Maaari bang pitasin ang bunga ng puno ng aking kapitbahay na nasa bakuran ko?

แชร์
ฝัง
  • เผยแพร่เมื่อ 25 พ.ย. 2024
  • Maaari bang pitasin ang bunga ng puno ng aking kapitbahay na nasa bakuran ko?
    Sa episode na ito ng Usapang Lupa, tatalakayin nina Atty. Erwin Tiamson at Atty. George Katigbak kung maaari bang pitasin ang bunga ng puno ng kapitbahay.
    Dito sasagutin ng mga abogado ang mga sumusunod na katanungan:
    1. Pwede ko bang kunin 'yung bunga ng prutas sa puno ng kapitbahay ko kung umabot na ito sa bakod ko?
    2. Ano ang gagawin ko kapag lumagpas na sa bakuran ko ang sanga at ugat ng puno ng kapitbahay ko?
    Papaliwanag rin ang mga batas katulad ng Civil Code Article 679 at Civil Code Article 681.
    Sama-sama tayong manood at matuto. Panoorin ang episode na ito sa sumusunod na platforms:
    Facebook - bit.ly/38ODDLs
    TH-cam - lnkd.in/gRHM-y2B
    Spotify - lnkd.in/g4geJU7s
    #agriculture #lupa #land #laws #batas #UsapangLupa #UsapangLupaSeason3 #Pinoy #FEF #economicfreedom

ความคิดเห็น • 295

  • @kristofferhije2275
    @kristofferhije2275 ปีที่แล้ว

    Salamat po sa inyo mga attys :)

  • @rogelioaguilar8902
    @rogelioaguilar8902 ปีที่แล้ว +12

    .medyo may ka bubohan Ang gumawa ng batas na yan, Yung mga purwesyo na dulot ng trespassing Hindi inintindi tulad nlang ng mga kalat at privacy ng iyong property ay nasakop na pati nutrients ng iyong lupa ay nakamkam din

  • @angelavillanueva3874
    @angelavillanueva3874 6 หลายเดือนก่อน

    My take away…love thy neighbour. Each other should know their place.

  • @OOOOoO-dm5ln
    @OOOOoO-dm5ln ปีที่แล้ว +7

    Ako po ang puno ng langka daming bunga nkatapat sanga sa bintana nila binibigay ko na sa kanila at ung saging na saba hinahati ko isang bulid at binibigay ko sa kanila.

  • @ajiellenabencio0523
    @ajiellenabencio0523 ปีที่แล้ว

    Pinag palang araw sainyo attorney at sa LAHAT ng inyong subscriber.newbe here po.

  • @eclipse5715
    @eclipse5715 ปีที่แล้ว

    Ok malinaw po, salamat

  • @nagirepayzon4934
    @nagirepayzon4934 ปีที่แล้ว +1

    Lumampas na tanim na puno civil code 679 naayon sa property line na 2meters away ang pinaka malapit na sanga.. article civil code 680 pwde ka magdemand sa may ari ng puno na putulin ang nakalampas sa property mo

  • @andreaamit
    @andreaamit ปีที่แล้ว +1

    Salamat sa information, Atty!

  • @jumarvios5274
    @jumarvios5274 ปีที่แล้ว

    Magandang topic Yan atty Jorge at atty erwin... Advance merry Christmas po..

  • @glennortega
    @glennortega ปีที่แล้ว +13

    Siguro i ammend ang batas na yan..para wala po problema..karamihan susungkitin na lng ng kabila yan pag nasa teritoryo nya...lintek ba namn sa kakawalis sa mga nahulog na dahon, bulok na sanga at uod sa sinampay...perhusiyo din nmn...

    • @ednalynjanedayacus6031
      @ednalynjanedayacus6031 ปีที่แล้ว +2

      Feel u po.. Nakakainis yan lagi routine namin.. Nakaka sira din po ng bubong at alulod.. Lagi kami nag lilinis at nag papa gawa.. Perwisyo din po sa mga halaman namin😢.. Pag sabihan putulin nagagalit pa sila.. At ang dugyot nila.. Sorry for my word

    • @jeanestioco6013
      @jeanestioco6013 ปีที่แล้ว

      Kung ndi pwedeng sungkitin at hintayin na mahulog ibig sabihin sira n ung bunga ndi n pedeng pakinabangan mabuti pang putulin nlng at d nakkperwisyo sa bakuran ng may bakuran

    • @ambetamolo152
      @ambetamolo152 ปีที่แล้ว

      Haba nman paliwanag nyan

    • @mayonaise5394
      @mayonaise5394 ปีที่แล้ว

      Ugat o sanga maski dahon o bunga dahil nakapasok sa ibang property...sana kung pinagaaralang mabuti ang pagawa ng batas ng ito pinakasimple lang sana ito pero guinagawa ito ng mga abogado at guingawang komplictado upang pagkspirahan...

