Greyhoundz - XXV (feat. Gloc-9) (OFFICIAL MUSIC VIDEO)

แชร์
ฝัง
  • เผยแพร่เมื่อ 16 มี.ค. 2023
  • The official music video for "XXV" by Greyhoundz featuring Gloc-9.
    Artist: Greyhoundz feat. Gloc-9
    Reg Rubio
    Nino Avenido
    Audz Avenido
    TJ Brillantes
    Production: Mad Monkey Production
    Written By: Reg Rubio
    Director of Photography: Dino Placino
    Edited by: Kevin Saulo
    VFX by: Berto Abenido
    Color grading: Owen Berico
    Production Designer: Emmanuel Calixto
    Production Manager: Itoy Pangilinan
    Assistant Director: Fritzie Kabigting
    Produced by: Nia Laureano
    Special mention: Jeff Keenan, Joseph Maquirang, Tim Tupa
    Make-up by: Erica Racella
    Costume Design: Justin Agullo
    Production Staff: Kirby Tandoc, RJ Kaoili
    Camera crew: Tito Raj Marsigan, Randy Custodio, Shin Cruz
    Behind the scene: Nikolai Agulto, Renz Del Rosario
    Directed by: Niko Ignacio
    Special Thanks to: Numinous PH, Tribal Gear PH, The Lower Left Manila, Tower of Doom
    Audio Recorded at Tower Of Doom Studios
    Recorded, Mixed, Mastered by Symoun Durias of Tower Of Doom
    Check out Greyhoundz's Facebook page and get the latest updates on her latest releases!
    / greyhoundzgang
    / glocdash9
    / towerofdoomm. .
    / towerofdoom
    www.towerofdoom.net
    LYRICS:
    Simulan natin ang bente sinko...
    VERSE 1
    Hawak ko nung ako'y nangarap
    Mga kapatid na aso ako'y niyakap
    Nilawayan upang di na bumuka ang tarak
    At humarang sa mga ayaw na mag paawat
    Binuksan ang pintuan ng tahanan nila't ako'y pinatuloy
    Maginaw, sinindihan ang apoy
    Walang taguan ng baraha mag laro man ng pusoy
    Maluwag ang huminga kahit na ano pang amoy
    Kilala namin ang isa't-isa
    Kahit na kapaligira'y mag iba
    Buo't barya, lagi kaming may paninda
    Sagot kita ano man ang tanong nila
    Alisin na sa usapan ang korona at trono
    Isa lang ang may karapatan ayoko
    Kahit kung minsan ako ay tila ba wala sa tono
    Aawit parin kapag pinasabay sa koro ng todo
    CHORUS 1
    Pumalag sa agos
    Kami nakatawid
    Sumabay sa alon
    Kami ang nanaig
    Pumalag sa hamon
    Sayo na ang sukli
    Hindi napagod
    Kaya kami nakarating
    Para bang sumakay ka sa tangke...
    VERSE 2
    Sinargo ang parada,
    palaruan, inangkin
    Walang babala
    sa delubyong dumating
    Namulat ang madla
    sa talas ng patalim
    Nagliyab ang entablado
    Alam mo sino nagsindi
    Ginawang araw ang gabi
    Mga pagkakataon ay pinagtahi-tahi
    Dugo't pawis ang alay
    kada ambag, kada tari
    Buwis buhay kada lapag
    kada lagari
    Gera kung gera
    san man ang pwesto
    Asahang dala namin
    Ang krudo para sa puso
    Taas bandera
    Taas kamao
    Sabay natin buhatin ang bigat ng mundo
    Sumuntok sa buwan at naging tala si juan
    Salamat kay Bathala siyang bahala, siya nawa
    Nobentay syete hanggang kasalukuyan
    Kami ang bakal at apoy na walang kamatayan
    CHORUS 1
    Pumalag sa agos
    Kami nakatawid
    Sumabay sa alon
    Kami ang nanaig
    Pumalag sa hamon
    Sayo na ang sukli
    Hindi napagod
    Kaya kami nakarating
    CHORUS 2
    Parang baga na hinipan siguradong aapoy di mahina
    Hinagisan pa ng mga sinulatang pahina
    Kapag tumatagal umiinit ang makina
    Sinasakal di mapipigil ang pag hinga
    Akin na
    BRIDGE 1
    Laging lagyan ng laman ang balde
    Di nababasa kahit na umangge
    Kulang ang sabi sabi kapag kami pinagtabi
    Darating agad agad, lalapag araw o gabi
    Tila musika sa tenga
    Parang kamot sa kati
    Ako ay tagahanga na pinagpala
    Nakamit ang pangarap na walang daya
    Di mahirap samin ang magpaubaya
    Bitawan ang galit upang tayo'y lumaya
    BRIDGE 2
    Kahit sa malayo ang sadya
    Hindi nanghina ang pagpadyak
    Kahit na sa laot inulan
    Tuloy tuloy lang ang pagsagwan
    Kahit na matayog ang lipad
    Mga paay sa lupa naglalakad
    Laging uhaw sa pakikipagdigma
    Kaluluway busog na busog sa biyaya
    CHORUS 1
    Pumalag sa agos
    Kami nakatawid
    Sumabay sa alon
    Kami ang nanaig
    Pumalag sa hamon
    Sayo na ang sukli
    Hindi napagod
    Kaya kami nakarating
    CHORUS 2
    Parang baga na hinipan siguradong aapoy di mahina
    Hinagisan pa ng mga sinulatang pahina
    Kapag tumatagal umiinit ang makina
    Sinasakal di mapipigil ang pag hinga
    Akin na
  • เพลง

