EP. 7 STREET PHOTOGRAPHY IN MANILA + PHILIPPINES RECAP

แชร์
ฝัง
  • เผยแพร่เมื่อ 12 ก.ย. 2024
  • BOOK GIVE AWAY! To join, just put a comment on this video on its first day. and subscribe to this channel.
    Shirt online order: www.thetwelfth...
    Tote Bag: tinyurl.com/GE...
    tinyurl.com/GE...
    Special thanks to Sunny16 lab for taking care of my film rolls.

ความคิดเห็น • 267

  • @chanelorange6187
    @chanelorange6187 9 หลายเดือนก่อน +37

    It made me believe that having just the will to take photos is something to be grateful. I never thought that just an Instagram post from you Sir Geloy will light the smallest spark of me being a photographer in my own little ways. I gave up years ago but I'm starting to take pictures again. Forever grateful for the aspirations.

  • @janefilms
    @janefilms 9 หลายเดือนก่อน +23

    Ang gaan ng pagpapakahulugan ni sir Geloy sa pagkuha ng litrato. Sa totoo lang pag napapanood ko yung ibang photographer, na-iintimidate ako. Nabibigatan ako, ang dami nilang qualifications. Skills and machines. Kahit gustong gusto ko yung pagkuha ng litrato, pakiramdam ko hindi ‘to para sa kin at para lamang sa magagaling, may pera, at may malalim na pag-unawa sa photography. Pero simula talaga nang makita ko mga gawa mo sir Geloy at kung paano mo rin hikayatin yung mga small and aspiring photographers tulad namin, sobrang na-encouraged ako na magpatuloy. Salamat. Isa kang inspirasyon! ♥️

  • @shaynetraquena
    @shaynetraquena 9 หลายเดือนก่อน +4

    YOU HELPED ME REALIZE THAT I CAN ALWAYS GO BACK TO PHOTOGRAPHY EVEN IF I LOST THE PASSION TO TAKE PICTURES. ONE SHOT AT A TIME. THANK YOU, GELOY! ❤️

  • @inangsuy9266
    @inangsuy9266 2 หลายเดือนก่อน

    thank you for sharing the art of presence sir Geloy 🙏🏼

  • @rpyin1709
    @rpyin1709 5 วันที่ผ่านมา

    Bagong subscriber Ako. Nang galing lang Ako sa TikTok.narealize ko Nakita ko na pala mga photos mo sa Facebook

  • @k____o1
    @k____o1 9 หลายเดือนก่อน +1

    bilang isang parte ng kabataan na nahihilig sa sining, napakagandang malaman kung paano nga ba 'yung thought process ng isang artist. iba-iba, may complex, may simple, pero anuman ang proseso, siguradong napakaganda ng kakalabasan.
    napakaganda rin ng insight sa dulong parte ng video, saktong nagkita pa kayo ni Mang Terry, mas napadiin nito yung mensahe na kahit papaano, napagdudugtong tayo ng sining, regardless of age, gender, or nationality.
    solid!

  • @Enryuujin
    @Enryuujin 20 วันที่ผ่านมา

    Nakaka inspire naman! Thank you.

  • @MariaSilva-wq7mu
    @MariaSilva-wq7mu 9 หลายเดือนก่อน +1

    Photos are saviors each time I am lost for words. And, words also do the same the other way around. Thank you fo reminding us that we live in a collective struggle, that a stranger in the bus is not so different from where I'm coming from, and in each word we say, there are a thousand more to keep.
    Cheers, Sir Geloy! 🫰💖

  • @cutiepatuty4685
    @cutiepatuty4685 9 หลายเดือนก่อน +1

    Mula nung nadiscover ko yung vids nyo dito sa youtube. lagi ko na kayo pinapanood habang nagtatrabaho ako. nakakatuwa kase di lang pala ako ang nakakaranas o naranasan kung ano man ang pinagdadaanan ko ngayon lalo na as a creative. Tulad nung nasabi nyo sa isa nyong vid, di ko rin maiwasan ipagkumpara yung mga gawa ko sa gawa ng ibang tao, lalo na sa kung ano man ang estado na meron ako ngayon. Sa ilang linggong panonood ko sa mga video mo at sa pagsusubaybay ko sa kung paano kayo nagsimula, napagtanto ko na natural lang ang mga pinagdadaanan kong ito at balang araw ay maiisip ko rin na dito rin pala ako nagsimula. Solo flight din ako sa kung ano man ang ginagrind ko ngayon, di pa man ako sigurado pero ang alam ko lang magpapatuloy pa rin ako hanggang sa susunod ako naman ang magiinspire sa mga katulad kong nahihirapan. Sana makacollab din kita sa susunod kung mapagbibigyan ng pagkakataon, di ko man alam kung paano pero iaattract ko nalang ang mga pagkakataon.

  • @cj_mauricio
    @cj_mauricio 9 หลายเดือนก่อน +2

    I started taking photos in 2018. I thank you for your efforts because they inspired me especially your amazing shots. Your work has greatly encouraged me to continue with photography. you're one of my favorite photographers, reading about your project it was a good feeling knowing what they wanted to say. I had intended to come to your book signing, but it wasn't good timing I have to go back home to Mindoro I hope to meet in the future! Thank you Sir Geloy

  • @amielbarrios4121
    @amielbarrios4121 9 หลายเดือนก่อน

    Nung nasa beato pa ko dati, akala ko lahat ng picture kailangan may concept. lagi kong isip, "di ganon kaganda camera ko" "walang concept" "'eh pangit ng angle". Nung napanood kita may mga bagay na hindi mo na pala kailangan pagisipan ng sobra sobra. pag naramdaman mong gusto mo kuhaan. kuhaan mo. Salamat dahil pinarealize mo dito sa vid na di pala kailangan pressured ka to create. Salute sayo sir!