  • @cristina-tl9tg
    @cristina-tl9tg ปีที่แล้ว +3

    Yung kapitbahay namin nakasampay na yung halos kalahati ng puno n avocado sa bubong ko. Marami pong bunga. Tuwing humahangin ang ingay ingay Bagsak ng Bagsak kahit gabi. Yung alulod barado na at yung kabila na bulok na dahil sa mga dahon. Pinaputol ko na saka kinuha ko yung bunga.

    • @henryvergara3303
      @henryvergara3303 ปีที่แล้ว

      Ganito din sa bahay ko ngayon.nong nag bagyo ng malakas nabali pa Yong entrance pipe supply ng meralco dahilang nasunod at nawalan kami ng kuryente.buti nalang simula nun pinutulan na Nila ang avocado at sinabi ko din na putulin ko ang lahat na lalampas sa bahay kahit di na ako mag pa alam
      Kaya tingin nalang sila na nanghinayang sa bunga.😂

  • @charliepanis5563
    @charliepanis5563 ปีที่แล้ว

    impormative at nakaka aliw manood

  • @t381666
    @t381666 ปีที่แล้ว +1

    Diplomacy: Bigyan mo ng ginisang bagoong ang kapitbahay na me ari ng manga at humingi ka nalang ng manga. (Barter) ;) You attract more flies with honey than with vinegar. (Salamat po sa inyong video at may natutunan akong bago) :)

  • @joemarjavier9146
    @joemarjavier9146 8 หลายเดือนก่อน

    yes..puwedeng puwede...

  • @OOOOoO-dm5ln
    @OOOOoO-dm5ln ปีที่แล้ว +1

    Yes, pwede noon pa yan, ang damot nmn kung d ibigay sa kanila ang bunga, hindi mo makain kain yan lahat bunga mgbigay ka nmn.

  • @julieco9318
    @julieco9318 ปีที่แล้ว

    Wala Po kaming Puno,pero klangan din natin Ng lilim,Basta lng maging responsable

  • @matheresadeguzman610
    @matheresadeguzman610 ปีที่แล้ว

    Sayang ngayun ko lng npanuod eto. Saklap lng kmi nagtanim iba Ang umaani Yung nang aangkin n ng tanim Namin. Kmi p pinagddamutan.. 4na Puno ng nangga n hitik sa bunga kming me arin hind nkkinabang. Dhil sa kpitnhay n madupang.

  • @carlosalmarinez1567
    @carlosalmarinez1567 ปีที่แล้ว

    atty pa ano po kung ang may ari ng puno ay no read no write at ang kapitbahay ay Mayor ng bayan at pinutol po ni mayor ang puno lalaban po ba ang may ari ng puno sa Mayor..
    100 % po HINDI kac po mayor ehh di ang batas po na yan ay hindi makatao..
    Sobra GENIUS ang may akda ng batas na yan sobra
    ang GENIUS ng mga pilipino sa kagaguhan..

  • @leonidesnicolascaliolio7311
    @leonidesnicolascaliolio7311 ปีที่แล้ว

    Salamat po sa kaalaman po tungkol sa bunga po❤❤😂😂

  • @wififriends9435
    @wififriends9435 ปีที่แล้ว +1

    Ang galing nyo pareho mga Sir👍👍👍im your Subscriber here in California

  • @joeyboy5708
    @joeyboy5708 ปีที่แล้ว +1

    Sa mga nakakaintindi ang sanga pag pumasok sa bakuran mo pwde mo pitasin pero hindi pwde angkinin,

  • @luisramiromagsino5709
    @luisramiromagsino5709 ปีที่แล้ว

    Yong bunga at mga dahon ng bayabas ng kapit bahay namin ay napakalaking purwesyo sa amin. Dahil yong mga sanga ng puno ay nasa bubong na ng bahay namin. Nabubulok na yong yero namin at nag babara na yong aming alulud dahil sa mga dahon at bunga nito.