ความคิดเห็น • 2.1K

  • @theclassicmanila-style8435
    @theclassicmanila-style8435 ปีที่แล้ว +146

    25 yrs, swerte natin sa artists tulad ng Houndz kasama natin tumanda hanggang ngayon pinapasaya tayo 🔥🔥🔥

    • @nelthegreat2461
      @nelthegreat2461 ปีที่แล้ว

      Rakurs ka Ren pala idol, nood den ako ng vids mo PBA, naka subs den ako sayo

    • @theclassicmanila-style8435
      @theclassicmanila-style8435 ปีที่แล้ว +1

      @@nelthegreat2461 yes idol mga early 00s ako nakinig ng music mga greyhoundz at cheese noon same era din nanood basketball ginebra sila Mark at JJ kaya memorable satin 🔥🔥

    • @welovephilippineswithmylov5419
      @welovephilippineswithmylov5419 ปีที่แล้ว

      😮

  • @evangranted3110
    @evangranted3110 ปีที่แล้ว +146

    Tanda ko pa dati, magkalaban ang hiphop at mga rakista, ngayon nag-iisa sa isang music video, grabe unity na to men!

    • @marvaynetacio7701
      @marvaynetacio7701 ปีที่แล้ว +6

      Francis m plang rakistang hiphop na

    • @joeant7157
      @joeant7157 ปีที่แล้ว +8

      😂😂😂asan ang hiphop jan??? Rap metal yan

    • @aliengod2104
      @aliengod2104 ปีที่แล้ว +16

      ​@@joeant7157 rap is part of the hip hop genre. Napaka strikto mo naman.

    • @jhowthekid7782
      @jhowthekid7782 ปีที่แล้ว +4

      @@aliengod2104 Wag mo ng pansinin yan tol, ayaw kasi niya sa unity eh.. 😅

    • @migmonsalud3516
      @migmonsalud3516 ปีที่แล้ว +12

      @@joeant7157 Hip-hop 'yan si Reg at may influence talaga ng hip-hop ang Greyhoundz eversince.

  • @user-hx1zb1ss6p
    @user-hx1zb1ss6p 17 วันที่ผ่านมา +1

    Sabay sabay nakatawid!!! mismo mga kapatid! bente singko!

  • @vonodequillo7638
    @vonodequillo7638 ปีที่แล้ว +35

    "alisin na sa usapan ang korona at trono isa lang ang may karapatan, ayoko. " 🔥🔥🔥🔥🥶🥶🥶🥶 -Gloc9 💪💀

  • @isangbagsakyunna5084
    @isangbagsakyunna5084 ปีที่แล้ว +31

    Ito ang panahong nagkakaisa ang lahat ng nasa industriya. Walang kumparahan, walang labanan at tanging pagpapakalap lang ng presentasyon ang hangad. Mabuhay ang Pinoy! Mabuhay ang mga Pinoy Artists!

