First Time Magpapatayo ng Bahay? Ang Mga Hinding-Hindi Mo Dapat Gagawin

แชร์
ฝัง
  • เผยแพร่เมื่อ 27 ก.ย. 2024
  • Kung first time mong magpapagawa ng bahay, congratulations ngayon pa lang. Pero bago ang lahat, alamin ang mga bagay na hinding-hindi mo gagawin para maging successful ang iyong journey to your dream house!

ความคิดเห็น • 1K

  • @AnakngTipaklong420
    @AnakngTipaklong420 2 ปีที่แล้ว +99

    Donts: Wag na wag bibili sa Camella Homes. First time owner ng house and lot kami at eto yung pinaka pinagsisisihan namin ng partner ko. Maganda lang yan sa ads at sa display units nila, pero in reality, puro sakit ng ulo ang ibibigay sainyo. May mga 5M+ na bahay dito, pero di pa kasama dyan sa gawa nila yung interior/finishing. Worse, ang cheap na nga ng quality ng materials na gamit nila, ang dami pang issue after turn over. Napakamahal pero napaka poor ng quality ng mga bahay na tinuturn over nila, nakailang repair na sa dami ng sablay at di lang kami yung nag iisang homeowner na may same issue - halos lahat ng homeowner e may reklamo sa units nila dito. Instead na dream home e sakit ng ulo pa binigay nila sayo. Di naman ganun kadali umalis o lumipat dahil di rin naman ganun kadali magbenta ng bahay lalo sa panahon ngayon. Mas maigi pa bumili na lang sana kami ng lote at nagpagawa sa labas.

    • @joycruz1936
      @joycruz1936 11 หลายเดือนก่อน +4

      Bili kayo ng lote at pagawa ng house mas matibay pa

    • @virginiamatias2820
      @virginiamatias2820 11 หลายเดือนก่อน +3

      Thank God tlga mahilig aq mag research..at dahil nabasa q tong comment na toh lalo aqng natuwa na sinunod at pinagbgyan q mister q sa gusto niang lote ang bilhin nmen at ayaw nia ng mga rto houses...sa move in fee pa lang gulatan na 😅 at dami mga multo fees na bgla bgla moh na lng pala malalaman kapag nkalipat kana....

    • @sangrevictoriaLiloc-uo1jn
      @sangrevictoriaLiloc-uo1jn 10 หลายเดือนก่อน +1

      Tama kayo sa katabi ko subd.camilla homes ako nagppagawz

    • @aiaxander1468
      @aiaxander1468 10 หลายเดือนก่อน +4

      kay Villar.. good warning for all buyers

    • @markg3872
      @markg3872 9 หลายเดือนก่อน

      Salamat po

  • @erlindacoligado8700
    @erlindacoligado8700 2 ปีที่แล้ว +82

    Correct ka jan Architect Ed..I had an extension done in my house in 2004...I hired a lady, who has her own company, to draw a design for sunroom and deck...I hired also a contractor, na kilala ko for 10 years...itong contractor was so happy ng ibigay ko yung drawing.(makes his job easier)...pati yung unexpected room sa basement, underneath the sunroom...I don't have any idea at all, but he makes it a 15/15 basement office...he even offered if I want to make it as bedroom, kasi lalakihan ang window for safety...Since I'm a retired widow, I always believe in hiring professionals...lagi kong iniisip na if family or friends ang gumawa ang hirap magreklamo at may emotions na involve...

    • @berezojoy2443
      @berezojoy2443 2 ปีที่แล้ว +1

      Thank you so much for the informative tips. Godbless po.

    • @puccismile
      @puccismile 2 ปีที่แล้ว +1

      pahingi naman po mg contacts nyo. thank tou.

    • @loletalcedo6978
      @loletalcedo6978 2 ปีที่แล้ว +1

      Tama po

    • @aslanpeteredmundpereja9221
      @aslanpeteredmundpereja9221 2 หลายเดือนก่อน

      Hay salamat at nabasa ko to, eto po ung isa sa mga kino consider ko po talaga na mahirap din Lumapit sa kmag anak, or friends gawa nga po nung may awkwardness na mag suggest

  • @dreamon_777
    @dreamon_777 2 ปีที่แล้ว +117

    Kung first time nyong magpatayo ng bahay, wag na wag sa engineer kayo unang lumapit... Sa Architect's po muna kayo lumapit.. then, ang Arkitekto na po ang bahalang kumuha ng mga engineers na tutulong sa proyekto... Yan po talaga ang pinakatamang paraan sa pagpapatayo ng bahay.. 😊

    • @shielamendoza3687
      @shielamendoza3687 2 ปีที่แล้ว +3

      Really?, Thanks sa idea.😊

    • @dreamon_777
      @dreamon_777 2 ปีที่แล้ว +5

      @@shielamendoza3687 Yes maam... Yan po ang tama

    • @antipoloproperties7571
      @antipoloproperties7571 2 ปีที่แล้ว +7

      Based on my experience. Ar is design lang. Then i have to hired again for the actual. Sayang ang bayad sa double works.