  • @yolandavaleza2527
    @yolandavaleza2527 ปีที่แล้ว

    Not in favor and unfair. That law should be amended for fairness.

  • @silentthe
    @silentthe ปีที่แล้ว

    Good morning po!

  • @tomasmaglaya78
    @tomasmaglaya78 ปีที่แล้ว

    Dapat ito Ang pag usapan sa Senado para ma amend Ang batas na ito .

  • @quiteriaabuda176
    @quiteriaabuda176 ปีที่แล้ว

    Pagnahulog ang bunga tiyak na hinog na yun at di mo rin mapapakinabangan pagnahulog.pagdi mo naman pinulot lalangawin so ok lang ba ibalik mo sakapitbahay yung lamog na bunga

  • @jojopayawal1234
    @jojopayawal1234 ปีที่แล้ว

    Nanira na ng flooring sewer line, at electrical layout s flooring.ng bahay

  • @stevinnaranjo6728
    @stevinnaranjo6728 ปีที่แล้ว

    Basta punong kahoy na prutas kahit limang metro pa ang distasya lalu na pag mangga talagang aabot sa malayo ang aabutin ng sanga

  • @ReinoDominguez-lg6io
    @ReinoDominguez-lg6io ปีที่แล้ว +2

    Para walang problema..lahat lumampas sa bakuran mo punong kahiy putol agad..wala ng sabi sabi...kasi nakakaperwesyu yan....

    • @jelemstv6733
      @jelemstv6733 ปีที่แล้ว

      Tama dapat pag may bunga na at magulang na ang bunga at ayaw mamigay putulin mo ang pasok sa bakuran mo at ihagis mo sa kanila ang basag na bunga😅😅😅

  • @larrynarvaez1146
    @larrynarvaez1146 ปีที่แล้ว

    Encroachment, hindi trespassing ang tawag sa paglampas ng mga sanga sa bakod ng kapitbahay.

  • @ivanmoroscallo-yv2iq
    @ivanmoroscallo-yv2iq ปีที่แล้ว

    Space yun sakop ng lupa air and space...

  • @anacletofelix1701
    @anacletofelix1701 ปีที่แล้ว +4

    Atty,wala po baakoong karapatan pumitas ng bunga ngtanim ng ng kapit bahay ko,samantalang ang mga dahon nito ay ako ang naglilinis

  • @ryanfalcunit4122
    @ryanfalcunit4122 ปีที่แล้ว

    Daming dami niong paliwanag....

  • @jessieferrer2405
    @jessieferrer2405 ปีที่แล้ว

    Noon kc pg ganyan ang kalagayan ng puno pwedi ninyo pvusapan yan na pg namunga ung manga ay magiging hati kau gayun ung nakagisnam namin sa mga ganyan kalagayan kc kung ipaputol naman nya at my karapatan din sa kabila kya minabuti nalang na hati nalan sila sa bunga nayun kysa mawalan dn ung may ari ng puno kc puputulin ung sanga

  • @jelemstv6733
    @jelemstv6733 ปีที่แล้ว +2

    Lumang batas na po yata kailangang e revise para hindi one sided sa may ari ng puno.

    • @lourdesdevera5025
      @lourdesdevera5025 6 หลายเดือนก่อน

      Kami nga me ari ng puno ng avocado kapitbahay nangunguha kahitvwalang paalam. Respeto lng sana.

    • @lourdesdevera5025
      @lourdesdevera5025 6 หลายเดือนก่อน

      Kahit mga sanga napunta ka kanila kc pinutulan nila. Ngayon masyadong tunaas hindi na nila masungkit. Yung sa amin na nasa tapat ng bubungan namin kinukuha pa at bastos walang paamam. Respeto lng sana.

  • @jojopayawal1234
    @jojopayawal1234 ปีที่แล้ว

    Puede dahil dahon nia perwisyo sa property namitas.

  • @silentthe
    @silentthe ปีที่แล้ว +1

    Sumunod n kmi sa kagustuhan ng care taker

  • @maryjanebitoon7693
    @maryjanebitoon7693 ปีที่แล้ว

    Puwede naman humingi kung away Wala kang magagawa, kanila at puwede kang mag sabi kung nakakapurwisyo na puwedeng paputol nasa batas. naman yan

  • @johntinaco7383
    @johntinaco7383 ปีที่แล้ว

    Bilang bayad doon sa mga nalalaglag ng mga dahon sa bakuran nya kalat po ng kapitbahay ikaw maglilinis bilang kabayaran yung lalampas sya ay pwedeng kumuha.

