[ PART 1 ] Basics of Sound Set Up (for Small to Medium Church Sound Production)

แชร์
ฝัง
  • เผยแพร่เมื่อ 4 ต.ค. 2024
  • Alamin ang mga pangunahing equipment sa isang simpleng sound set up para sa small to medium church sound production.
    Ano ang pagkakaiba? Advantages at Disadvantages ng Passive and Active Speakers
    Snake Wire or Stage Box
    Tamang Posisyon ng Soundtech Booth
    Basic Components/Equipment
    1. Sound Mixer
    2. Speakers ( Active and Passive Speakers )
    3. Amplifier
    5. Snake Wire (Stage Box)
    6. Monitor Speakers
    7. Monitor Headset
    8. Audio Cable
    [ Part 2 ] Microphone Feed Back : Paano maiwasan? Basic Tips
    • [PART 2] Microphone Fe...
    [PART 3] Reverb/Delay sa Mic at Instrument [ Paano Nakakatulong sa Good Sound Mixing]
    • [PART 3] Reverb/Delay ...

ความคิดเห็น • 49

  • @shertv2868
    @shertv2868 2 ปีที่แล้ว +1

    Nice tutorial sound system set up sa katulad naming newbie bilang sound man. Learned a lot sir... God bless your vlog.

    • @cuc5
      @cuc5  2 ปีที่แล้ว

      Maraming salamat din po at na appreciate niyo ang aking munting tutorial.

  • @arnelsoundvlog6090
    @arnelsoundvlog6090 2 ปีที่แล้ว +1

    Watching Po

  • @sugboadventure9333
    @sugboadventure9333 2 ปีที่แล้ว +1

    Very informative. Godbless

    • @cuc5
      @cuc5  2 ปีที่แล้ว

      Thank you so much, your appreciation means a lot to me.. :)

  • @max.lab1agner811
    @max.lab1agner811 2 ปีที่แล้ว +1

    Salamat po sa clear na pag explain, i learned thank you po

    • @cuc5
      @cuc5  2 ปีที่แล้ว

      Maraming salamat. Pa subscribe narin po and pa share bg video para makatulong sa iba. Maraming salamat. 😊😊😊

  • @slytherinplays8001
    @slytherinplays8001 2 ปีที่แล้ว +1

    Great Content. Salamat and God bless you po!

    • @cuc5
      @cuc5  2 ปีที่แล้ว

      Salamat din po sa inyong suporta.. :)

  • @juliusquirante4604
    @juliusquirante4604 2 ปีที่แล้ว +1

    Wow! Bro ang haba ng talakayan at maliwanag lahat ang explaination mo thanks Bro. Galing mo kya sundan ko bawat vlog mo...

    • @cuc5
      @cuc5  2 ปีที่แล้ว

      Maraming salamat po at na appreciate nio ang aking tutorial. Salamat po sa suporta. Mag suggest lang po kayo nang posibleng topic na gusto niyo pag usapan upang makatulong sa iba pa nating mga kababayan na soundtech enthusiast...

  • @triplegline
    @triplegline ปีที่แล้ว

    Nice po tutorial...

  • @kuyavenzinfovlog
    @kuyavenzinfovlog ปีที่แล้ว

    new follower here

  • @jojittv9573
    @jojittv9573 2 ปีที่แล้ว +1

    Msgsling mag paliwanag malinaw gwapo k pa

    • @cuc5
      @cuc5  2 ปีที่แล้ว

      Maraming Salamat po. :)

  • @KaSOUNDS797
    @KaSOUNDS797 ปีที่แล้ว

    Nice tutorial sir, bagong kaibigan po, padalaw man po, salamat😊

    • @cuc5
      @cuc5  ปีที่แล้ว

      Salamat po sa pag support. Mabuhay po kayo.

  • @gwapoko6675
    @gwapoko6675 2 ปีที่แล้ว +1

    nice sir,,ask ng p0,,,paanu p0 kung ang mixer k0 ay may buiLt in amp na,,,kayLangan pa p0 ba ak0 bumiLi ng amp

    • @cuc5
      @cuc5  2 ปีที่แล้ว +1

      May mga case po na hindi na need ng extra amp kung may built in amp ang mixer lalo na kung very portable lang ang set up like, dalwang not so big speakers sa isang maliit na venue, pero kung may malaking setup at mas maraming speakers ang kelangan para sa front house, sub, side fills etc, mas safe at mas mainam kung may dedicated amp bawat distribution para mas maibigay yung watts or power requirements ng mga speakers. Try nio rin muna kung enough yung power n binibigay ng built in amp ng mixer nio, if sa tingin nio ay kulang, then add ka po ng amp.

