SANA DI NALANG KITA NAKILALA| SPOKEN WORD POETRY TAGALOG HUGOT | MERCY BLESS

แชร์
ฝัง
  • เผยแพร่เมื่อ 19 ต.ค. 2024
  • TITLE: SANA DI NALANG KITA
    BY: MERCY BLESS C. LIGERO
    Sana di nalang kita nakilala
    Kasi nung nakilala kita
    Hindi ko na kilala ang totoong ako
    Di ko na alam kung sino talaga ako
    Kasi wala na akong sinusunod kundi ang
    Ang tibok ng puso ko
    At lahat ay umiikot nalang sa mundo mo
    Mundo mong hindi tanggap ang isang katulad ko
    Mundo mong walang lugar ang nararamdaman ko
    Sana di nalang kita nakilala
    Dahil nung dumating ka sa buhay ko,
    ikaw yung parati kong inaalala
    Kung paano ba kita mapasaya
    at sa kung kailan ka sa akin sasaya
    Di ko ba alam kung bakit ako nagiging ganito sayo
    Na sa paggising sa umaga ikaw yung parating nasa isip
    At sa pagtulog ikaw yung nasa panaginip ko
    Binabangungot sa sakit na inukit mo
    Na hanggang ngayon ay pinagsisihan ko
    Pinagsisihan ko kung bakit paba kita nakilala
    Na sa tuwing naalala ka, naiinis ako
    Naiinis ako dahil, andito pari ako
    Umaasang muling maging sayo
    Na sa tuwing naalala ko ang mga yakap mo ay nasasaktan ako
    Dahil sa pagkakataong ito mag-isa akong hinihilum ang sugat na galing sayo
    Bakit pa kasi kita nakilala?
    Kung sakit lang naman ng mga ala-ala ang mapapala
    Dahilan sa kung bakit nalimutan ko ng sumaya
    Dahil mas pinili kong masaktan at lumuha
    Mga kamay mong pinaparamdam na di ako mag-isa
    Ay ngayon andito akong lumalaban ng mag-isa
    Naging talunan sa nararamdaman
    Na sa tuwing nakikita ka, ang puso ko ay napapatibok nanaman
    Di ko ba alam kung bakit
    Kasi pag-andyan ka naaalala lahat ng sakit
    Pero sa gitna ng sakit ay nangingibabaw ang pagmamahal
    At nawawala lahat ng sakit
    Naiinis na ako sa puso ko
    Dahil bakit hanggang ngayon,
    ikaw parin yung mahal ko
    Sa gitna ng katangahan
    Ay andito parin akong paulit-ulit na lumalaban
    Kahit na muli na namang masasaktan
    Sana di nalang kita nakilala
    Dahil
    Dahil sayo, pinili ko parin maging tanga
    Pinipili parin ng puso ko ang mahalin ka
    At pinili kung lumuha kesa sumaya
    Sana di nalang kita nakilala
    Kasi nung nakilala kita
    Hindi ko na kilala ang totoong ako
    Di ko na alam kung sino talaga ako
    You can follow me on my Facebook Page For more hugots to share
    FACEBOOK PAGE :
    / mercy-bless-1024176646...
    Lets be friends
    FACEBOOK:
    / mercybless.ligero
    REMEMBER TO SUBSCRIBE FOR MORE :)
    GOD BLESS YOU ALL :)
    IF NAKAABOT KA HANGGANG DITO
    -- I LOVE YOU HAHAHA, SALAMAT SA SUPORTA
    music produced by:
    • Video

ความคิดเห็น • 831