  • @reynaldovisco511
    @reynaldovisco511 ปีที่แล้ว +1

    Ang batas minsan hindi parehas.. bawal kunin ang bunga na nasa poder mo e panu nmn ang dumi na nagagawa ng puno, mali ang batas talaga minsan..

  • @emmanueldelacruz5831
    @emmanueldelacruz5831 ปีที่แล้ว +3

    Ayaw ko ng mangga gusto ko putolin talaga Ang mga sangga na naka perwisyo

  • @gelliebagsic1301
    @gelliebagsic1301 ปีที่แล้ว

    Hayaan iharvest ang halaman na tumalon sa kabila yong duminbasura at mga kalat taga walis ang kapit bahay.

  • @victoredrada7065
    @victoredrada7065 ปีที่แล้ว

    Hello po paano nman po un mga dahon o sanga n nkka pwerwesyo.

  • @malounavarro3499
    @malounavarro3499 ปีที่แล้ว +1

    yan ang batas but in reality hindi yan nangyayari. yun ngang nasa loob na ng bakuran ninanakaw pa. yun pa kayang napunta sa kabilang bakod ang mga bunga. they are considering na it is for everyone to pick. it happened to me.

  • @manuelgarcia3921
    @manuelgarcia3921 ปีที่แล้ว

    Magpaalam sa may Ari ng Puno kahit pa na nklawit na sa bakuran nio.upang maiiwasan Ang di pag kakaunawaan peace po

  • @linochua5778
    @linochua5778 ปีที่แล้ว

    Attorney pwede Po bng magtanong s inyo Ng problema q..salamat Po Lino Ortillio

  • @maryjanebitoon7693
    @maryjanebitoon7693 ปีที่แล้ว

    Dapat pinaputol yung pumupunta sa kanyang kabilang bakod.

  • @dominadordarang3228
    @dominadordarang3228 ปีที่แล้ว

    Pwede n pitasin DHIL NASA Batas Yan ATTY

  • @FerminBawalan-cn7vv
    @FerminBawalan-cn7vv ปีที่แล้ว +1

    Ah pede Naman makiusap SA may ari Ng puno na makahingi Ng Bunga pag ayaw salamat nalang pag pumayag salamat Ng marami ..Hindi pede na basta Ka kumuha Ng Bunga na walang paalam

  • @arlenereyes3852
    @arlenereyes3852 ปีที่แล้ว

    Ganitong sitwasyon ang dahilan ng di pagkakaunawaam kaya dapat amendahan ang batas kapag nakakasira ng alulod o bubong.Sino ang magpaagawa ng bubong ng nabagsakan ng puno ng kapitbshay?

  • @reyamor1754
    @reyamor1754 ปีที่แล้ว

    Ok

  • @servandosanluis3732
    @servandosanluis3732 ปีที่แล้ว

    Ipaputol nalang dahil sa pagwWslis araw araw sa mga dahong nalaglag. 15 metrs yata ang distansya pag nagtanim ng malalaking puno mula sa bakod.

  • @armandoregala5768
    @armandoregala5768 ปีที่แล้ว

    kapag nakasira sinung mananagot.

  • @jorgelimos5216
    @jorgelimos5216 ปีที่แล้ว +45

    dapat baguhin yung batas n yan, unfair sa kapit bahay n tagawalis ng dahon at dumi dulot ng puno n tanim ng kapitbahay, dapat yung sanga at bunga ng puno ng kapit bahay may karapatan kang putulin at kunin ng bunga dahil ikaw ang naglilinis ng dumi ng puno nila,,, yan ang UNFAIR LAW ng pilipinas

    • @winsletreynon6014
      @winsletreynon6014 ปีที่แล้ว +1

      Tama ka bossing, agree tlga ako sayo boss.