  • @slothmachine9122
    @slothmachine9122 ปีที่แล้ว +74

    [Verse 1: Gloc-9]
    Simulan natin ang bente singko
    Hawak ko nung ako'y nangarap
    Mga kapatid na aso ako'y niyakap
    Nilawayan upang di na bumuka ang tarak
    At humarang sa mga ayaw na magpaawat
    Binuksan ang pintuan ng tahanan nila't ako'y pinatuloy
    Maginaw, sinindihan ang apoy
    Walang taguan ng baraha, maglaro man ng pusoy
    Maluwag ang huminga kahit na ano pang amoy
    Kilala namin ang isa't isa
    Kahit na kapaligira'y mag-iba
    Buo't barya, lagi kaming may paninda
    Sagot kita ano man ang tanong nila
    Alisin na sa usapan ang korona at trono
    Isa lang ang may karapatan, ayoko
    Kahit kung minsan ako ay tila ba wala sa tono
    Aawit pa rin kapag pinasabay sa koro ng todo
    [Chorus]
    Pumalag sa agos, kami nakatawid
    Sumabay sa alon, kami ang nanaig
    Pumalag sa hamon, sa'yo na ang sukli
    Hindi napagod, kaya kami nakarating
    Pumalag sa agos, kami nakatawid
    Sumabay sa alon, kami ang nanaig
    Pumalag sa hamon, sa'yo na ang sukli
    Hindi napagod, kaya kami nakarating
    (Para kang pinasakay sa tangke)
    [Verse 2: Reg]
    Sinargo ang parada, palaruan inangkin
    Walang babala sa delubyong dumating
    Namulat ang madla sa talas ng patalim
    Nagliyab ang entablado, 'lam mo, sino nagsindi?
    Ginawang araw ang gabi
    Mga pagkakataon ay pinagtahi-tahi
    Dugo't pawis ang alay kada ambag, kada tari
    Buwis buhay kada lapag, kada lagari
    Gera kung gera sa'n man ang pwesto
    Asahang dala namin ang krudo para sa puso
    Taas bandera, taas kamao
    Sabay natin buhatin ang bigat ng mundo
    Sumuntok sa buwan at naging tala si Juan
    Salamat kay Bathala, Siyang bahala, Siya nawa
    Nobenta'y syete hanggang kasalukuyan
    Kami ang bakal at apoy na walang kamatayan
    [Chorus]
    Pumalag sa agos, kami nakatawid
    Sumabay sa alon, kami ang nanaig
    Pumalag sa hamon, sa'yo na ang sukli
    Hindi napagod, kaya kami nakarating
    Pumalag sa agos, kami nakatawid
    Sumabay sa alon, kami ang nanaig
    Pumalag sa hamon, sa'yo na ang sukli
    Hindi napagod, kaya
    [Refrain]
    Parang baga na hinipan, siguradong aapoy, 'di mahina
    Hinagisan pa ng mga sinulatang pahina
    Kapag tumatagal, umiinit ang makina
    Sinasakal, 'di mapipigil ang paghinga, akin na
    [Verse 3: Gloc-9]
    Laging lagyan ng laman ang balde
    'Di nababasa kahit na umanggi
    Kulang ang sabi-sabi kapag kami pinagtabi
    Darating agad-agad, lalapag araw o gabi
    Tila musika sa tenga, parang kamot sa kati
    Ako ay tagahanga na pinagpala
    Nakamit ang pangarap na walang daya
    'Di mahirap sa amin ang magpaubaya
    Bitawan ang galit upang tayo'y lumaya
    [Bridge]
    Kahit sa malayo ang sadya
    Hindi nanghina ang pagpadyak
    Kahit na sa laot inulan
    Tuloy-tuloy lang ang pagsagwan
    Kahit na matayog ang lipad
    Mga paa'y sa lupa naglalakad
    Laging uhaw sa pakikipagdigma
    Kaluluwa'y busog sa biyaya
    [Chorus]
    Pumalag sa agos, kami nakatawid
    Sumabay sa alon, kami ang nanaig
    Pumalag sa hamon, sa'yo na ang sukli
    Hindi napagod, kaya kami nakarating
    Pumalag sa agos, kami nakatawid
    Sumabay sa alon, kami ang nanaig
    Pumalag sa hamon, sa'yo na ang sukli
    Hindi napagod, kaya kami nakarating
    [Refrain]
    Parang baga na hinipan, siguradong aapoy, 'di mahina
    Hinagisan pa ng mga sinulatang pahina
    Kapag tumatagal, umiinit ang makina
    Sinasakal, 'di mapipigil ang paghinga, akin na

  • @chanksjamtime4425
    @chanksjamtime4425 ปีที่แล้ว +61

    Kahit nasaang larangan ka, kahit wala ka sa musika, tagos at makaka relate ka sa kantang to! 🔥🔥🔥 Hanep kayo gumawa ng obra! Lalo yung lyrics ng outro neto! Busog na busog kami. Salamat sa mga letra ng determinasyon at gasolina mga idolo Greyhoundz at sa lahat ng kasali dito sa MV. Mabuhay kayo hanggat gusto niyo ❤️

    • @bcpo-cityoperationsunit6629
      @bcpo-cityoperationsunit6629 ปีที่แล้ว +2

      wag ka iyak boi d ka naman inaano jan

    • @spongebob8358
      @spongebob8358 ปีที่แล้ว

      Anyways, andiyan ung Tubero

    • @ericjayfederizo3549
      @ericjayfederizo3549 ปีที่แล้ว

      Gyera kong gyera

    • @carlmarkoprin2184
      @carlmarkoprin2184 ปีที่แล้ว

      Kahit na matayog ang lipad mga paa sa lupay naglalakad laging uhaw sa pakikipagdigma kaluluway busog sa biyaya🔥

    • @graves7601
      @graves7601 ปีที่แล้ว

      Para kang kengkoy. Iyak at uwi uwi

  • @maricris8002
    @maricris8002 ปีที่แล้ว +48

    Solid talaga! Sana mag trend mag million views at mag live sa wish bus. Dapat mga ganitong music pinapakinggan. 🔥🔥🔥🔥

  • @moorsh3623
    @moorsh3623 ปีที่แล้ว +3

    2:29 Eto ba yung sa morobeats guys??