    • @gwapoko6675
      @gwapoko6675 2 ปีที่แล้ว +1

      @@cuc5 kevler xmp1200 power amp po gamit Namin sa church..gusto ko sana mag lagay ng eq at crossover..pwde po ba?

    • @cuc5
      @cuc5  2 ปีที่แล้ว

      Maganda na po ung built in amp nian basta match sa speakers. Pero ok din na naka cross over at GEQ, Kasi remember, madalas two way speakers lang, usually magkasama ang mid at high, mas mainam na napi filter ung low (bass) kesa halo halo yung sound sa speakers, minsan gumagaralgal, hindi mo matimpla ng maayos ung low mid at high. Be mindful lang po sa space or sa venue, ung dalqang 550watts na left and right na binibigay nung kevler nio, malakas na un. Pero kung malaki ang space nio, maganda po ung naisip nio na mag cross over at additional GEQ.

  • @tesscruz5569
    @tesscruz5569 ปีที่แล้ว

    good pm bro may mga qustion po aq tungkol sa sound set up sa church namin small church or house church lang po kami pwde pm po tayo

  • @nicksonsandot1024
    @nicksonsandot1024 6 หลายเดือนก่อน

    Hello sir pa help naman po.meron akong av/reciever na 7.2 specs po niya ay 100watts per channel.
    Rated output 100watts 8ohm 2 channel driven.
    Rated output 125watts 1channel driven.
    Tanong kulang po kung anong rms power ng speaker ang match sa kanya.

    • @cuc5
      @cuc5  6 หลายเดือนก่อน +1

      Thank you sir sa pag drop by sa channel ko, medio technical po ang inyong concerns, san nio po ba gagamitin ang avr? if pang home theatre, solid po yan, pero pag commercial sound set up or pang event, hnd po sia practical. Regarding sa RMS, mga electronic Engineering na po ang mas professional sa bagay na ayn, kahit kami po na sound technician, nag ko-consult parin kami sa kanila kasi electronics na po yan. Ang goal lang po ng rms ay makasigurado tayo na kayang i handle both amp and speakers ung power in a long run. Magdepende rin po yan kung ilang sa mga chanels ang i active nio or lalagyan ng speakers, kasi kung 7.2 yan, multiple speakers po yan kasi pang surround sound sia, and may tamang computation po and routing ng speakers per channel.. Medio beyond my expertise na po yan sir. pacencia na po.

    • @nicksonsandot1024
      @nicksonsandot1024 6 หลายเดือนก่อน

      @@cuc5 salamat po sa kunting idea.❤️

    • @paulmaniangap3779
      @paulmaniangap3779 6 หลายเดือนก่อน

      Sir Good day pu pa help nman pu sobra pu kc yung alingawgaw ng chapel pu namin na soundsystem pu

    • @cuc5
      @cuc5  6 หลายเดือนก่อน

      @@paulmaniangap3779 Maraming salamat sa pag drop by sa aking chanel, regarding sa concern nio, kung hindi ako nagkakamali, ang tinutukoy nio ay room reverb. Marami po factor ang kelangan naten i consider pagdating sa good sound mixing.
      1. Architectural Design at Laki or Luwang ng Space - Kung medio pa arch at high ceiling, malamang magkakaroon po ng alingawngaw ito, katulad ng traditional na Cathedral Type na kapag lumakad ka, pumalakpak, o magsalita sa room ay parang may naiiwan na sounds.
      2. Proper Acoustic Treatment - May mga Church po na ginawa pero hindi kasama ang plano ng sound proofing or acoustic treament. Eto ang malaking struggle ng karamihan dahil madalas po na ginagawa ang building na hindi kasama sa design ang mga equipment na ilalagay sa loob.
      3. Poor Sound Mixing, Kulang or Sobrang deployment ng Speakers o di kaya, maling placement ng speakers. Malaking factor po na tama lang ang power or wattage ng speakers para sa laki or luwang ng hall.
      Yung alingawngaw po sa room, I suspect may kinalaman yan sa acoustic treatment. Medio mahal po ito, pero subukan nio po maglagay ng mga acoustic panel paikot ( sa wall )
      May mga tutorial po nian sa TH-cam, meron din po DIY. Malalaman nio po na kelangan nio maglagay ng acoustic treatment; kapag nagsalita ka o pumalakpak sa gitna ng hallay may reverb ito or may naiiwan na sounds na parang nasa Cathedral Hall ka or sa isang malaking Catholic Church.

  • @romeojr5931
    @romeojr5931 ปีที่แล้ว

    Good day bro, plano naming mag-upgrade mula passive to active speakers na gamit namin. Hingi po sana ako ng specs recommendation (regardless of brand). IMIX BOME 12II po gamit naming mixer.

