Hello everyone!!!!!! Thank you so much for all your comments. Comments here on youtube are just different compared to instagram and facebook. it feels more sincere, to be honest. I really appreciate everyone making time to write their thoughts here. thank you again!!! Salamat sa inyong lahat!!! sobrang masaya akong binabasa lahat ng comments dito. Sana nakatulong ang ginawa kong episode sa inyo. excited na din akong gumawa ng susunod. nag eenjoy ako mag edit. kahit nangangapa pa ako. pero natutuwa ako sa proseso kaya salamat at nagustuhan ninyo. salamat salamat!!!
Mukhang normal at napakasimpleng pamamaraan nang pag storya mo Tol pero di mawala sa isipan ko yung pagiging kakaiba niya, my dating at emotion, nakakahanga na ewan. haha. di ko alam.
3 ปีที่แล้ว
hello po!! super nakakainspire yung art and content mo po. i suggest na if u can and want, pls create a podcast and create a vid and/or podcast about advice, tips, lessons for aspiring artists like u! salamat po and ingat kayo palagi :)
Sir Geloy!! Ang weird pero para sakin nakaka-iyak yung dalawang vlogs mo kahit di naman dramatic yung pagku-kwento at chill lang naman ang flow nung video. Siguro kasi sobrang raw ng materials. Walang pretenses or vibe na trying to impress, hindi yung tipong “tignan niyo ang galing ko mag edit ng video” or “tignan niyo ang ganda ng mga kuha ko.” Hindi tipong “panoorin niyo ‘to kasi vlogger ako” but instead, “uy tara kwentuhan tayo.” Looking forward sa mga susunod pa! ❤️
The anxiety of an "off-the-boat " immigrant is understandable, but I can foretell with certainty that the weird feeling will gradually morp into excitement as you discover with your lens the tiny secrets that make SF one of the world's most charming places -- - the bay breeze, the diversity of culture, the food, the weird nooks and corners, the romantic temperament of the people and, of course, the legendary Streets of San Francisco! You've just begun a new life-changing journey, and as the SF-bred rock band Journey would counsel : "Don't Stop Believin'."
Baliktad tayo kuya Geloy. Simula ng lumipat ako sa Manila (kasabay pa simula ng pandemic nun), tumigil akong humawak ng camera at pumitik. Nawalan ng gana, natakot lumabas, nalungkot at naubos. Samantalang nung 2019 at mga taon bago ang pandemic, walang araw na di ko hawak ang kamera ko. Nakakaiyak isipin na hinayaan ko yung higit isang taon na lumipas. Itong video na to ang nagparealize sakin kung gano ko kamahal magshoot. Na sa simula, di ko naman ginagawa ang pagshoot para magpasikat or para sa social media. Pero para to sa akin at sa mga taong nasa paligid ko, para sa art, at sa mga memorya at emosyon sa panahong iyon. Sobrang nakakamiss magshoot. Thanks kuya at niremind mo ko sa passion na ito. Babalik na ko pagkatapos nito 🥺
Grabe naiyak ako!! As someone who has seen you talk about your craft in person, nalungkot ako sa sinabe mo na nahiya ka at nainsecure ka kasi grabe inspiration na nabigay mo sakin!! Thank you for your honesty and humility di nakakasawa sumuporta sa tulad mong mapagkumbaba at hindi plastic sa photography scene 😭 also, yung iyak ko po sa parenthood lyf sobrang relate hahahaha
Hi Kuya! 'Yung note na sinulat mo para sa'kin nung binili ko 'yung book mo, sabi mo doon, "Home is in the heart. Try to find your space wherever you are, and when you finally find it, do whatever it takes to keep and protect it." Sobrang nag-resonate siya sakin as an immigrant in the US din like yourself. My first few years, I struggled with finding a sense of belongingness. I couldn't call this place "home" bc I couldn't find any connections. I kept looking for "home", when it is in the "heart" all along. Home does not have to be a place. It can be a feeling, it can be a thought, it can be the people around you - it can be anything. Salamat, Kuya!
This is possibly the only channel/vlog that I actually look forward to watch, simula umpisa hanggang dulo. salamat sa pagbahagi ng kwento mo kuya geloy! Many people look up to you because you are such an inspiration, first ever comment ko to sa isang yt video and i just felt the need to express my appreciation sa craft mo po kuya. 🥺🙌🏼
Seeing your photos with Narra and Laliberty (sorry, I'd like to call her that because she has a cute IG handle), makes me look forward to the day where large family reunions are permitted to happen again after this pandemic ends. I'd definitely take lots of photos again, this time, using film. For the mean time, I'm taking photos of film friends and street stuff when we do photowalks, documenting what it looks like during the pandemic. I've also recently started writing and drawing stuff on my film photos and the experience is really good. I love the feeling when you get to reflect and feel things while you write them down slowly. Also, sharing your art with others, and them telling you that they appreciate your work is, for me, the most fulfilling part as an artist. I love sharing with friends about what I've found in your art and I've connected with our university's alumni relations office and I hope they'd grant my request to feature you one day. Your art is very much appreciated Sir Geloy. Keep inspiring photographers both of film and digital!
Fellow Thomasian! Nagma-marathon ako ng mga videos niyo dito sa TH-cam. Interestingly, mga 2 months ako sa SF nung 2017 din. Naisipan ko rin na diyan na manirahan dahil may mga kamag-anak ako sa SF mismo, pero pagdodoktor ang trabaho ko, at hindi ko na ata kaya magsimula para makakuha ng lisensya diyan. Tulad mo, iniisip po baka mahirapan akong makipag-usap sa mga pasyenteng nag-e-English. Nakaka-inspire ang mga gawa at journey mo! Kahit more on science ang trabaho ko, first love ko rin ang arts. Kaya ngayon may sariling film camera na rin ako, at nagdu-doodle na rin sa iPad ko. ☺️
Hey, I just discovered your work on Instagram from France. I immediately found something familiar in your work and I am sure I will learn a lot through your videos that are touching and sensitive. Storytelling is good and you're inspiring. Can't wait to see what happens next.
Hi Sir Geloy. I'm proud po sa mga narating at napagdaanan nyo. Hindi pa naman ako isang OFW, pero nagbabalak, nararamadaman ko po ung struggle sa kwento nyo.And yung kapit ny sa art nyo, sa photography. Sa ngayon, siya lang din best friend ko sa pandemyang iyo kasi ang hirap makipagkita sa mga kaibigan ngayon. Nung pinakita nyo na kayo ay isang proud na magulang, na-touch din po ako dun. OFW ang papa ko at alam ko ung hirap po na "sana nakita ko sila lumaki". Ipagpatuloy nyo lang po ang pagkwento, kahit maliit na kwento lamang siya. Maraming Salamat po.
Blessing in disguise rin yun two years na unemployed ka dahil naalagaan mo yung daughter niyo. Napaka bilis lang ng panahon at ang pag grow nila. Hindi na maibabalik ang nawalang oras. Sigurado ako na matutuwa si Narra kapag mabalikan niya ang mga kuha mo kasama ng memories niya. Thankful ako sa parents ko na kumuha ng mga litrato ko noon habang lumalaki ako.
Thanks for sharing and letting us see into your life, Geloy! This hits heavy as an artist and having to fulfill all the other roles and responsibilities we have as people. It's a beautiful reminder that we do what we gotta do, but to keep on doing what we love throughout the way. Kudos at salute kay misis for all her love and support. ❤
minsan gusto ko nalang mamatai, pero naiinspire mo akong mabuhay when i see life through your lenses (both literally and figuratively). through your craft, nakikita ko na life can be great. bc of you, na realize ko na there's so much to live for. its all about perspective nga siguro 'no?