  • @MOROBEATS
    @MOROBEATS ปีที่แล้ว +59

    Congrats sa lahat mga kapatid at maraming salamat sa pag sama sa amin sa MV @reg rubio at @gloc-9 🙌🙌🙌
    Sarap ng payapa at sama sama ❤️❤️❤️

  • @dummyhotdog
    @dummyhotdog 6 หลายเดือนก่อน +4

    Tumanda na ang lahat pero ang kalidad talaga ng musika ng Greyhoundz di nagbabago. 💯 Salamat at parte kayo ng pagkatao ko. Mula noon hanggang ngayon. ❤‍🔥

  • @angelosalas1152
    @angelosalas1152 6 หลายเดือนก่อน

    Baka greyhoundz yan ei...! 1998 grade six palang ako narinig ko na alulong ng mga aso, gang ngayon naging lobo. Isang all star collab sana makakita tayo.

  • @ninoryansiman9350
    @ninoryansiman9350 ปีที่แล้ว +10

    Grabe nakaka tindig balahibo to!...isa2 nakikita ang mga malu- Lupet na IDULO sa andar MV.... nakaka surprise sa unang panood ng MV.... may makikita ka sa HULI....
    -Laging lagyan ng laman ang balde...
    -hindi napagod kaya kami naka rating..
    -sayo na ang sukli...
    Solid!!!

  • @disruptot-ow7cj
    @disruptot-ow7cj ปีที่แล้ว +12

    GOOSEBUMPS! SALAMAT SA 25 YEARS HOUNDS!

  • @renrenazura773
    @renrenazura773 ปีที่แล้ว +2

    "Aawit parin kapag pinasabay sa Koro"
    Goosebumps to Francis M.

  • @MP-uk1lx
    @MP-uk1lx ปีที่แล้ว +1

    Sana may alternate version ng music video na to, wherein yung ibang artist na nakilala nila along the way to 25 years naman, hnd kasya lahat sa isang MV eh, then yung unang pasahero si Rossana Roces

  • @annunakki
    @annunakki ปีที่แล้ว +7

    Hindi ko Alam bat ako nkangiti buong video. Nostalgic like sound parang bumalik ako Ng 90s. Approved! happy 25 years greyhound!

    • @kuriekoretv4649
      @kuriekoretv4649 ปีที่แล้ว

      mismo!

    • @Puffaber
      @Puffaber ปีที่แล้ว

      Same vibe men pucha ang saya makita yung mga tito na kasama yung mga new school, ginto!

  • @paulregaspi3785
    @paulregaspi3785 10 หลายเดือนก่อน +4

    Mamahalin ang kultura at hindi tatalikuran❤️🤘🏼👌🏻🔥🔥

  • @krisjonathangorre5081
    @krisjonathangorre5081 4 หลายเดือนก่อน

    natupad na rin ang wish bus,... lahat ng malulupit sakay sa isang bus. . sabaybay walang unahan deretso ang daan

  • @jesraelmattcustorio8419
    @jesraelmattcustorio8419 ปีที่แล้ว

    Meron Akong Ano music video sa last part si Gloc-9 pa punta sa band spot, 12yrs later sya na man humawak ng microphone. SOLID!

  • @maxmaxmax616
    @maxmaxmax616 ปีที่แล้ว +3

    grabe pag may collab si Gloc 9 with rock bands napaka solid

  • @AMACHiiBiong
    @AMACHiiBiong ปีที่แล้ว +9

    Grabe! Sir Gloc-9, parang swiss-army knife. Kahit sinong kasama collab, swak!
    Astig na concept, basta talaga Greyhoundz, walang mintis
    All-star cameo pa! Salamat sa kanilang suporta 🤌🏽 Pilipinas, no.# 1 🇵🇭

  • @nodiventures690
    @nodiventures690 ปีที่แล้ว +1

    Solid, pinaka maangas na bus sa pinas 🔥🔥🔥

  • @tinikling007
    @tinikling007 ปีที่แล้ว

    andito lahat mga idolo ko!!!!!!!

  • @yanpolo9981
    @yanpolo9981 ปีที่แล้ว +3

    mabuhay lahat ng musikerong pinoy salute sainyong lahat 🤟🤟🤟🤟🤟

  • @KuyaDhenz
    @KuyaDhenz ปีที่แล้ว +11

    Gloc 9 and Greyhoundz ... Kudos, lalo na Avenidos na member nila ...
    Ganda ng MV, bigat ng casting ...

