"The Greatest Death Toll in a Game Show" - (The Wowowee Stampede of 2006)
ฝัง
- เผยแพร่เมื่อ 21 ก.ย. 2024
- The Greatest Death Toll in a Game Show , ganyan i-describe ang wowowee stampede o kilala rin bilang ultra stampede na naging dahilan ng pagkamatay ng 74 mga Pilipino.
Paano kaya nangyare na ang isang game show ang dapat sisihin sa kagimbal gimbal na pangyayaring ito? Ngayong gabi ay pupunuin ko ang inyong isip ng kaalamantunkol dito.
Sali ka na sa #TeamThirdie. Subscribe na! bit.ly/ClaroThe...
TIKTOK - / clarotheiii
INSTAGRAM - / clarothethird
FACEBOOK - TeamThirdie
Noong 1948, nag-babala sa Pilipinas si Mama Mary ... (The Lipa Apparitions)
-th-cam.com/video/E-9jspF6mZE/w-d-xo.html
Jen namay juice
Kapi lang idol
Mabuti gumagana ang link kasi ngayon di na
@@earlnovero8208 link Ng game ustomo
Noodles lang maamshie clar kasi may tarangkaso ,but sarap manuod nakakagaan talaga ng pakiramdam 🥹❤️
"Ang akala natin pag mahirap, tamad lang... ang akala natin wala nang balak sa buhay, pero yung totoo wala lang silang kawala sa sitwasyon," thank you for using your wide platform in a very impactful way. Hindi mahihirap ang totoong kalaban
Edukasyon talaga ang solusyon. . Malaking advantage na may kaalaman ang isang tao. .
Nasa tao talaga ang problema, ang daming kabataan ngayon na nagpapamilya ng maaga, ang ending kahirapan. .
Mali kasi yung organizer, Sana inutusan muna nila ang mga Tao na pumila, ang hindi pipili hindi mabibigyan, ganun Sana. .tapos pag naubos na yung ticket edi hindi na makakapasok yung iba, ganun Sana., hindi yung announce nila na first 300 pang mabibigyan, malamang magtatakbuhan at unahan mga yan, .eh ang dami pa naman jan mga matatanda na fans ni Willie. .so wrong ABS-CBN
I was here with my younger brother, my mother and my Auntie. 9 years old pa lang Ako Nyan, then Yung kapatid ko 7 years old. Pumunta kami Dito para magtinda Ng Sandwich at tubig sa mga taong nakapila and after sana magtinda makapasok sa loob. Buti na lang nasa labas pa kami, dahil Hindi pa kami makapasok sa loob dahil nga sa sobrang Dami Ng tao. Then I remembered, nagkakagulo na Yung tao, nagtatakbuhan na, may Isang restaurant na nagbukas Ng pinto para makapasok kami ni mama sa loob. Para di kami matangay Ng mga tao.
Napakabuti ng loob ng restaurant na yan ❤
In my 22 yrs of living. Ngayon ko lang nalaman ‘to! (4yrs old me that time) who’s with me?
Isa rin ako sa Fan ng wowowee noong bata ako dahil maraming natutulungan si kuya will, at sobrang nakakalungkot yung nangyaring stampede at 1 sa kapitbahay namin ang namatay doon, sa ngayon maganda na ang buhay ng pamilya ng biktima hindi naman sila na pabayaan ng programa noong nangyari ang insidente, ang mga anak ng biktima ay mga professional na ang nakakalungkot lang ay Hindi naabutan ng kanilang ina ang tagumpay nila.. 🥺
Grabe siguro tulong na binigay ng programa noon
@@kingjamesanhao8088wala ka palang pake pero nagkomento ka? isa kang literal na toxic filipino.
shinare lang story tapos ganyan ugali mo 😏
sayo kaya mangyari nangyari diyan.
@@kingjamesanhao8088basta fan talaga ni Lebron mga h*mbog ugali ea 🤣
@@kingjamesanhao8088edi putanginamo pweeeh🤣🤣🤣🤣
@@kingjamesanhao8088 kupal ka rin pweeeee😛😛😛🤪🤪🤪
the Ultra Stampede was the most eye-opening moment in Philippine game show history bcus there were A LOT of mishaps in terms of the management and lack of crowd control. sobrang tragic ang pangyayari.
Maybe it's because INUNDERESTIMATE nila ang hunger ng filipino's for chances/oppurtunities kuya Claro. For the families na nawalan, they will forever carry the pain. May God give them the strength to carry on. God Bless everyone. 😔
9 years old Ako Nyan nang nagyare Yan . Naapak apakan Ako Jan . Buti nalang talaga Hindi kame nauna sa harapan dahil dalwang beses nasiraan ung sinakyan Namin . Talaga salamt Kay lord dahil ligtas kame ☺️
same that time since i was grade 3 na matutuloy sila mama isang jeep then before kinabukasan 7am nagkaron na ng ipitan, hindi na sila tumuloy how sad, so scary 😢
Same Anjan din Ako nun grade 2 Ako nun ksmaa Ako ng Lola ko . Buti nalang Nung time na Yan nakatakbo kami ng Lola ko . Naalala ko nahulog pa cp ng Lola ko niya . Naawa Ako sa mga naapakan .
Same po 9yearsold din ako noon
Signos n d m p oras
Same, that time I was 3 years old, karga ako ng nanay ko, nakita ko nagkakagulo mga tao
UP NEXT: The Tragic Love Story of Rico Yan and Claudine
❤❤❤
😢❤😢
Isama yan Rico Yan fever.
