ANO BA AKO SAYO? | SPOKEN WORD POETRY | MERCY BLESS

แชร์
ฝัง
  • เผยแพร่เมื่อ 22 ส.ค. 2024
  • Ano ba ko sayo?
    Kung saan gulong gulo na ang isip ko
    Kung totoo ba tong nararamdaman ko para sa iyo
    Saka ka pa nagbiro
    na kaibigan lang ang turing mo sa isang katulad ko
    Saan ba ko maniniwala?
    Kasi ang mga sinasabi mo at pinapakita ay di nagtutugma
    Pinapakita mong mahalaga ako sayo
    At kapag nakaharap mo na ang ibang tao
    Di mo kayang panindigan ang sinabi mong mahal mo ako?
    Ano ba ako sayo?
    Kung ang pagmamahal na pinapakita mo ay nagbabago bago
    At ang sagot na gusto kong malaman pinagdadamot mo
    Naguguluhan ako
    Sa mga pinapakita mo
    Di ko na alam kung saan maniniwala
    Sa puso ko ba na mahal kana ata?
    O sayo na pinaparamdam na mahalaga ako
    At tinatago ang pagmamahal na ito, sa harap ng maraming tao
    Bakit kailangang ilihim?
    Ang pagmamahal na wala namang mali
    At bigla biglang magbabago ang ikaw
    Na parang ang lahat ng pinapakita mo
    Ay isang pagkakamali
    Ano ba ko sayo
    Bakit ang bilis magbago ng ihip ng mundo
    Pwede ka bang magpakatotoo
    Para maliwanagan narin ang puso kong litong lito
    tama na muna ang laro
    Na ako yung habol ng habol sa mga sagot
    Na di mo naman sinasagot
    Na ako itong pilit na hinahanap kung saan ang totoo
    Na mas lalong pinagmumukha mong Malabo kung ano ba talaga tayo
    Sino ba ko sayo?
    May pakialam karin ba sa nararamdaman ko ?
    May pakialam karin ba kapag masasaktan ako
    Na sa lahat ng bawat galaw mo
    Andito ako, nakaabang sayo
    Malaman lang kung ano ba talaga ang tayo
    Nasasaktan ako
    Sa kung anong meron tayo
    Kasi nasa pagitan ako ng mahal kita
    At kung mahal mo ba talaga ako ?
    Kung meron ba talagang lugar
    Ang isang katulad ko diyan sa puso mo?
    At kung mahalaga rin ba ko
    Katulad sa kung gaano ka kahalaga sa buhay ko
    Saan ako lulugar
    Kung sobrang labo mo sa nararamdamn mo
    Kung hanggang ngayon
    May takot parin diyan sa puso mo
    Na sabihing mahal mo rin ako
    Kasi alam kong pareho tayong takot
    Kasi katulad mo
    Naguguluhan din ako sa nararamdman ko para sa iyo
    Kung totoo ba talagang mahal kita?
    O namimiss ko lang talaga siya?
    Facebook Page: / mercy-bless-1024176646...
    Tiktok : tiktok.com/@mercy.bless
    Business Email : mercyblesscollaboration@gmail.com
    Spotify: in God's perfect time, my songs, podcast and hugots will be on spotify.
    FAQs:
    Q. How old are you?
    21
    Q. Where do you live?
    In the Philippines
    Q. What camera do you use?
    I use a Canon M50
    Q. What mic do you use?
    Maono AU-PM422
    Q. What do you use to edit your videos?
    I use Filmora 9 pro + Kinemaster pro + Adobe Premiere Pro
    it depends on the video that i need to edit..
    Q. Every When do you upload?
    When I want to hugot without any reasons cause I'm NBSB haha
    music: • Dating Tayo - TJ Monte...