    • @dreamon_777
      @dreamon_777 2 ปีที่แล้ว +17

      @@antipoloproperties7571Hiring Architects for both design and build is much better.. Dapat nandyan palagi ang Arkitekto sa pagtatayo ng bahay mo hanggang sa matapos ito, hindi yung hanggang paper works lang sya.. Then bahala na ang mga engineers sa bahay mo, mali po yan..

    • @bhengombiga1403
      @bhengombiga1403 2 ปีที่แล้ว

      san po kyo sa antipolo? gusto ko humingi ng advice din

  • @Ysb_m
    @Ysb_m 2 ปีที่แล้ว +11

    Super agree ako sa Taong Labas point, ang daming house designs ako nakita na sobrang garbo sa labas pero pagdating sa loob bleh. I’d rather have a nice kitchen kesa sa maraming burloloy sa labas 😊
    Mas ok na simple lang sa labas pero pagdating sa loob maganda, comfortable, functional at nae-enjoy ng sinumang nakatira.

    • @freesia2067
      @freesia2067 2 ปีที่แล้ว

      True, priority ko rin ang kitchen & bathroom.

  • @jacobsenmontoya9313
    @jacobsenmontoya9313 2 ปีที่แล้ว +16

    Samahan nyo na rin po ng:
    1. SHARE-man. Sila yung mga kakilala ng Owner na may kakilala "daw" na suppliers or contractors dahil meron silang commission, isang bagay na unethical, lalong-lalo na kung kakilala mo yung nagpapagawa. Sila ang nagpapamahal sa presyo ng construction.
    2. LOWyers. Sila yung mga owners na makakita or nakadinig lang ng mas mababang presyo ay dun na magpapagawa. Resulta: either sablay na gawa or iniwan na nung contractor.
    3. Budget-friendly. Sila yung mga owners na mababa daw ang budget pero pagdating ng construction saka nila babanatan ng patibag, padagdag, at kung anu-ano pang mga pagbabago na nagreresulta sa pagkaka-over the budget ng construction.

  • @Just_do_it123
    @Just_do_it123 2 ปีที่แล้ว +31

    Architech Ed. I must be the 1%.. I am what you called the "Ako na", did it all. DIY and My Way. Very challenging and Proud owner of considered a show house. In and out. Quality, beauty. comfort and convenience, all met. Picture paints a thousand words. Let's also accept that no matter how perfect the plan is, you'll always encounter a "Should have". Willing to show and share my experiences. Happy 1st time home builder and DIY'ER.

  • @CABCON
    @CABCON 2 ปีที่แล้ว +65

    Just sharing on "Dont's", wag mgpapatayo ng walang binibigay na detailed schedule and contractor. Wag kayong pumayag na bibigyan lang kayo ng number of months duration lang. Kailangan nyo ng basehan ng project duration. 😉

    • @zenaidaquinto6213
      @zenaidaquinto6213 2 ปีที่แล้ว +2

      sir
      . mahkano po per sq
      m sa pagawa sa inyo.. magkano budget sa 40 sq. m

    • @Hezekiah7777zjckfka
      @Hezekiah7777zjckfka 2 ปีที่แล้ว +2

      @@zenaidaquinto6213 25,000 pesos per square meter

    • @rommelalmeyda4860
      @rommelalmeyda4860 2 ปีที่แล้ว

      Sir, pwedi nyo ba gawan ng content ang design, sa 100sqM Rectagular, 2nd Floor ang pinaka bahay, 4,bedroom, terace, sala.
      .yong 1st floor po ay Floor lang, hagdan paakyat, at mga Haligi..
      ..yong bubong po ay Rooftop, na may maliit na kwarto na stockroom. Salamat po, and God Bless.

    • @nolinavarro8843
      @nolinavarro8843 2 ปีที่แล้ว

      @@Hezekiah7777zjckfka uuuuh+h++u+hh+vning

  • @diynaldo
    @diynaldo 2 ปีที่แล้ว +7

    Freelance Contractor here Engr. Complete Documents na rin po para makakuha ng PCAB License . Aabangan ko lagi ang mga video nyo. Very informative. Malaking tulong sa akin bilang future Contractor. More Power sa inyo.

