Mga dalit kay San Juan Evangelista

แชร์
ฝัง
  • เผยแพร่เมื่อ 24 ธ.ค. 2022
  • Mga dalit kay San Juan Evangelista ng siyudad ng Tanauan
    TRANSCRIPT:
    Yayang kami'y nanangan
    sa iyong pamamagitan,
    Tugon:
    Sa oras ng kamatayan,
    San Juan kami ay tulungan!
    Sa pag-ibig mo kay Cristo,
    iniwan mo balang layaw,
    pagtawag niya sa iyo,
    inari mo siyang Maestro:
    siya'y tunay mong katoto,
    na parating sinamahan.
    Tugon
    Ang pagliwanag ng mukha
    ni Jesus na Poong Ama
    ay doon mo nga nakita
    sa Tabor na sinalunga:
    dikit na walang kapara
    ng mahal niyang katawan.
    Tugon
    Sa dibdib ni Jesucristo
    naidling ka ngang totoo,
    pagkahugas ng paa mo
    nitong marunong na Maestro:
    asal ni Judas na lilo
    ay doon mo namalayan.
    Tugon
    Sa paghihirap ni Cristo
    sa mahal na Pasion niya,
    sinamahan mo nga siya
    parang tunay na katoto:
    namatay sa pagkapako,
    sakop sa makasalanan.
    Tugon
    Si Jesus na nagdurusa
    niyong sa Cruz nakaripa,
    anak kang pinakilala
    sa kaniyang bunying Ina:
    kami nga kung sa kaniya
    ay kapatid mo rin naman.
    Tugon
    Ang bankay ni Jesucristo
    na iniwan mo sa hukay
    lumabas muling nabuhay
    niyong araw na ikatlo:
    maliwanag pag sa araw
    si Jesus nang iyong tingnan.
    Tugon
    Ang Anak ng Dios Ama
    sa Langit bago umakyat,
    sa iyo ay siyang nag-gawad
    ng sari-saring biyaya:
    balang tao ay nagtaka
    sa iyong kapangyarihan.
    Tugon
    Ang Dios Espiritu Santo
    pangako ng iyong maestro,
    tinanggap mo ngang totoo:
    siyang sa iyo ay nagpuno
    ng lubos na karunungan.
    Tugon
    Katawan at kaluluwa
    ng Virgen Santa Maria,
    nariyan na nga sa gloria,
    at diyan mo sinasamba:
    hingin mong pakinggan niya
    ang aming mga karaingan.
    Tugon
    Sa isang tapayang puno
    ng langis na kumukulo
    nababad ka ngang totoo,
    at utos ni Domiciano:
    katawan mo ay di naano
    at hindi ka nahirapan.
    Tugon
    Ang Apocalipsing mahal
    ay niyari mong sinulat
    sa Patmos sa isang gubat,
    oh Apostol na marangal:
    ang lahat mong iniaral
    ay puspos ng katunayan.
    Tugon
    Oh Martir(o Banal) na pinagpala,
    Apostol, Virgen, Profeta,
    na namatay sa pagsinta
    kay Jesus Haring dakila:
    lubos na ngayon sa gloria
    ang iyong kaginhawaan.
    Tugon
    Sa mga lintik at sigwa
    gutom, salot, pagbabaka,
    kaming alipin mong mura
    sa tulong mo umaasa:
    sa tukso at dilang masama,
    iyo kaming saklolohan.
    Tugon
    Kay Jesus ka manalangin,
    Dios na lubhang maawain,
    na kami ay patawarin
    sa huling pagpanaw namin,
    nang amin siyang purihin
    sa ligayang walang hanggan.
    Tugon
    Idalangin mo tuwina,
    ang Santo Papa sa Roma,
    Obispos at mga Kura,
    Sacerdotes na lahat na:
    Oh bunying Evangelista
    ampunin mo kami at tunghan.
    Tugon
    Yayang kami'y nanangan
    sa iyong pamamagitan,
    Tugon:
    Sa oras ng kamatayan,
    San Juan kami ay tulungan!
    St. John the Evangelist Parish Tanauan FB Page - Audio/Pictures
    Tanauan Historical Society FB group - Pre-war pictures
    Tanauan City Information Office - Procession 2019
    FOR private novena purposes

ความคิดเห็น • 1