  • @BRYSYKO
    @BRYSYKO ปีที่แล้ว

    andiyan sana si Jamir sa MV… (RIP sa kanya)
    lakas!! walang kupas! 🔥

  • @stevenandaya5704
    @stevenandaya5704 ปีที่แล้ว

    Kung nabubuhay si francis M, malamang parang KORO labas nito. Walang kupas ang greyhoundz! 🤘🏻🤘🏻🤘🏻🤘🏻

  • @renzupsop
    @renzupsop ปีที่แล้ว +5

    Me and my 3 year old listened to this song while I was driving. Laking gulat ko kinuha nya yung empty box sa may front seat then he started drumming on his own. Mukhang maipapasa ko pa ang trip kong tugtugan sa anak ko. 😂

  • @bobbarbas322
    @bobbarbas322 ปีที่แล้ว +25

    25 years 🤘 ganda ng MV, instrumental, at Lyrics! Salamat Houndz 🙇🙇🙇

  • @nashiiie21
    @nashiiie21 ปีที่แล้ว

    Bakit kaya wala si Jay? 😅
    Congrats Greyhoundz!!! Salamat sa 25 years of good music! ❤

  • @blkmist5569
    @blkmist5569 10 หลายเดือนก่อน +1

    gloc kiko tas loonie ba naman sana collab pa din sa ibang rapper na magagaling

  • @XVII.19
    @XVII.19 ปีที่แล้ว +5

    ANG LAKAS!!! Sa tuwing pinapakinggan ko 'to araw-araw, palagi akong ganado. Mabuhay kayo GreyhoundzXGloc9! 🤘🏼

    • @Kweso_1988
      @Kweso_1988 ปีที่แล้ว

      same here tol haha

  • @amazonjelledsushi
    @amazonjelledsushi ปีที่แล้ว +7

    Ang gandaaa putek! Apaka-angas!
    Tinatawag na naman akong magbalik-loob sa tugtugang metal.
    Ang ganda pati ng M/V!
    🔥👩🏽‍🎤
    Sana maka-angkas din ako sa bus na yan. 😊

  • @rycvenzon2701
    @rycvenzon2701 ปีที่แล้ว +1

    Bat nakakaiyak? 🥹
    Hanep talaga tong Houndz at Gloc
    🔥🔥🔥🔥🔥

  • @arnacionales4140
    @arnacionales4140 ปีที่แล้ว +2

    Uy Si Birjin Pakir! Hahahaha

  • @ChauverleneVencio-tw8iq
    @ChauverleneVencio-tw8iq ปีที่แล้ว +62

    There's so much to love in this song.
    1. Loved the instrumental, sounds like NU Metal.
    2. Lyrical content is superb.
    3. MV itself, super busog to watch.
    If only Slapshock exists til today, they would have been included for sure!
    Anyways, keep it up! To more superb nu metal songs! 🫡🤘🖤👏

    • @Odium13
      @Odium13 ปีที่แล้ว +1

      omsim

    • @analyticgeometry1
      @analyticgeometry1 ปีที่แล้ว +1

      nu metal since day 1

    • @i-gotchu-fam
      @i-gotchu-fam ปีที่แล้ว +3

      Three Kings ng pinas lives forever in our hearts! 🖤🤘

    • @amazinggomer454
      @amazinggomer454 ปีที่แล้ว +4

      Jamir unang sasakay sa buss. For sure hehe miss u dol #slaparmy

    • @owwsdingatlaga8633
      @owwsdingatlaga8633 ปีที่แล้ว

      Maganda sana kung nagrepresent kahit yung anak o asawa ni jamir o kaya kay francis m si elmo

  • @jaymaglahus
    @jaymaglahus ปีที่แล้ว +4

    1ST VERSE AY ANG KWENTO KONG PAPANO NIYAKAP NG HOUNDZ SI GLOC NONG ARAW ❤ WINARAK ANG HARANG SA PAGITAN NG MALING PANANAW SA MUSIKA. MABUHAY KAYONG MGA ARTISTS SALUDO SA HOUNDZ!

  • @sirjlc
    @sirjlc ปีที่แล้ว

    wala ako masabi "napaheadbang n lang ako sa ganda "

  • @kimisomelove7
    @kimisomelove7 ปีที่แล้ว +13

    Angas grabe! Pakiramdam ko tumatanda na ko talaga haha lupit ng concept, bagsakan, liriko at lahat ng mga kasama sa MV na to!

  • @theraile
    @theraile ปีที่แล้ว +7

    Parang tuba! Habang tumatagal, lalong sumasarap!
    Sarap isoundtrip nito. Bonus n lng ung all star music vid! 🔥

  • @MonkeyDLuffy-xz2me
    @MonkeyDLuffy-xz2me ปีที่แล้ว +1

    Lakas nong,nandyan din po Sana c general jamir😢

  • @wala11wala
    @wala11wala ปีที่แล้ว

    sana maperform nila to sa WISH!

  • @dubaldsagustin2892
    @dubaldsagustin2892 ปีที่แล้ว +13

    Simula nung marinig ko yung Greyhoundz nung highschool ako tumatak na kayo sa puso at isip ko. Yung tipong pag dinig mo palang ng intro ng kanta alam mo na sila na agad yon. saludo sainyo mga sir! maraming maraming salamat sa masasarap na MUSIKA kasama ko ang mga ginawa nyong kanta sa lahat ng byahe ko sa buhay.