  • @Simon15
    @Simon15 9 หลายเดือนก่อน

    "Pilipino pala yung nagtake ng mapapanakit na mga pictures kong nakikita dati."
    Yan yung naaalala kong reaksyon noong kafafollow ko palang sa inyo sir Gelo. Gumagalaw, minsan, naaamoy at naririnig yung mga litratong kinunan mo kaya ako una namangha sayo. Pilas mula sa tunay na buhay, kasama yung dungis at pait. Mahusay ka sa sining na ito Sir Gelo pero mas namangha pako lalo noong nakita kong tumitindig ka rin para sa ibang tao. Matindi magpadama yung mga litrato mo kasi totoong may pakiramdam ka sa mga kinukunan mo. Isa ka sa mga nagudyok sakin magmartsa bukas hahaha. 🍉
    Mabuhay ka Sir Gelo.

  • @meirai_desu
    @meirai_desu 9 หลายเดือนก่อน

    mas lalo niyo pong pinaalala sa akin kung gaano kahalaga kumuha ng litrato kahit sa mga tipikal na nangyayari sa buhay natin. dahil hindi naman talaga permanente ang memorya natin para palaging makaalala, kaya ang mga litrato na kinukuhanan natin ang magsisilbing tagapag-paalala na "oo nga pala, may gantong nangyari noon" sabay mapapangiti na lang haha. hindi ako fan ng camera noon, hindi ko hilig na kuhanan ang sarili ko at ang mga taong nakapaligid sa akin. pero simula nung nabasa ko ang quote sa inyo na "i take pictures so I can remember", ayon biglang nagising ako sa katotohanan na hindi habang buhay ay kaya nating makaalala. kaya salamat kuya geloy! mas lalo kong napapahalagahan ang pagkuha ng litrato sa tulong mo, at patuloy kong pahahalagahan hangga't nabubuhay ako.

  • @mayezxcv
    @mayezxcv 9 หลายเดือนก่อน

    nakakatuwa kung paano ka makakabuo ng kwento at kung paano magkwento ang isang litrato. Salamat sa pagkwento, kuya Geloy!

  • @RJBarayuga
    @RJBarayuga 9 หลายเดือนก่อน

    Nawa'y patuloy kang makapag-upload ng maraming videos, Sir Geloy! Tunay na nakakarelax ang iyong mga content. Saludo sa'yo! Mabuhay ka!

  • @Ryenfer
    @Ryenfer 25 วันที่ผ่านมา

    inspiration ka talaga sir Geloy!!

  • @Yamadachi1146
    @Yamadachi1146 9 หลายเดือนก่อน

    Nakakainspired po yung bawat photography nyo po sir dahil po sa inyo nag simula po ako gamit lang cellphone ko po tas pumupunta po ako sa iba't ibang lugar para kumuha ng litrato at saka ibahagi sa fb ko at sa ig ko and yung project nyo po nakatulong sa nararamdaman ko po ang comfy po masyado and relatable po yun lang po padayon sir geloy

  • @kmcasaje
    @kmcasaje 9 หลายเดือนก่อน +1

    Wala sa lente kundi sa mata. Congrats sir 🙏

  • @cherifferboy3039
    @cherifferboy3039 9 หลายเดือนก่อน

    Thank you for this inspirational message, kuya!

  • @shelives.infilm
    @shelives.infilm 9 หลายเดือนก่อน

    sir geloy, it is so inspiring to see another filipino film photographer. i have been shooting film photos since i was a young teenager and as an adoptee from the philippines i never saw many film photographers that looked like me on social media growing up. it’s so amazing to see you not only shooting street photos in the Philippines but also to follow your writing project. from a fellow filipino creative, salamat and please continue to do what you do best.

  • @samadul2892
    @samadul2892 9 หลายเดือนก่อน

    Napaka-husay sir Geloy, gustong gusto ko yung parang basta ka lang kumukuha ng litrato pero makikita mo na ang lalim nung bawat kwento.

  • @kevin_rein
    @kevin_rein 22 วันที่ผ่านมา

    Hi kuya Geloy, matagal na kong follower mo sa IG. Amazed ako sa style mo, pangarap ko din maging photographer kahit cellphone lang gamit pero wala akong confident na kumuha ng litrato ng mga tao, hehe, minsan natatakot ako. One day susubukan ko. Hindi man ako tubong Pandacan pero proud ako sayo kasi sobrang layo na ng narating mo. Napaka down to Earth mo din. Ngayon ko lang actually nalaman na may TH-cam channel ka pala. Inspiring itong episode na to, parang nangati tuloy akong lumabas uli to take pictures. Sana marami ka pa lalong ma-inspire. God bless you and your family always.