Bkt mga kabataan bigLa nagppunta sa puntod ni Rico taz ssbhn "kalmado sa pakiramdam"
Like 🙄🫨😒
kuya Claro waiting po sa POSO INDONESIA na sinuggest ko po😭😭 HAHA sana magawan po
Grabe video nyan pati mga Bata damay@@EduarisonLiwag
I remember nung bata ako, muntik kami sumama sa mga kabaranggay namin na pupunta sa event na yan. Thank God may pasok ako nun and di ako pwedeng umabsent. And buti nlng din di nakapasok yung mga kabaranggay namin kasi sobrang layo na nila sa entrance. Grabeng trahedya yan.
Naalala ko to grade 6 ako. Manonood kami sa TV ng anniversary nila since favorite show ng magulang ko to at sakto sabado, walang pasok sa school at si papa wala ring pasok sa trabaho. Biglang balita yung stampede grabe ang tindi. Yung footage nung mga tao at survivors kitang kita mo sa kanila yung hirap at sakit, lalo yung mga namatayan. Iba yung impact neto noon kasi parang nagkaroon na rin ng lamat yung Wowowee after nung stampede. Dito rin nagsimula mag higpit yung mga organizers sa mga live shows para di na maulit yung gantong stampede.
FYI, kuya Claro, magbabalik na si kuya Willie sa TV 5 para sa kanyang game show. According to Kuya Wil sa interview sa TV 5, he really regrets and reflects the stampede incident noong 2006 so nagbago na siya at layong naging strikto na siya sa Wil to Win na bago niyang game show sa TV 5.
first time ko malaman tong storya T.T ngayon dahil dito plus yung nangyari nung halloween sa korea few years ago, gets ko na bakit ayaw ni papa pumunta and ayaw kami payagan papuntahin sa masyadong crowded na events gaya ng concerts. Mabuti pa rin talaga yung safe :((
Same wala akong narinig about this ngayon lang dahil kay kuya Claro.😢😮
Same
Pinsan ng papa ko isa sa survivor.. umakyat sya sa pader to survive. According to him nakikita na nya na sa super dami ng tao eh parang umuuga na yung pader, kaya umakyat sya agad sa poste malapit sa kanya.. bago pa magtulakan nasa taas na sya ng poste kaya hindi sya nasama sa stampede. Nakita nya lahat mula sa taas.. naaawa sya pero wala din siyang magawa 😢
mabuti aware ang tito mo and may survival instincts sya . dapat din talaga may disiplina tayo sa sarili natin at hindi basta basta nalang
mas pinili nya na hindi makipagsiksikan sa mga tao at makipagtulakan para lang mauna sa pagpasok sa loob
ang kaso katamihan sa nagpunta mga senior na kaya expected talaga na mag tutulakan yang mga yan abs ang responsible jan kasi yung before palang ang event nag karoon ng coor sa pasig city hindi magkakaganyan kita sa aerial shot ng video na walang pila ang mga tao wlang sinusunod na patakaran kasi walang nag papatupad lahat nakatayo sa mag barikada
Still fresh in my mind.
1st yr. High school ako nito. Nakita ko sa balita iyak ng iyak yung tatlong babaeng host.
Promote ko lang ang aking instagram, tag niyo ako sa mga stories niyo watching claro the third stories
I heard stories about this, and I agree with you Kuya Claro. Sa hirap ng buhay sa Pilipinas, talagang hindi mo masisisi ang mga taong pumunta sa event, lalo na yung mga taong walang stable income, they will resort to desperate matters lalo nung malaki yung possible na makuha nila. At any kind of event, kailangan talaga ng planning, lalo na for crowd control sa ganyang type of event na dadagsain talaga ng tao. In my opinion, the people that should be held accountable for that is first of all, the CEO, next is the organizers kasi sila nga ang nag organize eh, dapat nag prepare sila nyan beforehand, next are the security, sila mismo nakikita nila kung ano na ang situation ng mga tao sa labas palang ng gate, they also should have been prepared, at doon sa nag announce about the one segment ng wowowee, dapat sa pag advertise palang nung event, nagsabi na sila ng bilang ng makakasali. Yung buong production rin sana hindi lang yung CEO kasi it takes a whole team to set up an event.
Hindi ko makakalimutan 'to muntik na talaga mapasama ang biyenan ko dito... Pupuntahan sana namin sya dito eh, buti nalang nasalubong namin sya papunta kami pauwi naman sya dahil troma ang inabot ng biyenan ko dito. Nakaka awa sila dahil sa tulakan na ngyare... Nakita nya nalang daw na yung mga kasama ng biyenan ko eh nadaganan at naapak apakan na.. dahil sa tulakan napapunta ang biyenan ko sa gilid at hindi sya nakasama sa mga kasamahan nyang naapak apakan na at nadaganan, natakot na daw sya at naiyak dun sa gilid at nag hanap ng malulusutan palabas ng lugar na yun. Nakakatakot at awa ang naramdaman ko sa kwento ng biyenan ko 😢 Salamat sa DIYOS at hindi nya hinayaang mapasama sa mga nasaktan at namatay ang biyenan ko. 😢
Pumunta Mama ko jan and sobra kaming iyak sa sobrang kaba while watching sa news thinking na napahamak rin si Mama jan.
Hi po kuya Claro, for me po ang responsible dito is yung sarili natin kasi that time we have the opportunity to stay back, yes I understand na desperate silang makaahon sa kahirapan, but of course dapat ilagay natin ang sarili sa kung ano ang mas makakabuti, safety first.
In conclusion, if we have choices, choose the better side of it in every situation, Huwag magpapadala sa emosyon.
ang problema po kasi, kapag nakulong ka sa stampede, kahit pa gusto mo na umalis ay hindi ka makakaalis. kabobohan na sisihin ang mga taong nadisgrasya at namatay diyan. Sa tingin mo ung mga lola gugustuhin pang makipagbardagulan sa pag-uunahan nung may gulo gulo na? Maganda na may sarili kang opinyon, pero hindi kailanman pwede sisihin ang mga nasaktan at namatay sa sitwasyon na yan.
