kung mghahanda kalang palagi ano man ang parating. Eh mas maeexcite ka kasi alam mo sa sarili mo na handa ka sa kung ano man ang paparating

  • @bonsquared6585
    @bonsquared6585 4 ปีที่แล้ว +2

    You are a Leader and a Legend! you are an inspiration inside and outside not only in the rap scene but in real life. You have a Great Team also behind the scenes kudos to all. Congrats!

  • @jaysoncomboy7507
    @jaysoncomboy7507 4 ปีที่แล้ว

    Noong una akala ko may bayad, nagbasa pa ko ng ibang blogs sa isang website kung paano mag-enroll, nung nilabas yung Orientation Day 1 libre lang pala. Maraming salamat Kuya Loonie sa ganitong programa na ibinabahagi mo sa amin ng libre. Salute !

  • @ansbertdeguzman1652
    @ansbertdeguzman1652 4 ปีที่แล้ว

    Magagamit natin to kahit sa totoong aspeto ng buhay natin. Perseverance is the most important aspect in our life. Lalong lalo na kung panay discouragement yung paligid na ginagalawan natin. "magpatuloy sa pag lakad madapa ka man tuloy lang at matuto dun sa pagkadapa na yun"

  • @yougetpsyche
    @yougetpsyche 4 ปีที่แล้ว

    Thank you Sir Loonie for the perseverance Tips mas lalo ko pag iigihan at pag sisikapan yung mga Goals ko sa buhay
    ngayon medyo naisalansal kona yung Goals ko at dreams at lahat ng mga sinabe niyo ay talagang rektang tama talaga sakin kase sa totoo lang lahat ng tips na binigay niyo is napagdadaanan kona now naisipan konang sumuko but everytime na nag rerelease ako ng kanta bumabalik ulit yung pakiramdam na minsang nawala sa akin Maraming Salamat po ulit sir Loonie.

  • @lhexjarulecruz9932
    @lhexjarulecruz9932 4 ปีที่แล้ว

    13 years old lng ako loons at gusto ko matuto magrap talaga kagaya mo at dalawang araw paoang madami na akong natutunan sana tuloy tuloy lang to loons para naman kahit papano may maabot akong pangarap na gusto ko magmula nung bata pa ako salamat idol loons sa pgbabahagi ng karanasan at mga aral mabuhay ang filipino hiphop!!

  • @jorrengarcia735
    @jorrengarcia735 4 ปีที่แล้ว

    Salamat idol Loons sa'yong mga salita na nagiging gasolina ng bawat-isa para magpatuloy sa pag-andar at umabante lang nang umabante kahit ano mang balakid ang nakaharaang sa daan. Nakakabuhay din ng diwa. Day 2 palang! pero marami ng realization ang naibigay sa bawat-isa. Patuloy lang sir sa pag-angat ng hiphop community dito sa pinas at marami pa ang mainspire sa turo, aral at kwento ng buhay mo. Salamat Sir Loonie! Godbless. 😎🔥❣️

  • @ryanangeloornupia9691
    @ryanangeloornupia9691 4 ปีที่แล้ว

    Maging buo ka sa sarili mo at wag papatibag kung may haharang man, may naniniwala man o wala hangat ito ung gusto mo ituloy mo lang. At mag lagay ng plano para hindi ka matatakot kung nag kamali ka man at kung mag kamali ka man tangapin mo at tangapin mo ren ang sasabihin ng iba dahil dun may matutotonan ka ren sa kanila at kung wala man naniniwala sayo pakita mo at humanap ka ng maniniwala sayo kasi kung wala ka sila ung malalapitan mo o makakapitan mo. Ty sir loons

  • @jace5857
    @jace5857 4 ปีที่แล้ว

    Kuya loons sobrang inspirado ako sayo alam kong maraming mahuhusay na rapper sa pinas pero sayo lang talaga ako pinaka nakikinig. Di nako mag tataka na talaga namang ang pangalan at mga payo mo ay sasabay pa sa mahabang panahon 🙌❤️🧠

  • @baemaster2977
    @baemaster2977 4 ปีที่แล้ว

    Congrats idol Loons. Napaka accessible nitong content mo. Kahit anong career ang tinatahak ng mga manunuod makakarelate dito.
    Thank you madami akong mapulot na aral at motivation dito. Pasok din sa akin bilang guro.

  • @kennethserrano3923
    @kennethserrano3923 4 ปีที่แล้ว

    The very first rap education in history, salamat sa nag iisang hari ng tugma professor loonie

  • @nusdawggg
    @nusdawggg 2 ปีที่แล้ว

    new clips like dis loon, appreciate the lessoons!