ความคิดเห็น • 85

  • @MERCYBLESS
    @MERCYBLESS  3 ปีที่แล้ว +44

    Ang pyesang ito ay para sa taong di alam kung ano ba talaga ang namamagitan sa kanilang dalawa, dahil parang meron na parang wala. Yung pakiramdam na akala mo siya lang yung malabo pero pareho pala kayong di alam kung ano na ba talaga ang nararamdaman niyo sa isat-isa.
    Sa lahat ng nakaranas nito, sana balang araw makita niyo na rin ang sagot sa mga tanong na " ano ba talaga tayo". At kapag naguguluhan ka pa, pwede mo namang tanungin ang sarili mo kung " Ano ba talaga siya sayo". Minsan kasi hinahanap natin ang sagot na tayo lang rin naman pala ang makakasagot....
    ❤️ you all guys, you can comment your suggestions or share your hugots here 👇

    • @arahmhay819
      @arahmhay819 3 ปีที่แล้ว

      Pa request po uli titig po

    • @arahmhay819
      @arahmhay819 3 ปีที่แล้ว

      Titig ft. Kilig

    • @leaasuncion2113
      @leaasuncion2113 3 ปีที่แล้ว +1

      Team Josa sana po ang background 😊

    • @pauloabalos225
      @pauloabalos225 3 ปีที่แล้ว

      Ito ang.nararamdaman ko kc prang wala lng ako sa knya huhu

    • @LikhangJona
      @LikhangJona 3 ปีที่แล้ว

      Ano ba talaga ako sayo? Kasi parang anino lamang ako na sunod ng sunod sayo? Maaari ko bang malaman kung gusto mo din ako?
      Kasi ako? Gusto kita na kahit malabo
      Gusto kita kahit hindi ako ang babaeng pinapangarap mo
      Gusto kita
      Yun ang totoo

  • @MacalinaoTv
    @MacalinaoTv 3 ปีที่แล้ว +22

    May pag-ibig talaga na hindi tinadhana, kahit anong pilit mong kumapit, patuloy itong bumibitaw dahil hindi kayo na-aayon sa isat-isa.❤️👍🙏

    • @liontiger9602
      @liontiger9602 3 ปีที่แล้ว +2

      Ouch! Ka relate ko nito sir 😢😢

  • @danicaespenilla3520
    @danicaespenilla3520 3 ปีที่แล้ว +4

    Isa sa una kung nakita ang talata na iyong napuna sobrang ganda po🥺

  • @rgnuztiveda4584
    @rgnuztiveda4584 2 ปีที่แล้ว +1

    Ang tunay na pag_sinta
    Hindi basehan ang pera at itsura
    Bagkus sa totoong nadarama. 😢

    • @skyefab7387
      @skyefab7387 ปีที่แล้ว

      love scam po iyan . . iwas na lang
      *been a victim from a twitter app at muntik na po ako namatay but thanked Papa GOD I'm still alive . .
      Papa GOD save me 🙏🙏😭🙏

  • @akimegamer2603
    @akimegamer2603 2 ปีที่แล้ว +4

    Madaya ang tadhana
    Kung sino pa ang nagmamahal sila pa yung hindi nakikita ang halaga 💯
    #legit 🙂

  • @geonalopez
    @geonalopez 3 ปีที่แล้ว +4

    exact words that's I want to throw to him🙃 thanks ate at least parang nailabas ko rin yung gusto kong sabihin sa kanya sa pamamagitan ng pyesa mo po ngayon, keep writing and keep shinin' po

  • @alonasumilalao2515
    @alonasumilalao2515 3 ปีที่แล้ว +1

    Natakot lng ako kasi dmo alam kong anong sakit na pinagdaanan ko.. pasinsiya na po napaka valuable person mo...🥰😔😔😔

  • @stephanievaldez2495
    @stephanievaldez2495 3 ปีที่แล้ว +2

    Woi HAHAHA relate much si ako, ansaket saket na.