Altho that is true, kapag sinabi nating stampede, wala ka nang kawala. Mapupunta ka talaga sa ilalim at matatabunan ka kapag pinilit mong umatras.
@@xaibur9369you're crab minded as fuck. Do you think they're not aware na magkakagulo? Obviously sa pila pa lang mapapansin mo na kung organized ba talaga or hindi eh. They're old enough para malaman sa sarili nila na they're not suitable for that kind of situation but guess what? Nagpabulag sila sa thought na "sana swertehin ako" or "baka umuwi akong milyonaryo". Do you get what I mean? Kung sa pila palang, wala nang disiplina eh. It's about choices and It's all about discipline bro. Its always the "di natin masisisi yung mga tao" sila yung gumawa nung stampede pero di pa rin sila pwedeng sisihin? What a crab mentality. And FYI the stadium's maximum crowd capacity is 19k which is way beyond the event organizers expectations. Why would you risk your own wellbeing sa chance na 0.003% na manalo sa pa premyo? And if kumpleto man yung 19k na crowd, your chance of winning is still 0.005%. Wake the fuck up.
@@xaibur9369bulbulin ka na, ganyan pa rin mindset mo.
@@xaibur9369ewan sa utak meron ka.. mainam pang sinabi mo na lang na walang dapat sisihin kasi kung tutuusin kung may pagkukulang ang abscbn management at event organizer, meron din namang kasalanan ung mga tao kung baket nagka stampede, sila nga nagcause ng stampede e, halos sirain na nila mga barricade para lang makapasok, so may kasalanan sila kung baket naging ganon ang sitwasyon
While watching this I remember everything kasi nandyan kmi nila mama nung bata pa ko, dyan nagstart ang trauma ko nahiwalay ako kila mama n’yan natatakot ako that time sorry IM still crying ng maaalala ko lahat I saw dead people there akala ko pati ako diko na makikita sila mama n’yan pero thanks God kasi nakita ko ulit sila and nakasama grabe ang iyak ko nun at subra na Miss korin sila mama pero yung memories and trauma hanggang ngayon nandito parin ang daming umiiyak ang daming nasaktan at lalong marami ako nakitang dead people subrang sakit naaalala ko pa mukha nila 😢😢😢 sorry it brings back my memory and trauma
Hugs
Hugs po
Hindi kc agad nagppasok Ng tao alam mo 4am pa lang the other day nandon na ako.tapos Wala pa rin teket .kaya may nagtulak. At pilit binuksan ang gate.
Im 27 years old pero ngayon ko lang nalaman na may ganto palang nangyari before. Thank you, Claro
Same
Same here. Ngayon lang ako naging aware na may naganap Pala na ganito. Thanks carlo
Same..wala kasi kaming TV nuon..minsan lang nakakapanuod sa kapitbahay..😢😢 kaya pala nawala..
Same 🥹 Awang awa pa ako nong Halloween sa Korean stampede.. Mas malala pa pala ito. 🥲
In general ung question kaya in general din ang sagot. unang unang dpat sisihin jan e yun mismong mga crowd na imbis magtyaga naghanap ng trabahp e umaasa na lang sa mga pacontest sa tv. matapobre man pakinggan pero yun ang totoo pero sympre ssbhin ng mga kaanank ng nangulila e ang sama-samako at wala ko sa sitwasyon nila.. pangalawa, yung organizer mismo.. sa lahat ng mga event nman basta nagkaroon ng problema e laging organizer ang dapat sisihin dahil sya ang incharge sa overall operation ng buong event.
Tama kasi ang taong sanay sa Libre ng tulong kahit sino naman diba
te khit may work ka, di mo agad agad makukuha ang 1m
@@lyndoll4794yes di makukuha ang 1m pag work lang , pero ang point ng comment is dapat disciplined mga crowd.
araw araw ba pumupunta ung mga pare parehong tao sa show? para sabihin mo don lang sila umaasa? ikaw kasi may choice ka na mag-inarte, na di mo naman kailangan ng dagdag para mabuhay. Pero marami sa kababayan natin ang maraming pinapakain, mga bayarin, at kulang na kulang ang sweldo. Marami na ang sweldo ay mas maliit pa sa minimum wage, imagine halos 470 sa mga probinsiya sa isang araw tapos ilan anak, kapatid at babayaran mo. Grabe nga ung tiniis nilang gutom at pagod para doiyan, tamad ba un? wala lang oportunidad. Hindi ko rin alam bat linike ni claro yang comment mo.
ang may kasalanan talaga diyan ay yung organizers at ang istasyon. kita namn nila na magkakaproblema pero binalewala
kung may chance na magbago buhay mong sobrang kapos, di ka ba susugal? marami diyan for sure gusto na umalis, naipit nalang talaga sa stampede at nagkagulo ang mga tao
I'm not shaming or blaming Sir Wil, pero I saw how they hyped/promote sa TV yung dami at laki ng prizes for the Anniversary special. Kapag walang wala ka, parang ito nalang pag-asa mo.
Yes I agree, sana i-nayos na yung pila ng crowd and coordination sa ganitong kalaking events.
Nakakalungkot yung naging result dahil hindi ma-control yung dami ng tao..