  • @noelvalladolid4665
    @noelvalladolid4665 4 ปีที่แล้ว

    Ang tumatak ng sobra sa isip ko sa lesson nato ay "Ang tagumpay ay nde nakadepende sa iisang aspeto lng" sobrang dami Kong napagtanto dito kaya lagi ko tong itatatak sa isip ko. at sa buong discussion ay mas nalinawan ako sa pananaw ko sa buhay . Slamat idol loonie malaking tulong ang mga topics mo Saming mga kabataan lalong Lalo na saming mga inspiring rapper .
    #Godbless

  • @ipeonort330
    @ipeonort330 4 ปีที่แล้ว

    Sir Loons Salamat sa mga payo para sa tunay na buhay.♥️🙏🏻

  • @mynameisdoubled4211
    @mynameisdoubled4211 4 ปีที่แล้ว

    Perseverance!! very encouraging yung salita lalo na sa oldies rapper nakatulad ko na parang dumating sa punto ayaw mo ng sumubok magsulat dahil sa nakikita mo parang napagiiwanan ka ng mga bago henerasyon,parang light bulb moment ung video na to sir loonie,salamat sa mga katulad mo emcee na hindi madamot sa talent na anong meron sila..Longlive sir

  • @TitongGalit
    @TitongGalit 4 ปีที่แล้ว

    Success is a collective effort, hindi yan naa-achieve ng ikaw lang. Lahat ng tao sa paligid natin may contribution, positive man o negative. Kaya importante ang solidong pundasyon. Dahil your character would be the main contributor sa journey mo.
    As a guy or a man na napapariwara sa buhay at naliligaw, this ep., made me feel validated na hindi porke't na sa baba ako e ito na yung katauhan ko. Failures would be the battle scars na dadalhin ko sa tuktok.
    Life lesson itong 2 araw na orientation. Padayon, Loonie.
    God bless!

  • @janusmananghaya2825
    @janusmananghaya2825 4 ปีที่แล้ว

    Etong topic nato hindi lang about sa Rap career magagamit kundi pati nadin sa araw araw na bubunuin natin sa mundo hanggat humihinga pa. Wala talagang tapon. Hindi sayang battery ng cp pag umattend sa klase ni sir loonie! Looking forward papo sa mga susunod pang klase. And salamat po sa pag notice sir!

  • @flar-c7259
    @flar-c7259 4 ปีที่แล้ว

    idol lalo akong ginaganahan dto.. buti nlng nakapag enroll ako dto . daming harang sakin pero tuloy lang ako .. wala pa man akong napapatunayan pero tulad nga ng sav mo HAVE A CLEAR GOAL . yan ung isa sa pinanghahawakan ko kaya tuloy lng kahit anu pang mang yare alam ko hndi man ngayon pero dadating din ung oras na may mapapatunayan ako sa kulturang pinasok ko .. salamat loons napakalaking tulong neto samin .. 🙏🙏🙏🙏🙏♥️♥️♥️

  • @angelojulian3936
    @angelojulian3936 4 ปีที่แล้ว

    Salamat idol loons , madami po akong natututunan sayo at nagkakaroon po ako Ng lakas Ng loob na magsulat Ng mga sariling berso ko at Sana marami pa po Ang mainspire para tahakin Ang ganitong landas na kinalalagyan mo ngayon ❤️💕
    Mabuhay ka idol ❤️
    Stay safe po and God bless

  • @1hkwartobente
    @1hkwartobente 4 ปีที่แล้ว

    Malaking tulong to ! Ung tipong graduating ka na pero madami ka pa plang hindi alam. Mas pinili ko na bumalik ulit sa umpisa. Salamat loons ! Sa tagal ng panahon na self study lang ako. Ngayon nagkaron din ng virtual mentor. 🔥👽👌🏻

  • @paulrayarong9389
    @paulrayarong9389 4 ปีที่แล้ว

    Magandang araw Kuya Loons 😊
    Maraming salamat po sa aral na ibinahagi niyo ngayong araw na to. Andami ko pong natutunan at talagang nakakapag angat ng confidence yung mga bagay ba ibinabahagi niyo po Kuya Loons. Dahil sainyo po ay mas napamahal ako sa kultura ng hiphop kahit sa mura ko pang gulang. Ikaw po yung nagtayo bilang isang brother figure ko po at napapasaya niyo po ako sa araw-araw na videos na ipinapalabas mo Kuya Loons. Mad respect po sainyo at sana mas iangat ka pa ni Lord dahil sa puro mong pagkatao na pinapakita mo sa karamihan at lalong-lalo na po sa isang kabataan na katulad ko. ☝❤
    Maasahan niyo po Kuya Loons na aasenso ako sa hinaharap habang bitbit yung mga aral at payo na ibinabahagi niyo. Sana balang araw makakapag picture din po ako kasama ka Kuya Loons. Ipagyayabang ko sa karamihan na isa ka sa naging inspirasyon ko upang maabot yung mga pangarap ko Kuya Loons. Sana po ituloy niyo pa po yan, maraming salamat po Kuya Loons. ☝

  • @arjaytokz3110
    @arjaytokz3110 4 ปีที่แล้ว

    Conclusion ko sa araw nato.
    May isa man o isang daan ang sumosuporta sayo, ang pagpupursigi mo e hindi babase sa dami ng tao. Mag pursigi para sa sarili. Maging saranggola ika nga sabi ng isa ko pang tinitingala na si cong tv, ikaw ay hinihila pababa lalo kang umaangat. Sa pag-aalala naman e parati akong ganto, sisikapin kong di ako mag-alala para di ako choke lalo nat paparating na ang aming paghuhukom kung kami ba ay gagraduate na sa college. Klaro naman siguro ang goal ko, binabalanse ko lahat ng mga gusto ko. Sa pag sstream at pag-aaral although di pa gaano karami views, pero hanggat sa may isang naniniwala, di ako hihinto. +points sir prof