  • @mariellecapati8582
    @mariellecapati8582 2 ปีที่แล้ว +1

    Mas ok nayung mag hintay sa tamang tao sa tamang Plano ng dios para sayo

  • @juvilyningay9005
    @juvilyningay9005 2 ปีที่แล้ว

    Tama di lahat nag pag ibig ay tama...karamihan minahal ka pero iiwan k sa huli😢😢😢😢

  • @margaatots71
    @margaatots71 3 ปีที่แล้ว +2

    Real talk may mga na kikita ang mga mata na Hindi naman nararamdaman ng puso pinapakita nya na you're very special pero Hindi mo naman ramdam

  • @jaysonsoler5992
    @jaysonsoler5992 3 ปีที่แล้ว

    Nice po para tlg sa mng taong ng Mahal pero hnd Alam kng ano PG mamahal ,

  • @leonilynmagadia8460
    @leonilynmagadia8460 3 ปีที่แล้ว +2

    ANG SAD NMN😔PERO ANG GANDA PO❤

  • @bosesbabaero3038
    @bosesbabaero3038 2 ปีที่แล้ว

    Itong pamagat nito ang gusto kong itanung sa taong mahal ko...

  • @mariana2408
    @mariana2408 3 ปีที่แล้ว +3

    Ganda lods. Galing mo

  • @reynaldosimbulan2070
    @reynaldosimbulan2070 2 ปีที่แล้ว

    Mahal rin kita❤️

  • @redemmaranan5815
    @redemmaranan5815 3 ปีที่แล้ว

    Ano nga ba talaga ang totoo kahit ako man litong lito sa lahat ng pagdi denie mo...pero sa kabila ng lahat ikaw pa rin ang nasa puso at isipan ko naintindihan mo salamat sa tugmang kahulugan ng message na ito...sana mabasa mo...

  • @tricksphone4833
    @tricksphone4833 3 ปีที่แล้ว

    Natamaan ako ah. Hindi ko Kasi Alam Kong Ano ako SA knya.

  • @jasonsusayajps3187
    @jasonsusayajps3187 3 ปีที่แล้ว +1

    Yung Ikaw lang may alam na Meron kayo. At bigla nalang Siyang nag bago at nag laho. Ang sakit na di mo na Siya kausap at wala ng chance para mayakap. 😢

  • @kennethcy5194
    @kennethcy5194 3 ปีที่แล้ว +2

    Masakit yung line na yun ah yung "mahal ba talaga kita o namimiss ko lang sya?" Pero mahirap din yung sitwasyon na yan. Yung dimo alam kung mahal mo ba talaga. Pero na realize mo na hindi kapa tapos sa nakaraan mo, na andun padin pala yung feelings mo para sakanya na akala mo wala na.

  • @lovemisselle
    @lovemisselle 3 ปีที่แล้ว +3

    ano ako para sa'yo? OUCH. 'Yung di mo alam kung saan ka lulugar. Kung ano ba talaga siya para sa'yo. At kung mahal ka ba talaga niya.

  • @jewelaguirre9151
    @jewelaguirre9151 3 ปีที่แล้ว +1

    Mercyyyyyyy!!!!! 😭😭😭😭
    Hanggang dulo, parehas na parehas!!! Ano na??? Ang sakit sakit

  • @ginoongjuan3117
    @ginoongjuan3117 3 ปีที่แล้ว +1

    Ang galing mo lods💕💕💕

  • @kynchyu9005
    @kynchyu9005 2 ปีที่แล้ว

    "Meron ba talagang lugar ang isang katulad ko jan sa puso mo"
    Mahal ba talaga kita? 🥺Mahal mo ba ako? 🤧😭

  • @jenstv8768
    @jenstv8768 3 ปีที่แล้ว +4

    😍🥰 bravo idol galing² mo subra I hope someday makita kita to say thank you for inspiring other people more power sa channel mo😍🥰 and more subscriber to come

  • @blue_moon430
    @blue_moon430 2 ปีที่แล้ว

    Ikaw Yung taung mahal na mahal ko.
    Hirap na hirap akung abutin ka.
    D ba halata? Kung bakit ganito ako masaktan.
    Hirap mong mahalin alam mo ba.
    AKO. Madali lng akung mahalin kasi simpleng tao lng ako.miss kita kasi MAhal kita. Hindi mo mahal Ang tao kung d mo na mmiss.