    • @chadynh98889
      @chadynh98889 ปีที่แล้ว +8

      Kalokohang batas, sakit na likod q sa kakawalis ng dahon ng mangga nila, tas wala pa q karapatan sa bungang lumampas na nga sa bakod..ano q, tagawalis na lang😡😡😡

    • @smartconceptfilm5029
      @smartconceptfilm5029 ปีที่แล้ว +3

      Tama po dapat baguhin na , minsan kasi kapag mahulog naturally may sira na ang prutas

    • @edwindelossantos29
      @edwindelossantos29 ปีที่แล้ว +7

      Di lang dahon, yung Indian mango ng kapitbahay nmin nalalaglag ang bunga at nabubulok causing flies infestation, bukod pa sa bumabaho. Ang tanong dapat ba iutos sa kpitbahay na linisin yung kalat nila sa kabilang bakuran? At kung ayaw nilang gawin, may karapatan ka bang ihagis at ibalik sa loob ng kanilang bakuran?

    • @e_mat12
      @e_mat12 ปีที่แล้ว

      Tama k boss. Db seasonal ang pgbunga ng isng prutas halimbawa mangga start ng season is march end in june 4months lng pro ikw 8months mgwawalis ng kalat ng puno nla ms mhaba p yung season ng pgwalis mo. Tpos hnd k pd kumuha. Ulaga ang gmwa ng batas n ito. Solusyon jn putol tlga. Ahaha

  • @Paulosoriano11
    @Paulosoriano11 ปีที่แล้ว

    Pwede maliit na bagay pero kung kaaway tlgang hindi pwede😂😂😂

  • @MikeTest723
    @MikeTest723 ปีที่แล้ว

    Batas na hindi pinag-isipan, sayang ang pinapasweldo ng taongbayan sa mga congressman at mga senador

  • @normannabatar6260
    @normannabatar6260 ปีที่แล้ว

    Hindi ho ako sangayon na mag-maintain ng pagpuputol ng sanga at ugat dahil yong bunga po ay durian at binubutas nito ang aking atip pati na ang paglinis ko sa aking alulod araw-araw ng dahong sumisira sa yero. Kailangan putulin niya ang Puno.

  • @noelsacramento905
    @noelsacramento905 ปีที่แล้ว

    dapat I ammendm yan kc kung inakyat ng may ari puno tas nalaglag ksama ung may Ari sa loob ng bakuran nmin pti ung may Ari sa amin n rin

  • @neilasada8151
    @neilasada8151 ปีที่แล้ว

    kailangan p Po bng magpaalam n linisin Ang kalat ng puno ng kapitbhay.

  • @joeyarevalo7103
    @joeyarevalo7103 ปีที่แล้ว

    pano pag kamoteng kahoy pwede yun kuhanin kasi sa ilalim yun ugat...

  • @jaymanalang7098
    @jaymanalang7098 ปีที่แล้ว +9

    Ang ganda po ng topic..
    Ang tanong kulang po ,,kung ang puno ay 1 meter lang ang pagitan sa dividing line ng kapitbahay paano naman kaya ang senaryo??
    Ang sabi nyo po ang puno kung itatanim ay dapat two meters away from the dividing line ng kapitbahay..
    May puno po kami ng chico dito samin.. At ito'y 1 meter away lang sa bakod naming magkapitbahay.. Pero hindi napo namin kineclaim yung lahat ng bunga ng chico na nandoon sa loob ng kanilang bakuran.. (Nagsanga po kasi ng marami ang chico at lumampas ang iba sa kapitbahay). Considering na napapagod si kapitbahay sa kakawalis ng mga tuyong dahon at iba pang kalat galing sa puno.. Ibinibigay napo namin sa kanila ang mga iyon..

    • @robertomoleno4469
      @robertomoleno4469 ปีที่แล้ว

      ,dapat Naman sana pag 2 meters Ang Puno away sa boundary ay walang karapatan Ang kapitbahay na kumuha NG bunga NG Puno na lumagpas sa bakuran nya, pero pag Ang Puno ay 1 meter away sa boundary ay may karapatan Ang kapitbahay na kumuha NG bunga NG Puno na lumagpas na sanga sa kanyang bakod.Kasi sa batas 2 meters lang Ang distance sa boundary , sana batas Muna sa lupa Ang susundin Bago batas sa puno.

    • @freddiepuerto5195
      @freddiepuerto5195 ปีที่แล้ว

      tama po dahil may vi9lation po dahil hindi na sunod ang two.meters . dahil.mashalaga parin yong relasyon nyo po sakapatid bahay. dahil utos ng panginoon na yon.