Naalala ko, may isang nanay na namatayan ng anak dahil nasangkot din sila sa trahedya ng Ultra. Napanood ko sa isang documentary, nung nangyayari na ang stampede, naipit na yung mag-ina dahilan para matumba ang bata at matapaktapakan. Sa kasamaang palad, ang isa sa mga tadyang ng bata ay nabali sa pagkakatapak sakanya at agad na tumusok sa puso ng bata na syang naging dahilan ng pagkawala nya. Noong bata pa ako, aware ako na may ganitong nangyari, pero ngayong nasa tamang pag-iisip na ako, hindi ko inakala na ganito pala kalala. My deepest sympathy sa lahat ng nawalan ng mahal sa buhay dahil sa tradhedya sa ultra
Ano pong docu yun?
@@flyyyn_woodz di ko na po maalala eh, pero alam ko, special docu yun ng GMA para sa Ultra Stampede issue.. Try nyo po i search..
One of the people who died that day was my bf's mother, and his sister was among those who were injured. It's very sad. Until now, my boyfriend still misses his mother, because he was still young when he lost his mother.😢😢
naalala ko na-discuss itong topic sa Disaster Readiness and Risk Reduction subject namin noong Grade 11 pa po ako. Nakakalungkot talaga na nangyari ang trahedya na ito.
hello Claro, I believe sarili padin natin ang accountable sa lahat ng nangyayare sa buhay natin, we are designed by God evenly, pero may iba-ibang plano ang Diyos sa bawat isa sa atin, kung may nangyare man na ganyan trahedya naniniwala ako na paraan to ng Diyos para sa paglago natin , nung time na yun di natin maiisip na dapat pala next time mas organized na, or kung di mang yayare yun, magiging mas level up ba yung isip ng mga organizer sa panahon ngayon,. well parang yung sa "rewind" kung di mawawala si Jose, di magiging successful na chef si Mary diba, yun lang po sana mabasa mo to
Kaso di ata nagbabasa😂
Uy , sana nag eenjoy kayo. Kasi ako enjkoy na enjoy mag kwento sa inyo
Sa totoo lng dala n din tlga ng kahirapan ung nangyare n yan..sa dami ng nagbabakasakali na pag uwi nila ng tahanan dala n nila ung swerte galing sa wowowee. Haisst mhirap maging mahirap kc lahat tlga ng bagay gagawin mo makaahon lng sa kahirapan
Kuya clarooo, i miss the old days
Naalala ko po yan isa po ako kasama ng pinsan ko na pumunta diyan para mag witness lang sana ng anniversary .Medyo bata bata pa kmi ng pinsan ko ng time na yan. From Bulacan nag punta kami ng Ultra at umalis kami ng Bulacan mag 6pm ng gabi at nakarating kami ng pasig around 8 or 9pm.Pag dating namin ang dami na kaagad nakapilia.Inikot namin ang buong lugar kung saan mas kokonti ang pila pero halos lahat ay napakahaba ng pila.Kaya sumunod na kami sa linya halo na ang antok at gutom bago kami makalapit sa entrance gate at sa pag kaka alala ko ay madaling araw na ay nakapila at nakarating lami malapit sa entrance gate.Sa totoo lang nagkaroon ako ng premonition ng time na iyon at ito siguro ang dahilan at naka ligtas kami sa istampede.Dahil nung malapit ng magpapasok at nag aanounce na ang organizer na magpapasok na bigla ko napansin ang paligid.Nagkaka gulo na matanda,bata,babae,lalake at kahit na sino ay sobrang iba na ang mga hitsura.Nanlilisik na ang mga mata nila at parang may kakaiba ako naramdaman kasama ng parang kinikilabutan ako at sa isip ko parang kakaiba na yung paligid.Samantalang yung pinsan ko hinihila ako para mas makalapit kami sa unahan.Sinabi ko sa kanya umalis na tayo kakaiba na ang pakiramdam ko sa paligid sabi ko delikado na.Ilang minuto lang ang nakalipas ng paglayo namin sa crowd naganap na yung stampede nagkatakbuhan at nagkagulo na kaya tumakbo narin kami papalayo at napunta sa open ground kung saan doon yung iba na di makakapasok.Doon sa open ground ang dami paring tao na kasabay namin na nagtakbuhan doon pati nga suot ko na jaket nawala sa akin katawan gawa ng sobrang nagsisikan at sa pagkakataon na iyon tumakbo lang kami ng pinsan ko para maka layo sa karamihan ng tao. Bigla kami nanghina at nanlumo sa pangyayari.Laking gulat ng pinsan ko kung bakit ko daw nalaman na may mangyayari na di maganda.Hanggang nagpa umaga na kami para makabalik na ulit kami ng bulacan.Habang nasa bus sobrang pasasalamat namin sa Panginoon at ligtas kami sa tiyak na kapahamakan at pati pinsan ko ay nagpapasalamat sa akin.Nakarating kami sa bahay mga 9am at nag alala din mga magulang namin kasi naibalita agad ang nangyari pero pasalamat sila at di kami napasama sa stampede.Isa sa karanasan na dina namin malilimutan.Naibahagi ko lang ang isa sa matagal ko na kakaibang kahindik hindik na pangyayari.
Sa sagot sa tanong kung sino ang may kasalanan.Para sa akin ay ang organizer ng show kasi maraming pagkukulang ang naganap nag over hype sila sa mga tao plus the fact na maliit lang naman ang venue para sa mga dumating na tao.Kung nagbigay na sila ng ticket before sa exact day maiiwasan na sana magsiksikan ng tao.Naiwasan po sana ang pagkawala ng maraming buhay😢Salamat po
Buti po okay kayo
@@randhelsoriano9418 yes before kasi nag stampede umalis na kami sa siksikan gawa ng kakaiba na ang paligid noong time na yun.Sobrang weird pakiramdam ko may mangyyari na di maganda. At yun na nga malungkot at nangyari na nga.Thanks God at naka layo agad kami.