    • @cuc5
      @cuc5  ปีที่แล้ว +1

      Magandang araw po, maraming salamat sa pag drop by at pagtitiwala sa aking vlog. Good move po ang naisip niyo na gumamit ng active speakers, isa sa advantage nito ay hindi nio na kelangan ng dedicated amp at mag match ng wattage capacity nito sa speakers dahil from mixer deretso na ang audio signal sa active speakers dahil ito ay may active amp na. Lahat naman po ng speakers ay may pros and cons kahit na branded versus hindi. Ang maganda lang sa branded ay ang service warranty at ciempre ang brand name. Pwede po ang JBL, ALTO, Berhinger, Kevler, depende po sa budget, dun na po kau sa may true rated power, dahil mas accurate ito pag dating sa wattage capacity. 500w each speakers left and right, malakas na po yan, pero you can go further. Take note lang po na ung volume knob ng active speakers ay hnd dapat isasagad ang lakas, mas safe po para sakin na naka 12 oclock lang siya or a bit of 1-2 oclock kung kinakailangan lang nmn, madalas po ang mga speakers na ito ay may channel switch, kung dalwang speakers po per speacker box, mas mainam po naka switch sa combined. Kung mas malaki ang venue, pwede po kau mag add on ng speakers, dahil may output connetor po ito (thru), lagi lang pl dapat balanse (may left and right placement ng speakers sa venue). Ilagay ang speakers prerarably above chest level and up. Wag po sa floor dahil hnd makakapag travel ng maayos ang sound papunta sa likod lalo na kapag puno ng tao.

    • @romeojr5931
      @romeojr5931 ปีที่แล้ว +1

      Maraming salamat bro. God Bless.

    • @cuc5
      @cuc5  ปีที่แล้ว

      @@romeojr5931 God bless din po and thank you sa pag support nio sa aking channel by subscribing ang sharing my videos. Sooner or later, makatulong din po ito sa amin sa ministry. 😊😊😊👍

  • @mhavenscoffeeofficial1083
    @mhavenscoffeeofficial1083 ปีที่แล้ว

    salamat at napunta ako sa channel mo sir.. plan po kasi namin mag lagay ng active speaker para sa PA system namin sa church para mo sa vocals and musical instruments.. anu po pwede ma I recommend nu na kevler active speakers para full setup sa band sir? meron po kaming yamaha mg24x mixers at meron naman po kaming bass and electric guitar amplier,.. salamat po sa sagot.. God bless po

    • @cuc5
      @cuc5  ปีที่แล้ว

      Salamat po na inyong inquiry, medio magandang klase po ang inyong mixer, ang gamit ko lang ngayon ay trident mx-1200 at kevler eon-12 (passive) 500watts max power, pero dahil 90sqm lang ang aming area at low ceiling, it kinda do the job.
      Depende po sir sa laki ng area nio. Yung Kevler ZLX series na 500 watts 8 oms , maganda na po yan. usually two way lang po yan. Then hangang maari, lahat po ng inyong instrument ay dadaan sa mixer, kahit na may mga monitor speakers pa, control lang po ang volume ng mga monitor speakers nila, mahalaga ay may monitor sila, wag mas malakas sa front of house speakers (main) , kung yung drm set nio po ay traditional at may mga mic lahat from hihat, tom 1,2,3, crust, cymbals etc, ilagay nio po sa enclosure yung drumset para ma minimize ang ingay nia ta mangibabaw ang timpla ng main speakers galing sa mixer, kung electronic drum mas mainam. Wag nio po isasagad ang volume ng mismong speakers, magsimula po kayo sa 12 oclock, then timplahin sa mixer per instrument and vocals hangang ma sattisfy kayo sa mix or yung lakas ng audio sa room.

    • @mhavenscoffeeofficial1083
      @mhavenscoffeeofficial1083 ปีที่แล้ว

      @@cuc5 salamat po sa sagot sir.. yung church namin mga 150sq yata tapos kaya 200 capacity mga nasa 15 feet ang ceiling.. gusto po sana namean active speaker.. kaya po ba nang 650 watts? or anu po pwede ma irecomend ninyo dalawang subwooffer at mid range? at nais din namin electronic drums nlng po sa susunod.. salamat po God bless