  • @ericagdr
    @ericagdr 9 หลายเดือนก่อน

    Sir Geloy, thank you for this vlog. Narealize ko ang halaga ng bawat litratong kinukuha natin kasi bawat litrato ay may kwento.
    Pitong buwan na ang nakalipas nung pumanaw ang Papa ko. 12 years kaming hindi nagkita kasi isa siyang OFW sa Bahrain. Dalawang taon siya nakipagsapalaran sa Chronic Kidney Disease and hindi kami nabigyan ng pagkakataon magkita bago siya kunin.
    Noong nabubuhay pa siya, sobrang hilig niya kuhanan ng litrato ang sarili niya. Palaging nakangiti, kumakain, naglalakad sa dagat sa gitna ng disyerto, pati pamamalengke niya hilig din niya kuhanan. Lahat ng updates na pwede niya ipadala sa amin thru Messenger ginagawa niya. Bawat video call, mahalaga para sa akin. Kasi dito ko nararamdaman na malapit siya kahit ilang milya ang layo namin sa isa’t isa.
    Noong pumanaw siya, lahat ng videos, selfies at litrato niya, itinago ko. Ito nalang kasi ang tanging alaala na na pwede kong maalala sa kanya. Yung mga ngiti niya at tawa niya ang nagpapaalala sa akin kung gaano siya naging malaking parte kung sino ako ngayon. Kung nasaan man si Papa ko ngayon, sana masaya at no pain na siya. Hindi ako magsasawang ikwento ang magandang buhay na dinala niya nung nabubuhay pa siya. Habang buhay ko dadalhin ang pagmamahal at pagsuporta niya sa akin. Bawat selfie niya ay nagpapaalala sa akin na ang grief na ito ay sumasalamin sa pagmamahal ko sa kanya.
    Salamat sir Geloy sa vlog na to. Bawat litrato ay may kwento. More power and more vlogs to come with Ms. Bea and Narra cute. 💕

  • @ilovepotatoes9016
    @ilovepotatoes9016 9 หลายเดือนก่อน +1

    Hi gelo, isa ako sa sumusubaybay sa mga uploads mo sa social media. Everytime nakikita ko mga masterpiece mo na amaze ako sa picture at detalye. Salamat rin sa masterpiece mo marami kaming na inspired.

  • @crismarsales6670
    @crismarsales6670 9 หลายเดือนก่อน

    Hello Sir Geloy, street photographer din po ako from Iloilo. Medyo same po tayo ng pinagda-anan. 5 years ago araw2 po ako naglalakad sa street ng Iloilo City to capture street scene bago pumasok sa trabaho then nung nagkaanak na po ako umiwi po kami ng misis ko sa probinsya at dito na kami tumira. Natigil din po ako sa pag shoot ng street at focus sa pamilya at trabaho. Ngayon po na inspire po ako sa story nyo at gusto ko po bumalik sa street photography pero probinsya naman po yung lugar na magiging concept ng proyekto ko. Medyo ibang story naman po ito ngayon kasi tahimik, walang gaanong tao sa kalye at simple yung pamumuhay. Sana po madami ka pang ma inspire na katulad ko na matagal nang gusto bumalik sa kung ano talaga yung gusto nilang gawin. More power po sayo at sa family mo. God Bless po lagi. :)

  • @rymirox
    @rymirox 9 หลายเดือนก่อน

    Hello po, Sir Geloy!
    Habang pinapanood ko po 'yung video, one thing that notices me is kung papaano po kayo kumuha ng pictures pagdating sa street photography na kung saan mas nangingibabaw 'yung interest niyo sa mga scenario o pangyayari sa photos instead sa behind concept ng mga photos which gives me a lesson to not overthink things and just take pictures that you liked or loved.
    I am not an aspiring photographer po but witnessing po your photography po is gives me lesson po about the street photog and being appreciative sa lugar and things around us.
    Salamat po, mabuhay po kayo sir!

  • @iseejay13
    @iseejay13 9 หลายเดือนก่อน

    it's been 3 years since i started photography. starting to loose my fire inside but then nakakuha ako ng inspiration sa art mo sir. keep up and Goodluck sa journey sir!!

  • @fotorista
    @fotorista 9 หลายเดือนก่อน

    👏 👏 👏 galing! Sana mag-host ka ng photo walk! If in case maligaw ka sa Austin Tx for street photography, shoot tayo!

  • @Dunkinjonaaat
    @Dunkinjonaaat 9 หลายเดือนก่อน

    Yung sa "Street Barbershop" napaka angas ng mga kuha!! Gusto ko sana mag mura didto sa comsec pero good boy tayo eh! hahahaha! Ayos ka men!

  • @aprilsd.evangelista5956
    @aprilsd.evangelista5956 9 หลายเดือนก่อน +1

    "So ayun kapag nag shoshoot ka, kung ano lang yung maisip mo. Hindi kailangan laging magarbo
    yung konsepto." --- Geloy Concepcion, 2023
    Salamat sa pagbibigay inspirasyon sa akin na maging isang litratista at palaging maging mapagpakumbaba. Ang tatas niyo po mag tagalog, nakaka proud pakingan HAHAHA...Patuloy lang sa iyong sining and God Bless po! 🙌🇵🇭

  • @flydcartel
    @flydcartel 9 หลายเดือนก่อน

    Hndi ko alam icocommento ko pero gusto ko sana makakuha nung libro na may pirma hehe. Naenjoy ko din panoorin hanggang dulo yung photowalk w/ narration 💯