  • @fitatobias3761
    @fitatobias3761 2 ปีที่แล้ว +15

    Marami akong natutunan Sir Ed. Nag Build & Sell kami ng Mister ko. Tama po progress billing mapa sa Contractor or sa gagawa ng Building Permit pa man. Mahirap maghabol. Mawawalan na cla ng ganang magtrabaho kung bayad na at nagastos na nila ang bayad. Sakit ang ulo ang aabutin🤕🤕🤕 Nakakarelate lang po 🤔 Araw-araw po inspect ko para kung may konting babaguhin maagapan 😍 Nakabubuti po na labor lang ang pa kontrata para makapamili ka ng materyales na gusto mo 🤩🤩🤩 God bless us all 😇🙏

  • @angineangine7567
    @angineangine7567 2 ปีที่แล้ว

    Malayo pa akong mkapag patayo ng bahay .
    Pero sobrang knowledgeable kasi ang videos mo sir .
    Sana makapag ipon pa
    Ksi hindi pla biro .
    Madaming extra expenses, at hindi pwedeng tipirin ng husto .
    Kelangan handa talga.

  • @krystlemartin533
    @krystlemartin533 2 ปีที่แล้ว +9

    Great advice but finding good architect and engineers are hard especially in the province. I also notice a lot of designs here are more focused on aesthetic and less on functional. The designs even look cookie-cutter.

    • @myrnahall6168
      @myrnahall6168 2 ปีที่แล้ว +1

      go to your municipal and there's should be an engineer that approve all building permit....you can consult her/him a recommendaation for architect..

  • @gavinaestrada7977
    @gavinaestrada7977 2 ปีที่แล้ว +2

    salamat po archutec ed.someday will meet kung pahihintulot ng kpalaran. thanks for good advice

  • @imeldaabrams4480
    @imeldaabrams4480 2 ปีที่แล้ว +5

    Thank you very much for sharing your talents and expertise sir it gives me hope. That maybe I can still afford to build my house. Thank you for your advice here. GOD BLESS PO.

  • @arbel2323
    @arbel2323 หลายเดือนก่อน

    Thank you so much Engr. for your generosity in sharing very informative advice for us who are non expert in house construction. God bless you more🙏🏻...

  • @TheSugar2006
    @TheSugar2006 2 ปีที่แล้ว +5

    Nagustuhan ko ang komentaryo mo tungkol sa "taong labas". May mga nagpapagawa kasi ng bahay (lalo na sa isang mahirap na komunidad/barangay) na mala-mansion ang disenyo ng labas ng bahay. Kung titingin ka sa paligid na may mga payak at simpleng kabahayan, hindi babagay ang ganitong uri ng marangyang bahay. Mapipiho mo na ipinagyayabang lamang ang kanyang kakayahang makapagpagawa ng malaking bahay. Mas mainam nga na payak tingnan ang labas ng bahay pero elegante naman ang loob nito. Hindi mayabang ang dating, he he. Kung talagang marami siyang pera, mas mainam na bumili na lang siya ng lote sa isang "exclusive village" at doon ipagawa ang mala-mansion niyang bahay. Just thinking aloud. ;-)

  • @JuanitoPasay-rx7dh
    @JuanitoPasay-rx7dh 6 หลายเดือนก่อน

    Thank you Bro.sa Advice maraming matatauhan matuttoto at malalaman mga bagay nadi dapat gawin pagpapatayo ng bagong bahay God Bless

  • @LilyGutzMixVlog
    @LilyGutzMixVlog 2 ปีที่แล้ว +3

    Salamat architect. Maganda talaga ang may alam sa pagpapagawa ng bahay. Malaking tulong itong channel ninyo.

  • @godwinjohndelacruz2565
    @godwinjohndelacruz2565 2 ปีที่แล้ว +1

    Maganda yung mga sinabi ni sir Ed dito. Pero may comment lang ako doon sa "chopseuy architecture". Kumbaga sa general taste, siguro nga di okay kung halo-halo yung theme nung bahay. Pero wala tayong magagawa kung ganun ang gusto ng client. Kung trip niyang iba ibang design, okay lang. As long as it serves the purpose which is to be home. Dapat lang ay safe siya tirhan and up to code. At the end of the day, siya ang titira doon, siya ang magpapagawa. I think na hindi siya "hindi dapat gawin" pero dapat iwasan. Just my thoughts.

  • @marialourdeslopez4014
    @marialourdeslopez4014 2 ปีที่แล้ว +12

    Sana there is a venue/platform where people can share their experiences with architects and contractors. So home owners can learn from each other and avoid bad architects and contractors

    • @luzvimindaabueg7202
      @luzvimindaabueg7202 ปีที่แล้ว

      Thank you po marami ako natutunan.

    • @agustinjr.iragana5443
      @agustinjr.iragana5443 ปีที่แล้ว

      Yung balak ipagawa na1 storey bungalo ng anak ko pinakita sakin ang plano, nagulat ako, ang footing 1.5 m. sq. or 5 sq ft. ang lapad, ang kapal pa., mga poste 6 - 12mm def. bars ang vertical, doble stirrup. etc.
      Sabi sa kanya mga 2m lang daw aabutin.
      Sabi ko baka higit 4m abutin, mababaon sila sa utang...