    • @freddiecadawas5961
      @freddiecadawas5961 ปีที่แล้ว

      Dapat Naman kase pag nag damot kayo pwedeng IPA putol ang sanga Ng Chico mas mabuti na ung lahat maki nabang SA bunga

    • @jarianasabado3335
      @jarianasabado3335 ปีที่แล้ว

      Eh ung puno ng niyog tinanem ng kapit bahay ko ngaun naka pasok sa bakaran ko kanino na poh un

    • @jaymanalang7098
      @jaymanalang7098 ปีที่แล้ว

      @@freddiecadawas5961 He he he,,Hindi Po naten pwedeng ipagdamot Ang mga bunga.. Sa katunayan nga Po halos lahat ng kapit bahay ay nakikinabang.. Pinamimigay lang namin Po honestly.. Ang Sabi kase,,kapag ipinagdamot daw ang mga bunga ng isang Puno,,hindi na daw iyon magbubunga Ng marami..
      Yearly Po Napakarami Ng ibinubunga chico namin..

  • @renatoparungao4994
    @renatoparungao4994 ปีที่แล้ว

    Thank you po fatty.

  • @rickysalamangca-ln4wn
    @rickysalamangca-ln4wn ปีที่แล้ว

    Pwede pitasin ang prutas pag pag nsa loob ng lugar mo, pag nagagalit sya, sya ang pag walisin mo ng mga dahon nag ka lag lagan sa loob ng bakod mo..

  • @eliseobedania3658
    @eliseobedania3658 ปีที่แล้ว

    Hindi dapat. Yon lang nalaglag ang pwede niyang kujin.

  • @abbbie
    @abbbie ปีที่แล้ว +1

    Hello po. May nabili pong lupa ang magulang ko taong 2008 pa emergency ang bentahan kase po manganganak yung may ari ng lupa. May tax declaration po at pirmado ng nagbenta at mga kapatid pero may isang hindi pumirma. Ngayon po 2022 bebenta na po sana ng magulang ko yung lupa. Kaso po hinarang nung kapatid na binilhan at babawiin na daw po yung lupa at ibabalik yung halaga lang ng napagbintahan o bayaran daw po namin sya at pipirma na daw sya dun sa kasulatan. Ano po kaya pwede naming gawin? Salamat po.

  • @Cocoyz
    @Cocoyz ปีที่แล้ว

    Dapat kasi pag lumampas sa kabila ang bunga dahil di na nman ang owner nag lilinis sa mga dahon doon. Kaya kung ako ipaputol ko na lng para walang gulo...

  • @silentthe
    @silentthe ปีที่แล้ว +1

    Pwede po ba makialam ang Caretaker sa pagbabakod nmin ksi ang demand Nila permanent na bakod ang Kaya lang po nmin kawayan lng muna pansamantala papaderan nman po nmin hindi sa ngayon.

  • @linochua5778
    @linochua5778 ปีที่แล้ว

    Sir attorney pki advise Po pinaaalis n Po kmi s bahay nmn Nung may Ari Ng lupa n inuupahan nmn 40 yrs n Po kmi nakatira s bahay nmn at umuupa Ng lupa bigla lng kming pinaaalis Attorney ano Po Ang gagawin nmn.thanks Po Lino Ng tondo manila...

  • @mariobayudan7752
    @mariobayudan7752 ปีที่แล้ว

    Magtatanong lang po...may ancestral lot kami...tinayuan ng school at tinayuan ng mga bahay...about 50 yrs na nakaraan approx...may paraan pa po ba para ma claim ito...sa n.ecija po ito

  • @gilas-jm6kd
    @gilas-jm6kd ปีที่แล้ว +1

    Pag aralan ang lumang batas at irevise sana...paano nmn kung nakakaperwisyo n ung punong at nakakasira n ng ari arian mo may pananagutan b ung may ari ng puno s kabilang bakod...

  • @leonardocatbagan6265
    @leonardocatbagan6265 ปีที่แล้ว

    Kong ang tanim mo ay nsounta ang sanga sa bakuran ng kapitbahay mo, ang sabi ng batas hindi na sa yo ang bunga, kong gusto mo putulin ang sanga ng halaman mo na lumaylay sa bakuran ng kapitbahay mo

  • @heavenabove579
    @heavenabove579 ปีที่แล้ว

    Di ba ang space above ay pag aari ni mando? Idemanda siya na magbayad sa danos perhuisyos kung hindi puede pitasin.