Hi Kuya Geloy! Im a fan and gusto ko lang pong sabihin na naiinspire niyo rin po ako. Sa pamamagitan po ng mga vlog na ito at makita ang litratong na-capture niyo po eh nireremind po ako na "Take it slow lang sa mga gustong gawin, hindi karera ang buhay....." Tumigil po ako sa trabaho ulit at hindi po ako tumatagal ng taon sa trabaho hindi ko po alam kung bakit HAHAHAH.. pero ngayong tambay na ulit ako dahil sa kwento ng buhay mo kuya nagkakaroon ako ng hope na matatagpuan ko yung purpose ko.. yung sariling apoy ko... SO ayun kuya maraming salamat. Isa ka pong inspirasyon para sa amin. More Blessings ng Universe para sainyo ng family mo. Sana po makabili rin ako ng libro ninyo someday
Hello Kuya Geloy! Tunay po talaga kayong isang inspirasyon kahit sa mga taong katulad ko na mahilig lang sa film photography pero hindi pa maituturing "artist" katulad niyo. Nakakatuwa the way you expressed your stories through your videos and photos, especially the ones with your wife and Narra. The depth and realness of your stories 💛 Sana po patuloy lang po kayong gumawa ng content (kahit ano pa yan, siguradong maganda at nakakataba ng puso). It is also a dream to live abroad, and this video surely helps a lot. God bless you po and your family always.
I’m from Mexico and I got to the states 7 years ago and you don’t know how much I relate to you and your experiences as a immigrant photographer/artist. I’m so glad I found you on Instagram. You inspire me so much.
Grabe ang bilis lumaki na ng anak mo. Can't wait to see what's in store sa next episode. Sobrang nag enjoy ako panoorin ito. Hanggang sa muli, kapatid! Apir!
hello po sir Geloy! salamat ng sobra po sa video nato. sobrang relate po ako kasi i'm an immigrant also sa ibang bansa and recently i decided to pursue my photography and not give up on myself and i just find it fascinating nung sinabi mo nung nahihirapan ka pong makipagcommunicate sa locals and it showed sa mga kuha mo. how photography and art in general can show our current situations ng di natin napapansin, as for me naman sir, dahil kailan lang ulit ako nagsimula, most ng work ko ay kuha lahat sa kwarto ko, kapag gabi at tulog ang mga tao or pag hapon na busy ang lahat as i'm still not ready to show the people around me that i have chosen to be a photographer. i know i will eventually get more comfortable on opening up to the world like you did. such an inspiration, sir Geloy! cheers to you and your family, sir Geloy for overcoming the hardship of being foreign to a country.
nakakamotivate po yung paraan kung paano niyo ikwento yung personal life niyo, ito na yung request mo nagcomment ako kuys but pls keep telling ur stories here. i dont have talent/interest at photography pero i really love the way u motivate me to keep learning from ur arts
this episode made me realized that it is possible to share your story through photography, because most of the time we take pictures of other people and share their stories instead. +++ the struggle of being an artist, i agree with you. thank you kuya gelo, as an aspiring photographer i really love your content and your photos on soc. media! ♡
Sir Geloy! Hello po, ako ay isang fan at follower sa Social Media accounts mo. Ang kuwento mo ay nakaka inspire. Naluha ako sa sharing mo na "yung mga ibang artists nasa field at kumukuha ng mga litrato habang ikaw ay nagpapatulog ng bata', pero sa kalaunan yung self pity mo na iyon ang nagigay ng napakaganda at creative na idea ng isang artist. Siguro pag hindi kayo nag self pity eh di po ninyo maiisip ang ganung ideya. Saludo po ako sa inyo as artist, as tatay ni Narra at bilang asawa ni Liberty.Nakilala ko po kayo personal kaya lubos lubos ang paghanga ko sa inyo. Sana po ay magpatuloy pa ang paggawa mo ng mga projects at paggawa ng mga videos na makaka inspire sa mga ibat ibang klase ng tao, hindi lang po sa mga artists. Ingat po lagi! Greetings from Mt. Pulag.
Maraming Salamat Sir Geloy! It was the best 15mins of my day. Maraming Salamat sa patuloy na pagbigay ng inspirayon sa akin (I just want to say na napaka laki ng influence mo sa craft ko rn), sa patuloy na pagbahagi ng buhay mo. Nung sinabi mo sa social media post mo to just keep taking photos of the people around you, hindi ko pa maintindihan yun, hindi ko alam kung paano ko sisimulan. Pero ngayon at unti-unti mong ibinabahagi lahat ng 'to, and everything is making sense now. Ipagpatuloy mo Sir! isa ako sa 4.16K subscribers mo na susubaybay sa mga ippublish mo dito! Salamat ulit!
simple pero grabe yung atake kuys!!! sobrang nakakarelate yung anxiety na naffeel ng isang tao kapag nakikita mo yung progress ng mga kasabayan mo habang ikaw parang sobrang stagnant lamang, salamat sa pag papakita na walang oras o panahon sa buhay ng isang tao na walang kwenta, imposible yon, kaylangan lang talaga nating tignan ang buhay gamit ang ibat ibang perspective at hanapin ang kabuluhan sa likod non. salamat ulit kuya geloy!!! isang kang inspirasyon at iniidolo kita
hays Sir Geloy, wala akong masabi kung hindi ang husay niyo - both in photography and your narration. yung way ng pagkukwento niyo sobrang malaman, tipong alam mo agad na isang magaling na tao yung nagsasalita. i hope I’ll be able to take photos with the same warmth and rawness as you. hands down! looking forward to your next videos! sana makita namin next time yung proseso niyo in editing lalo na sa style niyo sa Things You Wanted to Say but Never Did.
No fancy transitions,effects na aagaw ng atensiyon,napaka natural,pure story...at yung mga pictures talaga...arrghh ang gaganda😖 Nakakinspire po kayo sir!...
Hi Kuya Ge, fan ako since una kong nakita 'yung proyekto mong "Things You Wanted To Say But Never Did". Natulungan ako nang mga litrato mo sa adjustment ko rito sa Los Angeles. Alam ko marami rin sa mga kaibigan ko ang natulungan mo. Bilang hindi nila kailangan magsalita nang kung ano kundi i-share lang 'yung mga litrato mo para salaminin kung anong nararamdaman nila. Minsan kasi walang direktang salita para sa nararamdaman din natin, pero napaparamdam lang din ng mga imahe na na-experience o gusto pa nating ma-experience o muntik na sanang ma-experience. Napaka-powerful ng platform mo at sobrang talented mo. Sana maipagpatuloy mo pa. All the best!
Hello po, kakabinge ko lang ng tatlong videos na na-post niyo. Ang saya nito panoorin, parang may ka-video call lang na kaibigan sa ibang bansa. Natural, honest, warm. For sure di 'to madali gawin, all the more after malaman yung mga pagsusubok niyo doon as an immigrant artist. But I'm very, very happy na nageexist itong channel. Please never stop creating, even if the world doesn't get to see every single piece of art. Excited po ako sa mga susunod na kwento at video. Mabuhay po kayo!
Sir geloy, mejo late na makapanuod ng vlog nyo hehe pero solid ung 2 eps!! Pagpatuloy nyo lang. Sobrang nkakarelate ung pagiging 'raw' ng kwento mo as an aspiring artist for myself. Dati sa pictures mo lang ko nakikita kung pano ka kumuha at kung pano ka mgkwento. Ngayong may vlog na parang Bonus! Hehe. Isa ka sa mga inspirasyon ko para hindi iwan ang potograpiya at maniwala na kaya mgkwento gamit lamang ang mga larawan. Hindi ko man pinakakabuhayan ung photography. Nagiging escape ko naman sya. Minsan gusto ko na sukuan ung social media kasi ang toxic minsan kaso di ko mkikita at di ako maiinspire sa mga katulad nyo na artist na napakaganda ng gngawa dito. Salamat! Lalo na sa on-going mo pa din na project na "Things you wanted to say but never did". Doon ko nakikita na di ako nag-iisa sa mundong to lalo na pag ndodown ako sa buhay. Maraming salamat ulit! Hehe. Looking forward sa next episode exayting kung pano ngstart un. Ganda din ng pagkwento mo habang sinasamahan ka namin kumuha ng litrato. Nakakakuha din ng tips along the way. Dahil sa sobrang dalang ko lang din kumuha ng litrato, hindi na din ako naalis sa observer phase sa pagkuha ko tulad ng sabi mo. Haha. Which is okay lang naman. Di ko naman kasi nga kinabubuhay ung pagkuha. Tsaka bilang arkitekto pagobserba sa paligid at tao naman tlga mas naeenjoy kong gawin. Salamat ulit! Kahit di mo ko kilala sobrang laki ng impact mo sa buhay ko haha.