I still remember it to this day. Laman ito ng news for weeks. I was still a kid back then pero ramdam ko yung lungkot na dulot ng stampede.
We appreciate how well you've articulated your insights. Keep doing your best.
Grabe sayo ko lang to nalaman kuya Claro, 6 na taong gulang palang ako neto pero di ko alam na nangyari pala tong trahedya na to sa isa sa pinakasikat na gameshow noon 🥺😢maraming salamat sayo kuya Claro the III sa pag ungkat at pagshare ng balitang ito. Magaganda po ang content niyo puno ng kaalaman na magagamit para sa kamalayan naming mga manonood. Pakikiramay para sa mga pamilya ng mga nasawi sa nabanggit na trahedya 🙏
2005-2006 nangyare to. Keypad cellphone pa Ang ginamit sa pag video nato
16 ako nito kaya tanda ko lahat Yan abot world wide
4:34 (Dolphy) its from wiltime bigtime po sa tv5 ni kuya wil nun sa primetime po, to clarify lang po hehe
I watch this as in sa GMA news. Grabe. RIP sa mga victims 🙏
Yes although I'm a gen z but I can still remember that tragedy it was all over the news at that time from TV Patrol to 24 Oras grabe talaga yung mga tao noon para lang makapanood si kuya wil at manalo ng mga papremyo na nauli sa kaguluhan. 2006 Kindergarten pa ako at malapit na akong mag Grade 1 palang ako niyan at that time at nasa Guinness world record pa yan sa naaalala ko
4 to 5 yrs old palang ako nyan kaya diko rin alam na may nangyare palang ganyan 😢 gaya ng pagkakasabi mo kuya mukang mananagot talaga ang staff nyan sana natutulongan parin sila 😢
Sobrang trumatic nito kabag nakakakita ako ng pila ng maraming maraming tao nsa isip ko ang stampid.
Isa ito sa rason kung bakit ayaw ng ermats ko na pumunta ako sa mga crowded events. 6years old pa lang ako that time pero alam ko na may alam na ako sa mga nangyayari, until now hindi pa rin ako pinapayagan pumunta sa mga alam niya na possible magka stampede. it connects din sa ozone disco sa mga kapanahunan nila kaya may trauma na napasok sa utak na delikado talaga.
Hi, Claro! I remember that grabe. Nag-away pa kami ng Nanay ko dahil fave ng Nanay ko yan.
Curious ako, ano nangyare kay nanay mo?
back in 2006 disturbing na balita tong nalaman ko, parang nakakatrauma mabalitaan yung ganitong incident. In present time, didn't expect na magiging asawa ko ang grand-daughter ng isa sa mga victim. Don't worry po nay, mamahalin ko po ang apo nyo. Rest in paradise po sa mga victim.
parang ang ganda ng quality ng video today . super linaw
Grabe kilabot namin dito nung binalita, yung tita ko nag aya sa buong family ko pumunta sa anniv NG wowowee at nabadtrip pa sya at sympre pagod dahil namali kami NG araw NG punta, kaya napakabuti NG Diyos talaga at nakaiwas kami sa sakuna na mangyayari. Elementary lang ako that time
Habang na kikita ko yung lugar na dinaanan nmin nung time na yun na madaming wala NG buhay 😢
naalala ko dapat pupunta kami ng lola ko nung araw na un kasi sobrang idol ng lola ko si willie, alam ko may ticket lang mga pwedeng makapasok, sabi ni lola punta daw kami baka sakaling makapasok kami. buti nlang ung tita ko todo ung awat kay lola kasi nga sobrang daming tao, baka din daw mawala ako dun. buti nlang at sumunod si lola, mga ilang oras lang yan na ung balita nagka stampid na, napasalamat sa diyos nlang ang lola ko that time kasi pinigilan sya ng anak nya na mag punta kami dun for sure baka daw isa kami sa napahamak.
Grabe to..isa sa nakakakilabot na pangyayari..lahat halos naka abang dito...Kasi ang daming ipapamigay na premyo..tapos gabi gabi binabalita sa TV kasi bago sumapit yung mismong event ay madami ng nakapila sa labas..yung mga Taga Province lumuwas pa ng manila para makipagsapalaran na baka manalo at manood. Tapos aun biglang balita stampede na
Ang accountable Dyan, is Yun organizer ng event na yan, they need to expect always for worst, or think for worst, PARA at least maisip nila kung paano gagawin if mangyari yun
nah
10 years old (grade 5) pa lang ako that time yung nangyare ang "ULTRA Stampede" 😭
Kalaban to dati ng Eat Bulaga 😓
May shows din dati si Kuya Wil sa TV5 wayback 2010s era :
- Willing Willie (2010-2011)(pang-gabi siya)
- Wil Time Bigtime (2011-2012)(pang-gabi din)
- Wowowillie (2013)(noontime)
Wowowin sa GMA 7 and then nasa TV5 na uli which is "Wil To Win"
Mama ko pumunta din jan, mabuti na lang nung nakita nya nagkakagulo na eh, lumayo sila sa pila kasama mga tropa nya. Sa tingin ko liable both Wowowin and ABS. Masyado hinype ni Willie yung event na di pinag isipan ang safety ng mga pupunta. Days prior sa event madami na nakapila pero mas gusto kasi ni Willie at ng ABS yung ganung ipakita sa buong mundo na marami supporter ang show. Inisip pang nila yung benefit nila. Di ko talaga gusto yung ang concept ng show ni Willie, pero mama ko tuwang tuwa sa kanya. Di namin sya pinayagan pumunta pero tumakas😂 Nung napanood nagka stampede na, jusko ko po pag aalala namin tapos di pa sinasagot ang phone nya. Umuwi kinahapunan, ayun..sermon inabot nya sa amin hahaha. Sabi ko: "Ano? uulit ka pa?" Pero sobra pasalamat namin sa Diyos at di sya nasaktan. Pero sobrang sad doon sa mga biktima lalo mga senior😢