    • @ronjskiulapniks4742
      @ronjskiulapniks4742 ปีที่แล้ว +1

      Same . Man. At Kung d din dahil sa mga barako kong pinsan noon .hehe .. baka dko sila makikilala agad pati slapshock .. simula tuloy tuloy na

  • @mushamorales492
    @mushamorales492 ปีที่แล้ว +3

    Ung musika, banda, music video at mga tao na kasama sa music vid sobrang solid! Halo halong banda mainstream at underground represent! 🔥🔥🔥

  • @rexalmene9410
    @rexalmene9410 ปีที่แล้ว

    ewan ko lang kong ano kalalabasan kong may verse c chito at ron sa kantang eto !!!! 🔥🔥🔥🔥🔥🔥🔥🔥🔥🔥🔥🔥🔥🔥🔥🔥🔥🔥🔥🔥🔥🔥 #MakataSaPinas #AboNaAso

  • @Emvins
    @Emvins ปีที่แล้ว

    Nung panahon ko magkaaway ang hiphop at rakista. Ngayon panay collab na nila and masaya mga panahon na tintangkalik yung parehas na genre.

  • @Kurapikahoundz
    @Kurapikahoundz ปีที่แล้ว +6

    ONE LOVE! Sarap sa puso!!!! naulit ulit ganitong eksena sa MV Congratulations sa inyong lahat 25 yrs and counting! Mahal namin kayo suporta hanggang dulo!

  • @stephenkyrie9896
    @stephenkyrie9896 ปีที่แล้ว +18

    Super solid nyo mga lodz! Sa MV din pinagsama-sama mga solidong musikero sa eksena. #Greyhoundz #Gloc-9 #OPM #NuMetal ❤️🤘🏼💀👍🏼🔥

  • @yangkerino4473
    @yangkerino4473 ปีที่แล้ว

    palagay naman nito sa spotify pls

  • @jeosh.
    @jeosh. 7 หลายเดือนก่อน +1

    Matik kung buhay pa si Francis M at Jamir panigaradong kasama sya jan. Greyhoundz walang kupas. 🔥

  • @UlyssesBardelas-uc5oe
    @UlyssesBardelas-uc5oe ปีที่แล้ว +13

    These verses motivates me more to continue pushing to reach out for lifes goals.
    Thank you for this!

  • @aliengod2104
    @aliengod2104 ปีที่แล้ว +3

    Ang angas ng kanta. Tapos nakakatuwa yung video. Mga staples sa eksena na nag eenjoy sa tunog. Artists supporting artists. Saludo!

  • @johnpaulmiguel1591
    @johnpaulmiguel1591 ปีที่แล้ว

    Napaka swerte ni shanti. Nakasama nya ang mga batikan sa industriya!

  • @Sinnersaint10
    @Sinnersaint10 ปีที่แล้ว

    Nag flashback saken ung Koro. Yung kanta na kasama nila si Francis M.🥺

  • @jayautoelectricalworkz
    @jayautoelectricalworkz ปีที่แล้ว +3

    All star cast..sarap sa tenga ng musikang Pinoy.. happy 25th greyhoundzXgloc9..mabuhay Ang OPM!!

  • @davecamporedondo9585
    @davecamporedondo9585 ปีที่แล้ว +6

    Salamat sa musika at sining Reg, Auds, Niño at Tj! Sunog lang nang sunog!! Cheers to the next 25 years and beyond, Padayon! 🔥 🔥 🔥

    • @Kweso_1988
      @Kweso_1988 ปีที่แล้ว +1

      Don't forget the late Allen Cudal bro❤.... TaaS noo

  • @zerojinx4333
    @zerojinx4333 ปีที่แล้ว

    Sinilip ko lang talaga si Birjin Pakir dito🙂🖤

  • @francismercado4620
    @francismercado4620 4 หลายเดือนก่อน +1

    Hindi ko alam pero, solid tlaga pag TOWER. Lahat ng gusto mong makita, makikita mo sa isang MV. Grabee

  • @jeffryticman4785
    @jeffryticman4785 ปีที่แล้ว +3

    Tumayo balahibo ko dito! ANGASSSSS!!!!! Napakasolid nito Manong Reg! Solid ni Gloc-9 dito! Saludo!

  • @lomejor6367
    @lomejor6367 ปีที่แล้ว +3

    Solid na mga cast sa isang malupitang kanta ano pang hahanapin mo kumpleto rekados na.. 🤘🔥

  • @nftgamesesports
    @nftgamesesports ปีที่แล้ว

    SOLID GLOC RAP METAL !!! ETO MAGANDANG ROTA NG 2023 MO BOSS

  • @glennaustero4561
    @glennaustero4561 ปีที่แล้ว

    Iba talaga pag reg Ang nag drive at sasabayn pa ni Glock!

  • @PaoloTugano25
    @PaoloTugano25 ปีที่แล้ว +4

    The riffs, the lyrics, the MV. Damn. 🤯

  • @SidLifestyle216
    @SidLifestyle216 ปีที่แล้ว +6

    solid talaga! rap metal ng pinas! congrats mga bossing! lupet ng bagsakan at bitawan ng litanya!