  • @kurtlyorilarde3403
    @kurtlyorilarde3403 9 หลายเดือนก่อน

    Akalain mo sa simpleng pagkuha mo ng video at pagkuha ng litrato biglang namiss ko ang buhay sa maynila. Salamat sir geloy one day makikita kita at ako naman ang kukuha ng litrato sayo :)

  • @roguemode
    @roguemode 9 หลายเดือนก่อน

    kuya Geloy! ikaw nag pasimula sakin na bumili ng camera, despite na 4th yr college student na ako, napasimula ako mahilig sa photography! inspirasyon ka sa akin, pati na rin ang masaya mong pamilya kuya Geloy. nakakamangha at nakakatuwa, na kaya pala pagsabay sabayin yung hilig mo, purpose mo, hobby mo, creative works mo, na which in turn ay magbibigay sayo ng fulfillment sa buhay at success sa munting mundong ito. alam ko na mapansin mo man to o hindi, hindi ka mawawala sa buhay ko bilang huwaran at inspirasyon. salamat sa mga larawan kuya Geloy. ingat!

  • @dailogslogggs8838
    @dailogslogggs8838 9 หลายเดือนก่อน

    Mas naiintindihan ko na ngayon ang street photography, thank you geloy simple pero iba yung impact nya.

  • @flintosricgorospe4439
    @flintosricgorospe4439 9 หลายเดือนก่อน

    Kuys Geloy, maraming salamat sa mga sulat at retratong nagpapaalalang hindi ako nag-iisang lumalaban sa masalimuot na pasakit ng mundo. Malaking bagay ang iyong mga likha sa pagpapatuloy ko sa buhay. Padayon kuys! Sana patuloy kang makapagbigay inspirasyon sa pamamagitan ng sining.

  • @lestatdegrave3758
    @lestatdegrave3758 9 หลายเดือนก่อน

    This video inspired me, I’ve been lacking off in my photowalks recently.. i love how you portray street photography, just being yourself and capturing moments that suits you. I love your works in IG, now I’m loving your vids here in YT. Stay blessed sir.. “hiphop man nagsisimba din” 🤓

  • @prexytheartist
    @prexytheartist 9 หลายเดือนก่อน

    Ganda po ng pagkakapicture nyo sa iba't ibang lugar! Maganda rin po yung tips nyo about sa street photography kasi nakakahiya rin naman magpicture lalo na pag napansin na nila nagpipic ako hahaah pero nakakainspire po yung process nyo lalo na at lagi nyong pinapaalala na hindi kailangan may engrandeng meaning yung mga litrato.

  • @robertosolitario2211
    @robertosolitario2211 9 หลายเดือนก่อน

    Nakatutuwa kung papaanong ang mga kuhang larawan mo ay buhay at bumubuhay para sa iba na yakapin at mahalin din ang sining tulad ng pagpitik at pagyakap na rin sa kapayakan ng buhay. Mabuhay ka, Sir Geloy! Hindi ka sana mapagod na kumuha ng larawan at mabigay ng kulay sa iyong may bahay! 💛

  • @aydapadistudio
    @aydapadistudio 9 หลายเดือนก่อน

    Ang ganda ng ganitong walk-through sa thoughts mo as a street photographer/artist habang kumukuha ng litrato. Salamat, sir. Nakaka-inspire.

  • @garciaalvinjohna.4450
    @garciaalvinjohna.4450 9 หลายเดือนก่อน

    Your words became my comfort, your art became my safe space! Thank you for existing, Sir Geloy☁️☀️

  • @manheavenmusic
    @manheavenmusic 9 หลายเดือนก่อน

    Gandang gabi kuys geloy! kakatapos ko lang manood ng vlog mo, galing kami ng ermats ko sa bahay ng lolo't lola ko, kaarawan kasi ng bunso nilang anak (tito ko :D) konting salo-salo lang at kulitan sa mga pinsan ko, naging produktibo din araw ko ngayon hehe
    Maulan ngayon dito sa davao, tas bidyo mo unang bumungad sa youtube homepage ko, kaya pinindot ko na agad-agad at umupo, medyo nabitin nga ako sa trenta minutos na bidyo mo ngayon e hahaha.
    SALAMAT SA PAGIGING INSPIRASYON, MABUHAY KA, KUYA GELOY! AMPING MO KANUNAY NI ATE BEA UG NARRA!

  • @MrCenidoza
    @MrCenidoza 9 หลายเดือนก่อน

    we have the same thoughts about photography!!! :) I hope I see you on person Mr geloy conception :)

  • @franzespineli
    @franzespineli 9 หลายเดือนก่อน

    Ayun, wala naman ako masyadong sasabihin. Natutuwa lang akong nakikita kung pano mo ginagamit ang iyong talent sa pag connect sa iba't ibang klaseng tao. Nakakatuwa ding isipin na kahit malayo na ang narating mo ay hindi mo padin nakakalimutan ang pilipinas, lalo na ang pandacan. Isa ka sa perfect example ng Mata sa langit, Paa sa lupa. Forever akong magiging proud na sa lifetime ko eh may nakilala at nakasalamuha akong isang Geloy Concepcion.

