'My Puhunan: Kaya Mo!': Dragon fruit juice sa Quiapo, bakit nag-viral?

แชร์
ฝัง
  • เผยแพร่เมื่อ 11 ก.ย. 2024
  • Matagal nang dragon fruit vendor sa Quiapo, Maynila si Sheila Magarso.
    Tama lang ang kinikita niya sa kaniyang mga prutas hanggang sa pumutok ang COVID-19 pandemic.
    "Nu'ng lockdown kasi nu'n, down talaga kami. Dito kami bumawi, sa paggawa nito (ng dragon fruit juice at salad). Dati wala na kami nu'n. Pagkatapos ng lockdown, nu'ng naisip namin ito, bumalik 'yung lahat ng sales namin," kuwento niya kay Karen Davila para sa programang "My Puhunan: Kaya Mo!"
    Nang matapos ang lockdown, sinimulan niya itong gawing juice at salad dagdag sa prutas na kaniyang ibinebenta.
    Gumawa ng ingay sa social media ang naging diskarte ni Sheila.
    Ang produkto niya, puwede sa lahat lalo na sa mga health-conscious.
    "Hindi siya matamis, hindi siya maasim, basta slight lang po talaga," paglalarawan niya.
    Mabibili sa halagang P50 kada bote ang popular niyang dragon fruit juice.
    Aabot sa 100 piraso nito ang naibebenta niya sa isang araw.
    Sa pamamagitan ng munti niyang negosyo, natutustusan niya ang pag-aaral ng lima sa kaniyang walong anak.
    Ang kuwento naman sa likod ng pinipilahang pasulbot, kakaning mula pa sa Quezon province na ibinebenta rin sa Quiapo, panoorin sa 'My Puhunan: Kaya Mo!' kasama sina Karen Davila at Migs Bustos.
    For more My Puhunan: Kaya Mo! videos, click the link below:
    / playlist
    list=PLgyY1WylJUmjJk2miiYrWnq15JWz2E5hL
    For more Tao Po videos, click the link below:
    • Tao Po
    For more latest news and analysis from ABS-CBN News videos, click the link below:
    • The latest news and an...
    Subscribe to the ABS-CBN News channel! - bit.ly/TheABSCB...
    Watch full episodes on iWantTFC for FREE here:
    iwanttfc.com
    Visit our website at news.abs-cbn.com
    Facebook: / abscbnnews
    Twitter: / abscbnnews
    Instagram: / abscbnnews
    #MyPuhunan
    #LatestNews
    #ABSCBNNews

ความคิดเห็น • 11

  • @jocemun2340
    @jocemun2340 8 หลายเดือนก่อน +1

    Ang sarap nmn nyan❤ ano yun, pasulbo?

  • @esperanzaaquino8910
    @esperanzaaquino8910 8 หลายเดือนก่อน +1

    Masarap yan at Mahal D mabili Kung bup dahil mahal

  • @TheMaxi2110
    @TheMaxi2110 8 หลายเดือนก่อน +1

    Great 👍

  • @seeanthonyn
    @seeanthonyn 8 หลายเดือนก่อน +2

    Masarap dragon fruit kaso alalahanin na pag bawas mo sa cr, nagiging mapula ang ebs. Wag mag alala

  • @corazonbandilla8556
    @corazonbandilla8556 8 หลายเดือนก่อน +2

    Wow idol kita mam Shiela nagawa mo more blessings

  • @mariettalagno2520
    @mariettalagno2520 8 หลายเดือนก่อน +1

    Totoo yan maraming benefits yan mam noong nabubuhay si ka Louie Tabing may isang Nanay na ang anak nya only DRAGON FRUIT LANG ANG TANGI NYANG KAININ

  • @gerwinguzon2968
    @gerwinguzon2968 8 หลายเดือนก่อน +2

    😊😇🙏

  • @glenngonzalez2144
    @glenngonzalez2144 8 หลายเดือนก่อน +2

    Parang politiko yang dragon fruit… madaming pangako!🇵🇭🤣

  • @charlie-ge2pe
    @charlie-ge2pe 6 หลายเดือนก่อน

    Masarap kaya lasa ng dragon fruit. Maka dedma ang lasa naman tong si Karen parang halata di niya bet haha

  • @jerryrafael2491
    @jerryrafael2491 8 หลายเดือนก่อน +1

    halatang di ka bumibili ng dragon fruit itatanong pa if pano kainin😅

  • @nandeska8542
    @nandeska8542 7 หลายเดือนก่อน

    Hindi na masarap jan, Hindi na natural ung dragon fruit may magic sugar na sya. Hindi na kagaya ng dati na pure Dragon fruit ang lasa.