  • @enzosilao6936
    @enzosilao6936 ปีที่แล้ว

    Paano kung walang 2metro boundary itinanim paano

  • @rosemarieschielmann2553
    @rosemarieschielmann2553 ปีที่แล้ว

    Ganyan ang sitwasyon namin sa germany un kapitbahay namin may tanim na cherry at sila mismo ang nagsabi sa amin un bunga ng cherry na ns aming premises ay pwede naming pitasin kaya kami pag season time sagana kami sa cherry ang mahal nito per kilo sa sasupermarket sa germany

  • @maxjam3066
    @maxjam3066 ปีที่แล้ว

    kung ang puno po sinasabing itinanim ng kapitbahay pero nasa loob na po ng lupa nmin

  • @neilasada8151
    @neilasada8151 ปีที่แล้ว

    napapagod k s kawawalis. halos lahat ng puno ng kapit bhay lampas n s bakuran, NASA TikTok n Po ng bahay, nakakasira nmn Po ng yero.

  • @michellecabajes8992
    @michellecabajes8992 ปีที่แล้ว

    Good morning Po..how about Yung Puno Ng niyog lampas na sa bakuran Ng may Ari tapos nahulog Ang bunga ng niyog natamaan Ang kapitbahay, mananagot po ba ang may ari ng puno ng niyog?

  • @bigogre2572
    @bigogre2572 ปีที่แล้ว

    Question po....ang aming trabajante sa farm....nagtanim ng mais sa lupa namin..na ndi nagpaalam at walang pahintulot sa amin....sinira nya un nakatanim napier plants (mga more than 1 hectare ito) na sadyang pnatanim namin para pagkain ng livestock namin para makatanim sya ng mais...umalis ng walang pilit un trabajante....may karapatan ba po kami na putulin un mga tinanim nyang mais?....at gamitin?...may karapatan ba sya maningil ng damages sa mais nya?....salamat po in advance...

  • @MarkLimOrteras
    @MarkLimOrteras ปีที่แล้ว

    Mabuti magpaalam ka na hihingi ng bunga pero Kong ayaw nya d puputulin mo na Lang yong sanga Kasi puede Rin palang putulin Kong lumampas sa bakod mo.

  • @JenrahSusalo
    @JenrahSusalo 4 หลายเดือนก่อน

    Attorney pano po kung ang bato kasama ng halaman at labas sa bakod nila at nasa kalsada po ano pong mabuting gawin..salamat po

  • @aunclefrancr4341
    @aunclefrancr4341 ปีที่แล้ว

    hindi lang bungang kusang nalaglag ang maaring maangkin ng kapitbahay, maging damak-mak na tuyong dahon nalagas 😀

  • @gundomariano8565
    @gundomariano8565 ปีที่แล้ว

    Halimbawa po kung saging tumubo na lupa namin lumagpas dumami karugtong ito ng itinanim ng kapitbahay.

  • @nolaneugach3831
    @nolaneugach3831 ปีที่แล้ว

    Atty paano naman po yung mga dahon na nalalaglag? wawalisin na lng ba palagi?

  • @virgiliorivera3998
    @virgiliorivera3998 ปีที่แล้ว +1

    Malabo Yung batas na Yan.

  • @samsonobrique2665
    @samsonobrique2665 ปีที่แล้ว

    Mayron akong kapit bahay na araw araw po ako nagwawalis poyde ba po yong dume nya ilagay ko sa harapan ng bagod nya...kasi po sa kanyang dume yan hinde akin.

  • @stevinnaranjo6728
    @stevinnaranjo6728 ปีที่แล้ว

    Atty, paano ang mga tuyong dahon na malaglag sa bakuran pwidi ba namin silang utosan na walisin nila

  • @jeremiasibo9951
    @jeremiasibo9951 ปีที่แล้ว

    Paano kung d parin putulin ng mayari pode ba na ikaw nlng deritsahang pupotol

  • @leonidaulibas9367
    @leonidaulibas9367 ปีที่แล้ว

    Paano namam yung mga dahon o sanga na nalalaglag sa bakuran ng d may-ari ng puno po

  • @markjohnmanguhig6474
    @markjohnmanguhig6474 ปีที่แล้ว

    Tanong ko po yun bang tituladong lupa sa bukid ay pwedeng masali o makuha dahil sa ancestral claim ng isang clan?