  • @user-be7zx4es7n
    @user-be7zx4es7n หลายเดือนก่อน

    Ganyan dpat hip-hop ska rockista mag sanib pwrsa pra sa opm music supports nalang

  • @vijaymoscare-9567
    @vijaymoscare-9567 ปีที่แล้ว

    Apoy na track...

  • @pacienteaileenr.9384
    @pacienteaileenr.9384 ปีที่แล้ว +3

    Solid ng message ng song grabii pagkakaisa sabay na lumalaban sa hamon ng mundo.. Apaka angas ❤❤❤

  • @themayrinas
    @themayrinas ปีที่แล้ว +3

    Gloc9 goes metal!!!!
    Solid lahat mula sa kanta lyrics pati instrumental.. kung pagod kana sa buhay pakinggan mo lang to. Recharge kana ulit! Greyhoundz mamapa head bang ka tlga. Lupit

    • @HiboboangAitukikay
      @HiboboangAitukikay ปีที่แล้ว

      At dahil dyan magagalit ang dongalo ni andrew e kay gloc 9. Galit si Gamol sa metal

    • @ultimolusimo5774
      @ultimolusimo5774 ปีที่แล้ว

      Di naman metal yan

    • @themayrinas
      @themayrinas ปีที่แล้ว

      Metal sa collab ng greyhoundz idol.
      Parang morphine kings. Kaboses ni glock pero mabigat indtrumental

    • @HiboboangAitukikay
      @HiboboangAitukikay ปีที่แล้ว

      @@ultimolusimo5774 galit rin si gamol sa mga kumakampi at nakikikolabo sa metal kuys

    • @ultimolusimo5774
      @ultimolusimo5774 ปีที่แล้ว

      @@HiboboangAitukikay paano di magagalit yung gamol eh nung di pa sikat ang hip hop mag isa sya lumalaban sa mainstream an underground para sa hip hop kahit binabastos yan sila dati ng mga punkista at metal. Sya ang bukod tanging di nakipag Collab sa mga metal na dahil sa history. At ang musi ni gloc di na pure hip hop. Rap metal na.

  • @mplightsdc2309
    @mplightsdc2309 ปีที่แล้ว

    Bitin ako, gawan ng part 2!!!😁😁😁

  • @ndpdelapena6225
    @ndpdelapena6225 ปีที่แล้ว

    Gangda ng lyrics ng 25 hoooo. Ayos lahat ng mga idol ko nka sakay sa bus.. piro may idol ako na hindi na talaga nasali kylan man... alam nyo na yon kung sino sya.. peace love in music.

  • @unvictorious
    @unvictorious ปีที่แล้ว +3

    congrats Greyhoundz, thank you for 25 years of music

  • @pedztriptv2650
    @pedztriptv2650 ปีที่แล้ว +5

    Instrumenal , lyrical, mga artist and MV napakaaaaaaaaa!!! solid nito ! ❤️🔥🎶🙌🏼

  • @Gigaster
    @Gigaster 18 วันที่ผ่านมา

    ang galing kumanta ni KAP. Pamura naman dyan

  • @criticsunknown52
    @criticsunknown52 ปีที่แล้ว +1

    dati ng rockista at hiphop magkaaway.. ngayon pucha! ganda ng kombinasyon!!

  • @erwindelacruz5151
    @erwindelacruz5151 ปีที่แล้ว +3

    Jam-packed! Busog nanaman mga friendz!!!! 💯💥

  • @purplemoon1033
    @purplemoon1033 ปีที่แล้ว +4

    So proud of being a fan of these artists for 25 years and counting. Nagpalaki sa akin ang musika nyo. Mabuhay kayo! Solid ng mv all star 🤘🏼🤘🏼👏🏻
    PS. Nakakalungkot lang sa sinapit ng Slapshock RIP Jamir.

  • @whinerodz9262
    @whinerodz9262 ปีที่แล้ว

    Grabe nasa isang bus yung mga malulupet na banda at rapper

  • @raider150motovlogph4
    @raider150motovlogph4 ปีที่แล้ว

    si idol gloc 9 lng tlga ang rapper na pwede sa lahat kase kaya nya na sabayan di gaya ng mga ibng rapper na ayun lng tlga ang tema ng pagrarap

  • @baguioboytv
    @baguioboytv ปีที่แล้ว +24

    Mga nakita ko na tao sumakay at nakasakay sa bus. Lakas masyado ng kanta na to 🔥🔥🔥.
    0:20 - Bogart
    0:22 - Med Messiah (Morobeats)
    0:27 - Chito Miranda (PNE)
    0:28 - Ian Tayao (Queso)
    0:29 - ???
    0:39 - Biboy (Queso)
    0:40 - Shanti Dope
    0:43 - Ariel Lumanlan (Arcadia)
    0:44 - Joey Dizon
    0:45 - Paul Eusebio (VOC/Sky Church)
    0:46 - Macky Brilliantes (Stickfiggas)
    0:48 - Felix Rocco???
    1:00 - Ava Mendez???
    1:09 - Steve & Pakoy (Typecast)
    1:10 - Eric Perlas (Tower Of Doom)
    1:19 - ???
    1:22 - Marben Romero (Badburn)
    1:24 - ???
    1:26 - Antonio Brown (Chocolate Factory)
    1:27 - ???
    1:43 - ???
    1:46 - Arci Munoz
    2:07 - Birgin Pakir (Tubero)
    2:18 - Ron Henley (Stickfiggas)
    2:27 - ???