  • @yinalfonso5109
    @yinalfonso5109 9 หลายเดือนก่อน

    Nice meeting you! Ang saya na sumakto sa luwas ko sa Manila yung uwi niyo T___T tas sulit yung byahe from Pasay to QC noong shirt release. Kahit sabaw na sabaw na sobrang solid pa rin non pramis! Next time sana makasama na ko sa photowalk (sana meron uliiiit) 🙏

  • @geraldjavier919
    @geraldjavier919 9 หลายเดือนก่อน

    Sobrang sarap panoorin nitong video. Nakakainspire bilang nagsisimula pa lang ako sa pagshoot sa streets dito sa probinsya namin. Ang ganda noong tip na kuhaan lang ang mga bagay na interesting para sayo at huwag nang masyadong isipin ang konsepto sa likod ng bawat image. May pagkaconcious kasi talaga ko sa pagpitik at kadalasan, may namimiss out na dapat sana e nakuhanan ko kung pinindot ko na ang shutter button kaysa magdalawang-isip pa. Anyway, sana marami pang kasunod itong street photowalk video mo at sana marami ka pang ma-inspire, sir Geloy. God bless you po!
    Edit: ang gandang tip din na kausapin na ang subject kapag nakita ka nilang kinukuhanan sila ng picture para na rin mapalagay ang loob nila. Will definitely use that tip the next time I shoot

  • @lenscanastillo2873
    @lenscanastillo2873 9 หลายเดือนก่อน

    Salamat, Sir Geloy at dahil sa inyo mas na-appreciate ko pa ang pagkuha ng mga litrato. Siguro kung di ko po nakita yung mga posts niyo noon sa Instagram, hindi ko nasimulan kunan ang bawat mahahalagang tao sa buhay ko ng litrato. I will surely remember because I’ve spent my lifetime taking photos. People do change, but memories and moments remain.

  • @aykatsing
    @aykatsing 9 หลายเดือนก่อน

    Fully enjoyed from beginning to end. Nakakapanggana mag street shoot. Nakakatuwa si auntie at si sir Terry sa huli.

  • @TheAraLim
    @TheAraLim 9 หลายเดือนก่อน

    Love how this is not even a step by step tutorial video on street photography pero dami kong natututunan. Salamat sir, sana ma-meet kita soon.

  • @charlesedwardcansino943
    @charlesedwardcansino943 9 หลายเดือนก่อน

    I am looking forward to receiving your signed book. You're a great inspiration.

  • @aureluuu_dnltbj
    @aureluuu_dnltbj 9 หลายเดือนก่อน

    Salamat, Sir Geloy! Isa ka sa mga dahilan kung bakit gusto ko pa ring gumawa ng sining kahit iba na ang tinatahak ko ngayon. Mabuhay ka po! ✊🏽🥹

  • @bryantaustria1706
    @bryantaustria1706 9 หลายเดือนก่อน

    Pihit, Porma, Pitik!
    sa pamamagitan ng kamera, napatunayan mo na hindi man lahat ng bagay na nangyayari sa paligid ay maisisilid sa mga litrato, bawat sandaling kinurap ng lente mo ay may nakasaad na kwento! patuloy ka sanang magsilbing ehemplo ng sining at inspirasyon sa aming mga indibidwal. Salamat! Mabuhay ka!

  • @churros5025
    @churros5025 9 หลายเดือนก่อน

    Sir Geloy, bihira lang yung mga litratong tuwing makikita mo eh may mararamdaman ka. Sabi nga ng guro ko dati eh ito yung mga sining na 'nagpapalaya'. Salamat sa sining nyo at kahit sa mundo nating halos araw-araw tayong sinasakal eh pa minsan-minsang nakakahinga.

  • @mikaelafaithtolentino5427
    @mikaelafaithtolentino5427 7 หลายเดือนก่อน

    nakaka-inspire ka po sir Geloy!! Gusto ko rin po gawin ang street photography pero naramdaman ko na parang may "standards" na dapat maalam ka or professional ka sa larangan ng photography. Pero nung napanood ko ito, natutunan kong enjoyin at mahalin ang photography kasi ito talaga yung gusto ko.

  • @dapxs
    @dapxs 9 หลายเดือนก่อน

    Sa lahat ng mabagal magsalita at narrate, ito lang yung hindi ko finast forward. Maraming salamat po sa napaka gandang video.

  • @joanbarasona2549
    @joanbarasona2549 9 หลายเดือนก่อน

    Salamaton po, Sir Geloy sa pagbabahagi ng iyong talento at pagbibigay inspirasyon sa mga mahilig din sa photography at gayundin sa pagsusulat.💖

  • @omennercuit
    @omennercuit 9 หลายเดือนก่อน

    Ang gaganda ng mga na kuha mong litrato Sir Geloy isang kang inspirasyon! Dito ko masasabi na ang sarap bumalik sa passion ng street photography. Salamat Sir! 🙌🏼

  • @eugeneprivaldos1512
    @eugeneprivaldos1512 9 หลายเดือนก่อน

    Astig! Sana di pa ko late sa libro pero simula nung nakita ko ung post mo dati sa fb. Nainspire akong kumuha ng mga photos. Nung nalaman ko yt channel mo napasubscribe ako. Pati IG. Ganda talaga ng mga kuha. Sana mameet ko kayo next time!

  • @PadayonsTV
    @PadayonsTV 10 วันที่ผ่านมา

    ayos yung street barbershop.