Sobrang sakit ng pandemic na to sa buhay namin dahil sa pagkawala nang nanay ko dahil sa COVID-19. Pero kung may isa, isa lang, na pinakamagandang naidulot nito eh ang oras namin kay Akira. Halos 2 years na kaming magkakasama sa loob nang 24 oras. Priceless yun, lalo na dahil wala naman kaming ibang maibibigay sa kanya sa panahon ngayon kundi ang oras namin. Salamat, Geloy at mabuhay ka!
Sir Geloy, unang una gusto kong sabihin ang gaganda ng mga kuha mo. Una kong nadiskubre yung project mong "Things You Wanted to Say But Never Did" sa fb. Yun talaga pumukaw ng atensyon ko. Naka-relate ako masyado sayo sir. Dito naman ako sa Japan, film photography din trip ko. Lalo na dun sa part na ang nagsilbing bestfriend mo lang is yung camera mo. Ganda neto sir. Isa na ko sa mga taga-subaybay ng mga kwento mo.
Grabe!!! Sir Geloy, maraming salamat sa pagbabahagi nitong mga mahuhusay mong kuha. Bilang isang simpleng indibidwal na mahilig at mahal rin ang ganitong uri ng art -- sobrang nakaka inspire. Looking forwar para sa mas marami pang kwento about sa photography! 😊
hellooo i just discovered you on instagram recently but you already had a great impact on me. i was waning from photography as i kept worrying about symmetry and i always wait for important moments to create an interesting subject. but you made me realize photography isn’t supposed to be restrictive. i am now way happier and free. my love for photography was ignited again. i also got to capture simple important moments of my life and of others. to address your insecurities you mentioned as a photographer, i just wanna tell you that you may not have the success your other photographers are having, but you’re definitely making millions of lives better, like the way u did to mine. keep documenting and i wish your family well : D
Di ko po alam bakit nakakaiyak. Lalo na yung photos with your kid and wife. There's just something so familiar with it. I just started film photography nitong pandemic. It's amazing how a photo can transcend what you feel sa mga nakakikita na ibang tao. You're doing great sir! Nakakainspire. Excited na ko sa next video :)
Sobrang nakakainspire. Nainspire ako sa style mo. Sa totoo lang medyo nabobored na ko sa photography dahil pakiramdam ko di ako nagiimprove pero salamat sa'yo Sir, ginanahan na uli ako pumitik.
Kumusta jek. Sobrang talagang walang kapantay masubaybayan ang paglaki ng anak. Kahit araw-araw minu minuto mo sila kasama nakakagulat pa rin ang bilis ng kanilang paglaki. Paano pa kaya ang mga may day job? All the best jek. Ingats kayo dyan. Tuloy tuloy lang.
Saw your viral post about your beautiful wife on facebook and it brought me here! Hindi ako pala comment pero exemption ka sir! Just recently got into film photography and you’re such an inspiration. Excited for EP 3! 😁
Hello Sir Geloy! Silent fan nyo po ako. Isa ka sa hinahangaan kong Artist talaga. huhu gusto ko lang po mag thank you kasi etong nakaraang buwan, natatakot ako sa mangyayari sa buhay ko kapag nasa Canada na ako. Sobrang inaatake talaga ako ng anxiety kapag iniisip ko magiging future life/career ko kapag nag migrate na sa Canada. Pero magmula napanuod ko 'tong episode 2, sobrang gumaan pakiramdam ko kasi sobraaaang na inspire ako sa kwento nyo po. Mas na less yung takot ko sa mangyayari sa buhay ko. Thank you po sa passion nyo at dedication nyo sa craft nyo. Mas lalo din po ako na inspire mag patuloy sa ganitong larangan ng arts. Mabuhay po kayo Sir Geloy! Maraming Salamat po talaga.
Nandito ako, nanonood habang nagpapatulog ng anak. Iniisip ko kung kailan o makakabalik pa ba sa pagttrabaho sa mga susunod na buwan/taon. Katulad mo, ang alam ko lang ngayon ay masaya at kuntento akong subaybayan ang paglaki ng anak ko. Kaibahan lang natin ay wala akong mashadong pruweba, so salamat sa challenge bro. I’ll capture more and tell its stories for sure! Please make more videos! Hanggang sa muli!
Connecting with other people creating memories in the world will make you satisfied in your life when you become old .. nakakaiyak pag binalikan pero sabi nga nila masarap balikan ang nakaraan lalo nat pag masaya iyong alala ala sa mundong tinatapakan mo
Maraming Salamat Geloy sa pagbahagi ng kwento mo! Hindi ko alam, pero ramdam ko sa tono ng pagkukwento mo yung mga emosyon at karanasan mo bilang isang artist at OFW. Nakakakalma yung pagnanarrate mo. At mas lalong napakaganda ng mga larawan na kuha mo. Naiinspire rin ako na idocument ang buhay ko, kahit gaano pa ito ka mediocre o karaniwan, dahil sabi mo nga historical at mahalaga din ito kahit sa akin lang. Aabangan ko ang susunod na upload mo! Mabuhay ka!
Hi sir geloy! Ramdam na ramdam ko yung feeling na nasa ibang teretoryo ka. Nag saudi ako at ganyan din yung pakiramdam ko nung mga unang buwan ko doon. Doon ko din nasimulan yung pag document ng buhay ko overseas. Salamat sir geloy! Patuloy mong iinsipre kame. Can’t wait sa susunod na episode
Thank you for sharing your story po. 🥺 As an artist din po, na-inspire ako lalo na ituloy yung paglikha ko (painting) dahil sa words mo. Ramdam ko rin po kasi yung sinabi mo na hindi mo mai-stop na ikumpara ang sarili mo sa iba back then. For the past few years, ganyan din po ako pero sabi nga po, “slow progress is still a progress.” ☺️☺️ Can’t wait to see the next ep po pala!! Fan po ako ng works mo. Isa po ako sa palaging nag-she-share sa FB at IG tuwing may post ka kasi ang unique po ng photographs + the messages. More power to you po Sir Geloy! ✊
I just recently knew about you sir (because of your birthday post on your wife) and I became an instant fan! Continue your work sir, dahil sa panonood ko sa first 2 vlog niyo po bumabalik yung fire ko sa photography which is na be-burnout recently! Godbless po sir!
Good job bro, nakakainspire gusto ko rin gumaling mg take ng photo pero di mo nman pala kailangan gumaling basta mag take at capture ka lang ng memories enough na yun treasure at balikan. God bless stay humble.
Hi Kuya Geloy! Gusto ko lang sabihin na sobrang bilib na bilib ako sa craft mo. I love your photos, vlogs, (inaabangan ko talaga sya) most importantly, i love your story, because its similar to mine. I also moved here sa Bay Area noong 2019, sobrang lonely, wala akong friends, and the only solace I found was art. Now I'm very interested in Photography and hopefully, I get to develop an "eye" like yours! Sana one time makasalubong kita somewhere sa SFO! 💖
Grabe po !!!! Tumatak po sa akin ung "Sa photography naman kahit maliit na kwento, dapat mo ikwento!!" thank you sir sa pag inspire sa amin kumuha lang ng kumuha ng litrato!!! Poweer!!!
I have always waited for your next upload. Yung pag sabi mo ng "even the tiniest of stories should be told" yun yung pinaka tumatak sakin, salamat sir.