    • @cuc5
      @cuc5  ปีที่แล้ว +1

      @@mhavenscoffeeofficial1083 Sa akin po, yung dalwang 650 watts( left and right) na tru rated power ay sapat na sa 150sqm , at kahit isang sub muna, ilagay yung sub sa ilalim ng stage sa banda center.any brand po will do, kasi powered speakers naman yan. mas mainam po na gumamit narin kayo ng cross over para isolated yung signal ng Low sa mid at high (kung two way na mid at twitter). itaas nio lang po yung speakers mas mataas sa head level, facing down 45 degrees. mahirap po i explain sa message eh pero malakas na po yan. saka nio nalang po mag dagdag ng dalwang speakers sa banda gita or likod left and right din incase na nakukulangan kayo sa power. mahirap din po kasi na over powered ang worship hall kasi yung mga oldies natin na members hindi masyado maka relate. Maiingayan sila masyado. :)

    • @mhavenscoffeeofficial1083
      @mhavenscoffeeofficial1083 ปีที่แล้ว +1

      @@cuc5 maraming salamat po sa inyo sir.. God bless po

  • @RichAraos
    @RichAraos ปีที่แล้ว

    Thanks for the info! Would you recommend using active speakers for a small church? We’re currently have passive speakers, lagi na lang nasisira at ang daming wires. I would like to make our church sound system presentable. Please help me

  • @jovb143
    @jovb143 ปีที่แล้ว

    Can u recommend a good supplier for our Clubhouse sound system? Malaking problema kasi ang echo.

    • @cuc5
      @cuc5  ปีที่แล้ว

      Pwede ko po ba malaman kung gaano kalaki ung space nio at gaano kataas, at ano ano na pong audio equipment ang gamit nio? Sino po ang supplier ng iyong audio system, kung wala, san nio po ito nabili?

    • @jovb143
      @jovb143 ปีที่แล้ว

      We don’t have sound system yet. Yong Pang karaoke sound system ang minsan ginagamit kaso ang lakas ng echo. Indoor area: 13.5M x 22M x 12.9M (height)

    • @cuc5
      @cuc5  ปีที่แล้ว +1

      @@jovb143 medio malaki po ang area, by nature, ang ganyan kalaking hall ay may natural reverb. May tatlong option po akong pwedd ma i recommend.
      1. Kung karaoke type muna ang gamit nio na sound system, subukan niyo muna po bawasan ang echo ng microphone or totally alisin dahil may natural reverb nmn ang room, bawasan nio rin po ng bass ung EQ ng mismomg mic (wag po muna sa master EQ), so ung bass ng mic usually, naka 12 o'clock yan, bawasan nio konti hangang 11 or 10 oclock lang, then ung mid konti 1 oclock, ung trebble 12 oclock. Then kung pwede mailagay sa banda gitna ng stage ung speakers mismo, i assume karaoke type yan so isang box lang ung speaker, try nio po sa banda gitna pero mga wag lalapit ng 3 meters masyado sa stage backdrop. Kung magka echo man po yan, minimal nlng, ung room echo nlng matitra.
      2. Kung may budget po kau para sa equipment, mas mainam na makabili kayo ng professional mixer, (passive or active speakers) 2 sets left and right. Then mag diy nalng muna po kau ng acoustic treatment. Pwede po ung tray ng itlog, or foam panels, para may mag absorb ng sound at hnd mag create ng too much reverb.
      3. Kung bibilo po kau ng audio equipment, ask nio narin ung dealer to install and treat ung sound mixing nio sa mismong venue. Mas professional po na makakapag recoment ung installer or dealer ng mga possible sound treatment base sa laki ng area at base narin sa klase or power ng inyong sound setup.

    • @jovb143
      @jovb143 ปีที่แล้ว

      @@cuc5 thanx a lot. Ginawa na namin yong no. 1. Do u have any recommendation for supplier? We really need a good one 😊

    • @cuc5
      @cuc5  ปีที่แล้ว

      @@jovb143 saan lugar po kau sir.

  • @itsisa_xoxo
    @itsisa_xoxo ปีที่แล้ว

    hi po! we have po sa church ng 650 watts passive speakers, can u pls recommend kung ano need na power amplifier if ilang watts po. Thank you and God bless po

    • @cuc5
      @cuc5  ปีที่แล้ว +1

      Pwede po ung amp na may 500watts each output (left and right), ung 650 watts po ng speakers nio ay ang maximum power na kaya niyang i handle. Pero usually, hnd nmn po nasusunod yan, madalas mas mababa talaga yung wattage or (true rated power). Safe na po ung amp na may 500 watts both left and right output.

    • @itsisa_xoxo
      @itsisa_xoxo ปีที่แล้ว +1

      @@cuc5 Salamat po. God bless you.

    • @itsisa_xoxo
      @itsisa_xoxo ปีที่แล้ว

      Prob po namin sa church mic po. Can you recommend a 4-channel wireless mic yung branded po na ang budget around 3k-6k po. Salamat