  • @user-dy4gh1zf6l
    @user-dy4gh1zf6l 9 หลายเดือนก่อน

    Sir Geloy, dahil dito napaisip ako kung ilang taon ang nasayang ko dahil gusto ko, perpekto palagi mga kuha. Habang pinapanood ko video niyo, akala ko nung una, marami po kayong thought process behind every picture, pero kung ano yung mukhang interesting sa inyo, kinukuhanan niyo na agad, at yon ang nagpapaganda lalo sa mga litrato. Wala masyadong pagpa-plano, pitik lang agad. Hindi ko alam pero ang interesting po malaman POV niyo sa mga bagay-bagay habang kumukuha po kayo ng litrato. Gustong-gusto ko rin po yung mala 90's/80's na vibe ng pictures niyo. Wala po akong camera, cellphone lang po gamit ko pero mas lalo po akong na-excite gumala/lumabas dahil parang gusto ko na ulit subukan ang pagkuha ng litrato kahit hindi ako professional at marami pa akong kailangan malaman. Ang ganda tignan at kuhanan ng mga tao at bagay kapag natural lang. Sabi nga ng famous quote, "Life becomes more meaningful when you realize the simple fact that you'll never get the same moment twice."

  • @princess-sp3xk
    @princess-sp3xk 9 หลายเดือนก่อน

    I've been inspired since then sa mga works mo, mas lalo ko lang minahal yung photography at mas na inspired pa lalo dahil sayo. Salamat Sir Geloy!!

  • @angelcosca6714
    @angelcosca6714 9 หลายเดือนก่อน

    Simula nung napadpad ako sa page nyopo sa Fb since hilig ko din sa photography ,grabe gaganda po ng shot nyo po talaga bukod don kuhang kuha nya din yung gusto kong parang film filter sa pic..kahit wala kong camera sa cp lng ang pambawi,bukod don pilit kong hinabol sa fully booked yung libro nyopo kaso wala talaga🙁minsan narin ako humiling na sana paguwi nyo ng pinas malibot nyo yung fully booked din sa bataan para makita ko kayo..sobrang layo ko rin kase sa placed kung sign kayo nagbook signing last time..bataan pa talaga .So baka this time may chance na..And dagdag dito natuwa po ako sa family picture nyo magkakasama nila Ms.Bea .diko po kase naranasan yon e🥺❤️nakakatuwa lng❤❤

  • @rodlamb2023
    @rodlamb2023 9 หลายเดือนก่อน

    Ewan ko po ba pero nageenjoy ako sa content niyo lalo sa paglilinis at photography contents niyo. Starting photography din po ako dito sa SG, nawawala po stress ko sa pagdinig ng pagka laidback ng voice over niyo. Hope I can get a copy of your book for free or how can I purchase your book while Im here working in Singapore. Cheers more photography amd cleaning contents po😁. Hehe 2wks ko na pong pinapanuod vids niyo ng paulit ulit para marelieve ang anxieties ko lol.

  • @cathlynbotor4793
    @cathlynbotor4793 9 หลายเดือนก่อน

    Keep inspiring people to do art!! Your kindness comes back to you tenfold. I'm a huge fan 💚

  • @johnmarcus7451
    @johnmarcus7451 9 หลายเดือนก่อน

    Kuya geloy sobrang solid talaga ng mga videos mo, hindi ako ang comment para sa giveaway book HAHAHA madalas naman talaga ako magcomment sa vids mo pero sana mas madalas ka pa makapag upload gaya ng ganito. Nung una wala akong hilig sa pagkuha ng litrato pero sa mga napapanood ko sayo nagiging interesado ako dito at gusto ko pang matuto, very informative ng video na ito kase taga bulacan ako at nakakagala ako sa maynila kahit sa video lang hehehe sana mameet kita someday kuya geloy isa ka sa inspirasyon ko at dahilan kung bat nagustuhan ko ang photography at pag gawa ng art.

  • @dan.vincii
    @dan.vincii 9 หลายเดือนก่อน

    Na-miss kong mag-photo walk dahil dito sa video mo, sir. Ang tagal na nung huli. Sana maituloy ko na para makapag-publish ng zine. Salamat sa inspirasyon. :)

  • @rbproduction7294
    @rbproduction7294 9 หลายเดือนก่อน

    Gawa ka sir Geloy ng photo walk sa mga lugar na nagsshoot ka solid yun

  • @filmbyph
    @filmbyph 9 หลายเดือนก่อน

    Nakakatuwa po kayo kasi kitang kita yung passion niyo sa ginagawa niyo. Salamat dahil nagsilbi kang inspirasyon sa mga tulad kong mahilig kumuha ng litrato. Thank you for sharing your talent sir Geloy! ❤

  • @Jewnel777
    @Jewnel777 9 หลายเดือนก่อน

    Geloy! Salamat sa mga videos mo. Tuwing natatapos akong magtrabaho at habang naglalaba, laging mga videos mo pinapanood ko. Nakaka relate ako lalo na dun sa experience mo na nag dishwasher ka. Parehas tayong nangangarap habang nag huhugas ng pinggan. 😂 OFW ako ngayon dito sa austria at kasalukuyang nag street photography dito. Wala kasing pilipino sa lugar na to kaya medyo malungkot. Nililibang ko nalang yung sarili ko sa pag street photography. So ayun mahaba na. Tuloy tuloy lang sa pag upload geloy! Maraming salamat sa inspirasyon! Cheers!