    • @KokoKoko-md3fj
      @KokoKoko-md3fj ปีที่แล้ว

      Pwede po ba ang civil engineer ang mag handle ng renovation ng bahay Ko?

  • @mherfesuertevlogs
    @mherfesuertevlogs ปีที่แล้ว

    Tama po kayo Sir simply Lang daw ang labas pero ang Ganda sa loob yon the best tlaga

  • @aiaxander1468
    @aiaxander1468 2 ปีที่แล้ว +6

    thank u as always for sharing unselfishly this helpful info for us who know nothing about construction 👍 it seems it's more difficult now to build due to inflation ☹️

  • @sobrepena06
    @sobrepena06 2 ปีที่แล้ว +2

    Mas maigi po ata, na pagmagpapakontrata ka sa contractor ay portion by portion nlng kontrata para nasusubukan work at hindi muna need iterminate ang contract kapag hindi mo gusto..huwag nalang irerenew or ndi mo na bibigyan kontrata uli pag hindi mo gusto..

  • @stevevillanuevaable
    @stevevillanuevaable 2 ปีที่แล้ว +5

    Sir pwede po ba next topic is pros and con of design and build with the same contractor? Thank you.

  • @imeldapagal1497
    @imeldapagal1497 2 ปีที่แล้ว

    My 1rst time ko kayo naryinig salamat sa mga payo mo at umasa ka pag nagpatayo ako ng bahay ikaw angkukunin ko. God bless

  • @josiepeace7431
    @josiepeace7431 2 ปีที่แล้ว +9

    Architect thank you for your channel, huge help for filipinos trying to build homes. I have a question for two storey basic finish (w/o paint, no ceiling ground floor,no kitchen sink and counter) with tiles, no window installation. For two storey 60 sqm floor area, is 410k labor only in Negros fair price? Thanks for your insight sir!

  • @soulymesticatv
    @soulymesticatv ปีที่แล้ว +1

    Hello po Architect.... dami ko po natutunan sa inyo...salamat po

  • @jollylynquizon6345
    @jollylynquizon6345 2 ปีที่แล้ว +8

    Hello po Archi,so inspiring po talaga mga tips & suggestions nyo lalo npo sa amin na magpapagawa ng bare unit inner hauz sa Dasmarinas po, 2nd time ko po pinanood ito at naiforward ko ndn sa family ko para may idea kmi lalo na hindi nmin kakilala ang Engr. Na gagawa ng bahay po,as in bare unit po talaga no tiles,no partition ,kisame kaya yan po mga ipapagawa nmi,salamat po

  • @bernadetteandales1970
    @bernadetteandales1970 ปีที่แล้ว +1

    My son and daughter soon to be architect sana mapanood nila to marami cla pd matutunan

  • @dianne4697
    @dianne4697 2 ปีที่แล้ว +6

    Thankyou Architect Ed, glad I found your channel while I am still an arki student. Super educating and helpful po😊

  • @ElviraSoliza-gn9tr
    @ElviraSoliza-gn9tr ปีที่แล้ว

    First time po akong magpatayo ng bahay very jnformative po ang mga video ninyo. Thank you.

  • @whitecato
    @whitecato 2 ปีที่แล้ว +5

    Wag kalimutan ang punchlist at gawin/ayusin mga dapat ayusin bago mag-full payment. Dapat din may 30% holdout para sa mga minor repairs at back job

    • @catsandlife464
      @catsandlife464 2 ปีที่แล้ว +3

      Paano po ang process ng punchlist at 30% holdout?

    • @Retro1965
      @Retro1965 2 ปีที่แล้ว +2

      @@catsandlife464 ang pinchlist po ay ang final inspection ng may ari at ng contractor lahat na nakita ng may ari na kailangan gawin or ayusin ilagay sa punchlist at hindi ka muna mag final na bayad hold mo muna for future damage or performance ng isang pinagawa mo.

  • @connietorres6373
    @connietorres6373 2 ปีที่แล้ว

    Mraming salamst po mrami po akong natutunan sa katulad Kong first time magpagwa ng bahay🙏

  • @rectojrCaramat
    @rectojrCaramat 2 ปีที่แล้ว +4

    Huwag didiretso sa contractor. Gigisahin ka sa sariling mantika nyan lalo na kung wala kang alam. Oo ka na lng ng oo. Walang check and balance. Maganda kumuha muna ng architect or mag hire ng owner side consultant either architect or engineer na mag gaguide sayo. 🙂

    • @jonvillasenor7137
      @jonvillasenor7137 2 ปีที่แล้ว +1

      Tama puro kawatan yan., kailangan my alam din tau at kakilala ang architect na gagawa ng plano ng hindi gulangan.

    • @venturanzaflorabel4048
      @venturanzaflorabel4048 2 ปีที่แล้ว

      Yung iba nmang architect ang mahal sumingil kya yung ibang nagppgawa di n kumukunsulta . Para sa akin marunong din mga foreman lalo n mattanda na.