Sobrang nakaka-inspire, Sir Geloy! Napakaganda and got teary-eyed, as a fresh film graduating student who went straight abroad too, this is inspiring. Isa po talaga kayong tunay na inspirasyon Sir Geloy para sa lahat! Aabangan ko po yung susunod ❤
GANDA! Immigrant din ako sa US tulad ni Ser Geloy, at nakarelate ako sa kwento niya sa episode na to. I do abstract painting and photography (phone, digital and film camera) though Hindi ko kino-consider ang sarili ko na artist, kasi hobby ko lang din naan kung ginagawa ko. Pinagbubuhusan ko lang ng sama ng loob kapag hindi ko say mailabas through words. hehehe Ganda, para lang talagang nagkukwentuhan kayo habana nanonood. Excited na ako sa susunod mong mga kwento pa, ser!
nakakatuwang makanood ng ganitong klaseng blog educational hindi puro landian at kasamaan sa buhay ang hatid. mabuhay ka kuya gawin mo ang gusto mo at salamat sa pag share ng mga litatro at kwento mo😄 aabangan ko ang marami mo pang videos
Sobrang nakakainspired po panoorin vlogs niyo, yung rawness and artistic chill elements into one. Tapos sobrang nakakarelate din po, a former visual artist hanggang sa nagchange at nagchachange din styles and interest or medium pero art related padin!!! Adventure sa life at sa self discovery pa. 🙌💯🤍
Hello Geloy! Been following your work during the pandemic. What you said hits home. "Habang nasa kwarto kami ng Anak ko, naisip ko yun mga kasama kong photographer, andun sa fieldumukuha ng pictures ng pisang historical event samantalang ako nasa kwarto, nagpapatulog ng Anak." Naiintindihan ko yun "feeling of being left behind." We just have different stories and everyone has different chapters. Thank you for this blog. It's nice to hear sentiments or realizations na kala ko ako lang nakakaramdam.
Salamat dito, Sir. Sobrang nakaka-relate lalo na yung as a broke artist (and photographer) pakiramdam mo behind ka na sa mga kasabayan mo. Ang comforting kung paano mo ibahagi yung creative process and the output itself. Thank you po sa pagbahagi ng art and life experiences mo. :)
Sobra po akong naging interested sa photography dahil sa project niyo and 'di ako naghesitate na mgsubscribe sa channel niyo. Thank you for sharing your story! Kudos!
Fan niyo ko sir Geloy, since noon pa masaya ako makita mga photos mo mula umpisa ginagaya ko siya kahit Mobile device lang gamit ko dahil wala naman pambili camera, more vlog sir Geloy😇
Hello, kuya Geloy! I recently discovered your TYWTSBND project and it has since moved my heart. I feel even more blessed for it to have led me to this video, especially at a time where I needed just a little push to go on despite the uncertainties of life. This video has brought me comfort. Thank you po!! and I hope you continue what you do. 🙏🏽💗
Sobra akong nakarelate sa part na “distant and no communication sa photos” ang ganda ng vlog na ‘to sir!! Nabitin ako na parang nanonood ako ng anime noon sa hapon!!!
nagbi-bingewatch ako lately ng videos nyo since naging familiar lang po me sa inyo after ang walang kwenang podcast guesting, tsaka naaliw ako sa daily reels nyo ni narra at kinikilig sa inyo ni naynay bea. taytay na po kayo ng internet ngayon sir T^T!!
Salamat dito sir! Nabusog ako sa lunch at kwento mo. Nakakatuwa na ang daming photos ni Narra, maa-appreciate niya lalo 'to kapag lumaki na siya. Ingat po kayo palagi!
Salamat sa storya mo brother! Magaganda ang storya ng mga litrato mo. Nag enjoy ako sa panonood. Maraming salamat sa healing ng video na ito. Susubaybay pa ako sa mga susunod mong upload. 🙏🏼📸
Kuya Geloy! Bale ngayong year lang kita nakilala (siguro dati dumadaan ka sa fyp ko pero hindi pa kita kilala nun haha) dahil dumaan ka sa fyp ko sa tiktok and others are posting about you and your works, etc. And I'm really happy na kilala kita, and si Narra and Ate Bea! Tapos nalaman ko na may TH-cam Channel ka pala tapos ayun nagpunta ako sa Yt (nito lang October 14) para manood ng mga vlogs mo dahil din gusto ko marinig boses ni Narra, no joke, ang cute kaseee. Tapos hindi ko akalain na sobrang comforting ng mga videos mo tas medyo naiiyak rin ako sa mga comments. Sobrang peaceful and calming ng mg videos mo kahit episode 2 palang ako huhu. Ayun lang! Salamat, Kuys! God bless you and your family! ❤❤❤
Sobrang nakakainspire po, Kuya Geloy. Thank you for sharing. I really want to know the story behind Things You Wanted to Say but Never Did. Babalik ako for that. 🖤
Bro, napaka sincere ng pagkaka kwento mo, ang simple pero ang ganda! Taking good care of your kid is not an easy task be proud of yourself and enjoy it, mabilis lang yan, ilang taon lang malaki na sila. Goodluck sa career mo. Ingat! See you soon pag pasyal namin dyan. Hehehe
It's a really good and touching document film. I saw myself from your video. The video and your commentary reflected a lot about my life and photography as well. Thank you!!
This is really inspiring Mr. Concepcion! I stopped taking pictures maybe I lost my drive to do it the flame was gone but after watching this your journey your works the passion you have it makes me wanna go back and see the hidden beauty of everything through a photograph.
Hi Geloy! At this point isang video nalang sa channel mo ang di ko pa napapanood and that is ep.1. I started watching from your latest vlog which is the LA vlog part 2, ang masasabi ko lang you give so much life not just on pictures pero kung pano mo isaysay ang nangyayare sayo at sa paligid mo sa mga vlogs mo. Sana makilala kita in person at makita ka ng mukaan. Salamat ng marami! Sana okay kayo ng pamilya mo sa America
Maraming salamat sa video na ito, Sir Geloy! Nonlinear talaga ang buhay ng mga artists, at salamat sa pagpapakita na may mga kwento pa rin sa bawat sulok ng ating kanya-kanyang karanasan. Saludo po!
Sobrang relate sa wala kang friends na same interest mo :( thanks for the great idea na gamitin yung geotag ng IG. Kakarating ko lang sa UK nitong July 2021. Dependent ako ng partner ko na nurse. Kapag nagkekwentuhan sila, wala akong magets. Lagi ko iniisip sana may mga kausap din ako locally na same interest at career ko. Sobrang layo kasi sa nursing - game artist ako. Tinry ko magBumble friends pero karamihan ng nakita ko dun gusto lang ng kasama pumarty. Ang hirap pala makipag kaibigan kapag hindi galing sa school o trabaho. Eh wala pakong nakukuhang work. Ayun. Kwento ka pa. Sarap marinig mga kwento mo.
Hello everyone!!!!!! Thank you so much for all your comments. Comments here on youtube are just different compared to instagram and facebook. it feels more sincere, to be honest. I really appreciate everyone making time to write their thoughts here. thank you again!!!
Salamat sa inyong lahat!!! sobrang masaya akong binabasa lahat ng comments dito. Sana nakatulong ang ginawa kong episode sa inyo. excited na din akong gumawa ng susunod. nag eenjoy ako mag edit. kahit nangangapa pa ako. pero natutuwa ako sa proseso kaya salamat at nagustuhan ninyo. salamat salamat!!!
Mukhang normal at napakasimpleng pamamaraan nang pag storya mo Tol pero di mawala sa isipan ko yung pagiging kakaiba niya, my dating at emotion, nakakahanga na ewan. haha. di ko alam.
hello po!! super nakakainspire yung art and content mo po. i suggest na if u can and want, pls create a podcast and create a vid and/or podcast about advice, tips, lessons for aspiring artists like u! salamat po and ingat kayo palagi :)
Sir Geloy!! Ang weird pero para sakin nakaka-iyak yung dalawang vlogs mo kahit di naman dramatic yung pagku-kwento at chill lang naman ang flow nung video.