  • @akosihpeso
    @akosihpeso ปีที่แล้ว +5

    "Alisin na sa usapan ang korona at trono.
    Isa lang ang may karapatan - ayoko."
    "Aawit parin kapag pinasabay sa KORO"
    - Gloc-9 (Alalay Ng Hari)
    Wala man si Sir Kiko (Master Rapper Francis M.) ay isinama parin siya ni Sir Gloc. Kung nabubuhay lang si Sir Kiko, it'll be fire from KORO to BENTE SINKO. 🔥

  • @JosephPenalberAkagambit
    @JosephPenalberAkagambit ปีที่แล้ว

    Ganito dapat Ang Pinoy Rap..may social relevance . Unlike sa mga rappers wanna be, puro yabang, patayan at mura

  • @crispysisig
    @crispysisig ปีที่แล้ว +1

    Nobenta'y syete hanggang kasalukuyan
    Kami ang bakal at apoy na walang kamatayan~
    Ang lutong, ang sarap, ang bigat, ang siksik. Nakakalusaw ng mukha sa tinde, mabuhay ang Houndz, si Gloc at ang OPM 😤😤😤

  • @geloamiote
    @geloamiote ปีที่แล้ว

    Instrumentals palang alam mo ng Houndz ang tumutugtog. Distinguishable

  • @Jeromeisantos
    @Jeromeisantos ปีที่แล้ว

    si Ninong Ry !

  • @kramaf
    @kramaf ปีที่แล้ว

    hindi n nappasin to ngayon puro tiktok n lng ngayon...mas o.k p tlga dati

  • @HBOM29
    @HBOM29 ปีที่แล้ว +1

    Ang angas🔥🔥🔥💯💯💯

  • @jeremysins94gaming16
    @jeremysins94gaming16 ปีที่แล้ว

    R.I.P. Replay button ❤‍🔥❤‍🔥❤‍🔥❤‍🔥🔥🔥🔥

  • @erenoereno9753
    @erenoereno9753 ปีที่แล้ว

    Ang lupit! kasama pa si pinuno Elijah Borreros 🔥🔥🔥

  • @lildick7291
    @lildick7291 10 หลายเดือนก่อน +1

    NU METAL NG PINAS👺🔥

  • @wallypanganiban3522
    @wallypanganiban3522 ปีที่แล้ว

    PANALO!!!

  • @annoyingmantra9314
    @annoyingmantra9314 10 หลายเดือนก่อน +1

    tanda ko pa nun galing ako sa pag ka punks pumupunta ng mga underground kalakasan pa noun hanggang pumasok mga rap metal ng pinas..hanggang sa nag ka edad na punta sa reggae music.laki na tlga pinag kaiba ng tugtugan ngaun.salute sa mga musikero

  • @isiaahvaldez5875
    @isiaahvaldez5875 ปีที่แล้ว

    Mga idolo nagsama sama sa iisang bus eyyyy napakasolido 🔥🔥🤘🏼

  • @juanchocris155
    @juanchocris155 ปีที่แล้ว

    kayo talaga ang nanaig.
    Salute Greyhoundz
    Salute Gloc 9
    maririndeeee na naman nanay ko neto
    arcy lang sakalam

  • @Skattyy
    @Skattyy ปีที่แล้ว

    Walang taguan ng baraha mg laro man ng pusoy..

  • @pinoywokcooking
    @pinoywokcooking ปีที่แล้ว

    25 yrs na pala mga ser? Isa nga pala ako sa nagboo sa inyo nung una, at natulala sa bangis nyo pag tapos ng malupit na performance saludosayosundalosapuso

  • @jerneyibanez2694
    @jerneyibanez2694 ปีที่แล้ว

    Ito dpat yng musika sa umaga! Pota llmag kakasama ang mga malulupit!!

  • @daleraymondmariano8690
    @daleraymondmariano8690 ปีที่แล้ว +2

    High school sinsundan namin saan magcoconcert greyhoundz, rakrakan, summerslam etc.. specialistang doktor na ako ngayon greyhoundz pa rin ang hanap ng tenga ko. Salamat mga sir! 🙏🏼🤟🏼

  • @noobLik3s
    @noobLik3s ปีที่แล้ว

    Long live opm Kasama sana Francis m🙏♥️

  • @PoloPi
    @PoloPi ปีที่แล้ว

    GRABE YOWN!