  • @motherofteaman140
    @motherofteaman140 2 ปีที่แล้ว +1

    Thank you po magaganda po yung inyung ibinahagi sa amin, salamat po dahil marami kaming natutuhan, kaya nga lang po kaya yung iba. Hindi makakuha ng Achitect sobra po kasi mahal maningil kaya yung iba naghaharimonan na sinasabi yung pang bayad ko sa architect pangdagdag ko nalang sa labor or materials kaya po hindi na kumukuha ng architect pero para sa akin para mapaayos ang lahat talagang kailangan ang tulong ng architect saludo po ako sayo Sir. God bless you 😇

  • @GreenIced
    @GreenIced 2 ปีที่แล้ว +4

    Good learning & thanks for sharing Arki Ed, Especially po medyo gipit ang budget. We're planning to build our small retirement house. God bless 👍🙏

  • @michellen.yamaguchi3958
    @michellen.yamaguchi3958 ปีที่แล้ว +1

    Super tnx sa mga tips po, Archi.

  • @nelsonc.s.sarsonas6384
    @nelsonc.s.sarsonas6384 2 ปีที่แล้ว +11

    Para sa aking opinion lang. At the end of your pamamaalam. Pwede bang sabihin mona God Bless us all or pagpalain nawa tayong lahat ng maykapal.

    • @johnrambo458
      @johnrambo458 2 ปีที่แล้ว +1

      Humatsing ka muna

    • @jeramytawat1657
      @jeramytawat1657 2 ปีที่แล้ว

      Tama po, dapat lagging una ang DIOS, at sa huli ay DIOS pa din.

  • @Capricorn_jan2648
    @Capricorn_jan2648 4 หลายเดือนก่อน

    Sa mga may pera lang Yan Ang ipa architect at enginer pa .. sa ordinaryong Pinoy mahalaga may matutulugan Ang buong pamilya at safe ..

  • @theluckcoach4592
    @theluckcoach4592 2 ปีที่แล้ว +12

    Architect, request po : sound proofing on next video. para di ko sana marinig yun maingay n kpit bahay nmin hehe..thanks at more power

    • @wellingtonwcston3478
      @wellingtonwcston3478 2 ปีที่แล้ว

      😮Dami nakikinig at naririnig, walang mahanap na lahlay po

  • @daryamlacuban4815
    @daryamlacuban4815 2 ปีที่แล้ว

    Maraming salamuch archie sa maraming info tungkol sa pagpapatayo ng bahay,,at least may dagdag kaalaman ako if ever na magpatayo kami ng bahay in the long run

  • @marissacrisologo4836
    @marissacrisologo4836 ปีที่แล้ว +5

    Noong magpapagawa kami ng bahay, nilapitan ng husband ko ang officemate nya na may sister na Architect na siyang pinagkatiwalaan namin na gumawa ng bahay at paupahan namin.
    Yung inaakala mo na dahil kilala.mo naman ang officemate mo ay safe ka, hindi pala.
    Kalaunan, forever na kayong enemies.
    Kaya ang tips ko based sa experience namin:
    1.
    Wag magpautang sa Architect to off-set it as advance payments.
    Tulad ng nangyari sa amin, yun palang hinihiram ng Architect namin, pinambibili nya ng elf trucks.
    Bukod sa NEVER nya kaming inissuehan ng official receipts.
    Kesyo mamaya o bukas nya ipapadala o naubusan siya ng resibo.
    Kaya ang tagal natapos ang 3-storey duplex townhouse namin.
    2.
    Wag din kayo papayag kapag gusto ng Architect nyo na mag-issue kayo ng checks na nakapangalan sa ibang tao sa kadahilanang pambayad nya kasi yun.
    Wala ka ng habol sa kanya.
    PinasaDiyos ko nalang lahat.
    Mas importante yung malinis ang konsensya mo at nakakatulog ka sa gabi dahil wala kang niloko at inargabyado.

    • @ptftf1126
      @ptftf1126 4 หลายเดือนก่อน

      makakarma din yang arkitektong nanloko sa inyo

  • @joyfulmejaya9839
    @joyfulmejaya9839 2 ปีที่แล้ว +2

    Thanks Architect Sa mga info na shini share nyo. Sana po ma discuss nyo rin Kung Ano ang magandang gamitin Gawain Sa carport or garage na may garden o Wala.

  • @Alice230
    @Alice230 2 ปีที่แล้ว +10

    Hi Architect Ed, I always watch you whenever I receive a new notification. What areas or locations do you practice. If you do not cover La Union area, do you have anyone that you can refer? I will appreciate any info or help you can extend.

    • @meonly914
      @meonly914 2 ปีที่แล้ว +1

      My question too.