I was there during that time and sobrang di ko makakalimutan yon grabe ang feeling na makakita ka ng buntis na nadapa at natapak tapakan dahil wala ng pakialam lahat at ang iniisip na lang makaalis sa lugar na yun. trauma is real para sa gaya kong batang bata pa naranasan ang ganong klaseng stampede 🤦🏻♀️
2007 nag work ako as janitor/maintenance sa Ultra...naging ghosttown yung ultra...as in walang event...nag lilinis ako sa basketball court noon ako lang mag-isa...nakakatakot kc that was aftermath nung stampede
Di ko talaga malilimutan ang araw na2 kc libing din ng tatay ko ang araw na2..subrang lungkot talaga ng araw na2..Ang Pogi2 mo d2 Claro...❤❤❤😊😊
Naalala ko to kasi kasama ng mama ko ang mga kapitbahay nmen jan tpos nabalitaan nmen na wla na daw c mama nkahanda na sana ang lahat para sa lamay ng mama ko buti nlng ndi pla siya yun dahil yun I.D niya napunta sa iba. Binalita na kasi sa tv na nndun ang name ng mama ko Thanks God at nsa mabuting kalagayn lahat ng kasama nila mama
ksama kmi sa pumunta ng lola ko jan . 2nd yr highschool ako nyan . grabe iyak ko kc nagkahiwalay kmi ng lola ko . pero thanks god . safe kmi prehas
Ngayon madami ng nagmumulto jan sa stadium one time pupunta kami sa megamall. tapos nag kwento ung driver ng fx madami daw sila nakikita jan sa hallway pagdadaan sila jan sa ultra
Yaiks. Nakakatakot
Nag usher kami last yr sa PhilSports Arena nung PBA Finals, Ginebra vs Bay Area, may nag report samin na audience na may naririnig daw silang whispers even sobrang lakas ng crowd, also may report din about sa security guard na palagi daw pinaparamdaman..
Nag baka sakali sila na pumunta dyan sa ultra dahil umaasa silang maka kuha o maambunan ng swerte dahil napaka mahalaga sa bawat mahihirap na tao ang pera dahil sa sobrang kahirapan pumunta sila sa wowowie upang mabago ang buhay nila ngunit hindi nila alam na may panganib pala na nag aabang sa kanila na dahilan kung bakit may mga taong nag wakas ang buhay dahil lang sa hinahangad na mabago ang buhay at ito nga ang nangyare. Sa dami ng mahihirap dito sa pilipinas halos lahat nag punta dito at nag bakasakaling makakuha ng premyo at mabago ang buhay ngunit sa isang idlap ibang iba pala ang magiging buhay ng mga taong nag hangad lamang ng konting ginhawa.. buhay ang naging kapalit ng kanilang inaasam na tagumpay. Yun lang ang masasabi ko for my own opinion. Thank you and GOD BLESS US ALL PO 🙏🏻
Kwento ng papa ko, weeks prior the anniversary, nag camp out na sa labas Ng ultra ang mga Tao. Dun na sila nagbabanyo sa gilid gilid at nakaka abala na raw sa mga subdivision na malapit. Sad reality na marami ang umasa na mananalo sila dun.
I was a freshman noon at ako nag feed ng mga ganap sa stampede to my professor. Kakakilabot.
Disiplina and misunderstanding ang problema diyan, kaya nagka-stampede.
naalala ko to dati grade 3 ako noon..shout out sa mga classmate ko sa Marick Elementary school that time.😂
nostalgia to tuwing tanghalian laging pinapanood sa bahay. habang na inum ng Jazz at Rc noon hahaha😂
6 years old ako that time. May kapitbahay po kami nasawi sa stampede na yan. May sakit po yon, naka wheelchair na. Gusto lang din po magbakasakali manalo at makita si kuya will.
Bata pa kasi ako non, diko pa naiintindihan lahat.
Ewan ko po if may may nakuha silang support from abs cbn. Kasi nakita ko non nong burol may pumuntang staff at iniinterview sila. Ewan ko lng po if naka ere yon. Kasi may mga camera po.
Grabe ngayon ko lang nalaman to. Salamat claro!
It's about time you discussed this tbh. I was watching that archived 24 oras coverage of this from Jacobshltr and thought 'talagang nakakakilabot tlga itong pangyayaring ito'
Can I request the next topic: Maguindanao 2009 Massacre and Pamplona Incident 2023?
After 18 years ago ngayong 2024 at nagalala kaya ang nasawi sa Ultra Stampede sa Pasig since 2006 at ikinalulungkot po ang mga ulila ng alaala ng mahal sa buhay para sa aming kaarawan ng Wowowin ng ABS-CBN at hindi kita malilimutan natin sa alaala.
#AlaySaKapamilya
#Remembered2006UltraStampede
#NakikiramayPoSaMgaNaulila
My Mom was one of the people na nakipagsapalaran para makapanood kay kuya wil. Sa Awa ng Diyos ligtas silang nakauwi sa trahedyang nangyari na yon. I was 6 years old that time at walang kamuwang muwang na may ganon na palang insidente na nangyari. RIP to those who lost their lives.
God Bless sa mga taong mga nasugatan lalo na sa mga nawalan ng mga mahal sa buhay its almost 19 years since the accident
Sobra fan mo tlga ako since 2020 simula nung nakita kita sa kapatid ko nanonood sya syo nanuod na den ako hanggang ngayon❤
Hi mo ako sa kapatid mo
Parang ang creepy ng old tv clips😖
It is creepy thinking that all of it happened 20 years ago.