Siguro kasi sobrang raw ng materials. Walang pretenses or vibe na trying to impress, hindi yung tipong “tignan niyo ang galing ko mag edit ng video” or “tignan niyo ang ganda ng mga kuha ko.”
Hindi tipong “panoorin niyo ‘to kasi vlogger ako” but instead, “uy tara kwentuhan tayo.” Looking forward sa mga susunod pa! ❤️
The anxiety of an "off-the-boat " immigrant is understandable, but I can foretell with certainty that the weird feeling will gradually morp into excitement as you discover with your lens the tiny secrets that make SF one of the world's most charming places -- - the bay breeze, the diversity of culture, the food, the weird nooks and corners, the romantic temperament of the people and, of course, the legendary Streets of San Francisco! You've just begun a new life-changing journey, and as the SF-bred rock band Journey would counsel : "Don't Stop Believin'."
"Ang mahalagang nagawa ko e natutukan ko ang paglaki ng anak ko, eto ang pruweba ko". Ang lakas ng impact neto sa akin. Salamay geloy sa inspirasyon
Baliktad tayo kuya Geloy. Simula ng lumipat ako sa Manila (kasabay pa simula ng pandemic nun), tumigil akong humawak ng camera at pumitik. Nawalan ng gana, natakot lumabas, nalungkot at naubos. Samantalang nung 2019 at mga taon bago ang pandemic, walang araw na di ko hawak ang kamera ko.
Nakakaiyak isipin na hinayaan ko yung higit isang taon na lumipas. Itong video na to ang nagparealize sakin kung gano ko kamahal magshoot. Na sa simula, di ko naman ginagawa ang pagshoot para magpasikat or para sa social media. Pero para to sa akin at sa mga taong nasa paligid ko, para sa art, at sa mga memorya at emosyon sa panahong iyon. Sobrang nakakamiss magshoot. Thanks kuya at niremind mo ko sa passion na ito. Babalik na ko pagkatapos nito 🥺
Grabe naiyak ako!! As someone who has seen you talk about your craft in person, nalungkot ako sa sinabe mo na nahiya ka at nainsecure ka kasi grabe inspiration na nabigay mo sakin!! Thank you for your honesty and humility di nakakasawa sumuporta sa tulad mong mapagkumbaba at hindi plastic sa photography scene 😭 also, yung iyak ko po sa parenthood lyf sobrang relate hahahaha
Hi Kuya! 'Yung note na sinulat mo para sa'kin nung binili ko 'yung book mo, sabi mo doon, "Home is in the heart. Try to find your space wherever you are, and when you finally find it, do whatever it takes to keep and protect it." Sobrang nag-resonate siya sakin as an immigrant in the US din like yourself. My first few years, I struggled with finding a sense of belongingness. I couldn't call this place "home" bc I couldn't find any connections. I kept looking for "home", when it is in the "heart" all along. Home does not have to be a place. It can be a feeling, it can be a thought, it can be the people around you - it can be anything. Salamat, Kuya!
This is possibly the only channel/vlog that I actually look forward to watch, simula umpisa hanggang dulo. salamat sa pagbahagi ng kwento mo kuya geloy! Many people look up to you because you are such an inspiration, first ever comment ko to sa isang yt video and i just felt the need to express my appreciation sa craft mo po kuya. 🥺🙌🏼
"sa photography naman kahit maliit na kwento kailangan ikwento" solid nun, geloy
Nakakapagbigay ng kalma ang episode na ito, tols. Salamat sa iyo! Ituloy mo lang.
Seeing your photos with Narra and Laliberty (sorry, I'd like to call her that because she has a cute IG handle), makes me look forward to the day where large family reunions are permitted to happen again after this pandemic ends. I'd definitely take lots of photos again, this time, using film. For the mean time, I'm taking photos of film friends and street stuff when we do photowalks, documenting what it looks like during the pandemic. I've also recently started writing and drawing stuff on my film photos and the experience is really good. I love the feeling when you get to reflect and feel things while you write them down slowly. Also, sharing your art with others, and them telling you that they appreciate your work is, for me, the most fulfilling part as an artist. I love sharing with friends about what I've found in your art and I've connected with our university's alumni relations office and I hope they'd grant my request to feature you one day. Your art is very much appreciated Sir Geloy. Keep inspiring photographers both of film and digital!
Fellow Thomasian! Nagma-marathon ako ng mga videos niyo dito sa TH-cam. Interestingly, mga 2 months ako sa SF nung 2017 din. Naisipan ko rin na diyan na manirahan dahil may mga kamag-anak ako sa SF mismo, pero pagdodoktor ang trabaho ko, at hindi ko na ata kaya magsimula para makakuha ng lisensya diyan. Tulad mo, iniisip po baka mahirapan akong makipag-usap sa mga pasyenteng nag-e-English. Nakaka-inspire ang mga gawa at journey mo! Kahit more on science ang trabaho ko, first love ko rin ang arts. Kaya ngayon may sariling film camera na rin ako, at nagdu-doodle na rin sa iPad ko. ☺️
Hey, I just discovered your work on Instagram from France. I immediately found something familiar in your work and I am sure I will learn a lot through your videos that are touching and sensitive. Storytelling is good and you're inspiring. Can't wait to see what happens next.
Hi Sir Geloy. I'm proud po sa mga narating at napagdaanan nyo. Hindi pa naman ako isang OFW, pero nagbabalak, nararamadaman ko po ung struggle sa kwento nyo.And yung kapit ny sa art nyo, sa photography. Sa ngayon, siya lang din best friend ko sa pandemyang iyo kasi ang hirap makipagkita sa mga kaibigan ngayon. Nung pinakita nyo na kayo ay isang proud na magulang, na-touch din po ako dun. OFW ang papa ko at alam ko ung hirap po na "sana nakita ko sila lumaki". Ipagpatuloy nyo lang po ang pagkwento, kahit maliit na kwento lamang siya. Maraming Salamat po.
sir geloy, your art holds a special place in my heart. thank you so much for sharing your story to the world.
Blessing in disguise rin yun two years na unemployed ka dahil naalagaan mo yung daughter niyo. Napaka bilis lang ng panahon at ang pag grow nila. Hindi na maibabalik ang nawalang oras. Sigurado ako na matutuwa si Narra kapag mabalikan niya ang mga kuha mo kasama ng memories niya. Thankful ako sa parents ko na kumuha ng mga litrato ko noon habang lumalaki ako.
Thanks for sharing and letting us see into your life, Geloy! This hits heavy as an artist and having to fulfill all the other roles and responsibilities we have as people. It's a beautiful reminder that we do what we gotta do, but to keep on doing what we love throughout the way. Kudos at salute kay misis for all her love and support. ❤
Grabe kuya geloy! 👏🏽👏🏽👏🏽 Salamat sa pag babahagi ng kwento mo. pagpinapanood ko mga videos mo nagiging confindent ako as an artist.
minsan gusto ko nalang mamatai, pero naiinspire mo akong mabuhay when i see life through your lenses (both literally and figuratively). through your craft, nakikita ko na life can be great. bc of you, na realize ko na there's so much to live for. its all about perspective nga siguro 'no?
