Malinaw ang sinasabi ng Bibliya na tanging ang Diyos lamang ang ating dapat sambahin. Ang mga pagkakataon sa Bibliya na sinabing sumamba ang tao maliban sa Diyos ay kung sumasamba sila sa mga diyus diyusan na siya ring si satanas at mga demonyo. Si Pedro at ang mga apostol ay tumanggi sa pagsamba ng mga tao (Gawa 10:25-26; 14:13-14). Tumanggi ring magpasamba ang mga banal na anghel (Pahayag 19:10; 22:9). Ang kanilang sinasabi sa mga tao na gustong sumamba sa kanila ay iisa, "Ang Diyos ang inyong sambahin!" Tinatangka ng mga Romano Katoliko na ipagwalang bahala ang malinaw na prinsipyo ng Bibliya patungkol sa pagsamba at ipinagtatanggol ang kanilang ginagawa dahil hindi daw naman nila sinasamba si Maria o ang mga santo kundi iginagalang lamang. Ngunit kahit baguhin ang terminolohiya, hindi maitatanggi ng tao kung ano ang kanyang ginagawa. Ang kahulugan ng paggalang o pagpupugay ay "pagbibigay ng respeto". Wala kahit saan sa Kasulatan na pinahintulutan ng Diyos ang pagsamba o pagpupugay sa sinumang tao kundi sa Kanya lamang. Walang masama sa p sa kapwa natin mananampalataya na umuwi na sa langit (tingnan ang Kabanata 11 ng Hebreo). Hindi masama na igalang si Maria bilang ina ni Hesus sa lupa. Inilarawan ng Bibliya si Maria bilang "pinagpala sa babaeng lahat" (Lukas 1:28). Ngunit walang katuruan ang Bibliya na parangalan, dalanginan at sambahin siya at ang mga santo sa langit. Maaari nating tularan ang kanilang halimbawa, ngunit hindi natin sila dapat papurihan at sambahin sa anumang paraan. Sa tuwing napipilitang aminin ng mga Romano Katoliko na sinasamba nila si Maria, sinasabi nila na sinasamba nila ang Diyos sa pamamagitan ni Maria sa pagpupuri sa kahanga hangang ginawa ng Diyos sa pamamagitan niya. Sa kanilang isipan, si Maria ang pinakamaganda at pinaka kahanga-hangang gawa ng Diyos at sa pagpupuri sa kanya, pinupuri nila ang kanyang manlilikha. Para sa mga Romano Katoliko, ang ganitong pangangatwiran ay maihahalintulad sa pagpuri sa pintor sa pamamagitan ng pagpuri sa kanyang obra maestra. Ang problema sa ganitong pangangatwiran ay paglaban ito sa utos ng Diyos na huwag sasamba sa sinuman o sa anumang bagay na kanyang nilikha, "Huwag kayong magkakaroon ng diyus-diyusan o kaya'y larawan o rebulto ng anumang nilalang na nasa himpapawid, nasa lupa o nasa tubig. Huwag kayong yuyukod o maglilingkod sa alinman sa mga diyus-diyusang iyan sapagkat akong si Yahweh ay mapanibughuin. Parurusahan ko ang lahat ng aayaw sa akin pati ang kanilang mga anak hanggang sa ikaapat na salinlahi" (Exodo 20:4-5). Napakalinaw ng sinabi sa Roma 1:25, "Tinalikdan nila ang katotohanan tungkol sa Diyos at pinalitan ng kasinungalingan. Sinamba nila at pinaglingkuran ang nilalang sa halip na ang Lumalang na siyang dapat papurihan magpakailanman! Amen." Oo nga't gumawa ang Diyos ng mga kagilagilalas at kahangahangang bagay, dapat ngang igalang si Maria bilang isang babaeng makadiyos. Ngunit hindi tayo dapat sumamba kay Maria o maging sa Kanyang mga nilikha. Ang gawin iyon ay isang tahasang pagsamba sa diyus diyusan.
