Fliptop - Tipsy D vs Frooz | Review Video
ฝัง
- เผยแพร่เมื่อ 7 ก.พ. 2025
- Join this channel to get access to perks:
/ @jjinanreviews
*JUDGEMENT*
Okay, halos katatapos ko lang din matapos reviewhin yung unang unang 3 way battle sa history ng Fliptop at ngayon itong pangalawang 3 way battle naman. Round 1, to be honest same sila na slow start eh. Okay naman yung performance ni Frooz sa unang ikot pero I think hindi enough yung mga angles, references at mga punchlines nia for Tipsy eh. Kumbaga para sakin need pa ng mas mabigat at mas solidong mga linya para maging epektibo kay Tips. Then kay Tipsy naman, gaya ng sabi ko slow start din pero sa 2nd half ng round 1 nia dun na pumasok yung mga punto nia na para sakin epektibo laban kay Frooz. Kaya binigay ko kay Tips yung round 1 sa gahibla lang talaga. Then round 2, dito na bumawi si Frooz. Dito na sya nagpakita ng pagiging well rounded na MC. Bars at jokes kasama na din yung mga multis syempre na dun talaga nakilala ang isang Frooz. Tinding bawi sa round 2 yung pinakita ni Frooz dito at sa round 2 naman ni Tipsy, halos same sa round 1 nia na slow start pa din at sa 2nd half pa din nia nakuha pinaka momentum at yung naging ender din ang isa sa mga dahilan kung bakit nakahabol si Tipsy sa round 2 para sakin kaya binigay kong tie yon. Nagustuhan ko kasi yung mga punto ni Tipsy dito kaya para sakin nahabol nia yung kulit ni Frooz sa round 2. Then round 3, naulit yung performance ni Frooz sa round 1 na hindi ganon ka epektibo at di nia na-close ng maayos at sa round 3 naman ni Tipsy, I think ito na yung pinaka malakas niang round. Level of difficulty ang isa sa mga tinignan ko dito. Men sobrang hirap mag isip ng mga ganon salita hanggang matapos yung round. Props sa ganong multis ni Tipsy na from start to finish. Men, ang tindi non plus isang malakas na ender pa. Qoutable talaga. Kaya round 3 malinaw para sakin nakuha yun ni Tips. Round 1 and 3, Tipsy at sa round 2 naman binigay kong tabla. Tipsy para sa battle na to.
-
DISCLAIMER: Hindi po ako PROFESSIONAL or isang BATTLE RAPPER. Gusto ko lang po magbigay ng honest opinyon at reaksyon sa mga linya at bara na dala ng ating mga BATTLE EMCEES sa tuwing may mga battles sila. Kaya feel free to comment at correct me if may nasabi akong mali or something about sa linya or bars na binitawan nila. Wala din po akong intensyon na kahit na ano. Sumusuporta lang po ako sa Liga.
More Power FLIPTOP BATTLE LEAGUE!!