Hi Kuya Geloy! Im a fan and gusto ko lang pong sabihin na naiinspire niyo rin po ako. Sa pamamagitan po ng mga vlog na ito at makita ang litratong na-capture niyo po eh nireremind po ako na "Take it slow lang sa mga gustong gawin, hindi karera ang buhay....." Tumigil po ako sa trabaho ulit at hindi po ako tumatagal ng taon sa trabaho hindi ko po alam kung bakit HAHAHAH.. pero ngayong tambay na ulit ako dahil sa kwento ng buhay mo kuya nagkakaroon ako ng hope na matatagpuan ko yung purpose ko.. yung sariling apoy ko... SO ayun kuya maraming salamat. Isa ka pong inspirasyon para sa amin. More Blessings ng Universe para sainyo ng family mo. Sana po makabili rin ako ng libro ninyo someday
Hello Kuya Geloy! Tunay po talaga kayong isang inspirasyon kahit sa mga taong katulad ko na mahilig lang sa film photography pero hindi pa maituturing "artist" katulad niyo. Nakakatuwa the way you expressed your stories through your videos and photos, especially the ones with your wife and Narra. The depth and realness of your stories 💛 Sana po patuloy lang po kayong gumawa ng content (kahit ano pa yan, siguradong maganda at nakakataba ng puso). It is also a dream to live abroad, and this video surely helps a lot. God bless you po and your family always.
I’m from Mexico and I got to the states 7 years ago and you don’t know how much I relate to you and your experiences as a immigrant photographer/artist. I’m so glad I found you on Instagram. You inspire me so much.
Narra is so lucky to have you as her father. More power, Sir Geloy!
Grabe ang bilis lumaki na ng anak mo. Can't wait to see what's in store sa next episode. Sobrang nag enjoy ako panoorin ito. Hanggang sa muli, kapatid! Apir!
I love how relaxing to watch your contents po and keep doing what you love kuya Geloy! 💗💗
hello po sir Geloy! salamat ng sobra po sa video nato. sobrang relate po ako kasi i'm an immigrant also sa ibang bansa and recently i decided to pursue my photography and not give up on myself and i just find it fascinating nung sinabi mo nung nahihirapan ka pong makipagcommunicate sa locals and it showed sa mga kuha mo. how photography and art in general can show our current situations ng di natin napapansin, as for me naman sir, dahil kailan lang ulit ako nagsimula, most ng work ko ay kuha lahat sa kwarto ko, kapag gabi at tulog ang mga tao or pag hapon na busy ang lahat as i'm still not ready to show the people around me that i have chosen to be a photographer. i know i will eventually get more comfortable on opening up to the world like you did. such an inspiration, sir Geloy! cheers to you and your family, sir Geloy for overcoming the hardship of being foreign to a country.
nakakamotivate po yung paraan kung paano niyo ikwento yung personal life niyo, ito na yung request mo nagcomment ako kuys but pls keep telling ur stories here.
i dont have talent/interest at photography pero i really love the way u motivate me to keep learning from ur arts
this episode made me realized that it is possible to share your story through photography, because most of the time we take pictures of other people and share their stories instead.
+++ the struggle of being an artist, i agree with you.
thank you kuya gelo, as an aspiring photographer i really love your content and your photos on soc. media! ♡
Sir Geloy! Hello po, ako ay isang fan at follower sa Social Media accounts mo. Ang kuwento mo ay nakaka inspire. Naluha ako sa sharing mo na "yung mga ibang artists nasa field at kumukuha ng mga litrato habang ikaw ay nagpapatulog ng bata', pero sa kalaunan yung self pity mo na iyon ang nagigay ng napakaganda at creative na idea ng isang artist. Siguro pag hindi kayo nag self pity eh di po ninyo maiisip ang ganung ideya. Saludo po ako sa inyo as artist, as tatay ni Narra at bilang asawa ni Liberty.Nakilala ko po kayo personal kaya lubos lubos ang paghanga ko sa inyo. Sana po ay magpatuloy pa ang paggawa mo ng mga projects at paggawa ng mga videos na makaka inspire sa mga ibat ibang klase ng tao, hindi lang po sa mga artists. Ingat po lagi! Greetings from Mt. Pulag.
ep 2 here we go!!! I really love the way you talk taytay geloy! it sounds comfortable and you can feel it. 💞
"kahit maliit na k'wento, kailangang ik'wento" napakahusay! Maraming salamat sa inspirasyon Sir Geloy. 🙂
Maraming Salamat Sir Geloy! It was the best 15mins of my day. Maraming Salamat sa patuloy na pagbigay ng inspirayon sa akin (I just want to say na napaka laki ng influence mo sa craft ko rn), sa patuloy na pagbahagi ng buhay mo. Nung sinabi mo sa social media post mo to just keep taking photos of the people around you, hindi ko pa maintindihan yun, hindi ko alam kung paano ko sisimulan. Pero ngayon at unti-unti mong ibinabahagi lahat ng 'to, and everything is making sense now. Ipagpatuloy mo Sir! isa ako sa 4.16K subscribers mo na susubaybay sa mga ippublish mo dito! Salamat ulit!
simple pero grabe yung atake kuys!!! sobrang nakakarelate yung anxiety na naffeel ng isang tao kapag nakikita mo yung progress ng mga kasabayan mo habang ikaw parang sobrang stagnant lamang, salamat sa pag papakita na walang oras o panahon sa buhay ng isang tao na walang kwenta, imposible yon, kaylangan lang talaga nating tignan ang buhay gamit ang ibat ibang perspective at hanapin ang kabuluhan sa likod non. salamat ulit kuya geloy!!! isang kang inspirasyon at iniidolo kita
hays Sir Geloy, wala akong masabi kung hindi ang husay niyo - both in photography and your narration. yung way ng pagkukwento niyo sobrang malaman, tipong alam mo agad na isang magaling na tao yung nagsasalita. i hope I’ll be able to take photos with the same warmth and rawness as you. hands down! looking forward to your next videos! sana makita namin next time yung proseso niyo in editing lalo na sa style niyo sa Things You Wanted to Say but Never Did.
No fancy transitions,effects na aagaw ng atensiyon,napaka natural,pure story...at yung mga pictures talaga...arrghh ang gaganda😖
Nakakinspire po kayo sir!...
Hi Kuya Ge, fan ako since una kong nakita 'yung proyekto mong "Things You Wanted To Say But Never Did". Natulungan ako nang mga litrato mo sa adjustment ko rito sa Los Angeles.
Alam ko marami rin sa mga kaibigan ko ang natulungan mo. Bilang hindi nila kailangan magsalita nang kung ano kundi i-share lang 'yung mga litrato mo para salaminin kung anong nararamdaman nila. Minsan kasi walang direktang salita para sa nararamdaman din natin, pero napaparamdam lang din ng mga imahe na na-experience o gusto pa nating ma-experience o muntik na sanang ma-experience.
Napaka-powerful ng platform mo at sobrang talented mo. Sana maipagpatuloy mo pa. All the best!
Hello po, kakabinge ko lang ng tatlong videos na na-post niyo. Ang saya nito panoorin, parang may ka-video call lang na kaibigan sa ibang bansa. Natural, honest, warm. For sure di 'to madali gawin, all the more after malaman yung mga pagsusubok niyo doon as an immigrant artist. But I'm very, very happy na nageexist itong channel. Please never stop creating, even if the world doesn't get to see every single piece of art. Excited po ako sa mga susunod na kwento at video. Mabuhay po kayo!
Sir geloy, mejo late na makapanuod ng vlog nyo hehe pero solid ung 2 eps!! Pagpatuloy nyo lang. Sobrang nkakarelate ung pagiging 'raw' ng kwento mo as an aspiring artist for myself. Dati sa pictures mo lang ko nakikita kung pano ka kumuha at kung pano ka mgkwento. Ngayong may vlog na parang Bonus! Hehe. Isa ka sa mga inspirasyon ko para hindi iwan ang potograpiya at maniwala na kaya mgkwento gamit lamang ang mga larawan. Hindi ko man pinakakabuhayan ung photography. Nagiging escape ko naman sya. Minsan gusto ko na sukuan ung social media kasi ang toxic minsan kaso di ko mkikita at di ako maiinspire sa mga katulad nyo na artist na napakaganda ng gngawa dito. Salamat! Lalo na sa on-going mo pa din na project na "Things you wanted to say but never did". Doon ko nakikita na di ako nag-iisa sa mundong to lalo na pag ndodown ako sa buhay. Maraming salamat ulit! Hehe. Looking forward sa next episode exayting kung pano ngstart un. Ganda din ng pagkwento mo habang sinasamahan ka namin kumuha ng litrato. Nakakakuha din ng tips along the way. Dahil sa sobrang dalang ko lang din kumuha ng litrato, hindi na din ako naalis sa observer phase sa pagkuha ko tulad ng sabi mo. Haha. Which is okay lang naman. Di ko naman kasi nga kinabubuhay ung pagkuha. Tsaka bilang arkitekto pagobserba sa paligid at tao naman tlga mas naeenjoy kong gawin. Salamat ulit! Kahit di mo ko kilala sobrang laki ng impact mo sa buhay ko haha.