Malinaw ang sinasabi ng Bibliya na tanging ang Diyos lamang ang ating dapat sambahin. Ang mga pagkakataon sa Bibliya na sinabing sumamba ang tao maliban sa Diyos ay kung sumasamba sila sa mga diyus diyusan na siya ring si satanas at mga demonyo. Si Pedro at ang mga apostol ay tumanggi sa pagsamba ng mga tao (Gawa 10:25-26; 14:13-14). Tumanggi ring magpasamba ang mga banal na anghel (Pahayag 19:10; 22:9). Ang kanilang sinasabi sa mga tao na gustong sumamba sa kanila ay iisa, "Ang Diyos ang inyong sambahin!"
Tinatangka ng mga Romano Katoliko na ipagwalang bahala ang malinaw na prinsipyo ng Bibliya patungkol sa pagsamba at ipinagtatanggol ang kanilang ginagawa dahil hindi daw naman nila sinasamba si Maria o ang mga santo kundi iginagalang lamang. Ngunit kahit baguhin ang terminolohiya, hindi maitatanggi ng tao kung ano ang kanyang ginagawa. Ang kahulugan ng paggalang o pagpupugay ay "pagbibigay ng respeto". Wala kahit saan sa Kasulatan na pinahintulutan ng Diyos ang pagsamba o pagpupugay sa sinumang tao kundi sa Kanya lamang. Walang masama sa p sa kapwa natin mananampalataya na umuwi na sa langit (tingnan ang Kabanata 11 ng Hebreo). Hindi masama na igalang si Maria bilang ina ni Hesus sa lupa. Inilarawan ng Bibliya si Maria bilang "pinagpala sa babaeng lahat" (Lukas 1:28). Ngunit walang katuruan ang Bibliya na parangalan, dalanginan at sambahin siya at ang mga santo sa langit. Maaari nating tularan ang kanilang halimbawa, ngunit hindi natin sila dapat papurihan at sambahin sa anumang paraan.
Sa tuwing napipilitang aminin ng mga Romano Katoliko na sinasamba nila si Maria, sinasabi nila na sinasamba nila ang Diyos sa pamamagitan ni Maria sa pagpupuri sa kahanga hangang ginawa ng Diyos sa pamamagitan niya. Sa kanilang isipan, si Maria ang pinakamaganda at pinaka kahanga-hangang gawa ng Diyos at sa pagpupuri sa kanya, pinupuri nila ang kanyang manlilikha. Para sa mga Romano Katoliko, ang ganitong pangangatwiran ay maihahalintulad sa pagpuri sa pintor sa pamamagitan ng pagpuri sa kanyang obra maestra. Ang problema sa ganitong pangangatwiran ay paglaban ito sa utos ng Diyos na huwag sasamba sa sinuman o sa anumang bagay na kanyang nilikha, "Huwag kayong magkakaroon ng diyus-diyusan o kaya'y larawan o rebulto ng anumang nilalang na nasa himpapawid, nasa lupa o nasa tubig. Huwag kayong yuyukod o maglilingkod sa alinman sa mga diyus-diyusang iyan sapagkat akong si Yahweh ay mapanibughuin. Parurusahan ko ang lahat ng aayaw sa akin pati ang kanilang mga anak hanggang sa ikaapat na salinlahi" (Exodo 20:4-5). Napakalinaw ng sinabi sa Roma 1:25, "Tinalikdan nila ang katotohanan tungkol sa Diyos at pinalitan ng kasinungalingan. Sinamba nila at pinaglingkuran ang nilalang sa halip na ang Lumalang na siyang dapat papurihan magpakailanman! Amen." Oo nga't gumawa ang Diyos ng mga kagilagilalas at kahangahangang bagay, dapat ngang igalang si Maria bilang isang babaeng makadiyos. Ngunit hindi tayo dapat sumamba kay Maria o maging sa Kanyang mga nilikha. Ang gawin iyon ay isang tahasang pagsamba sa diyus diyusan.
God bless you! Mama Mary loves you!