  • @MarioLacson-w5w
    @MarioLacson-w5w ปีที่แล้ว

    Papaano yung dahon na bumabagsak sa bubong nakaka bara sa daluyan ng tubig. Ano ang dapat gawin sa may ari ng mangga.

  • @josephbonnet6197
    @josephbonnet6197 ปีที่แล้ว

    Pano ung dumi Ng Puno sa may ari pb mga dahon n nalalaglag s bakod ni Mando pwede po b un palinis s kapitbahay nya?

  • @wilfredocortez8327
    @wilfredocortez8327 ปีที่แล้ว +3

    anong klase batas yan,????? na hindi mo puede kunin ang bunga, pero ang kalat ng puno puede mo kunin!!!! ordinansya ng local government ang kailangan diyan hindi na ang senado....

    • @rongamas5665
      @rongamas5665 ปีที่แล้ว

      Tama Po. At dapat gawan di Ng batas na Ang may Ari Ng Puno, eh lumipat sa kapit bhay para cla Ang mag linis Ng nga duming dulot nito. Ang lagay kapit bhay Ang pagod at Yung may Ari pasarap?.

  • @sherylmalo566
    @sherylmalo566 ปีที่แล้ว +1

    Atty Meron kaming kabit bahay matagal na po ginagawa nila sa amin .Kasi sa bakod po namin inuusog nila Kasi ang reason po nila public land daw.Tama ba reason nila.Ang tanong ko po nagpatayo sila ng tindahan sa tabi ng bakod namin na walang paalam ano po pwede gawin para mapa alis sila.

  • @marlonmasian1625
    @marlonmasian1625 ปีที่แล้ว

    Sir paano Naman Yun kalabasa napunta sa akin lupa Yun sanga at namunga at Yun bunga kinuha ko sapat kat kailangan ko maararo Yun lupa
    Pero Yun bunga binigay ko sa kanina at nagalit Sila dahil hinde paraw pwede kunin

  • @observerev3166
    @observerev3166 ปีที่แล้ว

    Boss may tanong ako, halimbawa atty. nag binta ang tatay ko ng lupa nag slice lang ng kaunting portion ang lupang byan ay may mgab tanim na saging, may karapatan pa ba kami kunin ang bunga ng saging, salamat po sa pag sagot.

  • @luisbermudez642
    @luisbermudez642 ปีที่แล้ว

    Matatandang property minsan ginagawang mohon mga puno kaya kadalasan nagkakaroon ng encroachment.

  • @grrylvnt3807
    @grrylvnt3807 ปีที่แล้ว

    Ang nasa batas po ay 2 meters from the boundary. Paano po pag walang 2 meters, ano po ang karapatan namin sa puno na lumagpas ang ugat at sanga. Pwede po ba namin sabihin na putulin or tanggalin. Paano po pag hindi pa rin nila putulin, may karapatan ba kami na putulin o kaya ipalinis ang kalat ng kanilang puno sa amin property. Sira na ang ang aming bubong at alulod.

  • @antonioalfaro5749
    @antonioalfaro5749 ปีที่แล้ว

    papano kong gusto kong magtayo ng sampong metro na fence sa aking boundary line puwede ko bang putulin ang branches na tumawid sa bakoran ko? ano na namang batas ang magpipigil sa akin.

  • @randyvirrey8407
    @randyvirrey8407 10 หลายเดือนก่อน

    Marami pong nagtatanong pano yung mga basurang dahon sa loob ng bakuran at yung mga bubong at gutter na napupuno ng mga dahon at nagiging dahilan ng pagbara ng alulod at pagkasira ng mga kisame. Parang hindi po nasasagot yung mga ganong katanungan. Ganyan di po kasi ang problema ko sa kapit bahay ko. Na parang ginawa nalang kaming tagawalis ng basura nila mahigit isang dikada na.

  • @shin3355
    @shin3355 ปีที่แล้ว

    Pwede bakit hindi..pero dapat magpaalam ka sa may ari ng puno na iyon... bilang kapitbahay sigurado kaibiigan mo..pero kun ang bunga ng puno na iyon ay naging hanap buhay ng kapitbahay mo..ehh..hindi mo pwede pitasin bawal ata yun...