Sobrang sakit ng pandemic na to sa buhay namin dahil sa pagkawala nang nanay ko dahil sa COVID-19. Pero kung may isa, isa lang, na pinakamagandang naidulot nito eh ang oras namin kay Akira. Halos 2 years na kaming magkakasama sa loob nang 24 oras. Priceless yun, lalo na dahil wala naman kaming ibang maibibigay sa kanya sa panahon ngayon kundi ang oras namin. Salamat, Geloy at mabuhay ka!
Sir Geloy, unang una gusto kong sabihin ang gaganda ng mga kuha mo. Una kong nadiskubre yung project mong "Things You Wanted to Say But Never Did" sa fb. Yun talaga pumukaw ng atensyon ko.
Naka-relate ako masyado sayo sir. Dito naman ako sa Japan, film photography din trip ko. Lalo na dun sa part na ang nagsilbing bestfriend mo lang is yung camera mo. Ganda neto sir. Isa na ko sa mga taga-subaybay ng mga kwento mo.
Grabe!!! Sir Geloy, maraming salamat sa pagbabahagi nitong mga mahuhusay mong kuha.
Bilang isang simpleng indibidwal na mahilig at mahal rin ang ganitong uri ng art -- sobrang nakaka inspire.
Looking forwar para sa mas marami pang kwento about sa photography! 😊
hellooo i just discovered you on instagram recently but you already had a great impact on me. i was waning from photography as i kept worrying about symmetry and i always wait for important moments to create an interesting subject. but you made me realize photography isn’t supposed to be restrictive. i am now way happier and free. my love for photography was ignited again. i also got to capture simple important moments of my life and of others.
to address your insecurities you mentioned as a photographer, i just wanna tell you that you may not have the success your other photographers are having, but you’re definitely making millions of lives better, like the way u did to mine. keep documenting and i wish your family well : D
Di ko po alam bakit nakakaiyak. Lalo na yung photos with your kid and wife. There's just something so familiar with it. I just started film photography nitong pandemic. It's amazing how a photo can transcend what you feel sa mga nakakikita na ibang tao. You're doing great sir! Nakakainspire. Excited na ko sa next video :)
Sobrang nakakainspire. Nainspire ako sa style mo. Sa totoo lang medyo nabobored na ko sa photography dahil pakiramdam ko di ako nagiimprove pero salamat sa'yo Sir, ginanahan na uli ako pumitik.
Kumusta jek. Sobrang talagang walang kapantay masubaybayan ang paglaki ng anak. Kahit araw-araw minu minuto mo sila kasama nakakagulat pa rin ang bilis ng kanilang paglaki. Paano pa kaya ang mga may day job? All the best jek. Ingats kayo dyan. Tuloy tuloy lang.
Saw your viral post about your beautiful wife on facebook and it brought me here! Hindi ako pala comment pero exemption ka sir! Just recently got into film photography and you’re such an inspiration. Excited for EP 3! 😁
Hello Sir Geloy! Silent fan nyo po ako. Isa ka sa hinahangaan kong Artist talaga. huhu gusto ko lang po mag thank you kasi etong nakaraang buwan, natatakot ako sa mangyayari sa buhay ko kapag nasa Canada na ako. Sobrang inaatake talaga ako ng anxiety kapag iniisip ko magiging future life/career ko kapag nag migrate na sa Canada. Pero magmula napanuod ko 'tong episode 2, sobrang gumaan pakiramdam ko kasi sobraaaang na inspire ako sa kwento nyo po. Mas na less yung takot ko sa mangyayari sa buhay ko. Thank you po sa passion nyo at dedication nyo sa craft nyo. Mas lalo din po ako na inspire mag patuloy sa ganitong larangan ng arts. Mabuhay po kayo Sir Geloy! Maraming Salamat po talaga.
simula umpisa hanggang dulo ramdam yung "tara kwentuhan tayo" parang kasama mo talaga kami sa video huhu can't wait for more!!
Nandito ako, nanonood habang nagpapatulog ng anak. Iniisip ko kung kailan o makakabalik pa ba sa pagttrabaho sa mga susunod na buwan/taon. Katulad mo, ang alam ko lang ngayon ay masaya at kuntento akong subaybayan ang paglaki ng anak ko.
Kaibahan lang natin ay wala akong mashadong pruweba, so salamat sa challenge bro. I’ll capture more and tell its stories for sure! Please make more videos! Hanggang sa muli!
Connecting with other people creating memories in the world will make you satisfied in your life when you become old .. nakakaiyak pag binalikan pero sabi nga nila masarap balikan ang nakaraan lalo nat pag masaya iyong alala ala sa mundong tinatapakan mo
Maraming Salamat Geloy sa pagbahagi ng kwento mo! Hindi ko alam, pero ramdam ko sa tono ng pagkukwento mo yung mga emosyon at karanasan mo bilang isang artist at OFW. Nakakakalma yung pagnanarrate mo. At mas lalong napakaganda ng mga larawan na kuha mo. Naiinspire rin ako na idocument ang buhay ko, kahit gaano pa ito ka mediocre o karaniwan, dahil sabi mo nga historical at mahalaga din ito kahit sa akin lang. Aabangan ko ang susunod na upload mo! Mabuhay ka!
Hi sir geloy! Ramdam na ramdam ko yung feeling na nasa ibang teretoryo ka. Nag saudi ako at ganyan din yung pakiramdam ko nung mga unang buwan ko doon. Doon ko din nasimulan yung pag document ng buhay ko overseas. Salamat sir geloy! Patuloy mong iinsipre kame. Can’t wait sa susunod na episode
Naglabas ulit ako ng camera, tama ka eh to " document life". Iprint at album ko din ang first 5 yrs ng anak ko. Salamat Geloy! Ingat kayo jan.
You're living my dream and I admire you so, so much. You're a great person, a great dad, husband, and photographer. I look up to you.
I really like the concept of telling a story at the same time photowalking. Nice!!!!
Thank you for sharing your story po. 🥺 As an artist din po, na-inspire ako lalo na ituloy yung paglikha ko (painting) dahil sa words mo. Ramdam ko rin po kasi yung sinabi mo na hindi mo mai-stop na ikumpara ang sarili mo sa iba back then. For the past few years, ganyan din po ako pero sabi nga po, “slow progress is still a progress.” ☺️☺️ Can’t wait to see the next ep po pala!! Fan po ako ng works mo. Isa po ako sa palaging nag-she-share sa FB at IG tuwing may post ka kasi ang unique po ng photographs + the messages. More power to you po Sir Geloy! ✊
this is what healing and comfort feels like after a tiring week. maraming salamat po sa inspirasyon, sir geloy! patuloy lang ang laban! 🤘
I just recently knew about you sir (because of your birthday post on your wife) and I became an instant fan! Continue your work sir, dahil sa panonood ko sa first 2 vlog niyo po bumabalik yung fire ko sa photography which is na be-burnout recently! Godbless po sir!
Sobrang solid, sir. Kainspire!!!
Good job bro, nakakainspire gusto ko rin gumaling mg take ng photo pero di mo nman pala kailangan gumaling basta mag take at capture ka lang ng memories enough na yun treasure at balikan. God bless stay humble.