  • @nickolsonhardware4250
    @nickolsonhardware4250 2 ปีที่แล้ว +1

    Oo nga Archi Ed, mag sabi kyo ng fee kung Ilang % sa total contract price, planning to build a tiny house, minimalistic & easy to maintain for thunders, thanks so much.

  • @butchbuiser7419
    @butchbuiser7419 2 ปีที่แล้ว +3

    good content archi.. tanong lang po sa tingin nyo po ba mainam din gamiting partition wall ang sandwhich panel like polywall ano ang advantage at disadvantage? thank u po

  • @robertbondoc852
    @robertbondoc852 ปีที่แล้ว

    Yun po napa nuod na focus kayo sa proper ventilation ang natural yn unang focus ko rin sa bahay. Ayoko kopo ng house na madilim at mainit. Kaya ako nag design ng house ko kht maliit lng.

  • @charitomitra3892
    @charitomitra3892 2 ปีที่แล้ว +18

    This is really my bad experience that so late to realise that's why i don't want to happen it again! Your sharing to us is very important to look at and deliver in our nxt project. Thank you Arki Ed😊
    Yes simple outside spend enough inside that will satisfy the needs and wants!

  • @マサコヒキ
    @マサコヒキ 2 ปีที่แล้ว +1

    good afternoon po sir , thank you very much po sa magagandang advise. god bless you po.

  • @norayaon3577
    @norayaon3577 2 ปีที่แล้ว

    Thank you po engnr, sinunod q po plano ng bhay q at mganda kinalabasan, sinunod q advice ng engr q, thanks God meron po kyong ganitong collum at Tama po ung ginawa q

  • @louballvlogs
    @louballvlogs 2 ปีที่แล้ว +5

    Omg Architect Ed! I think you're referring to me in this episode...It hit me so bad... I keep on laughing on myself.
    God bless you always. Cheers!

  • @thonigregorio4582
    @thonigregorio4582 2 ปีที่แล้ว

    nice architect Ed, ang marami akong napulot na gabay sa pagpapatayo nang bahay at papano makatipid.

  • @ayalinjugalbot5388
    @ayalinjugalbot5388 2 ปีที่แล้ว

    relate much din nung nagpagawa kami ng bahay. daming marites at sulsultant. ang ending, pangit pagkagawa. next time na magpagawa ako ulit ng bahay, kukuha na talaga ako ng engineer at architect para hindi masayang ang pera. at hindi na sasakit ulo sa mga palpak na trabaho ng panday. salamat po sa tips

  • @pinoypipewelderinsaudi9561
    @pinoypipewelderinsaudi9561 ปีที่แล้ว

    Kaya naman yan kahit walang expert..lagi naman ako nanuod sa TH-cam mga vedio katulado

  • @lizajarabe8311
    @lizajarabe8311 2 ปีที่แล้ว +6

    Paano Naman kung Ang ipagawang bahay ay worth 300k lang simpleng bahay na Walang interior decoration Basta may 1 room kitchen .Cr ..kailangan bang magbayad ka Ng architect infact may small budget ka lang...

    • @basiliazuniga16
      @basiliazuniga16 2 ปีที่แล้ว +1

      same here.

    • @taurus439
      @taurus439 2 ปีที่แล้ว +1

      same here akin lahat ako din nag drawing sa floor plan ko 3 bedroom 2 cr ayos naman nakakatipid pa nga... kukunin foreman bisaha

  • @socialactioniligan1044
    @socialactioniligan1044 2 ปีที่แล้ว

    Maraming salamat sa tips. Puede din i-aware ang magpatayo nang bahay to check sa materials dahil merong mga substandard.

  • @bebetpalabricavlog8385
    @bebetpalabricavlog8385 2 ปีที่แล้ว

    Salamat sa tips po kz ngayong 28 mag simula n kme. Mag pa tayo ng bahay❤️❤️❤️❤️

  • @leticiacabbigat1101
    @leticiacabbigat1101 2 ปีที่แล้ว

    MARAMING SALAMAT ARCHITECT SA PAGSHARE NG MGA KNOWLEDGE TUNGKOL SA PROFESSION NINYO MALAKING TULONG SA MGA ORDINARYONG TAO TULAD KO.PATI BOSES NYO NAKAKATANGGAL STRESS

  • @edwinroja4678
    @edwinroja4678 2 ปีที่แล้ว

    GLORY TO GOD, good in every point, ideas and lessons - GOD BLESS Po

  • @raynaldelayan264
    @raynaldelayan264 2 ปีที่แล้ว +1

    Most of your suggestions that I should not do ay ginawa ko.
    First, I designed my house using computer. And I saved a lot of money, than having an architect.