  • @paolomasong9647
    @paolomasong9647 4 ปีที่แล้ว

    Sana mabasa mo ang aking gustong sabihin loonie.
    Lonnie napakagaling at napakahusay mo talaga. Gustong gusto ko ang rap or Fliptop. Sinusubaybayan kita una palang. Hindi man ikaw ang nag udyok sakin magustuhan ang fliptop pero simula ng nasaulo ko to at napanood ko yung rap mo, dun ko nasimulan magustuhan to at palakasin yung kagustuhan ko sa pag rarap mo. Idol na idol kita loonie. Pato nung nakulong ka sinubaubayan kita kung kailan ka makakalaya, pati yung pag rarap mo sa loob. Napakahusay mo talaga. Itong perseverance tips mo na aapply ko ito sa pag gagames ko, naramdaman mo sya kasi gusto ko maging isang magaling or pro. Nilalaro ko ay pubg. Napakahitap ng laro na to, napakadaming proceso para maging pro. Pero sa tips mo na to. Pwede syang maging motivation kagaya ko na Gustong matupad na maging pro para magustuhan ng tao at maka stream. Mahilig ako sa fliptop or rap. Sinusubaybayan koto lahat. Alam kong kaya ko pero wala sya sa puso na gawin yun. Pinapanood ko ito kasi mas dito ako nag mamatured at mas nakikilala pa yung saeili ko sa mga naririnig ko or napapanood ko. Inaapply ko itong perseverance mo sa goals ko bilang isang pro player ng pubg mobile. Loonie salamat idol na idol. Maraming salamat sa tips at hindi mag babago ikaw ang no.1 idol ko. Sana ma notice mo kahit heart reply lang maraming salamattt♥️

  • @karimlan6988
    @karimlan6988 4 ปีที่แล้ว

    Npaka enlightening ng mga sinabi mo sir loons. At ang msasabi ko lng base on my own experience, when all things seems to go wrong, balikan mo lng ulit kung san ka nagsimula, kung bakit mo ba ginagawa ang lahat ng to. Sarili mo lng din ang tutulong sa sarili mo. Dahil khit anong gawing tulong ng iba sayo, kung ayaw mo nmn tulungan ang sarili mo, walang mangyayari.

  • @HaringAlas
    @HaringAlas 4 ปีที่แล้ว

    Marami nanamang natutunan
    Dreams.. Dapat kung mangarap ka sagad mo na para kung di mo man makuha andun ka sa kalahati na kung titignan mataas pa din pero hindi kailangan tumigil kung tingin hanggang dun ka lang kailangan mo tignan ano ba talaga yung daan na dapat para makapunta ka sa pinaka dream mo 😊
    Thanks teacher loons .

  • @KuyaIDOL0906
    @KuyaIDOL0906 4 ปีที่แล้ว

    Let go of your worries
    Normal lang ang mag alala but take it as advantage!! Lagi ko ginagawa yun mas na pag bubuti ko ang bawat plano pag nag aalala ako at na pag tagumpayan ko saludo sir Lonnie!!!

  • @Shadow-be1xy
    @Shadow-be1xy 4 ปีที่แล้ว +1

    I agree kay idol loons, kailangan talga ng perseverance, ito ang pinakakailangan sa lahat ng bagay sa buhay.
    Day 2 na!! ang exciting pala ng paaralan, never ko naimagine maeenjoy ko ang school Hehe.

  • @jeffreyolavario2711
    @jeffreyolavario2711 4 ปีที่แล้ว

    ISA nanaman ito sa panulak sa mga may alinlangan pa sa kanilang propesyon o karera sa buhay...
    Ang galing mo idol, kuhang kuha mo yung mga saloobing Pag aalinlangan ng mga tao, kahit hindi na mag tanong nasasagot mona , at naliliwanagan lahat Lalo na ako ...
    Sana lahat kasing pareho ng mindset mo...
    Marami pa kaming matututunan sayo idol...
    ISA Kang malaking ambag sa lipunan 💪💪💪

  • @rellygalarpe1374
    @rellygalarpe1374 4 ปีที่แล้ว +2

    LOONIEBERSIDAD☝️🏻
    This education lifts up the community and at the same time molds the character/mindsetting/personality of an individual.
    At isa na ako dun. Maraming salamat master loons! Gracias🙏

  • @KuyaPams
    @KuyaPams 4 ปีที่แล้ว

    Maraming Salamat Sir Loonie. Dami kong natututunan. Godbless!

  • @ipromiseiwillshutmymouth1166
    @ipromiseiwillshutmymouth1166 4 ปีที่แล้ว

    "Pag malakas na yung alon may makakapitan ka" remarkable para saken to grabe patunay na walang tao kayang mapag isa kaya hanggat maaari ipakita mo sa mga kaibigan mong maaasahan ka nila para pag dating ng araw sila naman masasandalan mo.