  • @user-cn6bv3je2m
    @user-cn6bv3je2m 9 หลายเดือนก่อน

    Hangang hanga ako sa abilidad mo kuya Geloy! Marami salamat sa mga litrato na ibinabahagi mo sa amin. Laking tulong nito! God bless po! Padayon!💗💗

  • @adriannovenario284
    @adriannovenario284 9 หลายเดือนก่อน

    Kuya Geloy! I hope you’ll read this, you really inspire me to push my photographer career. Nakilala lang kita sa friend ko and now dalawa na kaming humahanga sa’yo. Sayang hindi ako nakapunta noong narito ka sa Pinas. Sana ma meet kita soon!

  • @sijessiejim6966
    @sijessiejim6966 9 หลายเดือนก่อน

    ingat lagi lodi. bahala na. hehehe

  • @luissolano3073
    @luissolano3073 9 หลายเดือนก่อน

    Noong nakaraang visit mo sa Manila, may shirt release ka noon sa the twelfth house. kaka resign ko lang noon sa dati kong work, tapos naghahanap lang ako ng gagawin or mapupuntahan. Noong nakita ko yung post na nasa expo ka nga noong release ng shirt, ayun, pumunta na lang din ako kahit malayo pero di ko inasahan na tatatak sakin yung interaction natin lalo pa noong pumilas ka ng blank na papel tapos sinualatan mo ng "Bad days are temporary" as freebie ata noong shirt na binili ko. Hanggang ngayon dala dala ko pa din yung nakasulat doon kada bad days na na-eencounter ko. thank you kuys Geloy! 🙏 (bonus pa na ma greet si Narra at ate Bea haha)

  • @abc87018
    @abc87018 9 หลายเดือนก่อน

    Tinanong ako ng Nanay ko kung gusto ko daw ba magaral sabi ko magaaral ako at Fine Arts ang kukunin kong course! Salamat sa inspiration ya!

  • @zerepyvoj
    @zerepyvoj 9 หลายเดือนก่อน

    Yoohhohooyy!! Sa wakas. Isa sa mga pinakahihintay ko ang bago mong vlog, na alam kong tungkol sa pagbalik mo sa Pinas. Kwentuhan mo ko dali!!

  • @izzok5684
    @izzok5684 9 หลายเดือนก่อน

    Hi geloy! Salamat sa mga pinaparamdam mo gamit ang mga kuha mong litrato. Malaki ang naging papel neto sa aking paghilom lalo na’t nung pandemya. Kung hindi dahil dun sa palagay ko mag-isa lang ako at siguro wala na sa mundo. Eto, humihinga parin at nagsimula ko nang idiin sa film photography ang aking mga karamdaman… isa ka sa rason pano ko natuklasan sarili ko. Salamat sayo. Mabuhay ka!

  • @Siopauline
    @Siopauline 9 หลายเดือนก่อน

    Salamat sa dedikasyon at inspirasyon Sir Geloy! Wag kang tumigil sa pag kuha ng litrato at pag likha, mabuhay ka 🫶🏼

  • @LongaKyleenLauzon-fz9pt
    @LongaKyleenLauzon-fz9pt 9 หลายเดือนก่อน

    Super idolo kita kuya gelooyy. Beginner palang ako sa photography. And sa mga inspiration mo ako kumukuha ng lakas ng loob para i develop yung tinatago kong skill

  • @josecarlo7833
    @josecarlo7833 9 หลายเดือนก่อน

    Salamat sa inspirasyon! Mula sa paghawak ng lata dahil kay "Pisi" hanggang sa paghawak ng camera dahil kay "Geloy" at ngayon naman sa pagiging mabuting tatay. Padayon!

  • @ma.carmelacabanding1913
    @ma.carmelacabanding1913 9 หลายเดือนก่อน

    Kuya Gelooooy, thank you so muuuuuuch!!! Sana po may book signing ulit soooon! 🥺💓

  • @Alleyow
    @Alleyow 9 หลายเดือนก่อน

    Nakaktuwa boss Geloy, talagang nakalike ka sa bawat isang comment kahit lagpas 100 na. gustong gsto ko yung vibe ng vlog mo parang ang intimate the way nagnanarrate ka sa viewers. Sayang lang di ako nakapunta ng book signing mo. tagal ko na den nakafollow sa mga posts mo sa IG para tumingin inspirasyon sa gawa mo, mas nakakainspire lalo makita yung proseso mo habang nagsoshoot. more power sayo boss and more vlogs!!

  • @alingjoy
    @alingjoy 9 หลายเดือนก่อน

    Solid yung ginugupitan sa kalye! Ganda ng kulay pati ilaw dun. Pati dun sa framing nung lalagyan ng Sto. Nino kay kuya sa dulong part

  • @fros5728
    @fros5728 9 หลายเดือนก่อน

    thank you kuya geloy for inspiring me to write !! sobrang laki ng emotional learning ko simula nung nadiscover ko yung project mo. isa roon e narealize ko na mahirap pala mabuhay ng hindi nagsasalita o dumadaing. kaya sobrang salamat dahil natuto ako iembrace yung pain, suffering, joy, triumph, and grievances ko thank u kuya geloy

  • @user-dl1dq2dx5w
    @user-dl1dq2dx5w 9 หลายเดือนก่อน

    heartfelt endinggg 🫂🤍

  • @aeshanti6583
    @aeshanti6583 9 หลายเดือนก่อน

    Thank you sa bagong video kuya geloy, nakakakalma yung boses at pagkukwento mo. ingat palagi❤️