  • @eliaslecera6895
    @eliaslecera6895 2 ปีที่แล้ว

    Sakto talaga sir..,marami na akong nkasalimuha ng ganyan na client..,but sa huli pag nakagulo2x na biglang tatawag.,may problema sila..,kasi daw sir mahal daw tayo..sa panday nlng sila at foreman.,maganda ang bahay nila..,

  • @BujingsTV
    @BujingsTV 2 ปีที่แล้ว

    Okay lang naman archietech kung newbie na engr..yung fresh na pasa palang..ying pagpractisan nya yung magiging bahay nya..

  • @victoriafernandez9632
    @victoriafernandez9632 2 ปีที่แล้ว +1

    hello po first time po ako mag watch ng videos nyo tamang tama po magpapagawa pa lang po din ako

  • @leopar9854
    @leopar9854 2 ปีที่แล้ว

    Maraming salamat po Arch. Edel Ramos, napakalaking tulong👍👍👍

  • @joelbaltazar3545
    @joelbaltazar3545 2 ปีที่แล้ว

    Good advice... Yan ang may malasakit sa kapwa

  • @merlinfajutagana4936
    @merlinfajutagana4936 2 ปีที่แล้ว

    Maraming salamat sa mga tips. Just ona time na nabasa ko dahil gusto ko magpatayo ng bahay soon.

  • @junllemos1357
    @junllemos1357 2 ปีที่แล้ว

    maraming salamat archi. sir Ed sa mga payo mo, pero pwede naman siguro kumuha ng idea sa mga "marites" n kapitbahay then sa experts mo ipagawa at malamang mas magiging maganda ang resulta ng mga sinabi lng sayo...

  • @florenciafruelda9594
    @florenciafruelda9594 ปีที่แล้ว

    expert po tlg dapat gagawa ng house kahit simple design lng po

  • @teddypascual8261
    @teddypascual8261 2 ปีที่แล้ว

    Galing po ng paliwanag
    Nyo sir, thanks nakakuha
    Ako ng idea kung paano
    ko gagawin kung magpapa-
    Tayo ako ng bahay

  • @angelinaconsulta497
    @angelinaconsulta497 2 ปีที่แล้ว

    Salamat po ..sa gagawing pagpapatayo ng house ko. God bless po.

  • @mikeemonserate3187
    @mikeemonserate3187 2 ปีที่แล้ว

    Good evening Engr.watching her in jubail Saudi Arabia.salamat sa pag share nang mga idea..Tama nga namn Sir dapat Nga sa loob nang Bahay Ang pagtutuonan nang malaking budget .at sa labas keep it simple.

  • @adoravlogtv6821
    @adoravlogtv6821 ปีที่แล้ว

    Ang gusto ko sir simple lang Ang design..para maaliwalas.

  • @robertbondoc852
    @robertbondoc852 ปีที่แล้ว

    Yess, ako sr.. but im still picking up relevant idea. Ako lng nagtayo ng house ko at nag supervise.kc since my childhood i'm aware in construction. Construction is our way of living.

  • @marilynpascual7644
    @marilynpascual7644 2 ปีที่แล้ว

    Thank you so much i learned a loy coz its myfirst time to build my own house

  • @benpani8569
    @benpani8569 2 ปีที่แล้ว

    Ingat din po tayo sa mga archt contractors na kumukuha ng maraming project na di kaya tapusin ang bahay. Madami din po ngayon ttumatakbo pag nakuha na ang pera.

    • @romualdojrsison1725
      @romualdojrsison1725 2 ปีที่แล้ว

      Well said.
      Hinde po ibinibigay ang kabuuang halaga ng contract, hangga't hinde nyo na inspect ang mga ginawa(need nyo ng professional sa bagay na iyan)at may retaining amount as security holding insurance for certain period. Baka isang buwan palang matirhan ay lumabas na mga problems sa mga ginawa, paano nyo pa mahabol ang repair? just my 1 cent.

  • @judithsdream1271
    @judithsdream1271 2 ปีที่แล้ว

    Hahhahahaha...nagising ako sa "CHOPSUEY"..buti na lng! Salamat architect Ed. Nahimasmasan ako 😅

  • @MrLoveisstronger
    @MrLoveisstronger 2 ปีที่แล้ว +1

    Dami ko napupulot na good ideas syo archi. The best ka talaga. Sana mareach mo na ang 100k subscribers

  • @bigmore8734
    @bigmore8734 2 ปีที่แล้ว

    Good tips Sir. Tama po lahat. Naka relate ako sa tibagin yan hehehe pero sa harapan na bakod lang naman.

  • @tocalily26
    @tocalily26 2 ปีที่แล้ว

    Si architect ed talaga ang gusto ko pag mag papa design at mag paapayos na ako ng paupahan namen..someday.. makakauwi din Ng pinas

  • @ChamPion-gu3jd
    @ChamPion-gu3jd 2 ปีที่แล้ว +2

    Very informative and correct lahat ng point!!! Salamat Architect Ed👍

    • @judithbruno523
      @judithbruno523 2 ปีที่แล้ว

      Arch Ed ang hirap mag pa construct na nakatira ka old house with same location ano ma advice mo...ano ang unahin while staying on the house

  • @arielzartiga6721
    @arielzartiga6721 2 ปีที่แล้ว

    Architect Ed Mabuhay po kayo.