  • @angeltuano3613
    @angeltuano3613 3 ปีที่แล้ว

    Anu ba talaga yan ang tanung? Ang masasabi ko dito!! Siguro hindi pa time!! May tamang panahon para dyan!! From Alpa

  • @aryshguevarra3477
    @aryshguevarra3477 3 ปีที่แล้ว

    relate much 😥
    saklap

  • @kylahsmithcaballerocover9515
    @kylahsmithcaballerocover9515 2 ปีที่แล้ว

    I feel you😭

  • @wystanferrera7750
    @wystanferrera7750 3 ปีที่แล้ว

    Yung pakiramdam na akala mo na ayus na kayu pero pilit nyung maging masaya pero ang totoo di naman pala alam nya kung ano ba talaga ang namamagitan sa inyung dalawa

  • @angelmejares3534
    @angelmejares3534 2 ปีที่แล้ว

    Pwede ❤️

  • @jenniferbalaoing9095
    @jenniferbalaoing9095 2 ปีที่แล้ว

    Tama no .habol na habol Ako .sa taong mhl ko .na nagawA nmn akong tanga

  • @jeselynminao8489
    @jeselynminao8489 3 ปีที่แล้ว

    Gandaaa

  • @NoOne-wz6sv
    @NoOne-wz6sv 2 ปีที่แล้ว

    relate

  • @nobita6749
    @nobita6749 3 ปีที่แล้ว

    Nice Sana meron pang sunod

  • @ricapuntas5899
    @ricapuntas5899 2 ปีที่แล้ว

    Same to the person I'm talking right now 😩😟

  • @deginondeginon6652
    @deginondeginon6652 3 ปีที่แล้ว

    sakit naka iiyak ako tinamaan ako ang sakit ang sakit talaga di ko kaya ang sakit 😭😭😭😞😭😞😭tama yan😭😭😞😞😞😞

  • @jeavielimpag8217
    @jeavielimpag8217 3 ปีที่แล้ว +1

    Ang sakit lods 💔😥😢😭

  • @marygraceacuna1884
    @marygraceacuna1884 2 ปีที่แล้ว

    Sakit😢😢😢😢kaya ko pa ba.😢

  • @LikhangJona
    @LikhangJona 3 ปีที่แล้ว

    Galing mo bagong lodi magjowa ka na ♥️

  • @kawaiineechan2748
    @kawaiineechan2748 3 ปีที่แล้ว +2

    Ang sakit🥺

  • @nephdelacruz3930
    @nephdelacruz3930 2 ปีที่แล้ว

    Mahal kita gusto kitang makasama mapangasawa kita jessey anne dahil mahal kita, more than friends ang gusto ko sayo....

  • @jerinanadinebaluran5248
    @jerinanadinebaluran5248 ปีที่แล้ว

    Iloveyou asawako yhwh 💘

  • @jerinanadinebaluran5248
    @jerinanadinebaluran5248 ปีที่แล้ว

    Asawa ko po 💘

  • @aljamesclinthdumpaas3975
    @aljamesclinthdumpaas3975 3 ปีที่แล้ว +1

    🥰😍

  • @maricaraprecio8101
    @maricaraprecio8101 3 ปีที่แล้ว

    Sobrang sakit na🤧🤧🤧

  • @sundaymostera6032
    @sundaymostera6032 ปีที่แล้ว

    Anu nga b ako sau yan lg tinatanong ko sau KC pakiramdam ko ginagamit mu nlng ako 😢

  • @arisdeguzman3532
    @arisdeguzman3532 2 ปีที่แล้ว

    A asawahin forever

  • @nafidahusman3654
    @nafidahusman3654 2 ปีที่แล้ว

    Parihas lng sa na raramdaman ko ngaun ngaun na kasama sea ngaun na parabang mahirap piliin anu nararamdaman mo kung nakkta mo nmn na may sya pa sa buhay nia😥😥😥

  • @ronalddeleonjr4218
    @ronalddeleonjr4218 3 ปีที่แล้ว

    Ang sakit yawa HAHAH bakit tugmang tugma sa takbo ng isip ko Ngayon?