  • @soya723
    @soya723 9 หลายเดือนก่อน

    Salamat kuya geloy sa napakagandang vlog, may natutunan na naman ako. Nabigyan mo na naman ako ng confidence kasi medyo nahihiya ako mag shoot kasi cellphone lang gamit ko hahaha pero solid dami kong natutunan. Sana palarin na mabigyan ng libro. ❤

  • @alexandrae983
    @alexandrae983 9 หลายเดือนก่อน

    I've been a fan of ur work since the pandemic, I luv how you see things and capture them sobrang nakakaamaze na yung mga simpleng bagay ay napapansin mo in a good way. Pitik lang nang pitik, Idol!! 🙌

  • @cheeniecornelio
    @cheeniecornelio 9 หลายเดือนก่อน

    Salamat sa palaging pagpapaalala na tumuloy lang kami sa mga bagay na gusto naming gawin. Maraming salamat Sir Geloy!

  • @Cheesetrainrhythm272
    @Cheesetrainrhythm272 8 หลายเดือนก่อน

    Sobrang solid na vlog

  • @Ohhhhhhcarol
    @Ohhhhhhcarol 9 หลายเดือนก่อน

    Salamat Sir Geloy! Your art is a masterpiece, you capture not just moments but emotions and stories untold. Salamat sa ambag at pag-pinta mo ng mundo gamit ang iyong natatanging pananaw. Mabuhay ka sir, sana dumami pa ang maging katulad mo! 🫡🙌🏼

  • @alexandraaure2512
    @alexandraaure2512 9 หลายเดือนก่อน

    kailangan ko marinig na sa pagkuha ng litrato 'di naman required na laging may konsepto. minsan/madalas sapat na yung kumuha ng litrato para makaalala. salamat sa pagpapaalala, geloy! kita tayo sa next upload at relaks lang tayo 🫡

  • @acsj1821
    @acsj1821 9 หลายเดือนก่อน

    Bagong taga-hanga mo sir geloy! Salamat!

  • @eugenelimse1960
    @eugenelimse1960 9 หลายเดือนก่อน

    November 20, 2023 nung nakilala kita sir Geloy, sa pamamagitan ng podcast nyo ni sir doug. 3 days ago palang yon pero parang babaguhin mo pananaw ko sa buhay. oa man pakinggan pero wala e hahahha, yun talaga ang nakikita ko ngayon. nakailang play na tuloy ako ng videos mo kase konti palang upload mo. salamat sayo sir. patuloy ka sanang maging role model naming mga kabataan at iba pang nasubaybay sayo.

  • @eugenecastillo18
    @eugenecastillo18 9 หลายเดือนก่อน

    Sir Geloy, tuloy-tuloy lang. Napaka-kalmado ng vlog. Sarap ng kwento sana 'wag kang titigil sa pagkwe-kwento.
    Sana next time may tutorial kung paano gumamit ng film camera. Haha! Kahit maraming pwedeng panuoran, parang mas okay kapag galing sa'yo. Salamat! Tuloy-tuloy lang. 👌

  • @mayday9264
    @mayday9264 9 หลายเดือนก่อน

    Sir Geloy, sobrang saya ko nung nameet ko kayo😊 di po talaga ako makaget-over salamat po dahil isa kayo sa naging inspirasyon ko sa larangan ng photography, bawat litrato talaga ay may kwento. Maraming Salamat! Sir, Ingat po at Magpatuloy lang po tayo sa ating mga passion 🥰

  • @jen_nie.f
    @jen_nie.f 9 หลายเดือนก่อน

    astig tlga nung ending sir geloy! nakakatuwa n nakapg bonding po kayo kay Sir Terry , nakaktuwa lang na you got the chance po na makita sya during ur stay here in phil., (sayang hindi ako nakapg comment nung first day 😅).

  • @denisevillanueva3267
    @denisevillanueva3267 9 หลายเดือนก่อน

    Salamat po sa pagsama samin sa journey niyo. Sa dalas kong dumaan sa Manila, masaya mawitness at maappreciate yung mga maliliit na detalyeng hindi natin napapansin pero napakameaningful. Nakakainspire din po as an artist and aspiring photographer. Mabuhay po kayo, Sir Geloy!

  • @MsAYMS
    @MsAYMS 9 หลายเดือนก่อน

    Salamat sa patuloy mong pagtupad ng iyong pangarap, sa hindi pagsuko, sa paggamit ng iyong kakayahan at talento para matulungan at mabigyan ng boses din ang ibang tao. Mabuhay ka Geloy. Inspirasyon ka sa maraming tao

  • @thatguyvin
    @thatguyvin 9 หลายเดือนก่อน

    Sir Geloy, your passion for film photography is truly infectious, and it has reignited my own love for this timeless craft. Thank you for being a constant source of inspiration! 🤍

  • @MarkUmali97
    @MarkUmali97 9 หลายเดือนก่อน

    Sa mga oras na wala akong tiwala sa sarili ko, mga litrato mo ang nagiging inspirasyon ko.

  • @27dar_
    @27dar_ 9 หลายเดือนก่อน

    Salamat Kuya Geloy sa inspirasyon at sa proyekto mong "things you wanted to say but never did" na lagi akong nakasubaybay. Sana maka punta na ako sa susunod na uuwi ka ng Pinas hehehe. Takits kuya!