  • @remyvlog4853
    @remyvlog4853 2 ปีที่แล้ว

    sir Ed ikaw nlng kukunin ko ,kapag mgpagawa na ako nng bahay,, kaya tamsak na kita sa bahay mo sir ed, God bless you more.

  • @audreyannedejesus9344
    @audreyannedejesus9344 2 ปีที่แล้ว +1

    Maraming Salamat Architect Ed..relate po ako sa lahat na sinabi nyo.Watching here in KSA

  • @mervinlim8028
    @mervinlim8028 2 ปีที่แล้ว

    magandang content din Ar Ed kuha ka ng mga actual palpak na design elements na maeencounter mo then ipunin mo at ifeature mo dito sa channel para wag tularan ng mga viewers lalo na sa mga construction videos na mga maling practice. hihi suggestion lang naman ito. more power Ar. Ed.

  • @antoniogutierrez8694
    @antoniogutierrez8694 ปีที่แล้ว

    TYVM po Architect Ed

  • @celerinaalcantara7849
    @celerinaalcantara7849 2 ปีที่แล้ว

    Thank you for sharing sana dumating ang time na magttanong ako sayo about sa house it means magkka bahay na ako at sana dumating ang time na yun god is good nman malay natin thanks again🙏

  • @josephreylustre3737
    @josephreylustre3737 2 ปีที่แล้ว

    Salamat sa dagdag kaalaman,nka avail ako ng pag ibig housing loan,bare type at kylangan ng improvement interior at exterior,hopefully mkaipon na pra mapagawa na.salamat po sa tips,mggamit ko ito.Godbless

  • @KimSEya
    @KimSEya 2 ปีที่แล้ว

    relate much kami arc Ed,gawa tibag,kasi maraming marites,laki na ng nagastos,wala pa ring magandang kinalabasan...papalit palit ng taga gawa,haha maliit lang naman po space namin,the best talaga magpadesign sa arc...salamat po marami kaming natututunan arc Ed.

  • @charlitoavila1400
    @charlitoavila1400 2 ปีที่แล้ว

    good morning, maraming Salamat architect Ed.

  • @agnessaberon3485
    @agnessaberon3485 ปีที่แล้ว

    Thankyou Engr Ed!

  • @almapasturan6351
    @almapasturan6351 ปีที่แล้ว

    Salamat po sa kaalaman..isa lang po sanang comment sa.channel nyo po..malakas po ang music habang nagsasalita kayo..salamat po uli

  • @kinnaheverwijn506
    @kinnaheverwijn506 2 ปีที่แล้ว

    Meaning. Salamat alamkona. God bless you amen

  • @porazokanaiester4283
    @porazokanaiester4283 2 ปีที่แล้ว

    Tama po buti andyan kayo ang dami ko nalaman sa inyo

  • @deliagines3767
    @deliagines3767 2 ปีที่แล้ว +1

    Sir ed amaized ako sa mga videos mo at talaga naman marami akong naaaral!my apo who is a newly graduate ng archeticture also watch and she says she also like your vlog!

  • @mariapbl2763
    @mariapbl2763 2 ปีที่แล้ว

    Tama ka po dito sa Europe karamihan loob ang maganda hindi sa labas, nakikita ko mga pinagawang bahay jan, ang mga bedrooms hindi magandang tingnan. Mabuhay po kayo

  • @iferlukolbaidle2674
    @iferlukolbaidle2674 4 หลายเดือนก่อน

    Maraming salamat po architect saludo

  • @junmanzon7395
    @junmanzon7395 ปีที่แล้ว

    Thank you Sir for the additional info. Very informative and helpful. God bless you more Sir Ed.

  • @FrankCombatful
    @FrankCombatful ปีที่แล้ว

    marami din kasi mapag samantalang architect engineer & contractor pag hindi personal na kilala ..sa reliable & trusted lang ok yan.

  • @kutchikukukitchen6604
    @kutchikukukitchen6604 2 ปีที่แล้ว

    Architect next topic about sa ibang work ng architect bukod sa pg build ng bahay kz anak ko yun ang gusto nya kurso

  • @raquelperocho1905
    @raquelperocho1905 2 ปีที่แล้ว

    Hi po architect kami po first time po namin magpagawa ng bahay sa isang subdision. Totoo po lahat ng sinasabi nyo. Kaya lahat po ng mga nanood true po lahat ng sinabe ni architect ed. Kailangan po talaga ng tulong ng architect at eng.para wag sumakit Ang ulo

  • @gracecruz3658
    @gracecruz3658 2 ปีที่แล้ว

    Maraming salamat po, Architect!