Grabe 5 years old pa lng ako mahilig na ko manood ng tv lalo na balita pero, dko na toh maalala pero grabe nakakalungkot toh sobra . Thank you sa pagpapaalala ng news na toh.
Skin less with egg. And coffee while watching you. Na alala ko ung time n yan nsa loneta kmi
Bata p ako nun may event ang church nun.
Tapos biglng umingay daming ambulance sobra.😭😭😭
Pag uwi nmin ng bhay ganun na pla nangyare.
ANG SARAP!
Normal stampede palang nakakatakot na, as someone who has experienced a stampede, di ka talaga makakahinga kapag nasa gitna kana. Kahit anong pagmamaka-awa mo na padaanin ka o kaya wag sila mashado magtulakan, walang nakakarinig. Buti nalang nakapanood ako nun ng ways para hindi madisgrasya lalo sa stampede, andun ako sa gitna, trying to take more air as much as possible. Buti nalang naka-alis kami dun, antagal namin na stuck sa gitna, normal stampede palang yun.
i've heard this story b4 & it's great for some1 to to discuss it again
Kuya Claro Nakakawala po ng stress yung mga Video nyo Thank you po
Lalo na nu'ng napanood ko yung latest Upload nyo na
Nagpakita si Mama Mary ❤❤
Forda QOTD: I was in Cavite when this happened and at school and I remember that Ultra Stampede was really a trend! Sobrang nakakaawa mga namatay at mga pamilya nila 😢 mahigpit na yakap sainyo!🫂
Ang masasabe ko rito is, yung nagoorganize ng show yung at fault dito. Una kong napansin, why they were expecting 5k capacity dahil nasanay sila na ganon lang tao sa mismong studio nila, when syempre nasa labas sila ng ABS expected na mas maraming pupunta? I wish nag Araneta Coliseum nalang sila. Pangalawa, nung namimigay na ng tickets. They opened the gates, and there was no even an organized line for the tickets, syempre dudumugin na nila yan atat na sila eh, and, may mga nauna na pala jan days before their 1st anniversary, so talaga namang gulo!
I hope and pray this is a lesson learned not just by the organizer but whoever's in it, para sa mga gantong ganap eh mapaghandaan.
So far sa panahon na to, organized na lahat kase digital na.
Yun lang.😇✨️
*Grabe ngayon ko lang nalaman 'to. Batang 90s ako pero hindi kase kami masyadong nakakapanood ng TV lalo na kapag may pasok. May ganito palang nangyari sa Wowowee.*
8:14pm 7/14/24 Kuya Wil da best! Hanggang sa Wowowin pinapanood ko siya. Sana mapayapa at maayos kalusugan niya ngayon.
Thanks sa pag feature ng upload ko hehe, noble endeavor :)
Love your show. Ngayon ko lang na watch. Pero ang galing Ng research mo. Kudos!
Nasubaysabayan ko yan.... Week before pa lang nag papakita na si kuya Wil ng mga dollars na pwedeng mapanalunan sa programa nya... At parang sinasabi nila na lahat magkakaroon walang uuwing talunan.... Ilang days pa lang marami ng natutulog sa labas ng ultra... At hindi din nagpahuli nanay ko... Pumunta din sya di para sa premyo... Ngusto lang nya kasi parang masaya daw... Lagi kasi syang nanunuod sa studio.... Pero nung nakita daaw nyang nagtutulakan na at marami ng hinihimatay umalis na sila.... Sabi pa ng iba kaya silaa nagpunata para sa pera na mauuwi nila.. Wala silangan pamasahe pauwi.. Papunta lang daw dala nila kasi expected nila na magkakaroon sila... Para kang naghain ng isang pirasong karne sa isang daang gutom na lion...
PARA KANG NAG HAIN NG ISANG PIRASONG KARNE SA ISANG DAANG GUTOM NA LION,OMAYGAD ANG GANDA NG SENTENCE NA TO AT NAKAKA KILABOT,TALAGANG PATAYAN TALAGA MANGYAYARI JAN
Halaa kuya Claro naalala ko yan napakabata ko pa nyan pero Hindi ko tlga makakalimutan yan lage kami nanunuod nyan ni mama. If ever hndi nangyare possible Hanggang ngayun may Wowowee pren. Napaka-tragic lang.
After mangyari ang trahedya nung 2006 nagtuloy tuloy parin ang wowowie until 2009 or 2010
Kahirapan Ang dapat sisihin kaya nagkakarandapa Ang mga mahihirap na mabigyan ng biyaya kahit gano pa kahirap magkikipagsapalaran talaga at magbabakasakali😢😢😢
My lola was one of the casualties dito, I was so young that time and it still breaks my heart pag na aalala to. Yung dapat managot dito ay syempre yung management organizer, and abscn. Why management organizer because, they should've seen the possibilities and should've took an early action on how to organize the crowd knowing that wowowee was a big fish that time. Why abscbn naman is dapat talaga hindi nag announce ng "first 300 na tao ang makakasali ng pera o bayong" that causes the commotion. This only in my opinion.