  • @jenstv8768
    @jenstv8768 3 ปีที่แล้ว

    First😍🥰

  • @jessaaguinensor6881
    @jessaaguinensor6881 3 ปีที่แล้ว +3

    Pwede po about sa " MATAGAL MO NANG CRUSH TAPOS NAPAMAHAL KANA KASI MAG KASAMA LANG KAYO PALAGI "" pero friend lang Ang tingin sayo
    PLEASEEEEEEEE 🙏🙏🙏🙏🙏

  • @loveloveschannelvlog6653
    @loveloveschannelvlog6653 3 ปีที่แล้ว

    Tamsak done sis

  • @koreanangpikay8190
    @koreanangpikay8190 2 ปีที่แล้ว

    ANO ba ako sayo?
    Pagod na akong maghintay para malaman na importante ako

  • @stephanieramos3155
    @stephanieramos3155 2 ปีที่แล้ว

    Related

  • @arahmhay819
    @arahmhay819 3 ปีที่แล้ว +1

    Pa request uli po titig

  • @adrianagrade4077
    @adrianagrade4077 3 ปีที่แล้ว

    Masakit mn pero marami dalagang Paasa marami rin umaasa na baka gosto ka kaya ate baka hindi pa sya yung tamang tao kaya bitawnA

  • @lvyrosetepacsaquing3320
    @lvyrosetepacsaquing3320 2 ปีที่แล้ว

    Para isang taong nagmamahal paano na ito po ate

  • @mariateresapangako1033
    @mariateresapangako1033 3 ปีที่แล้ว +1

    😔🥺😭💔

  • @bienicenarag6260
    @bienicenarag6260 3 ปีที่แล้ว

    Hi po ate

  • @misspasulyap3836
    @misspasulyap3836 3 ปีที่แล้ว

    Isa po akong aspiring writer na gaya mo po... Natural voice mo po ba to...gusto kong mag spoken poetry pero ampangit ng voice q basag haha.. Nagtry na po ako sa main q kaso ampangit. Baka pede po pahelp😊😊😊

  • @johnlloydparcon4941
    @johnlloydparcon4941 2 ปีที่แล้ว

    Ito sabi Sakin Ng ex ko

  • @dominiquealonzotugas6618
    @dominiquealonzotugas6618 2 ปีที่แล้ว

    Paano naman yung may label pero parang ako lng yung nagmamahal. Dahil na earn na ba niya yung yes ko kaya kampante na siya??

  • @chesterjeffunabia7097
    @chesterjeffunabia7097 3 ปีที่แล้ว

    Sana maka collab kita sa spoken poetry

  • @geedtv7642
    @geedtv7642 3 ปีที่แล้ว

    Mercy 🤧😥

  • @corazonleyva2839
    @corazonleyva2839 3 ปีที่แล้ว +1

    you are my bf

  • @pitikginagmay9347
    @pitikginagmay9347 2 ปีที่แล้ว

    Pano mopo na iiwasan Ang copyright? Especially sa background music po? Salamat po.

  • @jibmacabuat6664
    @jibmacabuat6664 3 ปีที่แล้ว

    🥺😫💔

  • @aramargaret7284
    @aramargaret7284 3 ปีที่แล้ว

    😞😞😞

  • @smirnadafun4214
    @smirnadafun4214 2 ปีที่แล้ว

    :((

  • @badgisy2909
    @badgisy2909 2 ปีที่แล้ว

    Wala nman n tyo a

  • @althea_zaesulit3219
    @althea_zaesulit3219 5 หลายเดือนก่อน

    😢