Hi Kuya Geloy! Gusto ko lang sabihin na sobrang bilib na bilib ako sa craft mo. I love your photos, vlogs, (inaabangan ko talaga sya) most importantly, i love your story, because its similar to mine. I also moved here sa Bay Area noong 2019, sobrang lonely, wala akong friends, and the only solace I found was art. Now I'm very interested in Photography and hopefully, I get to develop an "eye" like yours! Sana one time makasalubong kita somewhere sa SFO! 💖
Grabe po !!!! Tumatak po sa akin ung "Sa photography naman kahit maliit na kwento, dapat mo ikwento!!" thank you sir sa pag inspire sa amin kumuha lang ng kumuha ng litrato!!! Poweer!!!
I have always waited for your next upload. Yung pag sabi mo ng "even the tiniest of stories should be told" yun yung pinaka tumatak sakin, salamat sir.
SALAMAAAAT PO ULIT SA NEW VIDEOOO!! sobrqng chill pero malaman, more videos to come pa pooo
Sobrang nakaka-inspire, Sir Geloy! Napakaganda and got teary-eyed, as a fresh film graduating student who went straight abroad too, this is inspiring. Isa po talaga kayong tunay na inspirasyon Sir Geloy para sa lahat! Aabangan ko po yung susunod ❤
Grabe! Ang swabe ng mga kuha mo paps! Tapos ang nostalgic din ng vlog mo. More vlogs to come, Idol!
As an introvert and anxious self taught artist, i feel you sir. Sana maka cope din sa struggles.
GANDA!
Immigrant din ako sa US tulad ni Ser Geloy, at nakarelate ako sa kwento niya sa episode na to. I do abstract painting and photography (phone, digital and film camera) though Hindi ko kino-consider ang sarili ko na artist, kasi hobby ko lang din naan kung ginagawa ko. Pinagbubuhusan ko lang ng sama ng loob kapag hindi ko say mailabas through words. hehehe
Ganda, para lang talagang nagkukwentuhan kayo habana nanonood.
Excited na ako sa susunod mong mga kwento pa, ser!
nakakatuwang makanood ng ganitong klaseng blog educational hindi puro landian at kasamaan sa buhay ang hatid. mabuhay ka kuya gawin mo ang gusto mo at salamat sa pag share ng mga litatro at kwento mo😄 aabangan ko ang marami mo pang videos
Sobrang nakakainspired po panoorin vlogs niyo, yung rawness and artistic chill elements into one. Tapos sobrang nakakarelate din po, a former visual artist hanggang sa nagchange at nagchachange din styles and interest or medium pero art related padin!!! Adventure sa life at sa self discovery pa. 🙌💯🤍
Hello Geloy! Been following your work during the pandemic. What you said hits home.
"Habang nasa kwarto kami ng Anak ko, naisip ko yun mga kasama kong photographer, andun sa fieldumukuha ng pictures ng pisang historical event samantalang ako nasa kwarto, nagpapatulog ng Anak."
Naiintindihan ko yun "feeling of being left behind." We just have different stories and everyone has different chapters. Thank you for this blog. It's nice to hear sentiments or realizations na kala ko ako lang nakakaramdam.
I really love the way you talk kuya geloy, ramdam ko bawat bigkas ng iyong mga salita. Padayon! Keep inspiring us 🤘🏼
Salamat dito, Sir. Sobrang nakaka-relate lalo na yung as a broke artist (and photographer) pakiramdam mo behind ka na sa mga kasabayan mo. Ang comforting kung paano mo ibahagi yung creative process and the output itself. Thank you po sa pagbahagi ng art and life experiences mo. :)
Sobra po akong naging interested sa photography dahil sa project niyo and 'di ako naghesitate na mgsubscribe sa channel niyo. Thank you for sharing your story! Kudos!
Fan niyo ko sir Geloy, since noon pa masaya ako makita mga photos mo mula umpisa ginagaya ko siya kahit Mobile device lang gamit ko dahil wala naman pambili camera, more vlog sir Geloy😇
Hello, kuya Geloy! I recently discovered your TYWTSBND project and it has since moved my heart. I feel even more blessed for it to have led me to this video, especially at a time where I needed just a little push to go on despite the uncertainties of life. This video has brought me comfort. Thank you po!! and I hope you continue what you do. 🙏🏽💗
Sobra akong nakarelate sa part na “distant and no communication sa photos” ang ganda ng vlog na ‘to sir!! Nabitin ako na parang nanonood ako ng anime noon sa hapon!!!
nagbi-bingewatch ako lately ng videos nyo since naging familiar lang po me sa inyo after ang walang kwenang podcast guesting, tsaka naaliw ako sa daily reels nyo ni narra at kinikilig sa inyo ni naynay bea. taytay na po kayo ng internet ngayon sir T^T!!
Walang duda. Artist ka nga. Solid na artist.
Salamat dito sir! Nabusog ako sa lunch at kwento mo. Nakakatuwa na ang daming photos ni Narra, maa-appreciate niya lalo 'to kapag lumaki na siya. Ingat po kayo palagi!
Sobrang nakaka inspire kayo sir phone camera lang gamit ko sa street pero iba parin talaga mga kuha nyo ang ganda sir
Salamat sa storya mo brother! Magaganda ang storya ng mga litrato mo. Nag enjoy ako sa panonood. Maraming salamat sa healing ng video na ito. Susubaybay pa ako sa mga susunod mong upload. 🙏🏼📸
So happy you made a youtube channel kuys, salamat sa lahat! ❤️
kuya, Geloy!! you make me more in love with photography! thank you!
TH-cam suggested this video. Subscribed na ako bro! Ganda ng mga photo mo. Yung aesthetics, composition, and feels.
Nice content also 💯🙏🏼
Kuya Geloy! Bale ngayong year lang kita nakilala (siguro dati dumadaan ka sa fyp ko pero hindi pa kita kilala nun haha) dahil dumaan ka sa fyp ko sa tiktok and others are posting about you and your works, etc. And I'm really happy na kilala kita, and si Narra and Ate Bea! Tapos nalaman ko na may TH-cam Channel ka pala tapos ayun nagpunta ako sa Yt (nito lang October 14) para manood ng mga vlogs mo dahil din gusto ko marinig boses ni Narra, no joke, ang cute kaseee. Tapos hindi ko akalain na sobrang comforting ng mga videos mo tas medyo naiiyak rin ako sa mga comments. Sobrang peaceful and calming ng mg videos mo kahit episode 2 palang ako huhu. Ayun lang! Salamat, Kuys! God bless you and your family! ❤❤❤
Ang sarap ulit humawak ng camera dahil dito. Salamat Geloy!
Sobrang nakakainspire po, Kuya Geloy. Thank you for sharing. I really want to know the story behind Things You Wanted to Say but Never Did. Babalik ako for that. 🖤
Sir Geloy grabe bat nakakaiyak videos mo?! hahah but seriously any content you put out inspires me to start shooting again!! salamat salamat!!!
Bro, napaka sincere ng pagkaka kwento mo, ang simple pero ang ganda! Taking good care of your kid is not an easy task be proud of yourself and enjoy it, mabilis lang yan, ilang taon lang malaki na sila. Goodluck sa career mo. Ingat! See you soon pag pasyal namin dyan. Hehehe
As a aspiring photographer this really helps me to boost more confident
Thank you for sharing your stories, kuya Geloy. Napaka-comforting ng video. Sarap panoorin
I love how ate Bea supported you on your journey as a photographer ❤️
Maganda. Mahinhin. Parang pinapanood ko ang sarili kong anak. Proud mama. Grats sa work permit. Gusto ko na panoorin yung pangatlo
It's a really good and touching document film. I saw myself from your video. The video and your commentary reflected a lot about my life and photography as well. Thank you!!
Kuya Geloy! Godbless and ingat jan. Looking forward sa journey mo! You are really talented, contine to aspire others through this. Padayon yeet