Super clear sa akin experience ko niyan. Grade 2 ako nun eh. Gabi kami naalis ng mama ko Papuntang ultra. Habang nasa byahe kami nakaramdam ako ng takot kaya sabi ko kay mama ko "ma, wag na tayo tumuloy natatakot ako" kaso Sabi ni mama wala naman dapat ako katakutan. Pagdating namin dun sobrang daming tao yung iba dun na natulog. Sobrang clear sa akin yung moment na habang kumakain ako ng chichirya nun may sumigaw ng BOMBA!! Kaya kami na andun is nag si tayuan at nag si takbuhan. Mamaya Maya sinabi na joke lang daw kasi mag bibigayan na daw ng ticket at ayun na nagka gulo na papasok dun sa may loob ng barrier. Hinila ako ni mama papasok kaso di ko kinaya Kaya pinalabas ako ni mama. Yung mga tao dun sa loob ng barrier parang alon grabe ang tulakan nakita ko si mama ko na nahihirapan dun sa loob Kaya umiyak ako ng umiyak hanggang sa di na natiis ni mama ko at lumabas na din siya. Pinipilit ako ni mama tumahan kaso ayaw ko kasi gusto ko na umuwi kami. Tapos di ko na Alam nangyari kasi nagka gulo ulit nag takbuhan sila kami ni mama papalayu na lang and that time sumuka na ako ng sumuka nun. Nung sumikat na ang araw ang gulo pa rin. Kaya sabi ko kay mama na "Ma uwi na tayo please" and habang nag lalakad kami papalaya nakita ko na binubugahan na ng mga bombero ang mga tao na tubig.
Binomba ung mga tao kasi nagkakagulo? Baka un naging cause ng stampede.
High school na ko nito , naalala ko yung kapitbahay namin nagpunta dito . Wala pang social media masyado nung time na yun . Sa tingin ko ang may kasalanan dito is producer and organizer . Yung kawalan nila ng communication sa pamahalaan ng pasig is malaking factor kung bakit di nacontrol ang crowd .
Eto ung napanaginpan kong maraming sumisigaw na mga tao pero wala akong mkita, all black lang! Tapos unti unti naglalaglagan yung mga ipen ko. After nun nagising n ako. Kinahapunan un nanga ung ngyari.
Oh talaga
Umiiyak iyak pa si willie that time eh.. nagtataka lang ako, ganun ba talaga kalakas yung kapit nia sa showbiz, how come lagi siyang nakakatakas sa mga kasalanan nia.. jeez.. what's up with this guy.. 🙄
isa ang lola ko yung dati nag buzzer dito sa show. I saw this when I was a kid. I'll never forget this tragedy.
13yrs old pa lang ako nito...kaya naabutan ko to and fave ko to dati before magka It's Showtime....Tapos 2006 din yung bagyong Reming dito samin sa Bicol, muntik na kami mamatay that time. Grabe talaga ang 2006...
Natatandaan ko ito, bago pa mangyari, at ng malaman ko na sa Ultra gaganapin, nakikita ko na yung masamang situation. Hindi nga ako nagkamali, kahit sa panaginip ko di ko aakalaing mangyayari talaga, at nangyari nga. Nakikita ko kase noon na ang Ultra ay hindi maganda ang entry and exit points dyan at ito ngang pagka-slope na mga daanan, given na yung dadagsain talaga sya ng bongga.
I love claro for reflecting it to reality and for putting his shoes to this poor people.
Second year high school pa ako nito nong nangyari ang stampede. Grabeh,was a huge news during that time
Walang may kasalanan. If you are familiar with the movie MIDNIGHT SUN, sino sa tingin mo yung may kasalanan kung bakit namatay yung bidang babae? Don't blame others. May kanya-kanya tayong pananagutan pagdating ng araw. One day haharap tayo sa Diyos individually and hindi natin pwedeng isisi sa ibang tao ang mga pagkakamali natin. Be humble, everyone made a choice that day and that choice lead them to their own future life/reality.
OMG I loved this content kuya Claro
Enjoy watching Thirdies! Ano'ng pagkain niyo tonight habang nanunuod? :)
Sinigang for tonight 😅❤
garlic chicken
Ang dami pang sopas na natira sa luto kaninang umaga.
Kain na 🍲
Igado for tonight kuya clarrooo!
Sinegenggeng din ulam namen 😂
Always Present kuya claro waiting sa stories ni "Anneliese Michel"
The dark side of ABS-CBN with Wowowee
Sobra! Pero hindi nila yan nilalabas. Puro paloma ang panay post nila sa socmed.
Nakakakilabot yung nangyari jan, very tragic, hindi lang dahil madaming tao ang namatay pero tragic in a sense na napipilitan ang mga tao na makipagsapalaran in hopes of winning prices.
Imagine, sa dami ng pumipila jan, lahat umaasang makaahon o makatikim ng kahit konting biyaya from the show but because of their desire to get get inside and have that chance it ended up tragically.
Yung goal kasi ng mga tao, dalawa lang yan, ma-entertain o manalo ng premyo. "Binyan ng 5000" o kaya naman "Bigyan ng Jacket" sino ba naman hindi maeenganyo sa mga ganoong linyahan, kaya kahit on a regular day basis sobrang dami ng mga tao.
This event will serve as a reminder for us to work harder, yung hindi lang tayo dedepende sa isang show para yumaman, magtrabaho at magsipag tayo para kung pupunta tayo sa mga ganyang event ang dahilan e magpapakasaya lang tayo.
sr claro share ko lang
ayon sa kaibigan kong SG naasign dun minsan may mga di maintindihan pang yayari sa ultra stadium mga kaluluwang humihingi ng tulong
at
may kumlat pa ng kantang text ukol rito
(grabe si wille at buong show ng wowowee nasisi sa pang yayari ou may konting pag kukulang sila like tamang pag handle ng sitwation then ang pinaka PINUTAKTE DUN KUNG SINO MAUNA o 1st 10 mag kakaron ng malaking pa premyo )
22:50 Your insights are most meaningful. So much empathy. Hugs.
2012 namatay si Dolphy wala ng wowowee sa abs-cbn nun, nasa tv5 na si willie.